Mukha Ng Pag-ibig.

bluryan's picture

pag-ibig...

salitang sa ibang tao maganda ang ibig sabihin, sa iba naman ay mapait. salitang binibigyan ng iba't ibang kahulugan, hinihingan ng patunay, sinusubukan at ang iba naman ay iniiwasan. kung ikaw ang tatanungin, para sa 'yo ano ang pag-ibig?
susubukan kong sagutin ang mga iba't-ibang pananaw ng mga tao batay sa mga nakasalamuha, naranasan at napag daanan ko.

simulan natin ito sa masaya. mga taong kapag naririnig pa lang ang salitang pag-ibig ay tuwang tuwa, kilig na kilig, at mga ngiti'y kay tatamis. sino nga ba ang hindi magkakaganito kung ang kanilang karanasan kasalukuyan man o lumipas ay nagbigay ng isang napakagandang ngiti sa kanilang mga labi.

naaalala ko tuloy ang isang kaibigang sobrang saya ng sagutin ng kanyang minamahal. sobrang saya nya ng mga panahong iyon. parang isang pangarap na natupad. isang pangarap na matagal ng inasam at sa pagsiskap ay nakamit nya ang kanyang minimithi. oo, maaaring ganito rin ang karanasan nyo. masaya talaga. ako man ay naranasan ko ito. hanggang ngayon ay hindi ko pa rin makalimutan kung gano kasarap ang naramdaman kong iyon. yung tipong kapag magkasama kayo ay parang ayaw nyo na maghiwalay. naiinis kayo kapag kailangan ng umuwi ng isa sa inyo at maghihintay na lang kayo ng kinabukasan para magkasama muli. siguro kung naranasan mo na to eh napapangiti ka na ngayon. ang sarap no?

may mga pagkakataon pa ngang hindi mo na alintana ang galit ng iyong magulang pag ginagabi ka sa pag uwi. minsan nauubos ang allowance sa pag load dahil gusto mo kahit kakahiwalay nyo pa lang eh mag text o magtawagan kayo agad. kung may telepono naman kayo parehas, umiinit ang tenga at upuan nyo sa sobrang tagal nyo mag usap na para bang isa o dalawang bwan na kayong hindi nagkita at nagkakausap. samantalang iilang oras palang ang nakararaan buhat ng kayo aymakauwi sa kanya kanyang mga tahanan. mga karanasang nagbibigay ng ngiti sa mga labi kapag sumasagi sa isipan.

isang masayang pag-ibig din ang pagsasakripisyo para sa minamahal mo. ito 'yong masay na mahirap. masaya kasi mahal mo sya. mahirap kasi may dahilan kung bakit hindi pwede ituloy, may pumipigil o may bagay na kailangan ng pagsasakripisyo. para sa kin may iba't ibang uri ng pagsasakripisyo.

una, pagsasakripisyo na kailangan magkawaly ng ilang bwan o taon dahil sa kailangan mangibang bansa. sa hirap ng buhay sa ngayon marami na ang nagingibang bansa. iniiwan pansamantala ang kanilang mga minamahal, mahirap pero masaya kasi kahit na ilang milya pa ang inyong pagitan amy pag-ibig pa ring nag uugnay sa inyong dalawa.

pangalawa, pagsasakripisyo dahil sa karamdaman o kaya ay dahil sa kapansanan ng minamahal. eto yung pagsasakripisyo na paglaan ng mas malaking parte ng iyong oras para sa isang taong may karamdaman. o kaya naman ay ang minamahal na may kapansanan na nangangailangan ng mas matinding pag aaruga. isang pagsasakripisyo na hindi ganun kadali. may mga taong madaling sumusuko sa ganito. pero may mga taong kahit anong hirap ay magmamahalan pa rin sa kabila ng ganitong katotohanan.

pangatlo, pagsasakripisyo dahil sa pag-ibig na hindi pwedeng mapa saiyo. naaalala ko tuloy ang aking sariling kwento. may inibig akong isang babae. ngunit kahit ano pang gawin ko ay hindi ko sya matatawag na akin sapagkat may iba nang nag mamay ari ng kanyang puso. isang mahabang kwento na minsan ko ng naibahagi sa isang forum site. kung gusto nyong malaman ay aking ilalagay dito ang eksaktong kwento,

masakit talaga ang sitwasyon kung ang mahal mo ay hindi pwede maging sa yo pang habang buhay.....masakit, yun nga lang alam ko kung san ako lulugar kaya mabilis lang sa kin tanggapin.....eto yung kwento;
merong girl,katrabaho ko, hindi sya kagandahan at may kal**ugan ang bibig(well, that's her nature)...pero pag nagsasalita lang sya ng ganun sa harap lang naming magkkatrabaho. since iisa lang akong lalaki(sa the body shop kasi stockman lang and/or supervisor ang lalaki sa store) nakakasali ako sa kwentuhan nila....sa simula hindi nya alam may natatagong pagtingin ako sa kanya.. nasabi ko lang nung pagkakataong nalipat ako ng ibang store....

minsan nagpasama sya sa kin pupunta sa metro walk with her barkada, go naman ako, from metro east lipad ako papuntang megamall after store hours.....moment na yun eh..hehe....kaso an hour after na magkakasama kami nakita nya yung ex nya...nag excuse sya sandali para kausapin yun....hinayaan namin(ouch).....after mga 15minutes, lumapit sila(with that guy)...nagpaalam na lilipat sila ng lugar, kasama mga friend nung guy,WTF......ayun umuwi akong bad trip...pag alis nila nagpaalam na rin ako.....nagmukha akong ewan..

after ilang months nalipat sya sa store kung saan nandun ako....guess what, pregnant sya....the hell talaga..and, rough ang relationship nila...ayaw tanggapin nung guy yung bata....pero pumayag na magsasama sila bago mag 9months ang tyan nya...parang wala lang...mahal na mahal nung girl yung guy...handa raw syang magsakripisyo....
ang sakit, magkasama kami ng shop....araw araw ko napagmamasdan ang paglaki ng tyan nya....
eto pa, may problema yung girl sa sarili nyang mga magulang,as in kinukuha lahat ng pera nya to the point na isang araw lang ang natitirang pang gastos nya...syempre kailangan nya ng vitamins at kumain lagi para sa anak nya sa tyan....since mahal ko sya ako sumagot lahat ng kailangan nya...from vitamins, anmun, tsaka pagkain for breakfast, lunch and merienda...binata naman ako that time eh....pero pag may incentives kami sa store bumabawi sya sa kin.....

nag karoon kami ng konting pagkakaunawaan, MU ba...siguro iniisip nyo na t***a ako para gawin yun, na baka ginagamit nya lang ako.....ang sagot ko, wala akong pakialam, ang alam ko mahal ko sya, gagawin ko lahat lumigaya lang sya...inalok ko rin na ako na ang sasagot sa responsibilidad sa bata...ayaw nya....wag daw...kawawa daw ako...

sumunod na yung mga hindi maiwasang pangyayari, nagsama na sila, naging ok sila. maayos daw pagsasama nila...lagi na sya masaya....hanggang sa mag file na sya ng leave, dahil kabuwanan na nya....alam ko yun na yung simula ng mas masakit na part...

bago sya mag leave,may binigay ako sa kanya...isang bagay na tinuturing kong swerte sa kin...it's a rosary, binigay yun nung mga nag held ng job fair sa edsa shrine. sabi ko lagi nya dalhin kahit san sya magpunta......hanggang sa hindi na nga sya pumasok. wala kaming communication, ayaw ko kasi makagulo.

after ilang weeks nalaman ko na yung leave of absence nya eh tinuloy nya for resignation....sabi ko sa sarili ko dapat ko na pag aralan kalimutan sya...nagpaka busy ako sa work...hanggang sa nakilala ko yung ex-wife ko(hindi ko na ikkwento bout her, since wala sa kanya ang story).....

wala na ko balita sa kanya.....after siguro more than a year nakita ko sya sa rob galleria, dun na pala sya nagttrabaho....kaso nagmamadali sya, nagkamustahan lang kami...at sabi nya sorry pero kailangan nya na pumasok, mallate na kasi sya.....pero bago sya umalis sabi nya, "yung rosary na binigay mo, binigay ko sa anak ko...nilalagay ko sa higaan, o sa bulsa nya pag aalis kami"....natuwa ako na maiyak iyak...hehe...ang sarap sa pakiramdam....bigla ko naalala yung mga pagkakataong magkasama kami...umuwi ako ng house na halo halo ang pakiramdam may part na masaya, kasi nakita ko sya...may part na malungkot, kasi kulang yung oras...at may part na dapat wag magpadala sa damdamin, kasi may asawa na ko that time.....

halos 5 taon na ang nakakalipas, pero til now hindi ko makalimutan yung sarap nung feeling na mahalin sya...yun nga siguro meaning ng masakit pero masarap...dami ko na napagdaan after nung ilang taon na yun....nahiwalay na ko sa asawa...nakabuntis.....nagkaroon ng GF...masasabi kong isa yung karanasang hinding hindi ko kakalimutan sa buong buhay ko.......pag nagkita kami uli, at masaya na sya sa buhay nya sasabihin ko sa kanya, na swerte sya sa kabila ng mga naranasan nya eh nakamit nya yung kaligayahang paulit ulit na sinasambit ng bibig nya nung magkasama kami dati...masaya ko sa naging kapalaran nya...at hinihiling ko na mas maging masaya pa sya......

isang pag-ibig na sinakripisyo pero nagdulot naman ng isang magandang alaala, kaya maituturing ko na masaya. isang alaala na hindi ko makakalimutan. isang alaala na minsan nagturo sa kin ng isang kahulugan ng tunay na pag-ibig.

pero paano naman kung ang karanasan nyo sa pag-ibig ay hindi ganun kaganda. mga tipong masakit na karanasan. nandyan ang pagtaksilan, niloko, ginamit, ang kung ano ano pang masakit na dahilan ng paghihiwalay. di ba halos madurog ang puso mo kada maalala mo? yung kirot parang isang sugat na hindi pa rin naghihilom kahit na matagal ng panahon ang nagdaan.

isang kaibigan ang biglang sumagi sa aking isipan. isang kaibigang babae na minsang nagmahal ng lubos. binigay nya halos lahat ng kaya nya. pero sadyang mapaglaro ang kanyang tadhana at hindi naging maganda ang dinulot sa kanya ng pag-ibig na 'yon. sa kabila ng pag-ibig na tinodo nya ay hindi nauwi sa isang magandang pagsasama. lagi syang umiiyak. sa ilang araw lang bumagsak agad ang kanyang timbang. hindi sya makakain ng maayos. sabihin man ng iba sa inyo na hindi dapat ganun, wag magpaapekto at lalaki lang sya. pero isipin din natin na iba iba ang bawat isa. hindi lahat kayang maging matatag sa gitna ng problema. hindi lahat mabilis nakakaahon sa putik na kanilang kinasadlakan. hindi lahat katulad natin na matatag sa kahit anong sakit na naranasan. hindi lahat madaling mahilom ang mga sugat. sabi nila ang mabuting gawin sa isang taong nakakaranasan ng depresyon dahil sa pag-ibig ay damayan, payuhan at aliwin. maganda yan. dapat talaga tinutulungan sila. pero bago man tayo magbigay ng tulong, payo o tengang handang makinig ay alamin muna natin kung ano ba ang kailangan ng kaibigan nating nalulungkot. may mga tao kasing pag sobrang lungkot ay ayaw nila ng may kausap, gusto lang nila ng may kasama. katabi lang sa kanilang pagsusumamo, gusto lang nilang maramdaman na may tao sa kanilang paligid na nakahandang umalalay. sila yung mga taong mas bumibigat ang dibdib habang nagsasalita. kakaiba ba? pero totoo yan, may kaibigan akong ganyan. tatawagan ka nya para samahan sya. pero wala kayong pag uusapan tungkol sa problema nya. sapat na sa kanya ang nandyan ka. sasabihin siguro ng iba sa inyo na hindi maganda yun kasi dapat ilabas nya ang bigat sa puso nya para gumaan kahit papano ang kanilang nararamdaman. may punto kayo dyan. ngunit, kung ang isang tao ay katulad ng kaibigan kong nabanggit ngayon ngayon lang, hinahayaan lamang silang magsalita kapag handa na silang maglabas ng nararamdaman. kapag ganito ang kaibigan, ano ba ang dapat gawin sa ganitong pagkakatao? ang ginagawa ko sa ganitong sitwasyon, sinasamahan ko lang sya. habang magkasama kami ay sinasabi ko rin na alam kong may mabigat syang dinadala, pero pag uusapan namin yun kung handa na sya magsabi. minsan kasi hindi maganda lalo ang epekto ng pagpilit mo sa isang tao na magsalita na agad sa kanynag nararamdaman na hindi pa sya handa.

gaya ng sabi ko, hindi lahat pare pareho ng ugali may mga tao kasing gusto nila inihihinga na nila agad ang kanilang problema sa pag-ibig. sila yung mga taong gumagaan agad ang pakiramdam kapag nailalabas o naikukwento agad sa isang kaibigan, lalong lao na sa matalik na kaibigan ang sakit na kanilang nararamdaman.

may kabigan akong ganyan, tatawag sya sa kin. maglalatag ng lamesita, handa ng baso, pulutan at malamig na alak. sa simula hindi agad agad yan magsasalita, pero ako dahil sa kilalang kilala ko na sya alam ko na agad ang na may ikukwento syang nagpapabigat ng kanyang dibdib. maya maya babanat na yan, sasabihin nyang "pare, may problema ako eh..." tuloy tuloy na nyang ikukwento ang kanyang gustong sabihin.kung ganitong klase ng tao ang makakaharap nyo wag na wag kayong papagitna sa kanyang pagsasalita, maliban na lang kung naguguluhan kayo sa mga tinutukoy nyang lugar, tao o bagay. pangit kasi pag tapos na sya mag kwento dun mo lilinawin ang magulo sa sinabi nya. para na ring ang dating nun eh hindi mo masyado inintindi ang kanyang mga pinagsasabi, hindi rin kasi maganda yung paulit ulit nyang sasabihin ang kanyang problema. imbes na makaluwag sa kanyang dibdib ay lalo pang bibigat. kung hindi man sya humingi ng payo ay wag ka muna agad agad magbigay ng tingin mong dapat mong gawin. makakatulong din na alamin sa kanya kung gusto nya bang marinig ang opinyon at mga masasabi mo. sa ganitong paraan maiiwasan ang paglaki ng isang apoy na nagsisimula palang magningas. pero pano malalaman kung anong klase ng pagkatao ang meron sya?

ganito ang iyong gawin, habang sya ay nag sasalaysay ng kanyang storya, pagmasdan mabuti ang galaw nya, ekspresyon ng mukha, tono ng boses, at kung pano sya magsalita. kung kilala nyo na ang isa't isa madali mo ng malalaman kung ano ang gusto nya mangayari. pero kung hindi ka pa ganun kasigurado sa uri ng pagdamay na dapat mong gawin ay mas makakabuting magmasid ka na alng muna at malalaman mo angmga hakbang na dapat gawin.

may isang malungkot na dulot ng pag-ibig ang nagdudulot sa kamatayan. ito yung mga kwento ng taong nagpakamatay, nagtangkang magpakamatay, pumatay at napatay ng dahil sa pag-ibig. isang katotohanang nakakatakot tanggapin pero totoong nangyayari.

isang karanasan ang kinatakutan ko minsan. isang babaeng itago natin sa pangalang MARY, naging katrabaho ko sya noon na naging malapit sa akin at masasabi kong minahal ko. ngunit hindi na pwede sapagkat sya ay nakatali na sa isang lalaking mahal na mahal nya. hindi maganda ang kanilang pagsasama ng mga panahong iyon. isang beses ay nakita ko syang umiiyak kasama ang isa namaing kaibigan. nilapitan ko sya ngunit ayaw nya akong kausapin at gusto nya ay yung kaibigan lang naming isa. hindi ako nagpumilit dahil nainitindihan ko sya. mas panatag ang kalooban nya na kausap ang kapwa nya babae. at alam nya rin kasi na hindi ako matutuwa sa maaari kong malaman. ng sya ay makauwi na lumapit sa akin ang kaibigan namin at nag bilin na wag na wag kong ipapaalam na kinwento nya sa kin ang kanilang napag usapan. nagulat ako at talagang nagalit sa aking nalaman. may marka raw ng lubid sa leeg si MARY, dahil nagtangka siyang magpakamatay. buti na lang at naagapan ng kanilang kasambahay. hindi na kasi sya masaya sa kanilang pagsasama at minsan ay napagbubuhatan sya ng kamay. makalipas ang araw na yon ay hindi na sya nagpakita, at hindi na pumasok pang muli sa trabaho.

natakot ako at napaisip ng hindi maganda. baka tinuloy nya yung kanyang pagpapatiwakal. nalulungkot na ko ng mga panahong iyon. ngunit isang araw ay nagpakita sya doon at nakapag usap kami ng sandali. sinabi nya na tumigil sya sa trabaho at susubukan nyang ayusin ang kanilang pagsasama. baka raw kasi sakaling magbago ang sitwasyon kung ipopokus nya ang kanyang sarili bilang maybahay. natuwa naman ako sa kanyang mga sinabi.

may iba't ibangmukha man ang pag-ibig, lahat naman ito ay may naitutulong para mahubog ang ating pagkatao. nakakatulong din ito upang makilala natin ng lubos ang ating sarili. at malaman ang katotohanang bumabalot sa mundo na nagpapalauha o nagpapangiti sa mga tao. naranasan mo na ba ang mga ito? ilan dito ang masasabi mong maiuugnay ang iyong sariling karanasan? masarap ba o mapait ang pag-ibig na nasa iyong alaala?


Lyds78's picture

whew, sumakit mata ko...

sana sa susunod lagyan mo ng space sa pagitan ng mga paragraph na masyadong mahahaba, masakit kasi sa mata pag sobrang haba tapos walang space.:)

Eniweiz, mukhang marami ka nang naging karanasan sa pag-ibig.  Sa ganang akin, iilan pa lamang pero malaki ang naging marka nila sa kung ano ako ngayon.

Biyuda ako, namatay ang asawa ko sa isang aksidente.  Biglaan, pero nung akala ko mamamatay na ako sa lungkot, nakita kong kaya ko palang lampasan ang ganoon.  Kung dati, dependent ako, na22 akong tumayo sa sarili kong paa.

Iyung pangalawa, minahal ko rin naman pero may isang bahaging hindi ko sinadyang maging panakip-butas siya sa pagkawala ng asawa ko.  Nawala din siya sa akin matapos ang ilang panahon.  Ang natutunan ko, hindi selfish ang pag-ibig, hindi mo lang iniisip kung ano ang makukuha mo kundi kung ano rin ang maibibigay mo.

Pangatlo, minahal ko pero hindi ako sineryoso.  Lesson, ang pag-ibig ay hindi nangangahulugan ng pagpapakatanga, matuto ka munang magpahalaga sa sarili mo bago ka pahalagahan at mahalin ng iba.

Sa kasalukuyan, meron ulit nabulagan, hehe.  Hindi isang fairy tale ang pag-ibig, masalimuot ang reyalidad at dapat marunong tayong umangkop. 

Parang tuyong buhangin din ang pag-ibig, may tamang handling.  Sobra mong higpitan, lalagos sa mga daliri mo, sobra mong luwagan dudulas sa palad mo.

Pinakamahalagang itinuro sa akin ng pag-ibig; habang may buhay may pag-asa at hindi nakakamatay ang pagkabasted, hehe.

napadaan lang...

bluryan's picture

salamat Lyds78

maraing salamat sa yo...ang iyong payo ay may malaking maitututlong sa aking pagsusulat. ninanais korin na maging maganda ang aking mga likha ng sa ganon ay maibigan ng mga mambabasa ang aking obra.naalala ko na may isang taong nag kumento na rin ng gaya sa iyo. sa mga komento nyo ako ay nagagalak. hayaan nyo at aking gagawin sa mga paksang aking isususlat sa mga darating na panahon.

ang iyong karanasan ay maaaring iilan pa lamang ngunit ito'y isang karanasang bihira sa sinuman. tama ang iyong mga natutunan. habang may buhay may pag asa.. habang may hininga may darating na umaga. (habang may umaga may almusal. heh)

Lyds78's picture

tama ka

ang mundo ay batbat ng kontradiksyon, kung walang dilim hindi mo maa-appreciate ang liwanag...

may nakalimutan pa akong idagdag, "anything that doesn't kill you makes you stronger or it can send you to a mental institution, hehe

basta keep on living and loving, iyan na nga lang ang libre sa mundong ito titipirin pa natin ang mga sarili natin?

masarap sana almusal mo bukas, hehe

napadaan lang...

Lyds78's picture

uy, inayos mo na...

mas maganda at madaling basahin kung may mga space sa pagitan ng mahahabang paragraph para hindi nakakapagod sa mata. 

e di, mas reader-friendly na iyung post mo, hehe

sulat lang nang sulat, hehe

napadaan lang...

bluryan's picture

hehe

yeap inayos ko na....last time nung nagpost ako sa isang site,gaya ng sabi ko, may nagcomment na masakit nga sa mata basahin..pero hindi nya sinabi yung dahilan...kaya laking pasalamat ko sa yo at nalaman ko ang dapat kong ayusin...mas magiging kaaya aya na ngayon ang mga isusulat ko.....maraming salamat

Lyds78's picture

eto, ganito ang suggestion kong paghahati-hati

bluryan wrote:

pag-ibig...

salitang sa ibang tao maganda ang ibig sabihin, sa iba naman ay mapait. salitang binibigyan ng iba't ibang kahulugan, hinihingan ng patunay, sinusubukan at ang iba naman ay iniiwasan. kung ikaw ang tatanungin, para sa 'yo ano ang pag-ibig?

susubukan kong sagutin ang mga iba't-ibang pananaw ng mga tao batay sa mga nakasalamuha, naranasan at napag daanan ko.

simulan natin ito sa masaya. mga taong kapag naririnig pa lang ang salitang pag-ibig ay tuwang tuwa, kilig na kilig, at mga ngiti'y kay tatamis. sino nga ba ang hindi magkakaganito kung ang kanilang karanasan kasalukuyan man o lumipas ay nagbigay ng isang napakagandang ngiti sa kanilang mga labi.

naaalala ko tuloy ang isang kaibigang sobrang saya ng sagutin ng kanyang minamahal. sobrang saya nya ng mga panahong iyon. parang isang pangarap na natupad. isang pangarap na matagal ng inasam at sa pagsiskap ay nakamit nya ang kanyang minimithi.

oo, maaaring ganito rin ang karanasan nyo. masaya talaga. ako man ay naranasan ko ito. hanggang ngayon ay hindi ko pa rin makalimutan kung gano kasarap ang naramdaman kong iyon. yung tipong kapag magkasama kayo ay parang ayaw nyo na maghiwalay. naiinis kayo kapag kailangan ng umuwi ng isa sa inyo at maghihintay na lang kayo ng kinabukasan para magkasama muli. siguro kung naranasan mo na to eh napapangiti ka na ngayon. ang sarap no?

may mga pagkakataon pa ngang hindi mo na alintana ang galit ng iyong magulang pag ginagabi ka sa pag uwi. minsan nauubos ang allowance sa pag load dahil gusto mo kahit kakahiwalay nyo pa lang eh mag text o magtawagan kayo agad. kung may telepono naman kayo parehas, umiinit ang tenga at upuan nyo sa sobrang tagal nyo mag usap na para bang isa o dalawang bwan na kayong hindi nagkita at nagkakausap. samantalang iilang oras palang ang nakararaan buhat ng kayo aymakauwi sa kanya kanyang mga tahanan. mga karanasang nagbibigay ng ngiti sa mga labi kapag sumasagi sa isipan.

isang masayang pag-ibig din ang pagsasakripisyo para sa minamahal mo. ito 'yong masay na mahirap. masaya kasi mahal mo sya. mahirap kasi may dahilan kung bakit hindi pwede ituloy, may pumipigil o may bagay na kailangan ng pagsasakripisyo. para sa kin may iba't ibang uri ng pagsasakripisyo.

una, pagsasakripisyo na kailangan magkawaly ng ilang bwan o taon dahil sa kailangan mangibang bansa. sa hirap ng buhay sa ngayon marami na ang nagingibang bansa. iniiwan pansamantala ang kanilang mga minamahal, mahirap pero masaya kasi kahit na ilang milya pa ang inyong pagitan amy pag-ibig pa ring nag uugnay sa inyong dalawa.

pangalawa, pagsasakripisyo dahil sa karamdaman o kaya ay dahil sa kapansanan ng minamahal. eto yung pagsasakripisyo na paglaan ng mas malaking parte ng iyong oras para sa isang taong may karamdaman. o kaya naman ay ang minamahal na may kapansanan na nangangailangan ng mas matinding pag aaruga. isang pagsasakripisyo na hindi ganun kadali. may mga taong madaling sumusuko sa ganito. pero may mga taong kahit anong hirap ay magmamahalan pa rin sa kabila ng ganitong katotohanan.

pangatlo, pagsasakripisyo dahil sa pag-ibig na hindi pwedeng mapa saiyo. naaalala ko tuloy ang aking sariling kwento. may inibig akong isang babae. ngunit kahit ano pang gawin ko ay hindi ko sya matatawag na akin sapagkat may iba nang nag mamay ari ng kanyang puso. isang mahabang kwento na minsan ko ng naibahagi sa isang forum site. kung gusto nyong malaman ay aking ilalagay dito ang eksaktong kwento,

masakit talaga ang sitwasyon kung ang mahal mo ay hindi pwede maging sa yo pang habang buhay.....masakit, yun nga lang alam ko kung san ako lulugar kaya mabilis lang sa kin tanggapin.....eto yung kwento;

merong girl,katrabaho ko, hindi sya kagandahan at may kal**ugan ang bibig(well, that's her nature)...pero pag nagsasalita lang sya ng ganun sa harap lang naming magkkatrabaho. since iisa lang akong lalaki(sa the body shop kasi stockman lang and/or supervisor ang lalaki sa store) nakakasali ako sa kwentuhan nila....sa simula hindi nya alam may natatagong pagtingin ako sa kanya.. nasabi ko lang nung pagkakataong nalipat ako ng ibang store....

minsan nagpasama sya sa kin pupunta sa metro walk with her barkada, go naman ako, from metro east lipad ako papuntang megamall after store hours.....moment na yun eh..hehe....kaso an hour after na magkakasama kami nakita nya yung ex nya...nag excuse sya sandali para kausapin yun....hinayaan namin(ouch).....after mga 15minutes, lumapit sila(with that guy)...nagpaalam na lilipat sila ng lugar, kasama mga friend nung guy,WTF......ayun umuwi akong bad trip...pag alis nila nagpaalam na rin ako.....nagmukha akong ewan..

after ilang months nalipat sya sa store kung saan nandun ako....guess what, pregnant sya....the hell talaga..and, rough ang relationship nila...ayaw tanggapin nung guy yung bata....pero pumayag na magsasama sila bago mag 9months ang tyan nya...parang wala lang...mahal na mahal nung girl yung guy...handa raw syang magsakripisyo....

ang sakit, magkasama kami ng shop....araw araw ko napagmamasdan ang paglaki ng tyan nya....

eto pa, may problema yung girl sa sarili nyang mga magulang,as in kinukuha lahat ng pera nya to the point na isang araw lang ang natitirang pang gastos nya...syempre kailangan nya ng vitamins at kumain lagi para sa anak nya sa tyan....since mahal ko sya ako sumagot lahat ng kailangan nya...from vitamins, anmun, tsaka pagkain for breakfast, lunch and merienda...binata naman ako that time eh....pero pag may incentives kami sa store bumabawi sya sa kin.....

nag karoon kami ng konting pagkakaunawaan, MU ba...siguro iniisip nyo na t***a ako para gawin yun, na baka ginagamit nya lang ako.....ang sagot ko, wala akong pakialam, ang alam ko mahal ko sya, gagawin ko lahat lumigaya lang sya...inalok ko rin na ako na ang sasagot sa responsibilidad sa bata...ayaw nya....wag daw...kawawa daw ako...

sumunod na yung mga hindi maiwasang pangyayari, nagsama na sila, naging ok sila. maayos daw pagsasama nila...lagi na sya masaya....hanggang sa mag file na sya ng leave, dahil kabuwanan na nya....alam ko yun na yung simula ng mas masakit na part...

bago sya mag leave,may binigay ako sa kanya...isang bagay na tinuturing kong swerte sa kin...it's a rosary, binigay yun nung mga nag held ng job fair sa edsa shrine. sabi ko lagi nya dalhin kahit san sya magpunta......hanggang sa hindi na nga sya pumasok. wala kaming communication, ayaw ko kasi makagulo.

after ilang weeks nalaman ko na yung leave of absence nya eh tinuloy nya for resignation....sabi ko sa sarili ko dapat ko na pag aralan kalimutan sya...nagpaka busy ako sa work...hanggang sa nakilala ko yung ex-wife ko(hindi ko na ikkwento bout her, since wala sa kanya ang story).....

wala na ko balita sa kanya.....after siguro more than a year nakita ko sya sa rob galleria, dun na pala sya nagttrabaho....kaso nagmamadali sya, nagkamustahan lang kami...at sabi nya sorry pero kailangan nya na pumasok, mallate na kasi sya.....pero bago sya umalis sabi nya, "yung rosary na binigay mo, binigay ko sa anak ko...nilalagay ko sa higaan, o sa bulsa nya pag aalis kami"....natuwa ako na maiyak iyak...hehe...ang sarap sa pakiramdam....

bigla ko naalala yung mga pagkakataong magkasama kami...umuwi ako ng house na halo halo ang pakiramdam may part na masaya, kasi nakita ko sya...may part na malungkot, kasi kulang yung oras...at may part na dapat wag magpadala sa damdamin, kasi may asawa na ko that time.....

halos 5 taon na ang nakakalipas, pero til now hindi ko makalimutan yung sarap nung feeling na mahalin sya...yun nga siguro meaning ng masakit pero masarap...dami ko na napagdaan after nung ilang taon na yun....nahiwalay na ko sa asawa...nakabuntis.....nagkaroon ng GF...masasabi kong isa yung karanasang hinding hindi ko kakalimutan sa buong buhay ko.......pag nagkita kami uli, at masaya na sya sa buhay nya sasabihin ko sa kanya, na swerte sya sa kabila ng mga naranasan nya eh nakamit nya yung kaligayahang paulit ulit na sinasambit ng bibig nya nung magkasama kami dati...masaya ko sa naging kapalaran nya...at hinihiling ko na mas maging masaya pa sya......

isang pag-ibig na sinakripisyo pero nagdulot naman ng isang magandang alaala, kaya maituturing ko na masaya. isang alaala na hindi ko makakalimutan. isang alaala na minsan nagturo sa kin ng isang kahulugan ng tunay na pag-ibig.

pero paano naman kung ang karanasan nyo sa pag-ibig ay hindi ganun kaganda. mga tipong masakit na karanasan. nandyan ang pagtaksilan, niloko, ginamit, ang kung ano ano pang masakit na dahilan ng paghihiwalay. di ba halos madurog ang puso mo kada maalala mo? yung kirot parang isang sugat na hindi pa rin naghihilom kahit na matagal ng panahon ang nagdaan.

isang kaibigan ang biglang sumagi sa aking isipan. isang kaibigang babae na minsang nagmahal ng lubos. binigay nya halos lahat ng kaya nya. pero sadyang mapaglaro ang kanyang tadhana at hindi naging maganda ang dinulot sa kanya ng pag-ibig na 'yon. sa kabila ng pag-ibig na tinodo nya ay hindi nauwi sa isang magandang pagsasama.

lagi syang umiiyak. sa ilang araw lang bumagsak agad ang kanyang timbang. hindi sya makakain ng maayos. sabihin man ng iba sa inyo na hindi dapat ganun, wag magpaapekto at lalaki lang sya. pero isipin din natin na iba iba ang bawat isa. hindi lahat kayang maging matatag sa gitna ng problema. hindi lahat mabilis nakakaahon sa putik na kanilang kinasadlakan. hindi lahat katulad natin na matatag sa kahit anong sakit na naranasan. hindi lahat madaling mahilom ang mga sugat.

sabi nila ang mabuting gawin sa isang taong nakakaranasan ng depresyon dahil sa pag-ibig ay damayan, payuhan at aliwin. maganda yan. dapat talaga tinutulungan sila. pero bago man tayo magbigay ng tulong, payo o tengang handang makinig ay alamin muna natin kung ano ba ang kailangan ng kaibigan nating nalulungkot.

may mga tao kasing pag sobrang lungkot ay ayaw nila ng may kausap, gusto lang nila ng may kasama. katabi lang sa kanilang pagsusumamo, gusto lang nilang maramdaman na may tao sa kanilang paligid na nakahandang umalalay. sila yung mga taong mas bumibigat ang dibdib habang nagsasalita. kakaiba ba?

pero totoo yan, may kaibigan akong ganyan. tatawagan ka nya para samahan sya. pero wala kayong pag uusapan tungkol sa problema nya. sapat na sa kanya ang nandyan ka. sasabihin siguro ng iba sa inyo na hindi maganda yun kasi dapat ilabas nya ang bigat sa puso nya para gumaan kahit papano ang kanilang nararamdaman. may punto kayo dyan. ngunit, kung ang isang tao ay katulad ng kaibigan kong nabanggit ngayon ngayon lang, hinahayaan lamang silang magsalita kapag handa na silang maglabas ng nararamdaman. kapag ganito ang kaibigan, ano ba ang dapat gawin sa ganitong pagkakatao?

ang ginagawa ko sa ganitong sitwasyon, sinasamahan ko lang sya. habang magkasama kami ay sinasabi ko rin na alam kong may mabigat syang dinadala, pero pag uusapan namin yun kung handa na sya magsabi. minsan kasi hindi maganda lalo ang epekto ng pagpilit mo sa isang tao na magsalita na agad sa kanynag nararamdaman na hindi pa sya handa.

gaya ng sabi ko, hindi lahat pare pareho ng ugali may mga tao kasing gusto nila inihihinga na nila agad ang kanilang problema sa pag-ibig. sila yung mga taong gumagaan agad ang pakiramdam kapag nailalabas o naikukwento agad sa isang kaibigan, lalong lao na sa matalik na kaibigan ang sakit na kanilang nararamdaman.

may kabigan akong ganyan, tatawag sya sa kin. maglalatag ng lamesita, handa ng baso, pulutan at malamig na alak. sa simula hindi agad agad yan magsasalita, pero ako dahil sa kilalang kilala ko na sya alam ko na agad ang na may ikukwento syang nagpapabigat ng kanyang dibdib. maya maya babanat na yan, sasabihin nyang "pare, may problema ako eh..." tuloy tuloy na nyang ikukwento ang kanyang gustong sabihin.

kung ganitong klase ng tao ang makakaharap nyo wag na wag kayong papagitna sa kanyang pagsasalita, maliban na lang kung naguguluhan kayo sa mga tinutukoy nyang lugar, tao o bagay. pangit kasi pag tapos na sya mag kwento dun mo lilinawin ang magulo sa sinabi nya. para na ring ang dating nun eh hindi mo masyado inintindi ang kanyang mga pinagsasabi, hindi rin kasi maganda yung paulit ulit nyang sasabihin ang kanyang problema. imbes na makaluwag sa kanyang dibdib ay lalo pang bibigat.

kung hindi man sya humingi ng payo ay wag ka muna agad agad magbigay ng tingin mong dapat mong gawin. makakatulong din na alamin sa kanya kung gusto nya bang marinig ang opinyon at mga masasabi mo. sa ganitong paraan maiiwasan ang paglaki ng isang apoy na nagsisimula palang magningas. pero pano malalaman kung anong klase ng pagkatao ang meron sya?

ganito ang iyong gawin, habang sya ay nag sasalaysay ng kanyang storya, pagmasdan mabuti ang galaw nya, ekspresyon ng mukha, tono ng boses, at kung pano sya magsalita. kung kilala nyo na ang isa't isa madali mo ng malalaman kung ano ang gusto nya mangayari. pero kung hindi ka pa ganun kasigurado sa uri ng pagdamay na dapat mong gawin ay mas makakabuting magmasid ka na alng muna at malalaman mo angmga hakbang na dapat gawin.

may isang malungkot na dulot ng pag-ibig ang nagdudulot sa kamatayan. ito yung mga kwento ng taong nagpakamatay, nagtangkang magpakamatay, pumatay at napatay ng dahil sa pag-ibig. isang katotohanang nakakatakot tanggapin pero totoong nangyayari.

isang karanasan ang kinatakutan ko minsan. isang babaeng itago natin sa pangalang MARY, naging katrabaho ko sya noon na naging malapit sa akin at masasabi kong minahal ko. ngunit hindi na pwede sapagkat sya ay nakatali na sa isang lalaking mahal na mahal nya.

hindi maganda ang kanilang pagsasama ng mga panahong iyon. isang beses ay nakita ko syang umiiyak kasama ang isa namaing kaibigan. nilapitan ko sya ngunit ayaw nya akong kausapin at gusto nya ay yung kaibigan lang naming isa. hindi ako nagpumilit dahil nainitindihan ko sya. mas panatag ang kalooban nya na kausap ang kapwa nya babae. at alam nya rin kasi na hindi ako matutuwa sa maaari kong malaman.

ng sya ay makauwi na lumapit sa akin ang kaibigan namin at nag bilin na wag na wag kong ipapaalam na kinwento nya sa kin ang kanilang napag usapan. nagulat ako at talagang nagalit sa aking nalaman. may marka raw ng lubid sa leeg si MARY, dahil nagtangka siyang magpakamatay. buti na lang at naagapan ng kanilang kasambahay. hindi na kasi sya masaya sa kanilang pagsasama at minsan ay napagbubuhatan sya ng kamay.

makalipas ang araw na yon ay hindi na sya nagpakita, at hindi na pumasok pang muli sa trabaho.

natakot ako at napaisip ng hindi maganda. baka tinuloy nya yung kanyang pagpapatiwakal. nalulungkot na ko ng mga panahong iyon. ngunit isang araw ay nagpakita sya doon at nakapag usap kami ng sandali. sinabi nya na tumigil sya sa trabaho at susubukan nyang ayusin ang kanilang pagsasama. baka raw kasi sakaling magbago ang sitwasyon kung ipopokus nya ang kanyang sarili bilang maybahay. natuwa naman ako sa kanyang mga sinabi.

may iba't ibangmukha man ang pag-ibig, lahat naman ito ay may naitutulong para mahubog ang ating pagkatao. nakakatulong din ito upang makilala natin ng lubos ang ating sarili. at malaman ang katotohanang bumabalot sa mundo na nagpapalauha o nagpapangiti sa mga tao.

naranasan mo na ba ang mga ito? ilan dito ang masasabi mong maiuugnay ang iyong sariling karanasan? masarap ba o mapait ang pag-ibig na nasa iyong alaala?

ayan, suggestion lang naman iyan para mas madaling basahin at para may coherence ang bawat paragraph.  Pag nagbago ka nang paksa, ibang paragraph na para hindi malito iyung magbabasa at para alam niya kung kelan siya pwedeng mag-break sa pagbabasa nang hindi mawawala sa momentum.

ito lang, mukhang stream of consciousness ang ginawa mo dito, diretso mula sa isip tungo sa computer.  Okey naman, maayos naman ang daloy ng naratibo pero sa tingin ko pwede mong hati-hatiin ang artikulo na ito para mas mapalalim mo ang tatlong mukha ng pag-ibig na ipinakita mo(tama ba?tatlo nga lang ba?)makakatulong din kasi ito para hindi masyadong humaba ang artikulo at hindi mainip ang mambabasa.

iyun lang naman, sulat ka pa ulit, hehe

napadaan lang...

bluryan's picture

;p

hehe....yeap nung ginagawa ko yan, wala kong kinokopya...kung ano yung pumasok sa isip ko yun ang nilalagay ko...nag iisip ako habang nagsusulat...tapos pag natapos na, dun ko lang madalas ine-edit...

marami pa kong dapat matutunan, hindi rin kasi ako nahasa nung medyo bata bata pa ko....tamad kasi ako dati...ahaha....

salamat uli...;pTongue out