NAAALALA MO PA BA?

"Lumilipas ang panahon

kabiyak na ating gunita,

ang mga puno't halaman

bakit kailangang lumisan?

panapanahon ang pagkakataon

maibabalik ba ang kahapon?"

Iyan ay isang liriko mula sa isang awiting KANLUNGAN ni JOEL KABANGON. Sa tuwing naririnig ko ang awiting iyan hindi ko mapigilang maluha at maalala ang mga kahapong nagdaan. Ang mga alaala ng aking kamusmusan na hindi ko na mababablikan kailanman.

"Bakit nga ba hindi na maaaring ibalik ang kahapon? At bakit may mga bagay na dati'y nagagawa ko pero ngayon ay hindi na? Tila kay dami ko ng sinayang na mga panahon at pinalampas na pagkakataon noong aking kamusmusan.

Ikaw, naaalala mo pa ba ang mga alaala ng iyong kamusmusan? Naaalala mo pa ba ang unang salita na lumabas sa iyong bibig, ang unang beses na sinambit mo ang mga salitang "MAMA, PAPA, ATE o KUYA? Natatandaan mo pa ba ang unang beses na pumasok ka sa paaralan at nakipagkaibigan sa iyong mga bagong kaklase? Natatandaan mo pa rin ba ang mga naging guro mo sa elementarya at hayskul? Nakatatak pa rin ba sa iyong isipan ang mga aralin na tinalakay nya noon

Kailan ka ba huling naligo sa ulan kasama ang iyong mga kaibigan at nagtampisaw sa baha gaya ng dati? Kailan ka ba huling dumalaw sa iyong mga dating kaibiagn at nagkwentuhan at nagbiruan gaya ng ginagawa nyo dati? Naaalala mo pa ba ang huling beses na naglaro kayo ng inyong mga kaibigan sa ibabaw ng puno at tumambay sa inyong dating tambayan para magpalipas oras?Naaalala mo pa ba ang unang tibok ng iyong puso? Ang unang beses na ikaw ay nanligaw at sinagot ng iyong huling syota? Natatandaan mo pa ba ang una at huling beses na nakipag-date ka sa iyong kasintahan? Tila kayrami na nating pinagkakaabalahan para hindi magawa ang mga dati'y nagagawa natin. Ano ba talaga ang pumipigil sa tao para hindi magawa ang mga dati'y nagagawa nya?

Totoo ngang napakasalimuot ang buhay ng tao, at bawat oras na lumipas ay hindi na maaaring ibalik pa. At ang mga alaala ng lumipas ay mananatili nalang sa ating isipan bilang paggunita sa mga nangyari noong ating kapanahonan.


Rom's picture

correction pls...

 

 it's Noel Cabangon not Joel kabangon...

 

check out Black Orchid Part 2 on: www.blah-blahblogs.com

thanks poh sa pag read ng

thanks poh sa pag read ng article ko..

sorry po kasi joel kabangon kasi yung nasa youtube....

sorry poh talaga... 

Melanie Quilla's picture

hello mojofly elmer

hi! napadaan lang ako para magbasa ng mga bagong post...di na kasi ako magka-time magsulat...

magandang pagnilay-nilayan ang article na ito... Ito talaga ang MUKHA ng BUHAY... Hindi na natin pwedeng balikan ang nakaraan...ang nagawa na nating noon (tama man o mali, masaya man o hindi) ay di na natin pwedeng balikan pa, maliban na lang sa alaala natin... May mga bagay na pwede pa rin naman nating gawin ngayon tulad ng dati pero bihadong iba na ang pananaw natin sa bagay na iyon, kumpara noong ginawa natin iyon noon.

minsan, masarap balikan ang nakaraan tapos, mapapabuntong-hininga na lang sabay sabing "Hay,how I wish, magawa ko ulit iyon."

nice one... sulat ka pa... good luck po...

ingatski,

melay

tenks poh sa comment na

tenks poh sa comment na appreciate ko poh talaga...

talaga ngang hindi na natin mababalikan pa ang kahapon...

salamat poh ulit.... 

franzsorilla's picture

 una kong narinig tong

 una kong narinig tong kantang to sa commercial ng mcdo.. grabe.. naiyak ako after nun... may ganon bang copy sa youtube?

hay,.,.,, since nun, naging fave q na tong kantang to

<<FrAnZsOrIlLa>>

noel cabangon

actually ito ay song ng buklod (grupo nila noel cabangon)...

theme song na ito sa UP noon pa...... bago pa ang mcdo.

 

 

"hinahangin ang talulot na malaya, mula sa bulaklak na sinta hanggang sa matabang lupa.. siya ay ligaya, musa ng pagkadakila.."

Rom's picture

tagal na nga

ang original na buklod ay sina Rene Boncocan, Rom Dongeto at Noel Cabangon. sa pagkakaalam ko si tukayong Rom ang nagsulat nyan noong 1990 pa (nakita ko pa ang tape ng original recording nyan) tapos naging polular lang nung kinuha ni Rene Boncocan na noon ay nagtatrabaho sa mga ad agency para gamitin ng McDo. madalas ko na marinig yan at kinakanta din namin sa mga rally noong 90's pa.

 

 

check out Black Orchid Part 2 on: www.blah-blahblogs.com

opo kua rom

ang alam ko talaga  kasi  hindi si noel cabangon ang sumulat ng kanlungan... pero siya ang kumanta at tinugtog ng buklod.

 

:)

 

"hinahangin ang talulot na malaya, mula sa bulaklak na sinta hanggang sa matabang lupa.. siya ay ligaya, musa ng pagkadakila.."

Rom's picture

sani,

 

 bakit di ka mag member ng Musicians for Peace? alam ko dati ang chairman nun si Rom Dongeto e marami workshops and exposure concerts sila e magandang mapasama ka dun. minsan napasama ako sa kanila nag PA ako sa concert tour nila ang saya, dami ko natutunan

 

check out Black Orchid Part 2 on: www.blah-blahblogs.com

wow talaga kuya

wow gusto ko iyon pag may pagkakataon. 

ayos iyon. di ko lang alam kung pano sali at kung karapatdapat ako..

 

thanks sa info kuya rom! 

 

"hinahangin ang talulot na malaya, mula sa bulaklak na sinta hanggang sa matabang lupa.. siya ay ligaya, musa ng pagkadakila.."

Miss ko na si ____

Tama ka Mojofly, hindi na maibabalik ang kahapon.  Haay...

---  Sani!  Uso ito sa UPCB nun! :) 

hindi ko malilimutan ang kantang ito; theme song ata namin ito sa SCM dati, hahaha.  may kaibigan akong nagturo sa akin nitong kantang ito, pero bigla siyang nawala na lang... marahil hinanap at ninais makapiling ang una niyang pag-ibig...

----,

kung nasaan ka man, hindi ko malilimutan ang awit mong handog, at ang matindi mong pagdakila sa inang bayan... :) 

Ruthie

tenks poh sa

tenks poh sa comment.....

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

hai...plz read my other articles....

sentimental

i know ate na theme song ito sa skul natin...

sentimental pa la ito sau... sana kung sino man siya nahanap na niya ang hinahanap niya.

 

---

gusto ko rin ito  sunod sa theme song ng Pahinungod na walang hanggang paalam..

 

sana maibalik ang kahapon, kahit saglit lang.... :"

 

 

"hinahangin ang talulot na malaya, mula sa bulaklak na sinta hanggang sa matabang lupa.. siya ay ligaya, musa ng pagkadakila.."

reunion...

Helo Sani!

i bet hindi ka nakapunta sa reunion... haay, maganda sanang awitin ito bago magsiuwian heehee senti.

yung friend kong yun, masyadong maraming pinupuntahang E.D. sa L.F.S.  mulat na siya, tulog pa rin kami... hindi nga lang tulad ni Boom na hanep mag agit, hehehe, kasi silent type and pretty girl kong friend na ito, kumbaga, simple pero rock.   hanggang dumating ang araw naging blue baby na at yun, bigla na lang naglaho.  gusto ko siyang hanapin, pero wala siya sa friendster, at kahit saan...  sana nga, nakita na niya ang hinahanap niya at nabuo na siya sa wakas...

so pahinungod ka pala?  diba pahinungod din si lolo ben?  kasi may t-shirt siya dati eh, naaalala ko, suot-suot niya tuwing praktis sa Tinig. 

sana nga maibalik ang kahapon, pero walang maglalaho sa ngayon...

btw, Sani, request naman, kantahin mo ito at idedicate mo sa lahat ng mga galing sa bundok ng UP Baguio a.k.a. UPCB. 

 

Ruthie

ate ruthie

helloa te,

di nga ako nakapunta. masaya nga daw. tinext ako nila sir agulo. sayang wa kasi pera.

yup pahinungod ako. first year pa lang. opo pahinungod nga si lolo ben at si sir ian kung naalala mo pa siya at si mam anavic. naging teacher mo si sir aquino? un din.  

si boom-- agit talaga. nakita k sya sa dito (taga dito din kasi un sa south) nagcocompose sa LGU ng bayan nila. inasar ko nga eh. heheh

 

sige ate, makakuha lang ako ng oras. wala pa kasi ako cam ulit para maka-upload. sana pati nga ang walang hanggang paalam. nakakamiss no .

 

 

"hinahangin ang talulot na malaya, mula sa bulaklak na sinta hanggang sa matabang lupa.. siya ay ligaya, musa ng pagkadakila.."

meron pong copy nyan sa

meron pong copy nyan sa youtube..

lagi ko nga yang pinapatugtug...

 

maganda kasi ang meaning ng kanta at masarap pakinggan..

 

 

 

 

 

 

hai...plz read my other articles....

yah.maganda nga to

1st ko to narinig sa asawa ng ate ko..ng marinig ko to..nasabi ko na maganda nga ito.. memorize ko pa nga ang lyrics nito eh...

 

nakanta ko na kasi ito sa school namin...sa harapan ng bestfriend ko....

napaiyak nga siya di ko maintindihan kung bakit..basta sabi niya sa akin na sana wala daw magbago sa amin na magkakaibigan lalo na sa aming dalawa kasi pagmaririnig niya daw ito sa time na magkakalayo na kami sigurado daw iiyak daw siya buong araw...

 

i really like this..sana nga maibalik ang mga kahapon..kung may time machine lang...araw-araw ko talagang pupuntahan....ang mga tao o lugar na pinupuntahan ko noon...

 

nice one....

ellow po newbie lang po

ellow po newbie lang po ako... merry xmass po sa lahat

  thanks sa lahat ng

 

thanks sa lahat ng nagbasa nito...

 

 

 "hindi ako titigil sa pagsusulat...hanggang sa huling tinta ng aking pluma"

 

 

 

 

 

 

 

 

 

===>please do