Musika ng Di Musiko
Ang awit na pilit
na nililikha,
mga manhid
at bingi
nating mga tenga*
ay 'di kailanman
nagtugma sa sukat
o tono.
Ilang ulit pa ang kailangan
upang magsawa
sa kakapatugtog
sa harap ng mga manonood
nating hindi naman nakikinig?
Kailan matatapos
ang ang obra-maestra
nating hindi kailanman lumikha
ng musika?
Saka na.
Kapag kaya
ko nang hindi pakinggan
ang magandang himig mo.
*'Di tiyak sa pagkabaybay ng salita ang may akda.
RE: Double Meaning?
Pasensya na pero wala akong direktang intensyon na ipatungkol 'to sa mga Metal o sa Rock music. Mahilig din ako sa gan'ong klaseng musika. Ginamit ko lang yung musika bilang isang medium kung paano ko pwedeng ipresinta yung ideya ko.
Kung anuman yung tinamaan sa'yo, pasensya na kaibigan dahil 'di ko sadya 'yun. Naisip ko kasi na baka offensive sa parte mo o nahasel ka o kung anuman.
Sa totoo lang, nung una kong sinulat 'yan, tungkol talaga yan sa isang karanasan ko sa pagkakaron ng relasyon. Pero nung nagsisimula ko nang i-edit, mas naging broad yung gusto kong sakuping paksa. Kung dati, tungkol lang s'ya sa pag-ibig na sablay, inedit ko s'ya na para maging tungkol sa kawalan ng kakayahan para tiisin ang isang bagay na alam mong hindi tama o mali dahil kahit paano, na-e-enjoy mo pa rin yung bagay na yun.
Naging inspirasyon ko ang isang tipikal at payak na pag-uusap namin ng taong tinutukoy ko nung una, kaya may "pangungusap na hinati-hati" na pakiramdam yung tula. Pinilit kong himayin para medyo "malakas" ang dating ng mga salitang ginamit ko.
Nagulat rin ako nang sabihin mo na may nakita kang pagka-politikal ng sinulat ko. Kahit 'di ko ito sinasadya, gusto ko na rin sabihin na para sa kanila ito. Mahuhusay magsalita - masarap pakinggan, kahit alam natin na kasinungalingan ang ilan o karamihan dito, nahuhumaling pa rin tayong hindi pansinin ang alam nating katotohanan dahil masarap ito pakinggan. Para sa reyalisasyong iyon na galing sa'yo, maraming salamat!
Kaibigan, Salamat sa panahon mo na nilaan para basahin, pag-isipan at ibahagi ang pananaw mo sa sinulat ko. Ingat lagi!
Steady.
PeaceLove&RockN'Roll.



Double Meaning?
Halata ang patungkol sa mga Metal / Rock Music. Patago naman ang patungkol sa mga sinasabi ng mga inutil na pulitiko.
Kung yung una, medyo tinamaan ako... 'metal' kasi ako. Pero ayos ang pagkakagawa. Yun nga lang para itong isang malayang pangungusap na hinati-hati mo.
Ituloy ang pagbuga ng kagandahan ng buhay.