my way ni frank sinatra

ellise dominic's picture

 

Noong isang araw birthday ng pinsan ko, nagkayayaang magvideoke sa bahay nila, magluluto daw kasi ng pansit si tiya. Noong una walang gustong maunang kumanta.  Pero si joey nang mahawakan na ang mikropono ayaw nang bitawan, gusto lahat siya ang kakanta kahit kanta ni Britney spears gusto pang tirahin.  Dumating na ang pansit ayaw pa ding magpahiram ng mic nitong si joey, gusto yata pati sa pagkain niya hawak niya ang mic.  Dahil nagkakainisan na dahil bakaw sa mic ang pasaway, tumayo si joanne, ang birthday girl at may numerong pinindot sa videoke machine.  Bigla ay lumabas ang title ng susunod na kanta.  My Way.  Parang binuhusan ng malamig na tubig si joey at halos ibato ang mic sa katabi nito.  Nagtawanan kaming lahat. Naisip ko tuloy ano nga bang meron sa kanta ni frank Sinatra na my way at madami nang nagbuwis ng buhay dito. 

Hanggang pag-uwi ko iniisip ko ang posibleng dahilan kung bakit maraming napapatay kapag kinakanta nila ang my way.  Bukod pa sa isang balitang may napatay din dahil naman sa kanta na nobody, nobody but you.  Ang babaw di ba?  Di ko magets kung bakit may mga ganung cause of death, bukod sa nakakatawa, nakakahiya pa kung tutuusin, ang mamatay ng dahil sa kanta. 

Pag-uwi ko nadatnan ko si nanay.  Hindi ko mapigilang itanong sa kanya kung ano ang opinion niya tungkol sa bagay na ito.  Ang sabi niya dahil daw sa sobrang haba ng kanta.  Okay, may point nga siya.  Kung nasa videoke bar ka at may kumanta ng kantang aabot sa fifteen minutes na di mo mawari kung chorus na ba o kung may nababanaag na bang ending, malamang mag-aamok ka din lalo na kung umiinom kayo at madaling mag-init ang ulo dahil atat na atat ka na ding magpasikat.  Malamang din kung nag-aagaw na ang antok at alak sa isip mo talagang magwawala ka kung ang naririnig mong boses na kumakanta eh di mo mawari kung slang ba o sadyang matigas lang ang dila na imbes na my way eh my wi ang linya with matching hand movements at papikit-pikit ng eyes.  Kahit nakakatawa mas gusto mo tuloy magbasag na lang ng bote kesa ang tumawa.   

Sabi pa ng nanay ko dahil daw siguro sa lyrics ng kanta.  "And now the end is near and so I face the final curtain".  Kung sa bagay para talagang namamaalam na.  it figures.   

Kung ano pa man ang totoong dahilan kung bakit maraming namamatay dahil sa kantang my way ay hindi ko na talaga alam.  Ang tanging naiisip ko lang ay malamang may sumpa ang kantang yun.  O nagiging trend na lang na saksakin o barilin ang kumanta nun sa videoke.  Parang may death wish ang kakanta ng my way.  Kaya siguro binitawan ni joey ang mic nang patutugin na ang kanta ni frank dahil ayaw pa niyang kunin ni lord…