My Back-breaking Palanca Adventure
Haaaay... sa wakas nakapag-submit din ng entries! Pwede na uli akong mag-relax nang kaunti! Now I have more time again to play video games and read books and/or go out of town!
For the past couple of months e talagang pinaghirapan ko ang pagsulat, pag-edit, pag-proofread, pagbasa ng paulit-ulit, pagdagdag-bawas, proofreading uli, pag-print ng mga dokumento, pagpapa-xerox, pagpapa-notaryo, pag-scan ng mga document, balik sa pagbasa nang paulit-ulit, proofread uling umaatikabo, fine tuning, finalization. Tapos sa pagitan ng mga ito ay syempre kailangan kong magtrabaho, nood ng movies, laro ng video games, nood ng TV, at basa ng books (kasi baka ma-aning na ko kung hindi). At kani-kanina lang ay sa wakas at nakapagpasa na rin uli ako online ng aking mga gawa!
Apat na entries ang pinasa ko, para sa mga sumusunod na categories: Maikling Kwento, Maikling Kwentong Pambata, Tula, at Poetry Written for Children.
Para sa Maikling Kwentong Pambata, ipinasa ko ang "Isang Maikling Kwento #9." (Naka-post na dito sa FW yon, so kung curious kayo kung tungkol saan yon, pakibasa na lang po.) - ang orihinal na text para sa kwento kong iyon ay maikli lamang, less than 5 pages, pero buti na lang at napahaba ko hanggang 8 pages (10 pages ang limit). Nagdalawang-isip pa ako kung ito ba o yung "Isang Maikling Kwento #18" na lang ang ipapasa ko, pero napagtanto ko na may mga elementong hindi angkop sa mga batang may edad na 6-12 ang kwentong iyon so binalikan ko na lang ang IMK #9 at pinaganda nang husto. Sana manalo, yey!
Para sa Tula, ipinasa ko ang aking koleksyon na "Sinturong Pangkaligtasan." (Naipublish ko na sa web iyon almost 2 years ago pa, at matagal na siyang free to download dito so paki-download na lang po kung trip niyo) - wala na ako masyadong nadagdag dito, pero may pinalitan akong tula dahil sa tingin ko ay hindi siya ganoon kaganda so ang ipinalit ko ay ang isa sa mga bonus na tula sa e-book na ipinapa-download ko sa inyo (doon niyo lang siya mababasa, haha, belat!). Kung alin ang aking pinalitan at kung ano ang aking ipinalit ay malalaman niyo in the near future so abangan! (kung trip niyo lang naman...). Ang by the way, isinali ko rin pala ito (yung original, walang-pinalitang-tula version) sa Maningning Miclat Trilingual Poetry Contest 2009. Sana manalo, wee!
Para sa Poetry Written for Children, ipinasa ko ang isang koleksyon na binuo ko mula sa aking mga lumang mga tulang ingles na may temang pambata (o almost pambata), karamihan ay naka-post dito. Medyo may writer's block pa rin ako sa paggawa ng mga tula kaya I just managed to write 2 new ones para sa collection. Ang title nga pala nito ay "Dream of Dinosaurs." Sana manalo, yeba!
Para sa Maikling Kwento, ang ipinasa ko ay ang aking pinakabagong akda na "Isang Maikling Kwento #30." Yep, hindi pa siya napopost sa kahit saang website, at plano ko na ipost ang Palanca version sa September pa, pero magpopost ako ng Facebook/Multiply/FW version soon. Anyway, itong kwentong ito ang talagang pinaghirapan ko nang husto, dahil sinimulan ko siyang isulat noong early last month pa, pero ang kwento ay naisip ko na more than a year ago na ang nakakaraan (tamad lang ako kasi magsulat kaya ngayon ko lang naisulat at natapos). Sabi sa rules, dapat hindi lalagpas ng 25 pages ang isang kwento, pero ang aking kwento, noong hindi pa tapos, ay umabot ng more than 35 pages. So super editing ang ginawa ko para magawa kong not more than 25 pages lang. Kaso, may synopsis pa pala na 1 page. Tinamad na akong magtanong sa Palanca kung kasama ba sa 25 page na limit yung 1 page na yun, so ang ginawa ko pinaikli ko pa uli to 24 pages yung main text ng kwento, at syempre todo-ingat na walang mawalang important plot points sa kwento. Yun ang pinka-tricky na part, kasi kinailangan kong himayin talaga at i-turn inside out at upside down ang kwento ko para masiguradong walang plot holes at kumpleto pa rin sa mahahalagang detalye. Dagdag pa dito ang ginamit kong style ng narration na non-chronological (haha basta astig siya, promise... Ü). In the near future, kung sakaling palarin na maaipalimbag ko sa libro ang IMK Volume 2 (kung saan makakasama ito kasi koleksyon iyon ng IMK #21-30 (nakakasunod pa ba kayo sa numbering? pasensya na sa mga mahihina sa math na tulad ko!)), plano kong gamitin ang extended edition (parang Lord of the Rings DVD lang) kasi sa palagay ko e pwede ko pa talagang ma-extend ang istorya. Haaay... super effort talaga ang pagsulat ng isang to, sa totoo lang. Kaya itong entry na ito ang talagang pinaka-pambato ko sa Palanca, kumbaga sa pagsali sa Olympics, ito ang boxer ko, ang aking flag bearer, ang may pinakamaraming sponsor na atleta. Kaya sanasanasanasanasana manalo... amen.
Ito pala ang aking kauna-unahang beses na pagsali sa Palanca. 3 years ago ko pa binalak na sumali pero ngayon lang naisakatuparan. Pero kahit na ganoon, sana ay manalo pa rin ako. Sanasanasana, amen. :D
Salamat po sa pagbasa.
*PS: matutulog na ako...8 hours na ako dito sa tapat ng PC ko, nagpapalit-palit na ako ng playlist na pinakikinggan... Guns 'n Roses, Journey, Blur, Bon Jovi, The Cascades... at ito, 2 beses nang naulit ang "Pet Sounds" ng The Beach Boys... antok na ako... good night! :D
Goodluck!
A Collection of Short Stories-Jonsdmur
sana magtagumpay ka... pray namin yan....
really? bwaha. ako din e.
really? bwaha. ako din e. napaka-iresponsable ko pero bukas pa lang ako magpapanotaryo..
andami-dami kong nakatenggang story pero hindi ko natatapos, sa sobrang busy ko. tapos ngayong bakasyon kung kelan andami kong panahon, dun ako nagagahol sumulat..
enwey, manalo matalo, mas importante yung matuto. it's not always a matter of winning naman e. minsan, gusto ko lang talaga mag-umeksena. hehe
goodluck to the both us. bwaha. kung totoo ngang nagaganap ang mga bagay dahil sa luck :)
ayus!
ipasa mo yung "Geoff and Scarlett", yung yung paborito kong gawa mo e, hehe! good luck sa atin! kitakits sa september, mwehehehe... :D
I'd love to turn you on...
Sana manalo ka sa
Sana manalo ka sa palanca...para maqualify ka sa staff ng http://www.tunaynalalake.blogspot.com
--------------------------------------------------------------- http://www.dagangkanal.blogspot.com changes lives!
Sa likod ng mahabang dreadlocks at balat na puno ng tattoo at piercing, si j.luna ay isang lisensiyadong guro
ganown?
ambigat naman ng requirement para maging staff dyan sa blog na yan! hehe... sana nga... salamat!
I'd love to turn you on...
Sa pagkakaalam ko kasi yung
Sa pagkakaalam ko kasi yung wala lang palanca award sa staff nun e yung director ng docu/show, yung host na nakadreads tsaka yung isa na writer ng speculative fiction at yung prof na sikat yung blog...Yung blog peeps puro Palanca peeps yung isa naka-3 (nobela, maikling kuwento), yung isa ( 4 sa tula), si Alimango (3 ata sa poetry) tsaka yung isa (2 sa poetry).
Abangan...Ang show ng mga tunay nalalake....
http://www.tunaynalalake.blogspot.com
--------------------------------------------------------------- http://www.dagangkanal.blogspot.com changes lives!
Sa likod ng mahabang dreadlocks at balat na puno ng tattoo at piercing, si j.luna ay isang lisensiyadong guro
hanep a...
sige, sana mapasama ako sa staff niyan... hindi ko ma-open sa opis yung blog e, mamya na lang siguro sa bahay...
I'd love to turn you on...





yehey!
Good luck sa yo Patrick, gayon na rin sa mga sumali at sasali pang taga FW. I heard pati si Kislap. Sana may manalo sa mga kasaling galing dito sa ating bakuran.
Yehey!
Ruthie
Junimun norul saranghe... ^ . ^*
http://atmaramipangiba.wordpress.com
http://courtofreverie.wordpress.com