Mga Tupang Aba

dollysbigbaby's picture
|

Sa unang pagkakataon
ganito ang tanong:
Guni-guni lang ba o totoo nga na kinatay ng pastol
ang kanyang alagang tupa?

Sa ikalawang pagkakataon
ganito ang tanong:
Sinadya bang katayin ng pastol
ang kanyang alagang tupa?

Sa ikatlong pagkakataon
ganito ang tanong:
Kapalaran ba na katayin ng pastol
ang kanyang alagang tupa?

Sa ikaapat na pagkakataon
ganito ang tanong:
Anong sumpa ang patuloy na kumakatay ng mga tupa
sa kamay ng kanilang sariling pastol?
Iba't ibang pastol
nguni't iisang dugong dumadaloy sa mga tupa.
Kailan
saan
paano
mapuputol ang sumpa?