Mga Ulap sa aking Ulunan
Mga Ulap sa aking Ulunan
Anong koneksyon ng pagsusulat sa paghinga?
Marami----
Dal’wang linggo na akong ‘di makahinga, siguro bumabalik ang aking hika pero iba ang sabi ng nurse na tumingin sa akin. Doon ko lamang naalala na halos tatlong lingo na akong walang matinong tulog. Sa sobra kasing projects at activities ay t’yak ‘di mo na iisiping matulog. Nangulila talaga ako sa tulog nung mga panahong iyon.
Stress---
‘Yan ang nakikitang dahilan ng nurse kaya nahihirapan akong huminga. Nagha-hyper ventilate daw ako.Di ko alam kung ano ang ibig sabihin noon pero tiyak masama ‘yon. Tinanong niya ako at piniga ang kahuli-hulihang impormasyon tungkol sa kalusugan ko. Ako naman ‘tong si naghahabol ng hininga ay sagot ng sagot. Pilit humihinga sa loob ng isang brown envelope---ang weird na practice para sa isang medical person pero ‘yun ang pinagawa niya sa akin. Not knowing na halos buong klase ay nasa kabilang panig ng pader ng kwartong kinalalagyan ko. Nalaman na ng lahat ang aking hika, minsang pagtaas ng presyon ng dugo at iba pa.
Pag-ibig?---
Biro ni Sir---Andoon pala ang professor ko, nabalitaang nasa klinik na ako at hayun, minamasahe niya ako upang dumaloy ang aking dugo. Namumutla raw kasi ako. Bakit kasi masyado ko raw hinaharass ang aking sarili at ‘di ko man lang daw bigyan ang sarili ko magkaroon ng girlfriend.
“Mayroon na po ‘yan si Alfie, sir, baka nga po busy ‘yan sa kakabantay sa girlfriend nyan kasi baka mauntog at marealize na hindi pala siya mahal---“
Loko-loko talaga ‘tong si Hannah---pero infairness, napapatawa niya ako ng kanyang mga punchline.
Pagsususlat!
Malapit na siguro sa Pag-ibig ang kasagutan---
Matapos ang halos isang oras ng pagratay ko sa kama at paghahabol ng hiniga’y nawakasan din sa wakas ang lahat.Nakakahinga na muli ako ng mulwag.at binigyan ako ng request forms para maggpa-blood chemistry, X-ray at ECG.
At habang kinukuha ng nurse na iyon ang aking blood pressure sa huling pagkakatao’y naunawaan kona marahil masyado nang maraming emosyon at hinanakit ang aking tinago sa aking puso. Siguro hirap na hirap na ito sa pagbuhat sa dami--- Wala akong magagawa… ‘di ko alam ang aking gagawin! Ang Pagsusulat lamang ang nakikita kong paraan para mabawasan ang aking mga dalahin pero sa tingin ko’y ‘di sapat iyon. Wala naman akong malapitan at masabihan, yung t’yak na makikinig sa’yo at ‘di pagtatawanan. “yung tipong seseryosohin ka at hahayaan kang huminga ng malalim at umiyak
Nakakapagod!---
Nakakatakot!---
Tila huling sandali ko na sa mundo pagtumigil akong huminga.
Unang Idlip
Ginising ako ni Adrian.
‘Di na ako madala-dala na ‘di sapat ang isang alarm clock para gisingin ka tuwing umaga.
Last Period na ng Fourth year at sa ilang lingo nalamang ay nasa kolehiyo na ako.Tulad ng tipikal na nangyayari, maraming project, activities at mga kaartehan na pinapagawa mapirmahan lamang ang iyong clearance sheet.
Busy pero masaya dahil andyan ang mga kaibigan ko, mga kaklaseng pasaway at ang dalawa kong matalik na kaibigan ang hinihingaan ko ng sama ng loob, mga pangarap sa buhay at aking mga plano sa aking hinaharap.
Sina Adrian at Yñigo ang tinutukoy ko. Sila ang mga taong handang makinig sa akin sa kahit anong oras,sa umaga, sa gitna ng klase at kahit sa alas dose ng gabi. Naiintindihan rin nila ang bawat detalye ng iyong kwento kahit maingay ang ulan o ‘di kaya kahit malakas ang ingay ng radyo ng sinasakyan mong jeep. Andyan sila palagi kahit anong gawin o kahit kelan mo sila kailangan. Wala silang reklamo.At lalo namang walang magrereklamo kung kausapin mo sila kahit anong oras.
Pero ‘di ibig sabihin sila lang ang kausap ko araw-araw.
Andyan ang mga kaibigan ko mula sa high school. Ang iba nga lang doo’y pulos babae. Sa kalalaki kong tao’y mailap ako sa lalaki---‘di ko alam kung bakit, pero tila natatakot akong mapasama sa aking mga kalahi.
Ayaw ko rin mapasama sa grupo ng mga lalaki dahil t’yak wala silang maidudulot ng mabuti sa aking pag-aaral, sa aking buhay.Lalo na ngayong pasahan ng mga final requirements, makikita mo parin silang nakangiti sa mga pader ng hallway, nag-aantay ng maliligawan o makukursunadahan.Tila wala silang paki-alam kung gragraduate sila o hindi---pero ang laking gulat ko nang naka-akyat sila ng stage nang nakatoga at may bitbit na ngiti kasama ang diploma.
Ako na siguro ang taong nabubuhay sa maraming contrast.
Asiwa nga akong makisama sa mga lalaki pero nagkaroon din ako ng mga kaibigan lalaki.
Simulan natin sa kauna-unahan.
Kapitbahay, Kalaro at kaklase, lahat na siguro ng mga salitang may ‘Ka’ ay maikakabit mo kay Marvin.mabait syang kaibigan pero matindi nga lang magalit. Tulad nang minsang nawala ko ang kanyang sipa ay muntikan na niya ako sapakin sa galit, buti nalang humantong ang lahat sa pagkasira ng aking uniporme dahil sa paghablot rito. Nakakatakot kaya ang mukha niya pag nagagalit, tila walang sinasanto, kakalimutang kaibigan ka niya , maibsan lang ang init ng kanyang ulo. Grade three nung ‘di na kami ngapansinan---‘di dahil sa ayaw naming, kundi dahil sa ayaw ng magulang namin. Nag-away ang mga magulang naming matapos magkabintangan kung sino ang nagnanakaw ng kuryente sa aming lugar. Hanggang ngayon, na nasa third year college na ako ay ‘di parin kami nagpapansinan. Magsisitagusan lamang ang aming mga tingin pag kamin nagsalubong.
Sumunod sila Von, Bryan at Josephus---mga kaklase ko tuwing pasukan ngunit kalaro sa text pagkahinapunan. Naging kalaro ko sila nung lumipat ako ng eskwelahan, mula sa turo ng mgaistriktong madre ay nilipat naman ako sa eskwelahang pinamumunuan ng mga iglesia. Nilipat ako dahil sa halos araw-araw nang nasisira ang uniporme naming dal’wa ni Marvin dahil sa araw-araw kaming nag-aaway.
Sa kanilang tatlo ko natutunang maglakwatsa matapos ang klase. Sa kanila rin ako natuto kung paano maglaro ng computer na ‘di kalaunan ay kina-adikan ko na. Binuo nila ng laro ang isang taon ko sa eskwelahang iyon bilang transferre na grade five.
Simula noon ay ilag na ako sa mga lalaki--- Dahil tumatak sa akin na wala silang kwenta, na ang mga lalaking me kwenta ay ang aking ama, ninuno, mga guro kong lalaki at huli, ang aking sarili.
Binigla ko ang sarili ko mula Grade six hanggang Secong Year High na makipagkaibigan at lagging bumuntot sa mga babae. At bilang resulta, Matataas ang aking grado, mabait sa mga mata ng aking mga guro, at laging ginagawang halimbawa sa harap ng lahat ng mga lalaki.
Ngunit may karma ‘atang kasama ang pagbuntot ko sa mga babae. Una, tinutukso ako ng marami na isa akong binabae (na ‘di talaga totoo!!!---defensive ang keme…hehehehe) . At ang pangalawa’y ang ilang beses kong pagbali sa batas ng pagkakaibigan; ang ibigin ang iyong kabarkada na higit pa sa kaibigan.
Sa gitna ng “kalbaryong” iyon, doon ko nakilala sila Adrian at Yñigo. ‘Di ko alam kung paano pero madali ko silang nahanap at naging kaibigan. Sa kanilang mga tenga ko naibubunton lahat ng aking inis,galit ,plano o kahit anong bagay na lumalabas sa aking bibig.
Ngunit nang nakilala ko sila ay doon ako naging loner. Wala na akong ibang pinapansin kundi sila.
“Sulat para kay Agatha?”, tanong ni Yñigo---halatang mangungulit muli para mabasa ang sulat.
Tango lamang ang sinagot ko at dali-dali kong isinild sa aking bulsa.
Kahit andyan palagi ang dalwa, minsan ay gugustuhin mo rin silang mawala.
Agatha ang pangalan ng babaeng minahal ko mula grade school. Siya ang babaeng hindi nilayo sa akin ng panahon. Biruin mo, nang lumipat ako ng eskwelahan ay may nagpakilala sa akin na babae, kapitbahay ng kaklase ko sa pinanggalingan kong school. At dahil sa kanya, ‘di nahinto ang aming pagkakaibigan. At tatlong taon ang lumipas, Ay tuluyan na siyang lumipat sa aking eskwelahan.
Ngunit nagkaroon ako ng problema. Sa ‘di ko malamang paraan, naguluhan ako. Imbes sa natuwa at tanggapin siya sa aming school ng masaya; eh napatameme ako bigla at ‘di ko na siya pinapansin. Di ko alam kung bakit.
Balik tayo sa kaibigan, Third year ko naman naging sanggang-dikit si Anjo.Magaling ‘yan sumayaw at alam ng buong campus ang love history niyan. Lagi kong kasama ‘yan pag sa mahahabang lakaran, aksidente , pag-aliw-aliw at maraming kwentuhan.
Bago matapos ang taon ay napagdesisyunan naming manligaw. Sa akin si Agatha at sa kanya ay ang kanyang Ex na si Dia.pero iba ang aming istilo. Ako ang manliligaw ke Dia at siya kay Agatha. Naging messager kami ng isa’t-isa.
Walang feedback ang sa kanya pero ang sa akin, Marami!
“Baka atakihin ka nanaman ng katorpehan, Alphie!”
“ Hindi ‘yan, Yñigo.” Pagmamalaki kong sagot.
“Eh ano nang balak mo ngayong sumagot na siya?”
‘di ako makasagot. Napatanga lang ako, Ano nga ba?
Inabot kami ng graduation pero walang nangyari. Buti pa sila Anjo at Dia, nagkabalikan na.
Inatake nanaman ako ng takot…Ano na ang mangyayari?
Paulit-ulit na nagtaning sila Yñigo:
“pagsinagot ka---ano nang gagawin mo?”
“Handa ka na bang magkaroon ng girlfriend?” Dugtong pa ni Adrian, “Naku---mahihirapan ka nang makagalaw niyan dahil sa mayroon na sayong bubuntot sa iyo lagi.”
Patay!---
Ayaw ko pa namang may pumipugil sa mga lakaran ko. Baka ang pagkakaroon ng Girlfriend ang maging sanhi pa ng kawalan ko ng kalayaan.
Inabot ng isang buwan, dal’wa , tatlo hanggang Dalwang taon, At ang sulat ni Agatha ay ‘di ko na nasagot.
Nasagot ko pala, pero isang beses lang…
Nagpadala ako sa kanya ng sulat gamit ang pinakamabilis na Koreo at sinamahan ko iyon ng isang dosena ng bulaklak. Old-school ika nga. Nila. Ginamitan ko iyon ng Koreo kahit na nakatira lang kami sa magkabilang panig ng iisang subdivision.
Musta?
Dal’wang taon na ang nakakaraan pero ‘di ko parin kita makalimutan nang naglakad ka sa gitna ng hotel, suot ang gown na kasing-kulay ng iyong mga mata.
Napahanga ako ng simpleng paglakad mong iyon.
Siya nga pala---Matagal ko na gustong kausapin ka. Pero ‘di ko alam kung bakit pero may kung anong nagpapakaba sa akin at pinipilit niyang ilayo ka niya sa akin. Kaya heto, nagkasya lamang ako sa pagsulat sa iyo.
Kamusta ka nga pala?--- matagal na akong walang balita sa iyo. Anong course mo? Saan ka nag-aaral? Alam mo? Maraming tanong ang naiwan at naiipon sa aking isipan ukol sa iyo. Tulad ng; May nagpa-iyak na ba sa mga mata mong iyan? Ano kaya ang sabi ng hangin, mga patak ng ulan at sinag ng araw sa tuwing dadampi nila ang iyong balat?
At huli, Patawad ng marami---Alam kong alam mo na marami na akong kasalanan ako sa iyo.
Sana magustuhan mo ang mga bulaklak, at sana maalala mo ako. Ang iyong kaibigan...
Till Then,
Daniel.
Daniel---isa sa mga paborito kong mga codename, di ko alam kung bakit.
Dagdag pa ni Adri---
Sya nga pala, Kilala mo pa ba ako? Text mo ko pag nakarating na sa iyo ang mga bulaklak at ang sulat kong ito.
Sabay lagay ng cellphone number at e-mail address ko.
Hindi ako nag-aantay ng sagot pero mayroon akong natanggap na nagpagaan ng loob ko kahit papaano.
Musta?
Salamat sa sulat at
sa bulaklak ha.
Gumaan nga ang loob ko pero bumalik uli ang aking takot.
“Bakit na naman ba?”
‘Di ko masagot si Yñigo at tutok na tutok ako sa hawak kong cellphone. Inagaw niya ito sa akin.Sabay text---
Salamat naman at nagustuhan
mo…Nga pala---kilala mo na ba ako?
Ipinakita sa akin ni Yñigo ang kanyang tinayp at tuluyan na niya itong sinned.
Alfie? ‘kaw nga ba
‘yan ‘di ba?
Lalo akong kinabahan. Kilala na niya kung sino ako.
Pano mo nalaman?
-------------------------------------------
Wala lang,
Alam mo,
Nasa akin ko parin hanggang
ngayon ang mga sulat mo
nung high-school.
Maganda parin
ang penmanship mo.
----------
Natotorpe ako! Tama… yun
Napapadalas ang paggamit ko sa katagang “di ko alam kung bakit.”
---TO BE CONTINUED
Phil. Copyright 2007


