NAKARAAN NA KAY SARAP BALIKAN
NAKARAAN NA KAY SARAP BALIKAN
Bakit ganun dumarating sa buhay natin na minsan iniisip natin na ang sarap balikan ng ating nakaraan, nakaraan ng ating pagkabata, nakaraan ng ating pag-ibig, nakaraan ng ating buhay . pero may nakaraan din na ayaw na natin balikan at isipin. Sabi nila na hindi mo na dapat balikan ang nakaraan dahil tapos nayun, para sakin ang nakaraan ang nagsisilbing inspirasyun sa ating buhay, dahil kung hindi sa nakaraan natin papano tayo, tatayo sa ating buhay, minsan dahil sa nakaraan kaya tayo natututu, dahil sa nakaraan kaya tayo nagiging matatag, dahil sa nakaraan nalalaman natin ang tama at mali, dahil sa nakaraan kaya tayo nagsisikap, mahalaga sa buhay ng tao na minsan ay balikan ang nakaraan.
Sabi nga raw kailangan lumingon tayo sa pinanggalingan natin , lumingon tayo sa nakalipas o nakaraan natin. Diba minsan kapag nakikipag usap tayo bigla natin masasabi na naaalala ko pa nung bata ako, ibig sabihin na ang nakaraan ay kaakibat ng ating bukas, huwag man natin isipin, pero hindi natin makakalimutan ang ating nakaraan dahil naging parte yan ng buhay natin.
Kaya minsan napakasarap balikan ang nakaraan lalo na't kung magandang nakaraan ang ating babalikan . Nakaraan ng ating pagkabata, pagbibinata at pagdadalaga, nung nakaraan na tayo'y nag-aaral, para sa akin ano ang nakaraan na gusto ko balikan? Yan ay yung nakaraan ng aking Pagkabata, bata na walang kamuang-muang sa buhay, bata na puro laro lang ang iniisip, bata na inosente na wala pang alam kung ano ang merong buhay sa mundo, batang makulit, yan ang nakaraan na gusto ko balikan, yung bata ka pa na wala ka pang iniisip kundi maglaro, mag-aral, kumain.
Minsan iniisip ko ang sarap maging bata dahil wala silang problema, hindi nila naiisip ang hirap ng buhay, bata na nakaka appreciate ng mga bagay na ibinibigay mo, batang walang reklamo.
Minsan sinasabi natin na kung maibabalik ko lang ang nakaraan , itutuwid ko ang aking pagkakamali. Kaya natin naiisip ang ating nakaraan dahil doon tayo nanggaling sa ating nakaraan. Lahat ng tao ay may nakaraan maganda man o pangit yan, yan ay nakaraan na hindi natin makakalimutan kahit kailan.
Pero minsan may mga taong nagpapatali sa nakaraan, masarap lang isipin ang nakaraan pero kung ang nakaraan na yan ay makakasakit ng ating kalooban wag na natin balik balikan. Pero kung ang nakaraan naman ay magandang nakaraan yan ang gawin nating inspirasyun para sa ating bukas.
Author Rdm04/02/08
para sa akin masarap balikan ang ating nakaraan, lalo't na kung ang nakaraan na ating babalikan ay magandang nakaraan na magbibigay inspirasyun sa ating magiging bukas.



