Multo nga ba?
Nabasa ko ang ilang articles dito at naengganyo akong mag register at gumawa nang sarili kong entry. Lalo na yung mga kwento tungkol sa multo. Naisip kong ibahagi ang isa sa mga naging karanasan ko.
Totoo nga ba ang multo? Nung bata pa ako, mga elementary pa ko, may mga bagay bagay akong nakikita pero hindi ko na lang pinapansin, syempre dahil bata pa, naisip ko na baka nga guni-guni ko lang ang lahat. Sabi pa nang pinsan ko maaga raw akong mababaliw dahil sa mga kathang isip ko.
Naalala ko pa nga uso pa yung Regal Shocker tuwing Friday, at may isa pa, nalimutan ko na basta yung palabas pag sabado.. mahilig akong manood nun, as in todo makaawa pa ako na mapanood yun dahil ayaw nang mama ko manood ako nang ganun, madadala ko raw sa panaginip ko yun at magiging duwag ako paglaki ko. Minsan nanonood ako ng regal shocker, bukas pa ang bintana sa salas namin ng mamataan ko na may babae sa labas na nakasilip sa bintana, wari'y nakikinood sya. Nang sabihin ko sa mama ko na may babaeng nakasilip sa bintana, inisip nya na kung anu ano na ang tumatakbo sa isipan ko sa kakanood ko ng mga nakakatakong palabas. Tingilan ko na ang panonood ng mga ganun dahil kung anu ano pa ang nakikita at naririnig ko na hindi naman pangkaraniwan.
Nung nag aral ako ng piano, pumupunta pa yung piano teacher ko sa bahay at dun nya ako tinuturuan. Lagi nya pa nga sinasabi na may mga bata at babae sa bahay na labas pasok sa amin. Pero isang lugar lang ang pinupuntahan.. yung puno ng chico namin sa likod. Sabi nila may mga nakatira raw dun. Kaya nga pag may okasyon nakaugalian na nang mama ko na maglagay ng kapiraso ng handa sa puno at sa altar.. ishare raw ang handa. gnun..
Nung college ako mas lalo pa akong nahilig sa mga horror movies, exciting e. Kahit napakaduwag ko at sigaw ng sigaw sa sinehan pag nanonood, gustung gusto ko pa rin manood, masaya e.
Hanggang 1 araw lagi na akong may nakikitang babae sa bahay namin. Naririnig ko na tinatawag ako, madalas sa likod ng bahay. Ang masama pa non, ginagaya nya ang boses ng mama ko. At pag tinanung ko naman sa mama ko kung bakit nya ko tinatawag, sabihin naman nya hindi raw. Meron pa yung naglalaba ako sa likod bahay ng biglang dumating yung kaibigan ko at tinanaw ako sa bintana, nag bbye sa akin, tumango lang ako at ngumiti. Pagkatapos ko maglaba, tinanung ko sa mama ko kung nasaan na si grace bakit hindi ako hinintay, sabi nya "hindi naman nagpunta rito si grace e, bat mo hinahanap?".. grabe, kinilabutan tlga ako, bat nagkaganun? nababaliw n yta tlga ako..
Nung college na ako, nagduduty kame somewhere in pasay, sa isang barangay hall kame nagsstay.. May pakiramdam ako na hindi maganda sa barangay hall pero hindi ko lang pinapansin, kase baka isipin nila nananakot ako. Nag cr ako na bukas ang pinto sa takot na baka may makita ako sa loob ng cr. Nang matapos na ako magwiwi, nanalamin ako para ayusin ang buhok ko. Napansin ko na may babaeng nananalamin din sa likod ko. Grabe hindi ko pa natatapos ayusin ang pantalon ko tumakbo na agad ako palabas ng pinto sa takot..
Nung minsan gumawa kami ng thesis sa bahay ng groupmate ko, pagpasok pa lang namin sa bahay sabi ko "tol, medyo creepy dito sa place nyo, may nakatira ba dito?".. sabi ng groupmate ko, "wala e, kaming dalawa lang ng kuya ko, minsan wla pa sya..", sagot ko, "kaya pala, may ibang nakatira..".. Natakot mga kagroupmates ko, wag daw ako manakot, pero tunay ang nararamdaman ko, may mga tao sa paligid na hindi nakikita ng mga karaniwang taong kasama ko. Pinabayaan ko lang, gumawa na kame ng thesis. Actually tatlong palapag yung bahay nila, badtrip, spiral pa yung hagdan.. Mga 4am na yta nun, bumaba ako para kumuha ng chibog, nang biglang makita ko ang isang babaeng nakatayo sa mesa, grabe, hindi ko na siya tinitigan pa, pumikit ako saglit at nang magmulat ako, wala na siya. Di ko lang pinansin yun hanggang maligo na ko kinabukasan, sa sobrang takot ko niyaya ko pa clasmate ko na sabay na kameng maligo.. (pareho kaming babae malamang.. hehe).. habang naliligo kame ramdam ko na may ibang tao sa loob ng cr, pakiramdam ko nasa loob siya ng salamin, nakamasid. Di ko pinansin dahil ayoko na matakot sila.. Hanggat paalis na kame, sabi ng clasmate ko na may 3rd eye.. "girl, nakikita mo ba sila? Ayaw nila na may ibang tao dito..".. grabe nanindig talaga ang balahibo ko.. Bago kame umalis ng bahay napalingon ako sa kusina nila, nakita ko siya.. matandang galit na galit at nakatitig sa amin na parang pinapaalis na kame at wag na kame bumalik pa. Sa takot ko at di ko na nakayanan napaiyak talaga ako. Simula noon nasabi ko sa sarili ko ayoko na makakita ng mga bagay na ayokong makita. Akala ko nga magtatapos na dun.. pero hindi pala..
Nung magytabaho na ako sa HSBC sa Alabang, marami pa rin akong nararamdamang kakaiba, lalo na sa cr ng girls. Dahil duwag nga ako, sa sink tabi ng pinto ako lagi naghihilamos at nagsisipilyo para pag may nakita akong kakaiba madaling tumakbo palabas. hehehe.. Pagpasok ko isang gabi, nakita ko may babaeng nagsusuklay sa gilid, sabi ko, "ayos may tao, hindi ko na kailangang matakot..", kaya naghilamos na ako. Pagkatapos ko maghilamos napansin ko wla n yung babae. SInilip ko lahat ng cubicle wlang tao, pero sigurado ako wlang lumabas ng cr dahil katabi ko ang pinto, sana maririnig ko yun. Sa takot ko napaluha ako at tumakbo palabas..
Lumipat na ako ng trabaho dito sa Makati, akala ko wla ng gnun dito dahil hindi naman tahimik dito, maingay.. pero wala pa ring nagbago, hanggang dito sa opisina marami pa rin akong nakikita pero hindi ko lang pinapansin. Hanggang dumating sa punto na katabi ko, nasa likod ko at masama pa ang tingin sa akin.. Ok lang sana wag ko lang makikita ang muhka e. Pero hindi naman maiwasan yun, hay nku hindi ko alam gagwin ko, natatakot na talga ako.
Anu na ba gagawin ko? katakot naman.. multo ba to? :(
hello alaine
nabasa mo ba ung post ko about sa multo... malamang kapatid ay half-opened ang third eye mo... welcome to the world of sixth sense... Mahirap talaga ang may ability ano... according to ate pauline, nagpapakita at nagpaparamadam daw ang multo sa taong ka-level nila ng energy... so malamang, ang mga nakasalamuha mo ay ka-level mo ng energy..
ako hanggang ngayon, hindi tinatantanan ng ability kong makakita... lahat na ata ng multo nakita ko na... pero ang hindi ko makakalimutan ay iyong nakita ko sa activity area ng isang mall. Kitang-kita ko kasi ang mukha ng multong lalaki na nakatingin sa akin...di naman ako makasigaw dahil nasa kalagitnaan ako ng book signing ng sikat na writers..
Ang mainam gawin ay ipagdasal na lang natin ang mga kaluluwang ligaw.
ingats,
melay
hello ate melay.. ahm kung
hello ate melay.. ahm kung may alam kayo sa mga bagay na ganito? bakit ngayon di naqo nakakakita? samantalang dati, ayokong nagiisa dahil sa dami ng nakikita qo.. ibig sabihin ba nun, close na ang third eye qo?? thanks and godbless..
scary :)
Nung bata pa ako ganyan din ako, pero dahil gusto ko mabuhay ng normal pinilit kong isara ung 3rd eye ko.. ahhaha.. Basta ibaling mo sa iba ang atensyon mo, magsulat ka ng magsulat kung yan hilig mo, iwasan mong mag-isa, sumali ka sa mga activity na talagang malilibang ka. 'Di mo mamamalayan na unti-unti mo ng nakakalimutan mga ganyang bagay. 'Yung iba lang talaga hindi magawa 'yan, kaya sinasanay na lang nila sarili nila..Basta 'wag tayo makalimot sa ating 'boss' hindi niya tayo pababayaan.
MABUHAY!!!
._.+'emopencil'+._.
gusto qo rin naman mabuhay
gusto qo rin naman mabuhay ng normal, pero nakakatuwang isipin na nabigyan aqo ng pagkakataon na magkaron ng ganoong kakayahan.. kaya sana magawa qo ulit.. =))
magagawa mo!
kaya mong gawin 'yun ulit... kung gusto mo talaga e'di buksan mo lang ulit ang diwa mo para sa mga ganung bagay.. isipin mo ng isipin.. hehehe.. unti-unting magbubukas uli ang 3rd eye mo, heheheh... Pero siguro mas maganda kung hayaan mo na... GODBLESS...
._.+'emopencil'+._.





Salamat sa iyong kwento...
Salamat sa iyong kwento... para sa akin totoo ang multo kahit hindi pa ako nakakakita... may nararamdaman ako pero hindi ko rin masasabi na multo nga yun.. baka guni-guni ko lang..
Naniniwala ako sa multo lalo na sa mga nagpaparamdam. Kapag may namatay sa isang pamilya naniniwala ako na babalik at babalik ang namatay at magpaparamdam sa naiwang pamilya..
Sa akin totoong multo ang naramdaman at nakita ninyo.. alam mo pangarap ko ang makaranas ng ganyan... gusto ko nga mag ghost hunting kaso wala akong mahanap ng grupo...
Salamat sa iyong kwento
Jonsdmur