Musika sa Publikong Paaralan sa Pilipinas, 1898-1935

noid's picture
| |
09/10/2007 - 5:00pm
09/10/2007 - 7:00pm
Etc/GMT+8

Musika sa Publikong Paaralan sa Pilipinas, 1898-1935, ni Raul C. Navarro

Batiin mo
"Kamusta ka?"
At ang
sagot tingnan mo ba
"Hey!
Tagalog, mi no habla!"
Ay, naku,
naku, Kenkoy!
-Naku...Kenkoy

Malugod kayong inaanyayahan ng UP College of Music at Ateneo de Manila University Press sa paglulunsad ng KOLONYAL NA PATAKARAN at ANG NAGBABAGONG KAMALAYANG FILIPINO: Musika sa Publikong Paaralan sa Pilipinas, 1898-1935, ni Raul C. Navarro, Lunes, Sept. 10, 2007, 5-7 pm, Mini-hall, UP College of Music, Diliman, Quezon City.

Ang mga magsisiawit ng iilang kanta na tinatalakay sa aklat ay sina Bb. Gabrielle Francisco (soprano), Bb. Maribel Miguel (soprano), ang Mary the Queen Children's Choir, ang Sta. Isabel Vocal Ensemble at ang UP Vocal Ensemble.

Sa pag-aaral ni Dr. Navarro, pinagsikapan niyang saliksikin ang mga hayag at di-hayag na patakarang kolonyal sa larangan ng musika at ang implikasyon nito sa kamalayan ng katutubo. Kinalap niya ang mga materyal na artifak tulad ng mga awit o musika, mga opisyal na dokumento, at ang mga aklat pangmusika, at sinuri ang mga ito gamit ng teorya ni Foucault, ang iba pang kabatiran mula sa kritikal na teorya, at ang mga napagtagumpayan ng Sikolohiyang Pilipino at ng Pilipinohiya sa pangkalahatan. Ibinunga nito ang isang pagbasa sa mga datos na nagpapatingkad sa mahigpit na ugnayan ng musika, kultura, at politika, kumikilala sa masasalimuot na proseso at bias ng kolonyalismo, habang itinatampok din ang larawan ng pakikibaka ng mga Pilipino.

Ang aklat ay maari nang bilhin sa Popular Bookstore (372-2162), Solidaridad (523-0870), Loyola Schools Bookstore (426-6001 ext 5184) at sa Press bookshop (4265984; unipress@admu.edu.ph; www.ateneopress.org).

Salamat po.

Source