Minsan, Kume-Kpop Din ang Balahura: Mga Obserbasyon sa Nagdaang Kpop Convention
High school palang ako, Japan na nagmamay-ari ng puso ko. Anime, manga, JRock, JPop, JDrama… at kung anuano pang J ang kinaadikan ko. Ngayon, alam naman nating lahat na huminto ako pansamantala sa MA ko sa Comparative Literature para magpaalipin sa salitang Nihongo. Gumigisin ako ng bago mag alas siyete araw araw para magsulat at magsalita ng Hapon. Kahit makasalan para sa kin ang bumangon bago mag-alas otso, napagisip-isip ko din na paminsan, nararapat lang na magsakrpisyo para sa pangarap.
O baket, pangarap kong maging Japayuki. Ano, may reklamo ka?
Ehm. Pero ganun pa man, paminsan-minsan hindi ko ding maiwasang makinig sa kung anong uso, at hindi natin maipagkakaila na sinasalakay na ng mga Koreano hindi lang ang airwaves, pati na rin ang mga music channel. Nandyan ang 2ne1 (Dara na daw si Sandy), SNSD (grupo ng siyam na babae na may mga legs na kasing haba ng forever), DBSK (grupo ng mga lalake na gusto kong makasama forever, kung pwede lang), SuperJunior (ewan ko ba kung pano nagkasya sa isang grupo ang labing tatlong lalake, pero in fairness, magaling sila), at syempre, nandyan ang Wonder Girls (I want nobadeh nobadeh batchu!). Eh dito palang sa bahay eh, hindi lilipas ang araw ng hindi pinapakinggan ang ‘Chocolate Love’ ng SNSD ng mga 532 times a day. Sino ba naman ang hindi madadale, kahit pa kaunti lang.
Yung kabarkada ko din kasi, Reyna-reynahan ng Kpop. Siya din ang isa sa mga organizer ng pinaka-unang Kpop Convention dito sa Pinas. Tulad ng ibang mga Pinoy Fan Communities, hindi masyadong napapansin ang Kpop Community sa global network. Oo, nandyan sila, oo wild sila, pero hindi maipagkakaila yung katotohanan na ni minsan wala pang ni isang Kpop (o kahit Jpop) na grupo na pumunta dito. Para bang dinadaan-daanan lang tayo, eh hindi ba nila alam na ang Pinoy pag nag-adik, daig pa ang pinaka-malupit na durogista? Susmaryosep. Ilang beses pinapatugtog ang ‘Nobody’ sa isang araw?
Nung mga panahong ginagamit ako ng kaibigan ko na papangalanan kong ‘Mishi’, para magsulat ng ilang ads at press release para sa Kpop Convention, hindi ko maiwasang matuwa, kasi pansin ko talagang hindi magpapatalo ang mga Pinoy. Pag may gusto talagang gawin, talagang gagawin eh. Talagang gagawan ng paraan. Maliit lang ang kpop community, pero nagawa nilang mag-organize ng bonggang bonggang event na hindi lang para sa sarili nila, para sa Gawad Kalinga pa.
Sige, sabihin na nating, Kpop fans lahat ng dumumog sa event. Pero ang mga ‘forces’ sa likod ng event na yun, yung mga nagplano’t tumulong para maging posible ang ganun kalaking event, nakaka-bilib. Maliit lang ang budget nila, pero dahil nagtulong-tulong lahat ng fan clubs, nagawa nilang makukuha ng madaming sponsor para sa proyekto nila sa Gawad Kalinga. Higit isang libong tickets ang nabenta, at madami ding nagpatayo ng mga booths. Lahat ng proceeds alam ko pupunta sa GK. Pano ko nalaman? Ni sinkong duling kasi ayaw gumastos ng kaibigan ko, kahit pa venue libre, kasi lahat yun ibibigay nila sa charity. Eh ako nga hindi binabayaran eh. (Haha). Natuwa din ako kasi yung mga booth doon, nagparticipate at nagbayad. Sabihin man nating kumita sila, yung pinangbayad nila para sa booth, mapupunta din sa charity.
Nakakatuwa lang, kasi may chance nang mag-conglomerate ang mga super enthusiastic fans ng kpop, nakatulong pa sila.
Pumunta din ako sa Kpop Con, kasi unang una, yung utol ko eh nag-aadik. Pangalawa, inutusan akong maging ‘fotographer’ at writer ni Mishi (pero wala din naman akong masyadong matinong kuha). Pangatlo, magpe-perform sa event yung alaga kong Mentalist na trip na trip akong gawing Manager, Road Manager, PA, at photographer pero hindi naman ako binabayaran. O siya, sige, punta ako dun para makatulong na din ako. Tutal, nadamay na din naman ako sa preparasyon, tuloy-tuloy na.
Pag pasok ko sa Star Bazaar, hindi ko alam kung mawiwindang ba ko o masisiraan ng bait. Dahil bonggang bonggang wild ang mga tao. Unang una, nawindang ako sa mga costumes. Sabihin man nating hindi mukhang koryans yung cosplayers, astig pa rin yung costumes nila. Nandun yung ‘illusion’ ng grupong ginagaya nila. Tuwang tuwa naman ako’t nakita ko ang SNSD cosplayers na pinagpipipicturan ko kahit hindi ko pa nakukuha ang ‘MEDIA’ i.d. ko (na ninenok ng nasasasabing Mentalist). Nandun din ang 2ne1. Wala yata akong napansin na boy band, pero nagfa-flash sa screen ang mga music videos nila, na siya namang tinitilian ng mga tao. Ang comment nga ng kasama kong si Jeff, ‘Parang wala sa mga ipod nila eh no.’
Pabayaan nalang. Fans eh. Naiintindihan ko sila kahit papano kasi kung si Mizushima Hiro o kaya si Mark Feehily (ng Westlife… Oo hindi siya konektado, I know) ang naka-flash sa screen, malamang nag roll-over ako dun.
May moment pa na biglang na-hype ang sangkatauhan. Biglang nagtilian at the top of their lungs tapos nag converge sa iisang booth. Puro flash ng camera ang nakikita ko. Tulakan to the max. Ako namang si ‘MEDIA’, nakipagtulakan din dahil karapatan at tungkulin kong picturan ang sinumang celebrity na dumating. Pero nung nakita ko kung ano ang pinagkaguluhan, parang nanghina ako’t ginustong mag eggroll. Sumakit ang bangs ko ng bonggang bongga. Napakamot nalang ako sa ulo, at bumalik kung san naroon ang mga kaibigan ko.
Sige, aamin akong medyo fan na din ako ng Kpop. Pero hindi sa puntong makikipagpatayan ako’t magtiti-tili para sa isang hamak na life-sized cardboard ng kpop personality.
I’m very sorry.
Pero in fairness, kahit naloka ako sa nangyari, natutuwa naman ako sa kanila. Nakakatuwa ang enthusiasm ang pagaadik nila sa Kpop. Sa tuwing may mga cosplayers na magsasayaw ng mga kanta ng idol nila, sobrang hype, sobrang tilian. Para bang yung mismong mga idol na nila yung sumasayaw sa harap. Parang natuklasan ko din na ang mga ganitong convention talaga may illusion, may magic. May dominanteng ere na bumabalot sa lahat ng tao, kaya lahat sila parang may mga kitikiti sa pwet. Lahat ng ngiti kumukuti-kutitap. Wala man sila sa Korea, wala man yung mga idol nila, nandun yung mga cardboard at costumes na tumutulong sa pagbubuo ng ilusyon.
Tsaka bilang fan, alam ko kung ano ang pakiramdam na makasama ang mga kapwa mo fan. Masarap mag-adik kasama ang mga kapwa mo adik.
Para akong bisita sa con, kahit na may access ako sa kahit anong sulok dahil sa kumikinang kong ‘MEDIA’ id (na hindi ko na masisilayang muli). Hindi ko mundo yun, pero natuwa naman ako’t naging parte ako ng hype kahit papaano. Mula sa preparasyon (pagsulat ng ads at press release at memorandum, pati pag-asikaso sa alagang artista), hanggang sa mismong pagpunta sa convention (pagkuha ng litrato ng mga cosplayers, at ng alagang artista), nagpapasalamat din ako’t nabigyan ako ng pagkakataong makisama sa proyekto na hindi lang para sa fangirls, para na din sa mga tunay na nangangailangan ng kalinga.
Hindi ko minsan naisip na ang isang event ng pag-aadik ay pwede din palang lagyan ng lalim. Nagiging event din ito ng pagtulong.
Sana, mas marami pa. Kahit na magsipag-sigawan sila sa cardboard, sige, pipicuturan ko na din pati yung mga cardboard. In fairness, pogi naman kasi.
http://orewatensai.wordpress.com
j-rock
ako naman ang hindi pa nakaka-experience ng k-rock dahil puro asukal ng kpop ang naririnig ko. haha. sige masubukan din nga. hindi pa ko guma-graduate sa SNSD at Super Junior eh. Pero kung JRock ang paguusapan, nako madami ngang astig dyan. :D
try mo na din sa youtube maghanap, madami dun.
apir tayo!
-----------
sa youtube din ako
sa youtube din ako naghahanap. dun kasi sa 4shared.com, ang konti ng nakuha kong japanese at anime songs. pero kahit sa youtube mukhang nadownload ko na lahat ng kanta nung artist na yun kaya hanap naman ako sa iba. kung susubukan mo ang jrock, rekomended ko si takui nakajima dahil siya lang naman kilala ko.. nyahahaha.. pero da best saken yung stay together, calling you, drive my limo, hitori ni naru koto ga kowakatta, message, etc. yan ang mga top pick ko sa mga kanta niya. kahit di ko gets buong lyrics niya okey na den.. mukhang naiintindihan ko naman kahit konti yung ibang part...
--------------------------
try mo naman mag-sign up
try mo naman mag-sign up sa http://z-degrees.net nandun ang mga bagong albums ng asian artists (pero wag ka nang maghanap ng pinoy). tawagin natin silang, singkit artists. try mo din maghanap sa livejournal, madaming naka-kalat dun.
sige susubukan ko yan si takui nakajima. haha. ikaw, try mo naman si gackt. sobrang emo pero masarap pakinggan pag urat ka na sa buhay. tsaka aquatimez... pero may pagka-pop ang aquatimez. :D
meron din pala ko ng medyo
meron din pala ko ng medyo pop ang dating... meron ding mga revival at covers ng english songs.. naaliw ako dun sa top of the world nung isa pang singkit artist.. ginamit ata yun sa tokyo drift na pelikula.
isesearch ko si gackt.. hehe..
inaaral mo pala yung nihongo at korean language. ang galing mo naman. buti ka pa samantalang self introduction na nga lang ang alam ko sa japanese sablay pa. 
gudnyt muna ko sa thread na to at baka di ako magising mamaya. hehe..
--------------------------
haha. hindi pa ko
haha. hindi pa ko nakaka-experience ng ganun karaming revivals. hindi ko kasi alam kung matutuwa ako o mawiwindang sa pag-revive nila. haha. naku nihongo lang ang inaaral ko. sobrang toxic nga eh,dahil nasa kanji na kami. makasalanan pa ang oras ng klase. biruin mo alas otso ng umaga.
hindi ko din masyadong feel ang koryan kasi medyo baka hindi na kaya ng IQ ko. hahaha. overload!
ano, nagising ka ba? hehe.
oo nagising ako. pero
oo nagising ako. pero inaantok na uli ako. hehe. ganyang oras din klase ko ng nihongo ko dati. alas otso ng umaga.
sinearch ko na si gackt at ang daming results.. di ko nga malaman kung ano uunahing idownload pero sabi nung isang koment sa youtube pinakagusto niya daw yung fragrance at rain. sayang yung fragrance lang nadownload ko. nagnanakaw lang kasi ko ng wifi sa sm at nagloko na connection dito.
work-related ba yung pag-aaral mo ng nihongo o gusto mo lang talaga?
--------------------------



k-rock
tamang-tama ang post na to.. di ako kpop fan pero nagbabalak pa lang akong maghanap ng mga korean rock songs. uuhhmm... k-rock? bukod kasi sa japanese rock songs (by a certain artist) e interestedo din ako sa mga koreanovela love songs kaya gusto ko rin sanang subukan na din ang korean rock. igu-google ko 'to some time...
--------------------------
www.lapisatkeyboard.blogspot.com