morning star

ellise dominic's picture

     may isang article sa inernet na nabasa ko noong isang gabi.  hindi ko alam kung bakit masyado akong nafafascinate sa stories about angels.  in one of my searches sa story ni Saint Michael the Archangel, nabasa ko na gumawa ang Diyos ng mga Archangels, si Saint Michael, Saint Raphael, Saint Gabriel at si Saint Lucifer na tinawag ding the light bearer o morning star dahil sa kanyang liwanag. 

     ayon sa story nagselos daw si Saint Lucifer kay God.  Gusto niyang maging hari gaya ng Diyos kaya pumunta siya dito ay sinabing mag aalsa siya.  Hinayaan naman siya ni God dahil sa free will at alam niyang ang pakikipaglaban ni Lucifer ay magdudulot dito ng kabutihan.  kaya naman itong si Saint Lucifer ay lumibot sa buong langit at nagrecruit na mga anghel na gaya niya ay ayaw na ding magpasakop sa Diyos, at ang mga anghel na ito ang naging army ni Lucifer.  according sa story 1/3 ng mga angels ay sumanib kay Lucifer.

     ito namang si Saint Michael ay sobrang loyal kay God kaya nagpaalam siya sa kanyang hari na bubuo ng army para labanan ang army ni Lucifer.  nagtagumpay siya at hinulog niya sa earth si Lucifer na mas kilala natin bilang si Satan at ang kanyang mga kaalyadong anghel na sa paglaon ay tinawag na mga demons.  dahil sa pagtatagumpay ni Saint Michael sa labanan ay ginawa siyang leader ng mga angels.

     sinasabi din na sa end of time ay maglalaban ulit ang mga anghel ng langit at mga fallen angels at mananalo ang mga anghel ng Diyos.

     nang mahulog si Lucifer at ang kanyang mga anghel sa lupa, tinukso nila ang mga tao para talikuran ang Diyos.  pero nang ipadala ng Diyos si Hesus at nagpakamatay ito para sagipin ang mga tao at buksan ang langit para sa kanila lalong nagalit si Lucifer.   hindi niya matanggap na ang Diyos ay papasukin ang mga tao sa langit samantalang siya na isang arkanghel ay hindi na makakatuntong ulit sa paraiso. 

     aaminin ko nang mabasa ko ang article na ito naiyak ako.  totoo nga naman, bakit ang tao na makasalanan at mahina ay binibigyan ng chance ni God na makapasok sa langit samantalang ang kanyang mga dating anghel na nahulog sa lupa ay hindi pwedeng pumasok ulit sa kaharian niya.  ang tao na sobrang daling tuksuhin ni Lucifer ay pwedeng makaakyat sa paraiso samantalang si Lucifer na isa sa mga archangels ni God ay hindi na kahit kailan makakapasok sa langit.  kung tutuusin ay parehas din namang makasalanan ang tao at si Lucifer, pero tayong mga tao patatawarin ng 70 times 7 magkaroon lang ng pagkakataong makarating sa langit.  pero ang magandang arkanghel na si Lucifer hanggang dito na lang sa lupa makakapanukso at makakapang-attract ng tao to despise God. 

     sana makatulong ang article na ito para makapag-isip ang sino mang babasa nito.  tunay na napakaswerte ng mga tao dahil binuksan ni God ang gate ng langit para sa atin, nasa atin na lang kung papasok tayo dito, at bagaman mahirap makaakyat sa langit at least may chance tayo hindi gaya ni Archangel Lucifer na hindi na binigyan ng chance ni God para makapagbalik-loob upang makabalik ulit sa langit...