Nahihirapan na!
Nahihirapan na ! Pero hindi pwede sumuko, di pwedeng malaman na pagod na ! kailangan pangatawanan kung ano man ang sitwasyon , ngayon! Pagod na rin pakiramdam ngunit pwedeng isuko at ipahalata na nanghihina na ang katawan, kaysarap dumaing pero kayhirap tanggapin na walang nakikinig dahil , ako dapat ang dinadaingan. Maraming beses gutom na ang inaabot pero kailnangan matiis para magtagal pa, sa konting ipon na pera mairaraos din ang pamilya sa bawat taon na lilipas ay magsisilakihan din sila.... Pagod na! pahingi ng tulong kahit pabulong lang! Kung me nakaririnig salamat sa oras na nabasa man lang ang bigat na ramdam sa mga oras na ito, Kailangan lang ng kahit konting pahinga pero bawal pa dahil marami pang dapat paglaanan ng oras at pera na kikitain pa lang sa maghapong paghahanapbuhay na walang pingkaiba kahapon at sa mga araw na nauna nang lumipas at sa bukas pang darating.... Pagod na!



isang bulong.. tulong
Di ka nag-iisa!
Paano ba ipapahinga ang pagal na katawan, kung sa atin ay may umaasa ng kunti pang lakas?
Kaya kung minsan ang luha ay itinatago nalang kasabay ng patak ng pawis sa no-o... ni ayaw mo pang maupo, kahit pagod na sa kakatayo...
Paano nga ba ipapahinga ang isip? kung sa bawat pag-pikit ng mata ay doon makikita, ang sayo ay humuhugot ng kunting pag-asa...
Pagtitiis... pero ang lahat ng ito ay bali-wala... para sa kanila... para sa pamilya...
Hiling lang sa Lumikha... sana sa oras na mamahinga na ang aking katawang-lupa ay maaninag ko ang katuparan ng akin pangarap, kapalit ng aking pagpapasakit sa lupa...
"Ang liwanag natin ay muling lalamunin ng dilim na ating binasag."
-lemmor-