Mga Katanungan sa Usapin ng Karapatang Ari

notesfromexile's picture

Gaano kaligtas ang mga akda tulad ng mga kuwento, tula at iba pa, na pinopost hindi lamang dito sa FW kundi pati na rin sa ibang sites, na hindi ito kokopyahin (plagiarism) ng iba at maipublish sa ilalim ng kanilang pangalan ng walang kamalay-malay ang tunay na may akda. Kung sakaling mangyari iyon, may habol pa ba ang tunay na nagmamay-ari nito. Paano kung balang araw ilalabas mo bilang isang libro ang mga gawa mo at malaman mo na napublish na pala ang iba?


aldrin t garcia's picture

oo nga no...

paano nga ba malalaman na ang mga pinost ko dito ay hindi kinuha ng iba??

what if one day may umangkin ng gawa ko?

sad...

....itaga mo sa bato...tiyak sira ang itak mo!!!

Rom's picture

may pamamaraan

 may paraan para ma check mo kung may kumuha ng gawa mo. punta ka dito http://www.articlechecker.com/ tapos kung malaman mong may kumuha nga at ipinost sa isang website o blog, pwede kang umapela sa may-ari ng blog. kailangan mong makiusap na tanggalin nya yung naka post na sa iyo at hindi ipinaalam. kung sakali namang nailathala na ito bilang libro, ang natatangi mo lang option ay magdemanda. makikita sa timestamp ng gawa mo kung kelan ito nailathala sa internet kumpara sa date ng pagkakalathala ng magnanakaw. 

sa totoo lang wala pa talagang security measures na epektibo laban sa mga namimirata at nagnanakaw ng intellectual property sa inaternet. pero kung may blogsite ka pwede kitang turuan na i-disable ang right click sa blog mo at maiwasan ang pagkopya ng laman nito. 

 

KarikaTuura

notesfromexile's picture

salamat sa inpormasyon

pero kahit madisable yung right click pwede pa rin nilang gamitin ang 'control C at control V' para mangopya.. 

 

"Walang makakaalala sa iyo kung itatago mo lang sa sarili ang iyong diwa. Pilitin ang sarili mong ipahayag ang mga ito."

Rom's picture

hindi ata epektib ang

hindi ata epektib ang control c at control v sa webpage sa microsoft word lang yun. pero pwede nilang i print screen ang webpage tapos kokopyahin nila ng isa-isa. tedious work yun kaya madidiscourage ang sino man na mangopya. pero kung desidido talaga--wala na tayong magagawa.

 

KarikaTuura