Mga Reason's Bakit Ang Ibang Married Man , Ay May Iba Pang Babae

rose's picture

 Sabi nila ang mga married man daw kapag nalayo sa saya ng asawa ay nagkakaroon ng ibang relasyun sa ibang babae. Minsan may mga natanong ako na mga kaibigang lalake na kasal na at may mga anak na  . Okey ito ang tanong ko??? 

1.) Kuya Happy Ka Ba sa misis mo????? Ang sagot! "OO" naman!  

Tanong Ko ulit ? Bakit May ibang babae ka pa kung happy ka sa misis mo. Sagot Niya "  Syempre naman kung baga sa Ulam gusto ko tumikim ng Ibang putahi kasi minsan nakakasawa na iisang ulam , Yun at Yun ang Lasa. 

Wow nagulat ako at napag -isip May ganun ba talaga. So Knock Down ang reason niya. Hindi Valid! It's not acceptable.  

2.) May Natanong Ulit ako??? Kuya Happy Ka Ba sa Misis mo? Sagot Ulit "OO " Naman! T

anong ko Ulit! Bakit May ibang babae ka pa kung happy ka sa misis mo? 

Sagot Niya! "Ganito Kasi Iyun, Seryosong Mukha Ni Kuya " Mahal ko Ang Misis Ko At Ang Anak ko, pero sa tanong mo na bakit may babae pa ako , Normal lang Sa Aming mga lalake na Mayroong ibang babae, as long as na hindi naming pinababayaan ang Pamilya ko. Pampalipas Oras Ko lang yan, Alam naman niya na may Anak at asawa ako eh! 

Napag-isip na naman ako! Ganun Ba talaga Iyun??? Para sa Akin Knock down na naman.  

3.) May Natanong Ulit Ako?? Kuya Happy Ka Ba sa Misis mo?Ang Sagot " Hindi Na " Tanong Ko "Bakit" 

Sagot: Hindi ko na siya Mahal kaya nag-sasama pa rin kami ng dahil sa bata! pero to be honest hindi na ako Masaya sa kanya. Hindi ko na siya Mahal . Hindi ko na maramadaman yung tulad ng dati na pagmamahal ko sa kanya. Ang mahal ko na eh si Maria, Dahil si maria maalaga, mapag mahal, hindi mukhang pera, at higit sa lahat simpleng babae lang at maganda.    

4.) May Natanong Ulit ako??? Kuya Happy Ka Ba sa Misis mo? Ang Sagot " OO " Naman!  

Tanong ko Ulit! Bakit ???May ibang babae ka pa kung happy ka sa misis mo? 

Sagot:  Syempre Mahal ko misis ko kasi may anak ako sa kanya, isa pa siya ang pinakasalan ko.  Tungkol naman sa tanong mo " Alam mo kasi Mapag-mahal akong Tao, Hindi ako madamot na tao kaya kung may asawa na ako, at may babae pa ako ibig sabihin nun pareho ko sila Mahal."  Ganun Talaga eh ayaw ko naman ipagkakait ang pag-mamahal sa mga babaeng naghihintay ng pag-mamahal ko, at isa pa masyado kasi ako malapit sa tukso at mahirap kasi masyado ako pinanganak na gwapo ng nanay ko kaya maraming babae ang naghahabol sa akin. Wow okey itong sagot ni kuya, parang sana dalawa ang puso ko! napag-isip na naman ako bakit kailangan dalawa ang mahalin niya. Masyadong Mahangin ang sagot ni kuya. 

5.) May Natanong Ulit ako??? Kuya Happy Ka Ba sa Misis mo? " OO " Naman Tanong ko Ulit! Bakit May ibang babae ka pa kung happy ka sa misis mo?

 Sagot : Mahal ko siya dahil asawa ko siya, kaya lang masyado na ako nasasakal sa kanya, gusto na niya na siya ang nasusunod lagi, lahat ng bagay binibigay ko sa kanya pero parang hindi pa enough, puro siya pera pera, minsan maglalambing ako wala pa siya sa mood. Syempre Bilang asawa dapat iniisip niya ang bagay din na makakapag pasaya sakin, at yung pag-aasikaso ng isang asawa hinahanap hanap ko.Yan ang dahilan kung bakit may babae ako, kasi si inday ang nakapag-puno ng pagkukulang ng misis ko, si inday na pinag-sisilbihan ako kahit hindi ko binibigyan ng pera, si inday na tanggap ako kahit may asawa na ako. Si inday na malambing, malawak ang pang-unawa, mapagmahal, sayang nahuli na si inday na dumating eh di sana siya lang ang mamahalin ko. 

Wow si kuya masyadong malaki ang tampo kay misis, kay inday niya nahanap ang mga bagay na pag-kukulang ng kanyang misis. Kaya sa mga misis kailangan maging aware na kayo yan lang ang mga dahilan ng mga asa-asawa kung bakit may iba pa silang babae bukod sa inyo.  Para sa akin humarap kayo sa dambana nag sumpaan na sa hirap at ginhawa mag-kasama kayo, mag-mamahalan kayo habang buhay. Pero ano nangyayari sa mga sumpaan na yan after 5 years mag-hihiwalay din dahil hindi na nag-kakasundo. Dahil hindi na nila mahal ang isa't isa,,dahil nasasakal na sila sa isat isa, iniwan ni mister si misis dahil nung nakilala niya ito ay sexy at maganda dahil sa konsumisyun sa kanya ay tumaba na at napabayaan na ang sarili .

Dahil ang pag-aasikaso nalang sa anak at asawa ang ginagawa, dahil may babae na si mister kaya gusto na humiwalay sa asawa. Maraming mga kadahilanan na hindi natin masisisi ang bawat isa sa atin.

Kaya lang nakakapang-hinayang na nagtatag kayo ng pondasyun, nag-umpisa kayo sa wala, nalagpasan ninyo ang lahat ng pagsubok tapos biglang darating sa simpleng dahilan lang ay maghihiwalay at hahayaang mawasak ang inyong pamilya. 

 Sa mga Married Man diyan sa tabi tabi ANONG NUMBER KA NABIBILANG DITO.???  Continuation…….  

10 TIPS PARA SA MGA MISIS

 1.) Panatilihin ang Kagandahan at ka sexihan para hindi ipagpalit ni mister. 

2.) Laging lambingin si mister, at kailangan lagi may oras kay mister esp. if he needs someone who talk too. Kasi hindi lang isang asawa ang dapat maging papel mo kay mister kung hindi ay isang matalik na kaibigan din. 

3.) Huwag masyado mahigpit kay mister na sa maliit na bagay ay aawayin na agad si mister at mumurahin. Kailangan maging malawak ang pang-unawa mo kay mister.  

4.) Dapat may open communication kay mister lagi mo ipadama sa kanya na kahit anong oras ay nandiyan ka lang para sa kanya na kahit malayo siya , siya lang ang mamahalin mo. 

5.) Huwag masyado mukhang pera lalo na kapag OFW si mister kailangan na ipadama mo sa kanya ang care, trust and love na kahit malayo siya sayo at nandiyan ka para sa kanya , hindi yung nandiyan ka lang pag katapusan tatawag kay mister at itatanong KELAN KA MAG-PAPADALA.  

6.) kailangan kapag kausap si mister laging unang tanong kamusta kana? Hindi yung kelan ang sweldo or kelan ka mag-papadala. Kailangan kwentuhan mo siya tungkol sa mga pangyayari sayo at sa mga anak mo. 

7.) Anytime na maglambing si mister kailangan huwag mo siya hihindian , kailangan ipadama mo sa kanya na kailangan mo siya at hinahanap hanap mo siya. 

8.) Kailangan na ibigay mo kay mister ang 100 percent trust, love, caring, communication,  at kailangan ipakita kay mister na ang priorities mo ay siya lang at ang mga anak mo  at alagaan ang body figure para kay mister. 

9.) Kailangan tulungan si mister kung may problema siya sa work bigyan siya lagi ng emotional support, spiritual support at kapag siya'y nagkukwento kailangan maging good listener ka sa kanya.

  10.) Kailangan bilang ilaw ng tahanan in generally maging mabuting asawa ka, lawakan ang pang-unawa, kapag may konting gusot dapat sabihin kay mister at pag-usapan, kung may mga plano dapat ipaalam kay mister, laging ipadama ang pag-mamahal, pag-aalaga, pag-lalambing, pag-aasikaso kay mister.   

 

Sana naman ay May napulot na kahit konting  Aral ang mga misis  sa TIPS na binigay ko. Hanggang dito nalang po …….. WinkWink 


dyeppri's picture

Nasapul mo ako Bb. Rosas!

Quiet na lang me wala ako masabi eh...

Kung ako tinanong mo: Sagot ko eh.... Try lang naman kung uubra ako sa kanya tapos ayun na umobra nga...Ayaw ko na po sana kaso isusumbong daw ako ke misis! (lagot) Dikit ng dikit... Ayaw bumitiw...

Mabuti na lang nalipat me ng ibang lugar... Hay!!! Saalamat naman.

Ayos kwento mo. Ikaw sa palagay mo ano naman para di ka maiwan?! Masyado ata mahirap ang tips mo sa misis ko...Har...Har...Cool

...........................................................

mananalaytay ang pulang tinta sa itim na pluma...

rose's picture

Tama Ka Diyan!

 ha ha ha. kuya dyeppri actually kulang pa talaga yang reason's na yan, meron pa nga kaya hindi maiwan ni mister ang babae niya kasi magpapakamatay daw ang girl o di kaya nabuntis ni mister ang kanyang kabit o di kaya'y katulad ng sabi mo kahit anong gawin mo diki't ng diki't at sunod ng sunod ang girl sayo kaya hindi mo mahiwalayan.

But anyway Normal lang naman siguro sa lalake ang may iba pang girly bukod sa asawa nila, syempre hindi ka daw masasabing tunay na lalake at tunay na macho kung wala ka girly bukod kay misis.

Minsan may mga lalake din namang matitino na iimpluwensyahan lang at na chachallenge lang ang pagkalalaki kaya nagkakaroon pa ng ibang girl. 

Pero sakin okey lang yan mambabae ka ng mambabae pero huwag lang aabot na kakalimutan mo at mapapabayaan mo ang iyong pamilya, importante hindi ka nagkukulang at nakakalimot sa pamilya mo.

Enjoy lang Mga Kuya!!! Basta INGAT! INGAT ! Lang na huwag mahuhuli ni misis dahil isang beses kang mahuli na may babae ka , mawawala na ang 100 percent na trust sayo ni misis kahit siguro magbago kana nandun pa rin ang kanyang tamang hinala na may babae ka pa rin... he eh he he

Sa susunod ko namang topic.... PAPANO MALALAMAN NI MISIS NA MAY IBANG BABAE SI MISTER.......

KissSmile   

  

dyeppri's picture

Nako Pow!

Naku po! Hindi normal yung pagiging womanizer ng mga lalaki bb. rosal. Huwag mo sabihin 'yan at baka lumobo pa ang papolasyon ng naghihirapnating bansa. Putcha! Bakit kc masarap ang mga bawal. Grrrr!!!

Baguhin mo ang pananaw mo na iyan Miss Rose kc baka humaba ang manliligaw mo.HeHEhe!!! Mga litanya iyan ng isang martir na binaril noong unang panahon sa bagong baryo... Pero andyan na ang makabagong Gabriela na lumalaban sa pagkakapantay-pantay ng babae sa lalakwi!!!

At para sa mga kakosa ko na may lawit at may sabit na---pigilan natin si Miss Rosal sa kanyang tinuran na may bago siyang lathain--- lathain na magbubuking sa kalokohan natin...Sealed (cge nga kung masasapul mo ulit.. intayin ko yan kc magaling me magtago...)

Salamat pow!

...........................................................

mananalaytay ang pulang tinta sa itim na pluma...

rose's picture

ha ha ha!

You make me laugh kuya dyippr! ang sipag mo mag comment ha, siguro wala ka trabaho diyan he eh he he. anyway nung alaw yun martir ako, kaya nga wala ako lalake kasi para daw ako gabriela silang sa pag ka nagger ko he he he.

Kuya kahit anong galing ng tago mo sabi nga raw " Walang bahong hindi sumisingaw " he he he he may Jokes ako.

Babae : hon may nag text sayo, si babe daw.

lalake : ay naku hon uu si pareng bebot yan, kasi nagyaya siya ngayun.

babae : eh bakit babe ang nakalagay sa cp mo.

lalake: naku hon palayaw niya lang yan kasi marami na bebot naka store diyan sa cp ko.

babae: ganun ba o "putang ina" mo basahin mo sabi ng kumpare mo , hindi daw kayo matutuloy ngayun kasi may regla siya!

Toink! huli si lalake, kasi naman bakit babe ang nilagay sa pangalan ni pareng bebot masyado obvious! he he he he  

Susunod na kabanata............????? abangan?????

God bless Philippines!Innocent   

 

 

Tantizm's picture

  Bb. Rose, pwede ko bang

 

Bb. Rose, pwede ko bang hiramin yung joke mo, idadagdag ko lang sa kwentong ginagawa ko. May-aral kasi eh.

Masakit sa ulo ang maraming ka relasyon na babae, pare-pareho din naman ang lasa at patutunguhan yung pagpapaputok ng LIBOG.

Masarap kasi kapag bago, pero nakakasawa din naman. Parang law of gravity lang yan, minsan kailangan mong lumutang para maiban naman ang iyong tinatapakan, pero iisang mundo parin ang iyong tinitirhan. 

rose's picture

Pwdeng pwede!

Hi thank you sa pag babasa ng sinulat ko at pasensya na now ko lang nabasa ang comento mo sa kadahilanan na ako'y abala sa maraming bagay! May punto din naman ang iyong sinabi , na minsan kailangan mong lumutang para maiba naman ang iyong tinatapakan, pero iisang mundo pa rin ang iyong tinitirhan.

Siguro isang beses kang tumikim enough na iyun dahil naniniwala ako na kapag ang isang lalake or babae ay may takot sa diyos hindi niya magagawang manloko ng kanyang asawa, bagkus mamahalin niya ito ano man ang mangyari, tatanggapin niya ito ano mang kapangitan meron ang kapareha niya, at habang buhay silang mamumuhay na masaya.

Para sa lahat masarap mabuhay sa mundo kapag wala tayong sinasaktan at masarap mabuhay na puno ng pag mamahal ang bawat isa sa atin.

GOD BLESS US!Innocent

spike_west's picture

Naku nageneralized na!!

TEka alam kong hindi bagay sa akin ito, kasi wala pa naman akong asawa. Pero di pa rin kasi normal yung sabihin mong 2 ang misis mo. Kahit na sabihin natin na hinid naman nya pinababayaan ang kanyang pamilya, pero ang lokohin mo ang misis mo eh kasalanan na yun, ano pa ang pinag-iba nya sa mandurugas sa divisoria, o ang illegal recruiter na nanloloko ng kapwa. Maliit o malaki kasalanan pa rin yun. Isa pa, ang pagkakaroon ng maraming asawa ay hindi indikasyon ng pagiging lalaki, ang pagiging responsableng ama, mapagmahal na asawa at mabuting tagapagtaguyod ng pamilya , yan ang ang tunay na lalaki at pagkakaroon ng bayag na tinatawag ( hindi lamang isang palamuti).

Ngayon kung ito ang palaging nakikita o nangyayari  sa ating lipunan kaya tatanggapin na lang natin ito, eh para na rin nating sinabing tanggapin na rin natin ang mga magnanakaw sa maynila, mga buwaya sa gobyerno at mga durugista sa bawat kanto.

Sa mga katulad ko ring OFW, kung sakaling kailangan nyo ng lilibang sa inyo, may TFC at GMA pinoy TV naman so manonood na lang kayo ng T.V, sa mga kailangan daw ng companion, aba mag-alaga na lang kayo ng aso o di kaya makipag-usap ka na lang sa kaibigan mo, kung kailangan mo ng pamapaalis init ng katawan, may kamay ka naman gamitin mo...... pangbuhos ng tubig para mawala ang init. kala nyo kung ano na noh!WHahhahah!

Basta maraming paraan, hindi excuse ang malayo ka sa pamilya mo, kasi in the first place kaya ka nasa abroad eh dahil sa pamilya mo, ikaw pa ba ang sisira nito.

Salamat po Bb. Rose, maganda ang sinulat mo, bagamat wala ka pa ring asawa ay nadama mo ang kanilang sentimyento at nararamdaman. Ipagpatuloy lang ang magandang simulain (nice parang comment sa report card ah)

Ingat

SpiKe 

rose's picture

Marami pong samalat!

Marami pong salamat sa walang sawang pagtangkilik ng aking mga aklat, este ng mga sinusulat ko, na siguro kahit walang kwenta pinag-aakasayahan ninyo ng oras na basahin.

hayyyyyyyyyyyyyyyy!!!!!!!! sana lahat ng lalake katulad ni spike! kaya lang sinasabi mo lang yan, kapag nagka-asawa ka , maghahanap ka rin ng iba pang putahi o titikim he he he Jokes lang kafatid na spike!

but anyway salamat po talaga! sobra init dito sa middle east , sarap maghalo-halo sa chowking! kuya dyippri and spike tara halo-halo tayo treat ko kayo. he he he sa chowking middle east!

Innocent  

spike_west's picture

Mukhang masarap yan ah!

OO nga mukhang masarap yun, hindi yung halo halo kundi yung ibang putahe na sinasabi mo!Whahaha!! Joke lang! Palagay ko naman hindi naman siguro ako magtataksil pa, eh heto ngat kasintahan ko pa lang e  hindi ko ring naisip na magluko. Kasi pinagtitiwalaan nya ako, so pinagtitiwalaan ko rin sya, kung masira yun eh di KALIWALI na lang (kalimutan na lang). Iba iba nga lang siguro ang tao. Idol ko kasi tatay ko eh, eh stick to one yun eh kaya gagayahin ko sya! Nice, ikaw ba yan spike???

Basta mahirap magsalita ng tapos pero as of now, yan ang persepsyon ko at paninindigan ko. Kung maganda sya, pipikit na lang muna ako, kung sexy sya,pipikit uli ako. Pero kung seksi at maganda sya, e si Lord na lang ang pumikit kasi talo talo na!!!hahaha!!Joke lang!!

Teka walang chowking dito sa Riyadh eh, o kaya pumunta dyan para matikman ko man lang ang libre no Bb. Rose. Neks taym na lang pero salamat sa pagyaya.

Babasahin ko ang susunod mong post.

Ingat,

SpIkE

rose's picture

WAIT LANG! CORRECTION PLEASE........

Sandali lang po may napansin lang ako kuya dyippri sa tawag mo sakin parang dumami. " Rosal, Rosas, Rose,Rosa" aba ang dami ko nang bansag! kasi nung nasa pinas ako tawag sakin Rosing, nung nasa Bahrain ako tawag sakin, Rosa, nandito ako sa Qatar kung hindi Rose or Rosie tawag sakin boss ko. mga staff naman tawag sakin Mama Rosa.

Wahhhhhhhhh Nakakaloka! ang yung isang Manliligaw ko naman tawag sakin Rosalinda. nung tinanong ko siya Alam mo ba Real Name ko mabilis niyang sabi..." Rosalinda " sabi ko sa kanya gaano ka kasigurado na yan ang real name ko. sabi niya 100 percent daw. nang dahil lang sa pangalan ko na turn off ako sa kanya.. he he he he he kaya knock down siya.

but anyway kuya dyippri maraming salamat sa pagbibigay mo ng oras.... infairness cute ng baby mo ha! hindi mo kamukha. JOkes he he he

 

God bless PhillipinesInnocent

wag lahatin

lets face the truth but im not agree sa kung lahat ng lalake eh nambabae...hndi mgandang example sa tingin ng anak di ba?...for me 1 na lang enough na.....oo tao lang ngkakamali at hndi perpekto but kung maiiwasan both ng lalake at babae eh di walang mabubuong ganun...

Ailem23's picture

makikigulo lang po

nakakatuwa ung flow ng discussions n'yo. napaisip nga rin ako kung bakit ako naglalagay ng comment dito. una sa lahat bata pa ako, ala ako asawa at ala din ako lablayp. pero naniniwala ako na mature akong tao kaya sige, daanin sa kapal ng face at magbibigay ako ng opinyon. ayoko ng babaero. kasi po naniniwala ako sa sacred marriage at kapatid noon si fidelity at unconditional love. pero masyadong ideal un di ba? kaya siguro ala ako lablayp kasi kita ko sa paligid ko ang palpak na love relationaships sa mga kaibigan ko. kapag ganon na kasi na may third party, parang nawawalan ng saysay ang relationship. (may kahati pa kasi sa dapat ay solo mo lang!)

enewei, sana dumami pa ang katulad ni kuya spike. dahil sa totoo lang, endangered na ang mga taong katulad mo kuya spike kaya ipagtatayo kita ng rebulto sa paso sa garden namin. ahehehe... joke lang...

ate rose, marami na rin ako naririnig na ganyan ding mga sagot sa kaibigan ko. ewan ko rin lang sa mentality nila. basta para sa akin walang lugar ang mga taksil!!!! ahahaha... opinyon lang naman ng isang "bata" pagbigyan n'yo na ako.

best regard,

melay

dyeppri's picture

Sabi ni Melanie?!

Sana daw ay dumami pa ang katulad mo Spike? Sabi ni Melanie (na siguradong mag-aagree ang pinsan nya...)

Papano ba dadami? Ang halaman ay dinidiligan ng  mamunga at dumami... Ang bulak-lak ay dinidiligan din... Ang ibon ay naghahanap ng mga makakaparehang ibon para magka-itlog at dadami din ang katulad nya (tarat ay magkaka-inakay din na tarat)... Eh si K Spike... Sa age mo at binata pa at sa stick to 1 mo na prinsipyo ay baka di mo magawa payo nya...Hala maghanap ka na din ng MGA didilig sayo ng mabilis ka dumami! jok! jok!!Laughing

Bilib me sayo pre.. Ayos ka.Cool

...........................................................

mananalaytay ang pulang tinta sa itim na pluma...

Ailem23's picture

kuya ha!

kuya dyeppri, hindi naman kami gaanong magkapareho ng takbo ng isip ng pinsan ko. well, medyo nga...

di ko naman sinabi na magparami ng lahi si kuya spike!  ahehehe. sana lang mas marami pang lalaki ang tulad niya.

yaan mo na, ipagtatayo ko na nga siya ng rebulto sa garden namin di ba?!

ahehehe.

best regards,

melay

spike_west's picture

Teka, sandali lang...

Whahah, gawin ba akong rebulto? Alam nyo di naman ako nagmamalinis (tutal di rin naman ako nagsasalita ng tapos), pero sa akin lang kasi namulat kasi ako sa masayang pamilya kaya sabi ko sa sarili ko dapat ganun din ako sa magiging pamilya ko. Idolo ko ang mga tatay at mga tyuhin ko, na kung saan magkasama pa ring silang mag-asawa hanggang sa huli at sa haba ng panahon.Kaya gagayahin ko sila. Saka yan talaga ang prinsipyo ko.

Pero kung ipagpapatayo nyo ako ng rebulto, unahin nyo na yung mga martir na misis na hinahayaang lokohin sila ng mister nila. At yung mga mister na tumitikim ng ibang putahe eh hinay hinay lang baka mabilaukan ka at mamatay. Hirap nyan baka wala ng makipaglibing sa inyo

INgat lagi,

SpiKE

dyeppri's picture

Pooot!

Bumusina k naman k spike at nasasagasaan ako... Harrrr!!!Sealed

...........................................................

mananalaytay ang pulang tinta sa itim na pluma...

spike_west's picture

Whahhahah!!

Pare, mukhang sapul ka ah!! Pre magbagong buhay na,, malapit ng magunaw ang mundo, baka mamaya nasa kandungan ka pa ng iba maabutan!!hahaha!! JOKE LANG BRO!!

Sabagay mahirap talagang magsalita ng tapos,eh mas amaganda sigurong sa inuman na lang pag usapan yan!! Magdadala ako ng sadike sa UAE!! Imbitahan natin si bb. Rosa Rosal este si bb. rose pala. Nahawa na ako sa iyo bro kasi ibat iba ang tawag mo kay rose.

KAMPAY MO PRE!!!hik hik

 

SpRiTE (SPike)

mga reasons pa..

ineng rose, ala ay binasa ko ang mga komento sa iyong blog, ay magaganda naman. naging jokes laang iyong mga iba ay. pero ay diyan sa iyong mga 10 utos sa mga misis, may nais sana akong idagdag e, ay yaon bagang DAPAT AY TINGNAN NG MGA MISIS NA ANG MGA MISTER NILA AY TAO RIN, at hindi lamang balon ng pera o utusan pag nasa bahay. siya, ay marami kasi sa mga misis, gustong ang gusto nila ang nasusunod lagi, at nakakalimutan na ang mga mister nila ay may damdamin din at pakiramdam e. kaya natututong magluko (daw) ay dahil sa pakiramdam nila ay tau-tauhan na laang sila sa bahay, na para bagang asong turuan dahil misis ang nagpapatakbo sa buhay nila. iyan kasi ang nangyari sa kapitbahay ko hehe.

at senga pala. sa natural ay polygamous ang lalake, sa kalikasan namin yun. kaya lang kasama sa pagiging lalake ang panindigan ang pangako niya, kasama na iyong sa harap ng altar, mahirap man iyon o hindi. ay ano nga ga ang pagkabayani, baril man ay pito at sundang ay siyam, kung ang kalaban ay isang platong pansit? hindi baga? kaya baguhin mo ang iyong paniniwalang babaero talaga ang mga lalake. ang iba lalakero din hahahaha

Ailem23's picture

mr. tbdtbd925

taga-batangas rin po ba kayo?

Doon po sa sinabi n'yo, medyo agree ako kasi may mga kapitbahay din kami na ganon ang sitwasyon.

sa point of view po ng isang bata na katulad ko, hindi po ako agree sa sinabi n'yo na natural na polygamous ang lalaki dahil nasa kalikasan na ninyo iyon. Kung Muslim po kayo baka matanggap ko pa. pero tama rin po iyong sinabi nyo na kasama sa pagiging lalake ang responsibilidad at paninindigan kungbaga. pero kung sa akin lang na opinyon, ayoko sa mga lalaking ganon, pag wala si babae eh lilingon ng sobra sa ibang babae.

definitely, agree po ako sa last statement. oo nga naman may mga lalaking lalakero rin. ahehehe. kung iisipin natin, mas masaklap kaya kung pinagpalit ka ng asawa mong lalaki sa kapwa niya lalaki di ba? (this guy's in love with you pare!)

Best regards,

melay

jealousy29's picture

Ms. Rose

pwede ko po bang iprint out ung 10 tips para sa mga misis???

ipapabasa ko lang po sa nanay ko.... ok lang po kung hindi pwede wait ko po respond nio...

 

salamat po...

 

ngat....Smile

rose's picture

iT'S MY PLEASURE!

Naku maraming salamat sa iyong pagbabasa sa sulat ko. at ipag paumanhin mo kung natagalan ako sa pag rereply nitong komento mo. pwedeng pwede mo iprint yan, kasi sinulat ko lang naman yan upang kahit papano sa makakabasa niyan baka mag karoon kahit konting aral ang mga naisulat diyan.

Sana sa pagbabasa ninyo ay mayroon kayong napulot kahit konting konti lang naman na aral. Na minsan kaya nangyayari ang mga bagay bagay maraming mga kadahilanan, pero minsan may likas na taong walang konsensya na kahit ibigay mo na lahat lahat sa kanya lolokohin ka pa rin. Lagi natin iisipin na kung anong masamang bagay ang ginagawa natin sa ating kapwa, at yun din ang ginagawa natin sa ating PANGINOONG DIYOS.

GOD BLESS US Innocent

ms. rose

hi ms. rose, nbsa q ung ibang blog mo. I am curious kung pwede mo ako matulungan sa talk na pinapagawa sakin ni mama tungkol sa pag-aasawa. i have no idea kasi

 

 

hope you can help me,,,

 

 

thanks 

ilyana's picture

hehehe!!!

Lahat ng mga binanggit mo, me pawang katotohanan naman...Pero sabi nga ng iba "Hindi Normal sa mga lalaki ang mambabae, Korek!!!

pero natural lang sa kanila ang mag deny pag me chiks sila...:-) " Kasi nakasaad yun sa Bible. Kung ang pang 7th commandment ay: "Thou shall not commit adultery!"  Meron naring pang eleven revised version baga:

"Thou shall not admit thy mistresses"

Heto ang kwento kung bakit kailangan nilang magsinungaling...

-------------------

One day, while a woodcutter was cutting a branch of a tree above a river, his axe fell into the river. When he cried out, the Lord appeared and asked, "Why are you crying?" The woodcutter replied that his axe has fallen into water, and he needed the axe to make his living. The Lord went down in the water and reappeared with a golden axe. "Is this your axe?" the Lord asked.

The woodcutter replied, "No."

The Lord again went down and came up with a silver axe. "Is this your axe?" the Lord asked.

Again, the woodcutter replied, "No."

The Lord went down again and came up with an iron axe. "Is this your axe?" the Lord asked.

"Yes", he replied. The Lord was pleased with the man's honesty and gave him all three axes to keep, and the woodcutter went home happy.

Some time later the woodcutter was walking with his wife along the riverbank, and his wife fell into the river. When he cried out, the Lord again appeared and asked him, "Why are you crying?"

"Oh Lord, my wife has fallen into the water!" The Lord went down into the water and came up with Angelina Jolie.

"Is this your wife?" the Lord asked.

"Yes," cried the woodcutter.

The Lord was furious. "You lied! That is an untruth!"

The woodcutter fell to his knees and cried, "Oh, forgive me, Lord. It is misunderstanding. You see, if I had said 'no' to Angelina Jolie, You would have come up with Catherine Zeta-Jones. Then if I also said 'no' to her, you would have come up with my wife. Had I then said 'yes,' you would have given me all three. Lord, I am a poor man, and am not able to take care of all three wives, and I love my wife such that I don't want her to share me with anyone, so THAT'S why I said yes to Angelina Jolie."

The moral of this story is: Whenever a man lies, it is for a good and honourable reason, and for the benefit of others..

-----------------------

PS:

Minsan, kahit gawin na ng mga misis yang mga Top 10 tips nayan, sadyang me mga ibang lalakeng, nagsasawa sa adobo, kahit i revise mo pa sya araw-araw.

Me mga tao talaga, ke babae man o lalake na nuknukan sa pagiging polygamous. Na nahihirapan pigilin ang kanilang raging hormones...Kung si Halley Berry na sobrand ganda at seksi, na betray din ng asawa ang iba pa kaya? mahirap lang talaga silang ispelengin, tatagan ng sikmura lang talaga. At bago kayo magmahal ng todo-todo sa mga asawa nyo, magtira kayo ng love and respect sa sarili niyo...
Wink

rose's picture

I agreed with that!

Hi kapatid na ilyana! i agreed with that !

"Me mga tao talaga, ke babae man o lalake na nuknukan sa pagiging polygamous. Na nahihirapan pigilin ang kanilang raging hormones...Kung si Halley Berry na sobrand ganda at seksi, na betray din ng asawa ang iba pa kaya? mahirap lang talaga silang ispelengin, tatagan ng sikmura lang talaga. At bago kayo magmahal ng todo-todo sa mga asawa nyo, magtira kayo ng love and respect sa sarili niyo..."

Tama ka diyan, may mga likas na taong kahit ibigay mo na lahat lahat , lolokohin at lolokohin ka pa rin. Pero kung ikaw ang taong may malaking takot sa diyos hindi mo magagawa ang mga bagay na makakasakit sa iyong kapwa. " Sabi nga lalake mahalin mo ang iyong asawa na katulad ng pag mamahal mo sa akin, at ikaw naman babae irespeto mo ang iyong asawa katulad ng pag respeto mo sa akin"  At tama rin ang iyong sinabi na wag ibigay nang todo todo magtira ka para sa sarili mo. Kaya ke babae o lalake timbangin mo rin wag ibigay lahat lahat.  

Para sa lahat GOD BLESS US! Innocent

rose's picture

SORI FOR THE LATE REPLY!

Hello blackRose sorry for the late reply, just now got a chance makapag post dito sa FW nag ka problema can't post a comment hanggang na busy na ako. Please i apologized baka isipin mo na i was just ignoring your comment. Pasencya na sana hindi pa huli ang lahat . At sana sa pag babasa mo ng mga blogs ko meron kang natutunan na kahit konting aral. At sana rin nabasa mo yung Buhay pag aasawa! Maraming maraming salamat sa pag bibigay ninyo ng oras sa pag babasa ng mga blogs ko.

Para sa lahat GOD BLESS US!  Innocent