MIKROPONO (Halaw Kay Jose Maria Sison)

Allanjohn Andres's picture

-

-

-

-

-

-

-

-

-


Ang matandang kura, isang Linggo nang umaga,

ay nag-usal ng pangaral sa aming lumang kapilya.

Sa tinig na nangangatal ay banal niyang nawika

na mapalad kami sa dilang pinagpala. Si Señor Ganire

na sinuwerteng negosyante, pati si Don Ganito

 

na pilantropong asendero, silang kagalang-galang

at mga totoong Kristiyano, alang-alang

sa kawang-gawa kaya't naririto:

ang ambag sa kapilya, isang bagong mikropono.

 

Sumakanila ang gantimpala, aniya ng kura,

at kasihan sila nawa ng mas marami pang biyaya

dahil sa wasto ginamit anumang kaloob ng langit

simbahang tahimik, umalingawngaw ang tinig.

 

Dumagundong mula sa bulok na kampanaryo

ang sermon at awiting lumukob sa buong baryo.

Paggunita ito sa nakatatawang pangyayari,

at sa katotohanang pinapangaral ngayon ng pari

 

na mangyari: huwarang dapat ikarangal ng madla

silang mga santo-santita ng pagwawalang-bahala

habang sa isang banda'y hayag rin niyang kinukutya

ang naglalaho na naming pagtitimpi at tiwala.


Rhea Stone's picture

!

 

Rhea Stone likes this.

 

(*hehehehhe, parang Facebook lang*)

 

http://reyastone.blogspot.com/

 

Allanjohn Andres's picture

-

 

Mas ok kung lalakipan mo rin ng energy pack at pasaporteng Thai itong Facebook comment mo.

Palibhasa, lumalala na nang lumalala ang atraso natin sa ibang makata. Dapat humingi na tayo ng proteksyon sa mga sindikato!

Kasa mo, Kosa!

d-younker's picture

ganda aman.^^

ganda aman.^^

Allanjohn Andres's picture

;-)

 

Maraming salamat!

Subalit higit ang pagpupugay kay Jose Maria Sison at sa kaniyang tulang "Last Sunday" na siya kong pinagbatayan nitong aking halaw.

 

 

leigh13diwata's picture

clap! clap! clap!

parang ang sarap gawing sabayang pagbigkas nito.. dagdag mo lang ng mga 4 hanggang 6 na stanza pa... maituro sa mga eskwela ng catholic school.. hehehe 

... bata-batuta... malaki ang batuta...

Allanjohn Andres's picture

kumusta ;-)

 

Itago na lang natin dito. Atin-atin na lang, haha.

Maraming salamat uli sa 'yo, sir.

Tagay!