Ganito na ako ngayon...paano na ako bukas? (Shabu-Shabu sa Singit, Samaa'y Swanget)
Magpapaalam lang po ako,
Sisimba lamang kami ng mga ka-text ko
Siyam na buwan lang
May bibinyagan
Simbahan ng kabataan
Malalamig na silid
May short time, may three hours.
May group project po kami.
Ilang linggo lang
May sex scandal na kakalat
Sa Quiapo, sa Cubao
At sa overpass, sa underpass
At sa may pintuan ng mga unibersidad.
Aatend lang po ako ng party
Sa basket ball court
Sumasayaw ang ilaw na may kulay
Walang anino sa gitna ng sayawan
Sa tabi ng sulok
Madilim
Mga aninong gumagalaw
Mahaharot
Malalaswa…makasalanan!
Sa gimikan,
Yes na Yes!
Sa Margarita walang sabit!
Sa pale pilsen laging bucket,
Sa sigarilyo, buga-hithit!
Laging absent sa social service,
Perfect attendance, sa counter strike
Sa Dota’y laging da best!
Ang kikay kit, complete sets
Sa pagti-text ang lulupet!
Asayments sa iskul, laging sabit.
Naglaho na si Maria
Si Andres…
Si Pepe.
Sumanib na ang Kanluran.
Pumasok na ang Hilaga, ang Timog.
Lumambong na ang Silangan.
Nagpatianod, lumangoy…
. Nalunod.
Umanlad ang mundo.
Nilukob na ng makabagong agham.
Nilamon ang kultura, ang moralidad.
Tuluyan nang tinangay ang kabiyak ng tsinelas.
Tinangay na ng malakas na hangin ang saranggola,
Ang abaniko…
Nawalan na ng gatong ang lampara.
Ako ay ako, at ang ako, ay ako pa rin, walang katapusang ako. Dahil ako ay ang ako. at ang ako, ay ako habambuhay.


Masyado namang
Masyado namang generalized/stereotyped ang kabataan dito. >.< Tingin ko rin ay walang kinalaman ang kanluran sa kalibugan ng mga kabataan. :)