Nagtextm8 pa kc eh...

Melanie Quilla's picture
| |

Nag-textmate pa kasi eh Panay ang sulyap sa akin ng binatang kasabayan ko sa isang pampasaherong jeepney. Maliban sa driver kami lang dalawa ang laman ng sasakyan. Sa loob-loob ko, nakakimbyerna na talaga ang lalaking ito! Binubwisit niya ako. Titingin sa ‘kin tapos ngingiti. Ano po kaya iyon??? Pero dapat hindi ako paapekto sa lalaking ito dahil ngayon ang pagkikita namin ng pinakamamahal kong textmate. Siya na lang ang ikukwento ko sa inyo. Di naman siya kagwapuhan ngunit masasabi kong may appeal siya talaga. Nasabi ko iyon dahil sa mga taong nakakakilala sa kanya na siyang nagbigay ng numero ko sa lalaking iyon. Para maaliw ang sarili at tuluyang deadmahin ang kasabayang pasahero, kinuha ko ang cellphone ko at nagsimulang mag-type in ng message ko para kay textmate. Pagkasend ng message, naagaw na naman ng lalaking iyon ang atensyon ko ng kuhanin niya ang cellphone niya sa kanyang bulsa.Gaya-gaya! Nasabi ko sa isip. Sa palagay ko ay nag-reply din ang lalaking iyon sa nag-text sa kanya.Maya-maya lang, tumunog na rin ang phone ko. Nag-reply na si textmate. Ngunit mas napansin ko ay ang agad na pagsulyap ng lalaki ng marinig na tumunog ang phone ko.Tinatanong ni textmate kung ano daw suot ko. Well, kahit di naman ako kagandahan, neat at simple naman akong manamit. Sinabi ko ang totoo sa kulay at style na suot kong damit. Send ko na ang message. Aminado akong bahagya akong napatingin sa gawi ng lalaki ng ang phone naman niya ang tumunog. Co-incidence ba ‘to? Tanong ko sa sarili ng mahalatang tuwing magse-send ako ng message ay tumutunog ang phone niya. At kapag nagta-type naman siya, ilang segundo lang ay tutunog naman ang phone ko. Napaka-wirdong pangyayari. Ngunit binalewala ko iyon, paranoid lang siguro ako kaya kung anu-anong bagay ang naiisip ko. Nasobrahan ata ako sa imahinasyon kaya pati imposibleng bagay naiisip ko. Pero hindi ko maintindihan kung bakit patuloy kong inoobserbahan ang nangyayari hanggang sa nasumpungan ko ang sarili na kumakapa ulit sa keypad upang makapag-send ng message kay textmate. Parang make or break ang laban na naglalaro sa isipan ko. Tinanong ko kung ano ang suot niya.Send ko ang message. Ngayon nakasiguro akong hindi nga siya iyon dahil di na tumunog ang phone niya matapos kong mag-send ng message. Pumara na ang lalaki. Huminto ang sasakyan at bumababa na rin ang binata. Hay, salamat wala na ring titingin sa akin. Feeling ko kasi napakapangit ko na para tingnan ng gan’on. Siguro, nakuha na rin sa pag-irap at pag-deadma ko sa kanya.Nagring ang phone ko, wala pang 20 segundo matapos bumaba ang binata. Ang laman ng mensahe: [nka-shrt me ng whte & maong n pants. Ngapla, ngkta n rn tau s wakas. Naasar kb knna? Bkas, sbay ulit tau mgbyhe ha.] Naku po!! Di pala ako nagkamali sa inaakala ko.Agad akong nag-reply para mag-sorry at ng i-send ko iyon...check operator sevices…

Melanie Rubis Quilla

Melanie or Melay is a frustrated writer from Lipa City Batangas... May writing partner ako ngayon. Si Eloisa Marie Hernandez. Passion ko talaga ang magsulat..Enjoy reading.... Minsan mahilig magpaiyak sa kwento pero ngayon nagbagong buhay na ako...gusto ko na lang magpasaya at mantrip.. ahehehe..... Makulay ang buhay... baw! Sa lahat ng kabataang nahihilig sa pagsusulat, "Itaas natin ang bandera ng mga batang manunulat ng bansang Pilipinas!"