nagtampong ina
Sa tuwing dapit hapon ang isip ko'y magulo
Ninanais kong ayusin ang magulo kong puso
Nilibot ko ang saya sa aking pagkatao
Ibinulsa ko ang unos ng malungkot kong mundo.
Pinilit kong kalimutan ang ang aking nararamdaman
At minarapat kong humiling na lamang
Na sana'y ang mundo'y lumaban
At ang tao'y 'wag maging suwapang.
Sa pagtulog, ang puso ko'y sumasamo
At nananalangin na ika'y tumayo
Ngunit sa dulo ng aking pagsuyo
Ako'y nahihiya sa ginawa naming gulo.
Sa pagising gusto kong matanaw
Ang ganda ng iyong pagmamahal
Sa paligid ngayo'y 'di ko na makita
Sadyang nagtampo na nga...
(just that i thought a few minutes ago...kung anu-ano na lang misulat ko)hmp.....boredom
thank you for your



Hello po
Sana'y hayaan ninyo akong mabubusisi ang tugmaan ng maganda ninyong tula.
Hindi magkatugma ang guló (dahil walang impit ang tunog) at pusò (dahil may impit ang tunog). Mga bigkas: mabilis, malumi (ayon sa pagkakasunod).
Magkatugma ang pagkatáo at mundó dahil parehong nagtatapos na patinig na o at parehong walang impit ang tunog. Mga bigkas: malumay, mabilis.
Magkatugma ang nararamdamán at lámang dahil parehong a ang dulong patinig at parehong mahina ang tunog. Mga bigkas: mabilis, malumay.
Magkatugma ang lumában at suwapáng dahil parehong a ang dulong patinig at parehong mahina ang tunog. Mga bigkas: malumay, mabilis.
Magkatugma ang sumasamò at tumayô dahil parehong nagtatapos sa patinig na o at parehong may impit ang tunog. Mga bigkas: malumi, maragsa.
Hindi magkatugma ang pagsuyò (dahil may impit ang tunog) at guló (dahil walang impit ang tunog). Mga bigkas: malumi, mabilis.
Magkatugma ang matanáw at pagmamahál dahil parehong a ang dulong patinig at parehong mahina ang tunog. Pareho pang mabilis ang bigkas. Nasa antas ng tugmang tudlikan ang dalawang taludtod na ito.
Hindi magkatugma ang makíta (dahil walang impit ang tunog) at ngâ (dahil may impit ang tunog). Mga bigkas: malumay, maragsa.
Ang Tradisyonal Na Panulaang Pilipino