Nag-iisa
Submitted by mark william on September 16, 2006 - 1:17pm.
Filipino | Poetry
Nag-iisa
Nalulungkot
Nakatingin sa malayo
Ganito ang buhay ng nag-iisa
Nangangarap
Nananaginip
Binibilang ang bituin sa langit
Upang magkaroon ng buhay ang puso
Nakabibingi
Ang katahimikang
Ayaw ko na sanang pakinggan
Pagkat kay lumbay ng saliw nito
Ngunit nag-iisa lamang ako
Kung nandito ka sana sa tabi ko
Ang malamig mong tinig
Ang maririnig ko
At ang lungkot ay hindi ko na mararamdaman
Kung sana nandito ka
Hindi na ako mag-iisa
Mark William
» login to post comments | 914 reads

