NAGLALAHONG TALENTO

julia_aquila26's picture

 

Ok... Kung meron man akong gustong i-sulat ngayon, yun ay ang kantang matagal ko nang di magawa-gawa. Date, ang dali-dali para sakin gumawa ng mga liriko na basta basta ko lang sinusulat at ginagawan ng tono. Kahit walang kinalaman sa buhay ko, sinusulat ko.

 

Mahirap pala talaga isulat ang totoong nararamdaman mo. Pinipilit mong hukayin sa loob mo, pero wala ka talagang makukuhang linya na makakapagsabi ng nararamdamn mo. Ang hirap. Kaya pala kinakailangan pa ng iba ng insperasyon para lang makagawa ng mga bagay na gusto nilang isulat at kung ano-ano pa. Totoong damdamin kasi ang gusto kong isulat. Hindi kwento ng kaibigan ko, hindi kwento ng kakilala ko, hindi kwento ng kapitbahay, hindi kwento ng mga taong nakakasalubong ko sa daan at lalong-lalo nang hindi sayo ang kwentong to.

 

Gusto kong isulat ang kwento't nilalaman ng saloobin ko. Mahirap lang talaga. Magawa ko lang to, masaya na ko. Wala akong pakialam kung gustohin ng iba o hinde, basta sulat ko to.

 

Habang tumatagal, nararamdaman kong naglalaho na ang mga talento ko. May mga bagay akong nagagawang madali noon. At ngayon parang ang hirap ng gawin. Hindi ko ba naalagaan ang mga talentong to? O masyado lang akong kinakain ng hiya at di ko na magawa ng tama sa takot na pwede akong magkamali. Alam kong normal lang ang magkamali, pero maraming beses na kong napapahiya mula nung maliit pa ako at ayoko na. Kaya madalas mas gusto kong mag-isa. Kung meron man akong mga taong gustong makasama, yun yung mga taong pinagkakatiwalaan ko. Sila yung mga taong di ako iniwan... at sila din yung mga taong isasama ko sa kantang isusulat ko. Ang pamilya ko, ang mga pinagkakatiwalaan kong mga kaibigan at ang taong mahal ko.


Yuco's picture

nakapag record ka na ng kanta?

 Parang baligtad pala tayo julia... para sa akin, mas madali akong nakakapagsulat kung tunay na nangyari o naging karanasan ko, lalo na kapag inspired ako sa isang tao o kaganapan.

 

opinyon ko lang ito: siguro kailangan mong paglaanan ng oras kung ano man gusto mong gawin, kung ikakasaya mo ang isang bagay dapat paglaanan mo ng oras at mag-pokus ka dito sigurado makakagawa mo ito. tulad ko dami kong gustong gawin, drawing, music etc pero hindi ko magawagawa dahil sa wala na akong panahon kahit gustohin ko man.

http://ayawmatulog.blogspot.com/

julia_aquila26's picture

Hindi pa.

Madami kasing gumugulo sa isip ko. Mga bagay na masyadong nakaapekto sa buhay ko.

alcor eldioan's picture

Mabuti at Normal lang na

Mabuti at Normal lang na mapansin mong naglalaho ang isang bagay kagaya ng talento. Senyales yun na umaalis ka na sa natural state mo. Either growth or decline. Pero hindi lahat ng dati ay nangangahulugang natural state. Kadalasan, things like talents shown during the first days or first trials  can be very misleading na akala mo, na kung paano mo gawen ang mga bagay bagay dati ay siya ng parte ng depinisyon mo.

Akala mo yun kana. Pero later days will tell otherwise. Basta every cool thing is subject to your choices. Wag masiyadong maraming choices. Kase, permit me to say even though I got no figures, many especially the versatile, suffer from this issue-Losing talents. Wala kasing focus.

To be everywhere is to be nowhere-  sabe sa The Gift of Acabar by Og Mandino

O kaya naman, you miscalculated lang na naglaho, maaring you're not in the best grounds. Sabe nga ni Aristotle (Sounds like lang):The best of man manifests when he feels at home. So find home and make "it" a home. Baka ren pagod ka.

Sa statistics models nga, may disturbance error. Lintek na disturbance error yan. So you have to work with your deviations. blah blah.

Ang mga bagay na mahalaga ay mas napapansin natin pag nawawala. Anung dapat gawen? Prove your worth. Magpakulong muli ng tubig hanggang sa sumabog. Reach your boiling point or melting point kung yelo ka o bakal. Haha. 

 

There are three tragedies in life: Gaining, Losing, And Gaining Back! 

 Paulit ulit lang yan during limited time series.Okay?

 

Goodluck!

 

 

A wala lang. Napadaldal lang... Hehe!

julia_aquila26's picture

Thanks Alcor

Siguro nga nalilito lang ako. Medyo madami lang din kasing gumugulo sa isip ko. Frown

Jack A. Alvarez's picture

Mukhang magulo nga yata ang laman ng isip mo.

Mukhang magulo nga yata ang laman ng isip mo. Pagtimbangin mo 'to.

 1. Totoong damdamin kasi ang gusto kong isulat. Hindi kwento ng kaibigan ko, hindi kwento ng kakilala ko, hindi kwento ng kapitbahay, hindi kwento ng mga taong nakakasalubong ko sa daan at lalong-lalo nang hindi sayo ang kwentong to.

vs.

2. Kung meron man akong mga taong gustong makasama, yun yung mga taong pinagkakatiwalaan ko. Sila yung mga taong di ako iniwan... at sila din yung mga taong isasama ko sa kantang isusulat ko. Ang pamilya ko, ang mga pinagkakatiwalaan kong mga kaibigan at ang taong mahal ko.

Tapos ito pa.Gusto kong isulat ang kwento't nilalaman ng saloobin ko. Mahirap lang talaga. Magawa ko lang to, masaya na ko. Wala akong pakialam kung gustohin ng iba o hinde, basta sulat ko to.

Oo nga di ka dapat mawalan ng lakas-loob. Kahit anupaman ang comment ng iba. Pero dapat ikonsider mo pa rin ang reader kung ang nais mo bang ipabatid ay makaka-relate sila o may pakinabang ba.

Sa totoo lang pati itong blog mo, so magulo. Nakakairita. Sana isang nilamukos na papel na lang ang in-attach mo.

 

 

'Bless God and bless the gays.' - Lady Gaga

http://jackofspades01.multiply.com/

julia_aquila26's picture

Thanks for the comment...

Kagaya nga po ng sabi ko, wala akong pakialam sa mga komento ng iba. Wala rin akong pakialam kung gusto nilang basahin o hinde.

Ito ay isa lang sa mga paraan ko kung pano ko ilalabas ang saloobin ko. Parang sinaryo lang sa banyo pag sira ang tyan ko, wala na sakin kung wala ako sa banyo ng bahay ko. Basta makakita lang ako ng banyo, ilalabas ko lahat ng gustong kumawala sa tyan ko.

Eh kung ayaw ng reader, eh di ok. At the end of the day naman... who cares? May kanya-kanyang problema ang bawat tao, iintindihin nya pa ba ang nabasa nyang sentimiento ng iba? Hindi na. 

Anyway. Thanks for the comment pa rin naman po.God bless. 

jerks619's picture

halos parehas lang pala tau...

kung tutuusin parehas lang pala tau, halos wala ring ipinag kaiba ang sitwasyon mo sa sitwasyon ko,ang sa akin nga lang ay tula ang nagsisilbi kung sandigan,kakampi kumbaga.kung mayron mang naglalahong talento sa akin yon ay ang tula na matagal ko ring pinagka ingatan ng lubos na unti unti ay naglalahong parang bula,gumagawa ako ng tula ayon naman sa aking saloobin,tulang naaayon sa mundong aking ginagalawan,tulang ayon sa aking karanasan.

kung noon ay kaya kong gumawa ng mahigit kumulang sa labinglimang tula kada isang linggo,ngayon nama'y tatlo hanggang limang tula nalang sa loob ng isang buwan,tanging ang papel na sulatan lang ang tanging nakaka alam ng mga saloobin ko sa buhay, wala ni isa man sa pamilya ko ang nakaka alam ng mga hinanakit ko sa buhay, maging sa mga kaibigan ko ay nanatili akong pipe,ang tula ang siya kong nag iisang matibay na sandata.  

 minsan na rin akong gumawa ng konting pahimakas sa blog na ito gamit ang pagsusulat ng tulang ''MAPANIRANG KAIBIGAN'' ''DUSA SA LIKOD NG MGA TAWA'' yan ang kauna unahang blog na ipinost ko dito sa fw.  Iginagalang ko ang payo't komento ng fw bloggers and followers dahil yon ang alam kung tama.

 

julia_aquila26's picture

Salamat sa komento...

Siguro nga MEDYO pareho tayo ng sitwasyon. Tama ka din, dapat i-galang ang komento't payo ng iba. Pero minsan, hindi na rin maganda ang binibitiwan nilang komento kaya sinasagot ko sila sa paraang ginawa din nila.

Muli ay salamat sayo.=)