"My Life on Paper" What’s the matter for this?

PinkCath's picture

Two days lang akong walang pasok sa work, pagsilip ko this morning sa FW may holly-cows ano na ang nagyari…  “May life on paper” halos lahat ang naka post… at buhay talaga sa ibabaw ng papel ha!... what the F?

Buti sana kong maayos na nagamit ang mga salitang kanilang ginamit, English kong English nahiya naman ako. Pwede naman sana gumamit ng dictionary at marami naman site na pwedeng mag-turo ng tamang grammar. Hindi man lang pinagisipan ng may kagagawan nito… iyong teacher nila na nagpagawa nito na “KUNG ANO ANG MABABASA NG MGA NASA FW AY SYANG REPLEKSYON NIYA BILANG ISANG GURO”

SIR/MA'AM ano po ba ang subject ninyo? Nasa anong grado napo ba ang mga students nyo? May English subject po ba ang mga ito?

Bakit di nalang po kayo gumawa ng “Yahoo Group” at doon i-submit lahat ng gawa nila, para kayo-kayo na lang ang makabasa…

Para saan ba kasi ito?

Final Project daw! O-my-galz… kung ako mag che-check nito bagsak lahat!

Why?

Sample:

"No matter how plain and simple you are, There's someone who will surely look at you, As if youre the most creative ever existed." –shelo lot-"

... So don't fight it. Life is a rollercoaster Just gotta ride it...." -mae chat-

"Life is challenge that we ought to face, you lose some, you win some but if you never give up sacrifices you have a greatest rewards." - Earl Jane Macapelit-

For me life gives color to the whole world. Which everyday that we have. Without life we are all useless.  -marvin tadle-  

I became the type who keeps all the sadness, hatred and fears in life. Sometimes I want to cry but my tears can't drop. Those memories in my shadow I don't want to remember for. -Kristianne Nekk...-

life is consist of many scarifies but, still you forgive if only i ask and how many time have you heard me pray.  -maricel olaco-

"Life comes in many shapes You think you know wahat you've got Until it changes And life you take it high and low..."  -ailyn mae-

I was christianed by my parents. Born and grew in a small bountiful barrio of Kamanikan that belongs in the City of good-luck-Gingoog. I spent my childhood at the same place until I graduated from Kamanikan Elementary School as a seventh (7th) honor.  -sweety_joy-

At marami pang iba…

Ang sa akin lang naman, hindi sa pagdadamot ng site o bahagi nito at alam ko naman may karapatan ang lahat na mag-post dito, pero naman… wala naman sa lugar ang mga pinasa ng mga ito!

Hindi ko rin sinasabi na magaling akong manunulat, ni wala pa nga akong napapatunayan sa larangang ito. Ang sa akin lang naman bago sana pakawalan ang mga bobot na kaisipan ay suriin muna itong maigi, maraming mandaragit sa kawalan baka madagit lang at sila ay mga-masaktan.

Ate Sinta Isaac (ate talaga), ilan lahat nabilang mo? Ako nasa 25 na isang section na ito, paano pa kong maraming section na hawak ang teacher nito…

Sana bukas pag visit ko sa FW matabunan na ng maayos na post ang “My life on Paper”.  Bow


PinkCath's picture

isang pagpapahalaga...

isa lamang pagpapahalaga sa site na natututunan ko nang mahalin!

 

 

simpleng pinkCath lang po!

Rom's picture

weh?

"Sometimes I want to cry but my tears can't drop"

 

classic ito! 

 

KarikaTuura

PinkCath's picture

Ito naman sa akin...

"Without life we are all useless."

wala na ngang life eh!

 

Thanks Kuya Rom :)

 

 

simpleng pinkCath lang po!

Rom's picture

 mapapatawad pa sana kung

 mapapatawad pa sana kung elementary o high school lang e...kaso college

 

KarikaTuura

PinkCath's picture

habol ko lang...

habol ko lang ito ang cute kasi...

 

When it comes to interests, I go to my father for we have the same likes, unlikes and interests. But when it comes to serious matters specially when talking guy confessions. I go to my mother. -Kathleen-

 

simpleng pinkCath lang po!

Rom's picture

 namimili na nga ako ng mga

 namimili na nga ako ng mga gagawing status sa Facebook e, baka dumami comments ko :)

 

KarikaTuura

PinkCath's picture

OO nga...

Akala ko worst na ang mga students dito sa Middle East pag dating sa English… dito dahan-dahan ko ng natatanggap na ganoon talaga sila kasi College lang sila nagkakaroon ng English subject… pero ng mag-litawan ang “My life on paper” naawa naman ako sa education system ng Pilipinas. Mula Elementary eh may English subject na tayo! Pero bakit ganito pa rin?

What to do?

 

simpleng pinkCath lang po!

Rom's picture

sa totoo lang makulay ang

sa totoo lang makulay ang buhay ng mga tao sa probinsya kumpara sa maynila. kung pakukwentuhin ang mga nakatira sa kanayunan tungkol sa buhay nila makakabuo ka ng antolohiyang wawasak sa lahat ng antolohiya. ang hindi lang maganda na ang behikulong dapat magdala ng mga kwentong ito--ang wika ay pilit ginagawang wikang banyaga. English. 

sana magkwento o maglahad sila sa wikang nakasanayan nila--Bukidnon. kung bisaya man yan e di bisaya, basta kung saan bihasa at madulas ang isipan nila kapag nagkwento. 

nakakalungkot na sa bansa natin, magpapakadalubhasa ang mga kabataan sa english para lamang magtrabaho sa call centers.  

 

KarikaTuura

PinkCath's picture

TAMA!

Kaya nga ako iwas sa kaka-english baka mahalata! hehehehe

BSIT ang course ng mga students na nag post ng "My life on Paper" course ko rin ito... ang daya dati wala kaming ganyan, ano kaya subject nila?

 

Kuya Rom kakabasa ko lang ng gawa mong ito kahapon http://filipinowriter.com/hang-over-sa-ilalim-ng-tulay-ng-quiapo-short-story

recommend ng isang kaibigan... ganda po! basa pa ako ng iba...

 

simpleng pinkCath lang po!

Rom's picture

 ay! at nahalungkat mo pa

 ay! at nahalungkat mo pa yan ha. nasa proseso ako ngayon ng pag-eedit ng mga luma kong gawa. matapos ko umattend sa isang workshop nalaman kong malaki pa pala ang kulang at dapat na improvement ng mga naisulat ko at isusulat pa. kaya nga ba wala akong bagong pinopost ngayon dito kasi totally aayusin ko ang mga gawa ko. salamat sa pagbabasa!

 

KarikaTuura

PinkCath's picture

Naku kung kayo na matagal na

Naku kung kayo na matagal na nagsusulat eh nag-eedit pa para mas gumanda at maitama pa ang mga gawa... papano pa kaya ako, baka kailangan kong ipanganak muli... hehehehe

Sana matuto ang ilan pang dumadaan sa site na ito sa tulad nyo!

Mabuhay ka Kuya Rom!

 

Sana pala my chat room ang FW para may pagkakataon magka-chat ang mga on-line... kung pwede lang naman

 

simpleng pinkCath lang po!

Rom's picture

salamat sa pagbabasa. may FB

salamat sa pagbabasa. may FB page ang filipinowriter dun pwedeng mag chat. ma meet mo dun ang mga dating member at mga member pa din ngayon ng FW. actually may overnight outing ang mga taga FW sa Makiling Falls sa april 16-17 kung available ka join ka.

punta ka dito:  https://www.facebook.com/home.php?sk=group_124643180925003&ap=1

 

KarikaTuura

Rom's picture

karikatuura

 

 

KarikaTuura <---------click mo lang ito para sa iba ko pang kwento:) salamat!

PinkCath's picture

Salamat sa invite :)

Salamat sa invite, na touch naman ang bottomless kong heart. Pero 10 hours airplane ride po ang layo ko ngayon sa Pilipinas, nasa Oman po kasi ako.

Salamat uli!

 

simpleng pinkCath lang po!

Jason D. Lasconia's picture

pink cath

what to do???..

 

PINKCATH,

KUNG MAG CO-COMMENT KA MAN LANG, WAG MO SANANG PAG MALABISAN ANG MGA PAG IINSULTO MO!!

IN FAIRNESS ANG BAD MO!!

YOU WICKED GIRL, YOU KNOW THAT..???

NASASAKTAN KAMING LAHAT  SA MGA COMMENT MO..

MIND YOUR OWN BUSINESS.. WHAT THE F!!

IT HURTS YOU KNOW.. 

Rom's picture

Jason

 Jason, nasaktan ka ba? ano ba ang mali sa sinabi ni PinkCath? nagsinungaling ba sya? paki point out nga ng malinaw kung ano ang kasinungalingan sa puna sa itaas?

hindi mo ba naisip na nakainsulto at nakasakit din kayo sa mga ginagawa nyo? isipin mabuti. hindi assignment forum ang FW, pero ano ang ginagawa nyo?

tingnan mabuti kung anong klase ang mga pinost nyo bago magsalita. tandaan ang issue dito ay ito: SENSIBLE BA ANG MGA POSTINGS NYO? ang site na ito ay para sa mga MAY SILBING GAWA. may silbi ba ang mga gawa ninyo? ano ba ang mapapakinabangan dito? paano kayo nakakadagdag sa pag unlad ng literaturang pilipino?

kapag nasagot mo ng tama yan, saludo ako sa iyo. pero kung di mo kayang sagutin--itanong mo sa propesor mo baka sakali, may maisagot kayo. 

 

KarikaTuura

noid's picture

Jason, baka di mo pa

Jason, baka di mo pa natanggap ang message ko. Pakibasa - http://filipinowriter.com/how-to-post-class-assignments . I sent all of your classmates this link. You only have until tomorrow Tuesday, 4am to repost your class assignments using the content type 'class assignment.' After that, I will unpublish the class assignments not complying with the site rule.

Pakigaya na lang ang ginawa ni Gladys: http://filipinowriter.com/my-life-on-paper-21 . Pakisabi na rin sa mga kaklase mo.

Salamat. 

gladys tac-an's picture

i don't know what to do..

Curious lang po ako .. on how to edit the text after posting class assignments kasi po pag check ko may roong wrong type or wrong spelling na word. Baka po kasi mapagdiskitahan po ako ng iba.. 

 

'yon lang naman po.. 

Thank you po... 

noid's picture

Hi Gladys. Sorry di ko

Hi Gladys. Sorry di ko na-enable yung editing of own 'class assignment' when I created the content type 'class assignment'. Okay na siya. Paki-check. Salamat. 

gladys tac-an's picture

.........

thank you po...

sorry po if may na gawa po kaming pagkakamali..

We accept the truth about the issue..

 

 sori 2ngkol xa pinost

 sori 2ngkol xa pinost namin..

hndi nman lahat prfct..meron rin kaming mga pagkakamali..

sna maintndhan ninyo..

estudyante lng kami..

 sabot??????

 ma'suya    

ma'dead!!!

PinkCath's picture

Ate basahin mo nga uli ang

Ate basahin mo nga uli ang post mong ito:

http://filipinowriter.com/my-life-on-paper-23

kung yan ang pinasa mo sa teacher mo bilang final project at pumasa ka, pasalamat ka sa teacher mo! kasi kung ako ang teacher mo hindi kita ipapasa... sabot?

 

"Ang pinakamahirap iwasto ay ang pagkakamaling sa tinging ng may gawa ay tama!"

 

simpleng pinkCath lang po!

Jason D. Lasconia's picture

dli man unta mi manghilabot

dli man unta mi manghilabot sa imoha

kung dli ka manghilabot

daghan ra ba mi

ay pag buot ha??

PinkCath's picture

Kaya pala...

Kaya pala iyong spelling ko na siminar (seminar) di mo napansin!

 

 

simpleng pinkCath lang po!

sinta isaac's picture

...

 

Pink cath. - hahahaha napatawa mo ako dito girl. kaya pala 'di napansin yung siminar mo eh, may dahilan naman pala. 

 

 

Marami na yata akong nasasabi, mananahimik na nga lang ako.

 

 

 

 

 

Ako ang pinakaromantikang sakyubus sa balat ng lupa...

 

 

http://leserotika.i.ph/blogs/leserotika/        

PinkCath's picture

Iyong blog ko kasi na

Iyong blog ko kasi na “Akala ko Love” ang sinisita ni Jason,  mali daw ang grammar ko sa isang ito “May kweto nga pala ako” sabi ko sa kanya baka wrong spelling ang gusto niyang sabihin… binasa ko uli ung blog ko napansin kong mali din ang spelling ko ng seminar naging “siminar”, ung "kweto" napansin pero ung “siminar” hindi… Bakit kaya? nabago ko tuloy bago mapuna.

 

Salamat Ate Sinta!

 

simpleng pinkCath lang po!

Jason D. Lasconia's picture

hindi naman po ako kagaya

hindi naman po ako kagaya nyo,

na sobrang mapagpuna,at sa sobrang mapagpuna nyo,

 nisip kong napaka unprofessional pala talaga ng ibang tao.

yon lang. 

PinkCath's picture

Ate Jason!

Basahin mo nga uli ang gawa mo...

http://filipinowriter.com/my-life-on-paper-24

pati ba sarili mong gawa di mo maintindihan? kaya siguro ganyan ka kung maka-react... alam mo maganda ang nais iparating ng las part ng "My life on paper" mo... kung maisasabuhay mo lang sana!

"Ang pinakamahirap iwasto ay ang pagkakamaling sa tingin ng may gawa ay tama!"

simpleng pinkCath lang po!

Jason D. Lasconia's picture

my love..PINKCATH!

ANG CUTE MO..Wink
MWAH.!
 
yon lang.
PinkCath's picture

Kuya Jason...

Gumastos ako ng 5.2 omani rials pang libre sa friend ko para maintindihan lang sinabi mo dito sa comment na ito... okey lang buti nga monday kahapon, buy one take one ang pizza sa papa john's.

Kuya Jason dapat mong malaman na nag-post ka ng isang blog (assignmet) sa “world wide web” lahat ng tao na may access sa internet na alam ang site na FW ay mababasa ang gawa ninyo . natural lamang na mag react ang ilang mga narito dahil nga may nilabag kayo sa panuntunan ng mga gawang dapat ilagay sa site na ito. Ang masaklap pa sa lahat ng nag post ng gawang gaya ng gawa mo ay may mali.

Alam mo kuya Jason, December ng 2010 ko pa nakita ang site na ito pero February 2011 lang ako nagkalakas ng loob na mag register at gumawa ng blog dito. Ang dahilan ay pinag-aralan ko muna ang site at kung ano ang meron dito.

Kung babasahin mo lang sana ng maigi ang blog ko makikita mo kung ano ang tunay kong hangarin para dito. At isa pa wala ka nga sa sample ko, kung maka-react ka naman. Ikaw ba spokesperson nila?

“How I wish a for a time machine, so that I could travel into the future and set everything complete.”

Ito naman ang nakuha ko sayo.

Hindi sa pakikialam kuya Jason, ito'y pagpuna lamang na sana ay bigyan mo ng positibong pananaw!

Basahin mo muli ang blog post mong "My life on paper" naroon ang sagot kung bakit may taong katulad ko at kagaya mo.

simpleng pinkCath lang po!

maraming salamat po sa mga

maraming salamat po sa mga panlalait nyo ..na appreciate po namin ..ipagpatuloy nyo yan ..hindi magtatagal, yayaman kayo niyan .. :) ang bait2x nyo ..wala kayong katulad ..ngayon lang kami nakatagpo ng mga taong saksakan ng bait na katulad ninyo ..maraming salamat po sa mga panlalait nyo ..

( sana kunin na kayo ni LORD ! ) God Bless 

ryan po's picture

ryanjamespo  I think that

ryanjamespo 

I think that we have to accept the fact that no one is better than the other.

I hope this should make us realized that no one has the right to look down on someone  that seems to be inferior to us.........

 

 

sorry if nagkakamali po kami.....

sana mag comment kayo in a constructive way para

wala pong masaktan....

sorry po talaga..... 

PinkCath's picture

Ipagpaumanhin mo Kuya Ryan...

Ipagpaumanhin mo Kuya Ryan....

Sana binasa mo ng buo ang blog ko, tapos ay pag-arala ito ng maigi at wag sana tayo papadala sa damdamin lamang sana lagyan natin ito ng kaisipan.

Sa anong paraan ko ba masasabi ang aking comment na sa iyong palagay ay constructive? Bakit hindi kaya sa positibong pananaw mo tingnan ang blog ko...

 

simpleng pinkCath lang po!

Rom's picture

kumento at puna

iha, di ka nilalait dito. ni hindi namin inapakan ang pagkatao mo--malay ko ba kung sino ka bakit ka naman namin pepersonalin?

ang pinuna dito ay ang maling gawa ninyo. kung ayaw ninyong mapuna ang mga gawa ninyo wag kayong magpopost dito. ang FW ay isang site kung saan ang bawat post ay binabasa at kinukumentuhan. Published sa buong mundo ang bawat i-post dito.  kung ayaw ninyong may mag comment sa gawa ninyo wag kayong mag post. ganun lang kasimple yun.

kung ayaw ninyong tumanggap ng puna (hindi naman personal ang pamumuna sa inyo) wala kayong pag-unlad na makukuha sa panulat ninyo. bawat manunulat ay nagkakamali. ang mga mambabasa ng mga akda ang nakakakita ng mali nito. mambabasa din ang pupuri kung maganda ito.

hindi namin kayo nilalait. kayo mismo sa sarili nyo ang nanglait sa pamamagitan ng paglalagay ng mga "basurang" gawa.

payong kaibigan--magbasa-basa kayo ng mga gawa dito ng mga gawa ng ibang manunulat at subukan ninyong mag isip at magkumpara kung nasaan na nga ba ang level ng panulat ninyo sa level ng panulat ng iba na narito. hindi pa nga ata ninyo nalalaman na ang karamihang nandito ay mga accomplished writers na at di man lang kayo nahiyang ihanay ang mga basurang gawa ninyo sa kanila? 

wag masyadong maging maramdamin, hindi kayo pinepersonal dito. kung may maling grammar o spelling kayo, o construction ng salita--ayusin. personal na pagpuna ba yun?

ngayon kung ayaw ninyo at balat sibuyas kayo. sige pasyal-pasyal muna kayo sa ibang site, wala kayong pag-unlad na makukuha sa buhay nyo hanggat sarado ang isip ninyo sa puna. 

hinahamon ko kayo na ayusin ang mga gawa ninyo at muli itong ipakita sa buong site na ito. yung improved ang better writings. kung wala...manahimik na lang kayo 

 

KarikaTuura

naiintindihan po namin kung

naiintindihan po namin kung ano man ang nais 'nyong ipahiwatig..

pero nakakainsulto naman pong marinig ang salitang ''basura''.

alam nmn po nmin ang amng mga pagkakamali..

Pero hindi nman po sa pontong sasabihin 'nyong "basura" 'yong mga ginawa po namin..  At saka alam po rin namin na malayo po kami kung ihahalintulad kami sa mga ibang writers..

 Sana rin po matigil na po ito. Dahil sinunod ko na rin po ang  na naging utos ni  kuya noid..na i'transfer doon sa class assignments..

 maraming salamat po..

Rom's picture

 @ailyn, handa ka bang

 @ailyn, handa ka bang patunayan na hindi basura ang mga gawa nyo?

kung handa ka sige aantayin ko ang iba pa ninyong mga post na hindi my life on paper. kung di mo naman kayang patunayan na hindi basura ang mga gawa nyo: maghanap-hanap na kayo ng basurahan at nagkalat ang mga basura nyo sa buong site.

handa akong mag apologize at bawiin ang sinabi ko kung kaya ninyong patunayan na may saysay ang mga gawa nyo. DARE? 

 

KarikaTuura

Jason D. Lasconia's picture

KUYA ROM

 BASURA???

AHHH OK...

HOW DISGUSTING NAMAN.

PERO OK LANG DIN YON

YON ANG TINGIN NYO EH..

ANO PA NGA BANG MAGAGAWA NAMIN..Cry 

Rom's picture

anong magagawa nyo?

anong magagawa nyo? patunayan nyong mali ako.

paano? magpost kayo ng may saysay na mga gawa, ganun ka simple lang 

nakaabot na kayo ng college palagay ko di ko na kailangan pang i-point out kung ano ang basura sa hindi basura di ba? 

 

KarikaTuura

Jason D. Lasconia's picture

kuya rom!!

hindi naman po namin alam na ganito pala sa site na to..

kung alam lang sana namin, e di sana hindi na kmi nag posts dito.  

its not yet the end of the world kuya Rom...   maiimprove naman namin yan sa tamang panahon. were not perfect. but we are to trying to be one. ano pa kasi kami eh,... juniors kumbaga. kayo nasa senior stage na. kaya gulat na gulat kami nang may parang nambastos sa pinosts namin. 

Rom's picture

no excuse for mediocrity

 

see? di pala nyo alam kung ano at para saan ang site na ito post kayo ng post? hindi ba sinabi ng teacher nyo kung ano ang purpose ng site na ito? basta na lang nya kayo isinubo sa alanganin? dapat ata sya ang bwisitin nyo at hindi kami. tanungin nyo siya kung bakit niya kayo isinalang sa lungga ng mga Leon.

sa totoo lang hindi kami ang nambastos sa inyo. kayo ang nambastos sa site na ito. nagpost kayo ng hindi nyo alam ang dapat ninyong gagawin at wala kayong kamalay-malay na mga basura pala ang ginagawa nyo itinapon ninyo sa amin dito. ano kami basurahan? sa tingin mo sinong nabastos sa nangyari?

nananahimik ang site na ito at may magandang daloy ng palitan ng mga sulating makabuluhan eto kayo papasok-pasok na may itinatambak na basura tapos kapag nag react kami ng hindi maganda sasabihin ninyong bastos kami?

sa palagay ko kami ang binastos ninyo. mag-isip-isip nga kayo. hindi excuse ang pagiging juniors para makapag-isip ng logical. di mo kailangang maging genius para isiping "wrong grammar" ka pala o "wrong spelling" o may sense ba ang sinusulat mo. kapirasong common sense lang ang kailangan nyo. pero wala ata kayo nun.

isipin mo ulit kung sino ang bastos at nambastos sa atin. kayo na bigla-biglang pumasok na may dalang basura na itinambak dito o kami na nag react sa baho ng basura nyo? 

 

KarikaTuura

Jason D. Lasconia's picture

kuya rom...

eh wala kming magagawa eh.. as in no choice...

inutusan lng kami ng guro namin na mag post sa site na to,

para sa final activity namin...

 kung di kami susunod, babagsak kmi...

 

Rom's picture

Jason, kung ako ang teacher

Jason, kung ako ang teacher nyo ibabagsak ko nga kayo, alam mo kung bakit? hindi dahil sa mali-mali ang mga sinulat at pinost nyo dito kundi sa isang bagay. Hindi nyo nakuha ang lesson na gusto nyang matutunan nyo dito.

ano ba ang lesson?

ang lesson ay ito: matuto sa mga puna ng mga mambabasa, matuto sa salita at kritisismo na nakuha mula sa mga ipinost na gawa. ma realize na malaki pa pala ang pagkukulang sa pagsusulat. matutong gumalang sa isang site na pinasok. matutong sumagot ng logical at tama sa mga puna. matutong makipag usap sa mga mambabasa.

kung hindi nyo natutunan ang lahat ng iyan dapat nga kayong ibagsak. hanggang ngayon kasi idinidepensa nyo pa rin ang mga maling panulat nyo ni wala nga kayong effort na i-correct ito o mag post ng panibago at itama ang mga maling gawa ayon sa mga pumuna.

yan ang mga bagay na dapat sana'y natutunan nyo na gustong ipa realize sa inyo ng teacher nyo. hanggang ngayon di pa pala nyo alam...nakakalungkot. 

 

 

KarikaTuura

sinta isaac's picture

... kathleen my goodness

 

maraming salamat po sa mga panlalait nyo ..na appreciate po namin ..ipagpatuloy nyo yan ..hindi magtatagal, yayaman kayo niyan .. :) ang bait2x nyo ..wala kayong katulad ..ngayon lang kami nakatagpo ng mga taong saksakan ng bait na katulad ninyo ..maraming salamat po sa mga panlalait nyo ..

( sana kunin na kayo ni LORD ! ) God Bless

 

 

 

 

 

napakachildish nito. Iyon lang.

 

 

 

 

 

Ako ang pinakaromantikang sakyubus sa balat ng lupa...

 

 

http://leserotika.i.ph/blogs/leserotika/        

Jason D. Lasconia's picture

sinta, napaka old fashioned

sinta,

napaka old fashioned mo..

yon lang din. heheCool 

haha

`oh yeah Wink

 

...yun lang Laughing

sinta isaac's picture

...Pink cath

 

Ay naku pink cath, kahit siguro ano gawin natin nila J at kuya rom na paliwanag tungkol sa issue na ito at tungkol sa pagpuna at pagbibigay ng kritiko ay hindi din nila maiintindihan, kasi nga, estudyante pa LANG daw sila and nobodys perfect nga daw. hehehe. 

 

Pero para sa akin, parang napakastupid na gawing excuse 'yung "Estudyante pa lang kami."

Ano 'yan? nakakahon ka sa pagiging estudyante?

 

 

 

 

 

 

 

 

Ako ang pinakaromantikang sakyubus sa balat ng lupa...

 

 

http://leserotika.i.ph/blogs/leserotika/        

PinkCath's picture

Siguro nga...

Siguro nga, kaya ako Rest and Peace muna.... hahahahaha

pahinga muna sa isang na namang week ng trabaho, kailangang mag beauty rest para sa get together ng mga pinoy dito on Friday. Saturday na uli ako dadalaw sa FW...

Ingat din kayo sa Outing ng FW sa Laguna!

Hanggang sa muli Ate Sinta :)

 

 

 

simpleng pinkCath lang po!

SSShh.. Secret lang natin

SSShh.. Secret lang natin toh

 

Sinta bebe..tinawag ka old fashioned.

 

 kung alam lang nila na half-blood ka ng maharot na binibini at ng bolerong lalaki. hahahahaha.

 

 

haaaaayyy.. away pa din pala to. matapos ko magbakasyon ng matagal bakit parang lumalala.. parang pabata ng pabata sila dito.

Jason D. Lasconia's picture

_cath, ang cute mo!  and i

_cath,

ang cute mo!

 and i admire you..

sana tumigil ka na ha>>?Wink

mwah! 

PinkCath's picture

hindi lang ako cute Kuya Jason...

Hindi lang ako cute Kuya Jason, ang ganda ko kaya! sana nga makita mo ako ng personal para maging bato ka...

Bakit mo ako pinapatigil... eh ikaw nga itong di nakakaintindi!

ginalit mo pa si ate Sinta kahapon, ah! alam ko na araw mo nga pala kahapon....

 

 

simpleng pinkCath lang po!