My first REAl hurt break
Normal 0 false false false EN-PH X-NONE X-NONE
Halos isang buwan na din pala ang nakalipas ng iwan mo ako. Hindi man lang tayo nakapag-paalam sa isa’t isa. Mahina kasi ang loob ko at kahit alam kong malakas ang loob mo, sa loob pa din ng katawan mo may nagtatago diyang takot at lungkot. Pasencia kana kung tinalikuran kita, naging pipi,bulag at bingi ako at hindi kita naipaglaban. Pero ang totoo halos madurog ang puso at buong kaluluwa ko. Lahat ginawa ko maging kunin ang buwan ‘wag lang matuloy ang paglisan mo ngunit hindi talaga ako malakas sa itaas at nangyari na nga ang isang bagay na hindi ko hinagap maisip na mangyayari sa buhay ko. Doble ang sakit ng naramdaman ko sa naramdaman mo, humihinga ako ngunit alam kong patay ang lahat ng bumubuo nito. Alam ko ng pag-uwi ko nun sa ating tahanan ay wala kana nilamon ka na ng dilim ng mundo at ng mga buwaya na sumasagpang ng kahit anong nasa harapan nila. Galit ako sa kanila, galit na galit! Gusto ko mamatay din sila, gusto ko maranasan nila ang naranasan mo. Alam mo ba sa tuwing nakikita ko sila bumabaliktad ang sikmura ko at gusto ko silang saktan, yung tipong mawawalan na sila ng hininga. Nakakatakot sila ngunit mas gusto kong matakot sila sa akin ngunit hindi ko alam kung papaano. Alam mo din ba ng mawala ka, nawala na ang kaisa-isang pangarap ko na binuo mula pagkabata ko, sabi ko “hindi na ako magiging isang doktor dahil ngayon pa lang pinatay ko na ang pasyente ko”.
Mula pa noon pangarap ko ng maging isang veterinaryo, sa ibang salita maging doktor ng mga hayop. Mahilig ako sa mga hayop, sa mga aso at pusa, sa mga nilalang na kinahihiligan ng tao, sa mga nilalang na nilalapastangan din ng tao. Galit ako kapag napapalabas sa telebisyon ang pang-aabuso sa kanila may panahon pa nga na napapamura pa ako “Putang Ina ng mga ito!mamatay din kayo” iyan ang sabi ko sa mga tao na walang habas na pumapatay at umaabuso sa mga kawawang nilalang na iyon. Oo,napakaemosyonal ko pagdating sa kanila lalo na pagdating sa mga alaga ko. Para bang napakalaki ng ginagampanan na papel nila sa buhay ko kaya ganun na lamang ako makapag-tanggol sa kanila, siguro ay dahil din sa ginawa ko na din silang parte ng buhay ko, ng pangarap ko. Kung sa tutuusin, turing ko sa kanila ay higit pa sa alaga, para sa akin isa silang kapamilya,kapuso at kapatid. Sa bahay, hindi problema ang pag-aalaga sa kanila, mahilig mag-alaga ng aso at pusa ang pamilya ko. Mula pa ng maliliit kami, nag-aaruga na kami ng mga aso at pusa na ligaw o bigay ng kapit-bahay namin. Mahirap sa mahirap ang mag-alaga ng hayop, dahil parang nag-aalaga ka din ng bata na kailangan mong bigyang pansin at pagmamahal. Hindi ako nahirapan gawin iyon, gustong-gusto ko silang alagaan, yakapin,pakainin, paliguan at maging ka-kwentuhan (kahit alam kong hindi sila nagsasalita at hindi nila ako maiintindihan at naiintindihan). Masaya ako umuwi sa bahay dahil alam kong pag-uwi ko may madadatnan akong sasalubong sa akin na tuwang-tuwa at masayang-masaya dahil bumalik ang isang tao na mahalaga sa kanila. Lahat ng mga dumaan at nawala sa aming pamilya, hindi ko akalain na isang pagkakataon na lamang na iyon ako iiyak ng sobra, magiging matamlay ng sobra, magwawala ng sobra at mawawala sa sarili ng sobra. Sabihin ninyo na ako’y isang baliw o walang utak (sa totoo lang may nagsabi na sa akin nito dahil sa pangyayaring iyon) ngunit sabi ko totoo lang ako sa nararamdaman ko at nalulungkot lang ako. Pero totoo yata na ang mahirap na ipaliwanag na bagay ay mahirap din intindihin. Marami ang nagsabi na mababaw lang iyan at makakahanap pa ako ng iba. Mapapalitan pa ng bago ang luma. Ngunit sa isip ko, ang luma ay nagtataglay ng kakaibang halaga. Dahil doon ko natagpuan ang isang bagay na hindi ko ata matatagpuan kahit kanino man o kahit saan man, ito ang maging maligaya.
Kahit minsan over-protective ka, alam mo ba masaya ako kasi alam ko na walang mananakitsa akin. Patawarin mo ako. Hindi ko alam kung nasaan ka na. Ang tangi ko lang hiling ay maging ok ka. Huwag ka mag-alala dahil hindi din magtatagal makakasama din kita. Mahal kita sana mahal mo pa din ako aking kaibigan.


?
Hurt break o heart break?
Ako ang pinakaromantikang sakyubus sa balat ng lupa...
http://leserotika.i.ph/blogs/leserotika/