NADARAMANG KALUNGKUTAN SA ARAW NG KAPASKUHAN

rose's picture

NADARAMANG KALUNGKUTAN SA ARAW NG KAPASKUHAN! 

Padating na naman ang pasko? Pangatlong pasko na ang daraan na ako'y nag-iisa , malayo sa aking pamilya at sa aking mga mahal sa buhay. Bakit lagi nalang ako nag-iisa kapag pasko? Naaalala ko pa last Christmas nagsimba ako ng December 24, 2006 nag-iisa ako , nang marinig ko ang awiting pamasko ayaw ko sanang maluha, pero bakit ganun sinasabi ko lagi na bale wala na ang pasko para sa akin at para sa aming OFW pero bakit ganun ayaw ko man na maluha pero nung marinig ko ang mga Christmas songs bigla nalang ako nalungkot at napaiyak, pakiramdam ko nag-iisa ako sa mundo, pag ka tapos ng misa nag-abang ako ng masasakyan pauwi, nag-iisang naglalakad sa kawalan, ramdam ko ang sobrang lamig ng hangin at sobrang pangungulila sa aking pag-iisa.

  Habang nag-lalakad naiisip ko ang pilipinas na sama sama kami umaatend ng mass kada disperas ng pasko, nakakalungkot parang walang buhay, ganyan pala talaga pakiramdam kapag nasa malayo ka kapag araw ng pasko, sobrang lungkot pakiramdam ko nag-iisa talaga ako sa mundo. Kapag dating ng bahay wala akong maabutan dahil lahat ng kasama ko nasa labas, bakit ganun walang mapuntahan, nandito sa loob ng kwarto nakikinig ng mga kantang pamasko, tinatanong ko ang aking sarili at nagdarasal sa diyos ko nag papasalamat po ako sayo dahil binigyan ninyo po ako ng pag-kakataon na makapag trabaho dito sa Doha, Qatar gawin ninyo po akong maging matatag lalo na ngayung araw ng kapaskuhan na malayo ako sa aking pamilya.

 

Bakit dumarating sa buhay natin ang ganitong pakiramdam ang malungkot lalo na ngayung pasko. Marami akong naaalala ang mga kakanin na niluluto ng aking ina, mga lutuing bahay, mga batang nangangaruling. Ibang iba talaga ang pasko sa pilipinas na kahit na konte lang ang handa ninyo sama sama kayong magpapamilya nagdaraos at nagdarasal upang magpasalamat.  Ibang iba talaga ang pasko sa pilipinas naka-kamiss talaga, ang buhay pasko sa atin. Dito sa Qatar wala kang mapupuntahan siguro okey lang kung nandito ang pamilya mo pero kung katulad ko nag-iisa mahirap, malungkot,  walang buhay ang pasko. Sana may makasama na ako ngayung pasko, mga kaibigan ko tinatanong ko sila ano ba plano ninyo sa pasko  may mga kanya kanya silang lakad. Hay naku ayaw ko na mag-isa sa pasko, ayaw ko na maramdaman ang matinding lungkot nung unang pasko ko dito. Sana naman maging Masaya ang pasko ko dito ngayun. Minsan tinatanong ko ang aking sarili bakit nalang ako nag-iisa , ilang taon narin ang lumilipas na malayo ako sa aking pamilya, ilang taon na rin ako nag-iisa.

 

PARA SA INYONG LAHAT SANA'Y MAGING MALIGAYA ANG INYONG PASKO, AT SANA'Y PAGPALAIN TAYONG LAHAT NG MAY KAPAL NA LUMIKHA SA ATIN.    

 

 Author   Rdm 12/16/07


jonsdmur's picture

Kahit ako'y nasa Pilipinas

Kahit ako'y nasa Pilipinas lamang ay nakakadama ako ng kalungkutan tuwing pasko. Malayo kasi ako sa aking pamilya. At malayo rin sa mga malalapit na kaibigan. Minsan kapag nakakarinig ako ng christmas songs nalulungkot din ako....

Kumusta ka na Rose? Sa tingin ko kapiling mo na pamilya mo sa darating na pasko... God bless!

Jons