mula sa himig ni susan fernandez
'Awit ni Canuplin'
Lyrics by Manny Pambid
Music by Louie Pascasio
Sa hirap at sa ginhawa, ako'y iyong kasama
Bituing mapagpala ang gagabay sa ating dalawa
At kahit na lumabo pa o maglaho ang sinag
Ako'y tapat sa iyo, kaibigan mo't kadaup-palad
Tayo nang gumaod sa bangka
at damhin ang tubig sa mukha
Lasapin ang simoy ng hangin
magpahanggang libing
magpahanggang libing
Ipaghehele tayo ng lagaslas ng mga alon
Iduduyan sa himig ng hanging-dagat
Tatanglawan ng mga bituing mapagpala sa langit
Haharapin natin ang mahahabang gabi
Tayo nang gumaod sa bangka
at damhin ang tubig sa mukha
Lasapin ang simoy ng hangin
magpahanggang libing
magpahanggang libing
Ipaghehele tayo ng lagaslas ng mga alon
Iduduyan sa himig ng hanging-dagat
Tatanglawan ng mga bituing mapagpala sa langit
Haharapin natin ang mahahabang gabi
para sa inyong mga tenga at mata: http://www.youtube.com/watch?v=C5Rjk1ElZro
kailan kaya muli magiging ganito ang musika sa radyo?
iyong kinukuyom ng bawat linya ang puso mong bato? hanggang sa
mapalambot nito ang natatagong siphayo?
hay ang ganda ng kanta.. at ang boses ni mam susan
ang sigaw sa kalye'y naging kanlungan..
"hinahangin ang talulot na malaya, mula sa bulaklak na sinta hanggang sa matabang lupa.. siya ay ligaya, musa ng pagkadakila.."
una kong narinig ang tinig niya sa UP baguio, nabighani ako sa awit na uunahin kayo....
ang mga ganito likha ay syang gaas na patuloy na nagpapabaga ng mga natulog na damdamin para sa bayan.....
salamat po sa pag-iwan ng marka...


salamat kay susan
noong panahong sa kalye pa ang buhay ko at paminsan minsang nagtataas kamao sa kalagitnaan ng pulutong ng galit at himagsik, ang mga awit ni susan ang isa sa mga nagpapakalma at nagdadagdag moral sa sumisinghap na pag-asa ng paglaya.
Minsang nagsisilbi din bilang anthem ng romantisismong nakaapak sa lupa sa dulo ng baril. Hanggang kamatayan marahil mananatiling awit ng aking buhay ang mga awitin ni susan magno at tula ang mga gawa ni jess santiago--sila ang mga unang mang-aawit at makata na nagpagising sa isipan kong nahimlay sa sakit ng kahirapan.