Mulat na Diwa
Submitted by auau on September 24, 2010 - 11:06am.
Filipino | Poetry | di makatulog
Ang batang may pasok bukas ay tulog na dapat ngayon.
Kaso di na ako bata, at kahit gusto ko nang matulog,
mailap ang antok, peke ang mga hikab
at ang isipa'y punong-puno ng mga ideyang di naman buo
at di naman konkreto.
Tulog na. May pasok pa bukas.
Ipikit ang mga matang ayaw sumara.
Hayaang nakawin ng kawalang-malay
ang isipang abala
kahit madaling-araw na.
Tulog na.
-auau
» login to post comments | 310 reads


