Mga Jumper

asassin's picture

Kagabi, habang kami ay kumakain ay mayroon kaming narinig na napakalakas na sabog na akala mo ay may bombang inihagis. Paglabas namin ay yung transformer pala ng Meralco ang sumabog at nagkaroon pa ng apoy sa may poste! Mabuti nalang at ang apoy mabilis  na nawala, kung hindi, sa sikip ng lugar dito sa amin, sigurado magiging abo nalang ang lugar namin.

Ang Dahilan ng pagsabog ay sa talamak na pagnanakaw ng kuryente dito sa aming lugar, kung tawagin ay "jumper", marami dito ay mas gustong makalibre kaysa magbayad sila ng kuryente. Laging may nagrereport sa kanila tungkol sa gawaing ito, may aksyon naman ang Meralco ngunit kaaalis pa lang ay automatik na may magkokonekta agad ng kable.

Ano ba yan..

Hindi ba nila alam ang dulot ng kanilang ginagawa? Dahil sa gusto nilang makatipid ng kanilang pera, sa gawaing ganito ay masama maging epekto sapagkat puwedeng buhay pa ang kapalit ng kanilang pagtitipid?! Paano naman ang mga parehas, kapag nagkasunog damay damay nalang...

Sana matuto tayo sa maayos na paraan....