Nagmahal nga ba ako?
2 taon nang nakakaraan ng mangyari ang hindi inaasahan sa buhay ko. Paano nga ba nagsimula ang lahat? Ang pagkatanda ko lang eh madalas kami magtext. Nagtetext kami ng mga bagay bagay tungkol sa aming mga hilig at mga tipo namin sa isang tao. Hindi nagtagal sa text din naikwento niya ang naging lovelife niya dati. Nagulat ako nang kanyang nakwento iyon pero sa bagay na iyon, inintindi ko siya. Tao rin siya na kailangang intindihin. Hindi rin nagtagal, nagtapat siya ng kanyang damdamin para sa akin. Awkawrd nga kasi hindi ko maisip na ganoon ang paraan niya ng pagtatapat ng pag-ibig. Aminado ako na inosente ako pagdating sa bagay na iyon. Binabase ko lang ang aking kaalaman sa bagay na iyan sa pamamagitan ng pagbabasa. Tama iyon ang first time na may nagtapat sa akin ng ganoon. Pinagkamalan akong inosente dahil hindi ko alam ang kanyang ginawa.
Nang mga oras na iyon, hawak hawak niya ang aking mga kamay, ramdam ko ang kaba ng kanyang puso. Nakita ko rin sa kanyang mga mata na may mangyayari sa aking hindi maganda kung sasagutin ko siya pero hindi ko iyon inintindi bagkus pinagpatuloy ko. Naging mabait siya sa akin at aminado ako na nahulog ang loob ko dahil doon. Mga ilang linggo rin bago ko siya sinagot. Siguro isa pang pagkakamaling ginawa ko eh sinagot ko siya sa text ngunit sa paraan na iyon naging sincere naman ako nang ginawa ko iyon. Batay sa mga nababasa ko, kailangan magsabi ako ng "i love you" sa taong mahal ko pero sa sobrang hiya ko eh nagsend lang ako ng 143 ng maraming beses. Naging busy kami pareho lalo na ako kasi nasa practicum ako ng mga panahon na iyon.
Naikwento ko iyon sa aking nakakabatang kapatid. Hindi siya pabor na maging bf ko ang tao na iyon pero lingid sa kanyang kaalaman, nasagot ko na ang tao na iyon. Alam ng kapatid ko na masasaktan ako. Siguro prediction na matatawag iyon ngunit iyon ay nagkatotoo. Sa umpisa nagsisisi ako. Dapat sinunod ko siya at higit sa lahat yung nakita ng aking mga mata nang siya'y aking tinitigan noong siya'y nagtapat. Pero wala na akong magagawa sa bagay na iyan. Nangyari na ang nangyari.
Ang kagandahan nito mismo nanggaling na sa kanyang sarili na hindi niya ako naging gf. Aminado raw siya na minahal niya ako pero never ever niya akong naging gf. Kung ganoon sa umpisa pa lang wala na akong naging bf. Salamat kung ganoon nga. Kayat kung may nagtanong sa akin kung may bf ako, sinasabi ko na lang na wala akong naging bf since birth. Mali ba? Ewan ko pero kung pagpipilitan ko na naging bf ko siya para ko na ring pinagsiksikan ang sarili ko sa wala. Sa ngayon kini-claim niya na kaibigan niya ako. Sa parte ko naman lumalabas na kakilala ko lang siya. Bitter bang matatawag iyon? Siguro pwedeng hindi.
Kayat kung tatanungin niyo ako kung nagmahal nga ba ako... kayo na ang bahalang maghusga at alamin ang sagot.
^^v
siguro nga po nagmahal ako... in a wrong person, wrong place and in the wrong time^^v



oo naman
..nagmahal ka...naramdaman mo kasing bulmilis ang tibok ng puso mo....yun nga lang...di sobra2x po