Nagbabalik-loob si Melai Pwede kaya?
Hindi ko alam kung may puwang pa ako sa pahina ng FW. Ang tagal kong nawala. Wala na rin akong masyadong kilala sa mga baguhan. At nakakalungkot din na wala na rin akong balita sa mga nakasama ko noon.
Na-miss ko ang site na ito. Ang site kung saan ako unang nag-take ng opportunity na ipost ang mga akda ko. Sa site na ito ako nahubog. Kung ano man ang naabot ko sa pagsusulat ngayon, malaking bahagi noon ay dahil sa apat na sulok ng website na ito.
Umalis ako dito dati dahil naging busy ako sa ibang website. Aminado, pero minsan sumisilip pa rin, nag-aabang ng dating kakilala ngunit wala na akong matagpuan.
Gayunpaman, susubukan kong magbalik-loob. Hindi man bilang writer, kahit maging reader man lang ay ayos na. Sana nga lang e pwede pa. :)
hi!
Ako man ay isang baguhan din dito. Walang sino man ang makapag babawal sa inyong pagbabalik Ms. Melai dahil ang fw ay nilikha para sa ating lahat. Actualy nabasa ko nga ung about sa issue mo d2 na ayon sa nabasa ko, sorry sa term na "patay ka na" pero hindi pala totoo ang dami pala talagang nagmamahal sa iyo dito, kaya sa palagay ko masuwerte ako kung makikilala pa kita at makakabasa pa ako ng mga akda mo dito. At tama si Mr. Starblaze dito malaya tayong naipapahayag ang ating saloobin. Dito wala akong "Boss" na puwedeng magdikta ng laman ng isip ko at gagawin ko. Minsan iba ang trabahong ginagawa natin sa pangarap natin gawin. Kaya ako masaya ako na natuklasan ko ang fw salamat sa nakilala ko na naging friend ko kasi siya ang daan upang matuklasan ko ang mundong ito.
God Bless Us!
" Accept good and bad things in life"
hi!
Ako man ay isang baguhan din dito. Walang sino man ang makapag babawal sa inyong pagbabalik Ms. Melai dahil ang fw ay nilikha para sa ating lahat. Actualy nabasa ko nga ung about sa issue mo d2 na ayon sa nabasab ko, sorry sa term na "patay ka na" pero hindi pala totoo ang dami pala talagang nagmamahal sa iyo dito, kaya sa palagay ko masuwerte ako kung makikilala pa kita at makakabasa pa ako ng mga akda mo dito. At tama si Mr. Starblaze dito malaya tayong naipapahayag ang ating saloobin. Dito wala akong "Boss" na puwedeng magdikta ng laman ng isip ko at gagawin ko. Minsan iba ang trabahong ginagawa natin sa pangarap natin gawin. Kaya ako masaya ako na natuklasan ko ang fw salamat sa nakilala ko na naging friend ko kasi siya ang daan upang matuklasan ko ang mundong ito.
God Bless Us!
" Accept good and bad things in life"
Lagi naman may puwang ang FW
Lagi naman may puwang ang FW sa isang tulad mo... maligayang pagbabalik!
"Ang ating liwanag ay muling lalamunin ng dilim na ating binasag!"
Nice Melai..ano balita?ako man ay ngayon lang uli nadalaw dito.
WELCOME BACK KAPATID AT KASAMAHAN NA MELAI...
Kapatid na melai kamusta na? lagi ka welcome dito sa FW anytime, anywhere. Minsan nawawala man tayo ng panandalian babalik at babalik din tayo. Kahit ako na missed ko rin ang mga dating kasamahan natin dito like kuya dyippre, spike, jons, at marami pang iba.. many to mention....
Happy-bday nga pala sayo huli man ang pag bati ko ay maihahabol din.. Basta sis wishing you all the best in life, happiness, good health, and success in life. I am looking forward sa iba pang books na isusulat mo. i got 2 books na need ko ng autograph mo he he he.....
God bless to all at sa lahat ng bago at luma kamusta sa lahat. And also regards to Sir DINO the founder of this site..sa lahat lahat na nawawala tandaan ninyo nasan man kayo ng sulok ng mundo BABALIK AT BABALIK KAYO....







hello
Maalab na pagbati!
ikinagagalak kitang makilala, baguhan din lang ako sa site na ito subalit addict na ako dito buong maghapon ko nga dito ko na ginugugol. Dito ko naipapahayag ang aking saloobin, ang aking mga hinanakit sa buhay, ang aking mga kabiguan, tagumpay, pag-ibig at mga pangarap. Dito walang bawal, walang limitasyon at inhibisyon, pwede kang magmura, at kung ano pang mga salita na hindi mo pwedeng gawin sa labas ng daigdig na ito..
sabi nga, inari ko na itong tahanan, sabi nga there is no place like home..maligayang pagbabalik kabigan
Starblaze, Dakilang mangingibig, malikot ang isip (at kamay)
http://cutedaw-starblaze.blogspot.com/