Muling Pagkikita

manhater.xxiv's picture

Tangna ka.

Apat na taon na ang nakalipas nang huli kitang makita.

 Oo, ikaw. Ikaw yung tinutukoy ko sa huli kong post dito. Nakaka-asar.

Gago ka e. Apat na taon ka nang wala sa buhay ko. Apat na taon na kitang nakakalimutan. Nakakairita. Bakit kasi nagparamdam ka pa.

Gago rin naman kasi yang gf mo, bakit ba kasi ako pa ang napiling makilala. Gago talaga. Magkalahi kayo. Kaya pati kayo nag-gagaguhan.

 Tangna talaga.

Tapos na ko dito e. Hindi ko na to dapat iniisip. Kaso mapaglaro talaga ang tadhana, o baka nilalaro niyo ang tadhana. Hindi ko maintindihan kung bakit. Hindi ko maintindihan.

 Buwiset. Dapat sa blog ko to sinulat, kasi wala namang kinalaman ang mga tao dito sa mga nangyayari sa buhay ko, sayo. E kaso para kayong stalker type sa blog ko. Pag may nabasang onti, react kagad. Feeler naman kayo, kala niyo palaging kayo tinutukoy ko. Bakit, sikat kayo? Shet na yan. Hindi tuloy ako makapagsulat ng malaya.

Valentines bukas. Ano ngayon? Wala namang importansya sakin yun. Pero ngayon, kanina. Nag-iba. Hindi ang Valentines. Nag-iba ang araw. Ang pakiramdam ko.

Bakit nga ba ko pumayag na makipagkita sa gf mo? Ah, kasi inisip ko na pag nagkita kami sa wakas, e matapos na lahat. Titigilan niyo na ko. Nagalit ka pa nga diba, kasi kaming dalawa lang ang magkikita. Seloso ka raw sabi niya. Haler, as if namang aagawin ko gf mo. Sayo na, lamunin mo. Nag-away tayo dahil dun kasi nagtext ka sakin ng all caps. MAGSAMA KAYONG DALAWA. Naurat ako kasi pagkatapos niyo kong gamitin para magka-ayos, yan ang sasabihin mo. Gago ka.

E bakit ka ba kasi sumama? Tangna mo. Hindi ka naman dapat sumama e. May gana ka pang abutan ako ng bulaklak. Alam mo bang yun ang unang bulaklak na natanggap ko buong buhay ko? Ano yun? Sa buwiset ko nang makita kita, ang una kong nasabi sayo. "It's not so nice to see you." Haha. Gago ka kase e. Gago ka!!!! Gago ka!! Pakyu!

Mahigit dalawang oras kayong late. Dahil daw sayo. Sabi ko sa kanya, baka kasi ayaw mo talagang sumama, pinilit ka lang niya. E sana talaga di ka na sumama. Sumama tuloy araw ko. Shet naman. Inaabot ko pala sa kanya yung bulaklak, sabi ko sa kanya ata dapat yun. Tapos sabi niya hindi. Never mo raw siyang binigyan ng bulaklak. WTH. Gago ka talaga.

Hindi tayo nag-uusap. Hindi nga kita matignan sa mata e. Pero pag may saglit, napapatitig ako sayo. Tangna mo ang pogi mo pa rin. Sayang lang, major TO na ko sa pagyoyosi mo. Pero na-miss kita. Pakyu ka. Haha.

Ang awkward no. Kaming dalawa na lang awkward na, sumama ka pa. Hindi ako makakain ng maayos. Hindi ako makapagsalita. Una kong nasabi sa kanya. "Cute naman pala ang orange na lipstick a." At tumingin siya sayo sabay sabi, "Siya kasi inaway ako." Kinurot mo siya sa pisngi.

Tada! Nagselos ako.

Sabay kaming naglalakad. Nasa likod ka, para kang masamang hangin na nasa likuran namin. Sabi niya, "Galit ka pa ba? Naiilang ka?" Sabi ko, "Hindi, okay lang."

Kumain tayo. Napilitan lang ako kumain dahil nahiya ako sa gf mo. Nanlibre ka pa. Tangna mo wala ka na ngang pera may gana ka pang manlibre. Sabi ko ako magbabayad ng kinain ko (ayokong magkaron ng utang) tapos tumalikod ka at pumunta sa counter. Hindi na kita hinabol. Bahala ka. Gago ka e.

Nung kumakain tayo, ang dami niyang sinasabe. Shet. Pati papunta sa bahay niyo pinagku-kwentuhan. Ewan ko ba. Nasa tapat kita, pero hindi kita nakikita. Tumayo siya para maghugas ng kamay. Yun, dead air. Nagsasalita ka pero di ko naririnig. Ewan ko ba. Siguro dahil hindi ako tumitingin. Hindi ako nakikinig.

Maya-maya nagtext na sundo ko. Nalungkot siya. Sabi niya sumabay na ko sa inyo pauwi. Di na no. Ayokong maging chaperone. Tangna no. Kasi e, ang tagal niyang dumating. Ang tagal niyong dumating.

Sana sa susunod mas humaba ang oras. Gusto ko pang makipagkwentuhan. Gusto ko pang marinig ang boses mo. Gusto pa kitang tignan. Tangna mo bat ka pa kasi nagpakita.

Tangna naman, ano bang gagawin ko sa bulaklak na to?

Dapat binigay ko na lang sa kanya.

 


ellise dominic's picture

ahehe

ramdam na ramdam ko ang hinanakit mo grabe!!!! pero natawa ako talaga.  sana marunong din akong magmura!!! ahahaha pakimura nga ex ko please.  joke lang.  natutuwa lang talaga ako sa nabasa ko. 

 

my soulmate is worth the wait...

manhater.xxiv's picture

HAHA.

Salamat sa pagbasa mo dito. Nako, hindi ka marunong magmura? Masarap din magmura minsan. Lalo na yung punung-puno ng emosyon na kung tawagin namin ng mga kaklase ko nung HS ay chicharon(malutong).  Lalo na yung P@#$%^ I&*! Hehe.

Anyway, para sayo, gago yang ex mo. Kasing gago ng ex ko. HAHA. :))

At thumbs up ako sa naka-bold... dun sa baba ng comment mo.

 

http://forcedengineer.wordpress.com

 

ellise dominic's picture

thank you

thank you sa pagmura sa ex ko ha.  gumaan na loob ko ahahahaha...  

my soulmate is worth the wait...

manhater.xxiv's picture

HAHA.

Ang cute mo. Parang ako. Joke. :P

 

Yaan mo na yun, gago talaga ang mga ex. Kaya nga ex e. Ekis na.

 

Haha, shet. Dapat sa sarili ko to sinasabe e. Major gaga din kase ako. Haha.

 

http://forcedengineer.wordpress.com

 

zhaine_joy23's picture

namumulaklak

grabe girl namumulaklak ang mga mura sayo ngayon. hehehe well i'ts been a long time ngayon lng ulit ako napadaan sa computer ko hehehe .

 

Grabe talagang mga ex yan pag nagparamdam ulit sa buhay mo parang bagyo nagulo lahat ng inayos mo. bakit ba kasi nauso ang mga gagong yan dito sa mundo. 

Akala natin ok na tayo. na nakalaya na tau sa mga anino nila pero mali pala hay. parang nawindang mg husto ang lahat.

 

wag kang magalala hindi ka nagiisa sa ganyang pakiramdam. sakin nga ginagawa pa aqng O.B ng gf nya we palibhasa salaula at pasalamat na lang aq ko sya pinagbigyan noon kung hindi iyon na siguro ang pinaka malaking pagkakamali na ginawa ko sa tana ng buhay ko!!!

 

Kayang kaya natin to. Bakit sino ba sila hehehe

manhater.xxiv's picture

HAHA.

Maniniwala ka ba kung sasabihin kong hindi ako galit sa kanya?

Haha. Weird no.

Ano naman yung salaula? Haha.

Naalala ko ung gf niya, sabi sakin, kung handa raw ba akong ibigay ang pagkababae ko kapalit ung ex ko. HAHA. Nakakatawa.

 

http://forcedengineer.wordpress.com

 

zhaine_joy23's picture

grabe

salaula means baboy ung may kamanyakang ginagawa.

 

at anong sagot mo dun sa gf nya?

don't let me bibigay ka ha!!

 

hindi ka galit sa kanya? wow (weird)!

siguro gf nya gagawin lahat para lang dyan sa bf nya. hay!!!

 

hindi ko akalaing minahal ko angb tulad nya. it hurts!!!

manhater.xxiv's picture

HAHA.

Syempre hindi. Saka alam kong hindi ganung lalaki ung ex ko. :)

 

Hindi ako galit sa kanya. Di ko nga maintindihan kung bakit hindi ako galit e. Haha. Gusto kong magalit, pero wala akong makitang dahilan.

 

Mali ata yung last na sinabi mo.

 

Dapat yata, hindi ko akalaing ang tulad ko, minahal siya. :)

 

http://forcedengineer.wordpress.com

 

zhaine_joy23's picture

ha!!!

ha bakit naman?

manhater.xxiv's picture

HA?

anong bakit naman? HAHA

 

http://forcedengineer.wordpress.com

 

white villain's picture

white villain   hahaha!

white villain

 

hahaha! nyahay! ayos! gago din ex ko! ayos.. tangna nga tlga o yeah, tamang mura noh? hahahha 

manhater.xxiv's picture

WAW!

 Nakakatakot naman. :))

 

Buti na lang mga Ex na sila. So ekis na. Wag na nating balikan. :))

 

http://forcedengineer.wordpress.com

 

Tangna talaga...

 

 ang makasama ang ex mo at ang bago nya.

Hindi mapalagay, tumatagaktak ang pawis at kung anu anong pagpapapansin ang ginagawa.

Di maiwasang magselos.

Akala mo wala na siyang halaga sayo pero..

Hay.......

 

manhater.xxiv's picture

Hm.

Mukhang malalim ang pinaghuhugutan mo niyan a. :)

 

http://forcedengineer.wordpress.com

 

mara's picture

manhater n manhater. emosyon

manhater n manhater.

emosyon na emosyon.

Ayos!

=]

manhater.xxiv's picture

HAHA.

Syet dapat ata magbago na ko.

 

http://forcedengineer.wordpress.com