Nagngangalit na Dapithapon
Submitted by dollysbigbaby on April 14, 2010 - 1:54pm.
blazing sunset
Nahagip ng aking paningin ang Haring Araw
Na nakadungaw sa kurtina ng madilim na himpapawid sa may dakong Kanluran
Habang binabagtas ko ang tulay papauwi
Nagliliyab na pulang mabilog
Wari ko'y galit na galit
Hindi pa sya tapos sa kanyang pagpapasakit sa sambayanan
Hindi pa handang matulog
Nguni't paubos na ang oras nya sa sandaling iyon
Wari'y nagbabanta ng mas maigting na pagpapahirap sa kanyang pagbabalik
» dollysbigbaby's blog | login to post comments | 301 reads
AHAHAHAHAHAHA
Submitted by dollysbigbaby on April 14, 2010 - 9:56pm.
wala lang to mare... take it at face value. as in literally, nakasakay ako sa taxi tapos pagsampa namin ng flyover, na-sight ko ang bonggang bonggang display ng sunset the other day (sunday ata kung di ako nagkakamali).
ganun lang kababaw. hihi.
» login to post comments




mare
political ba ito?
una kong naisip si erap, pero hindi pulang mabilog un.
orange...
Kung ano man yung narinig mo, hindi "I love you" yun! Assumera!