Ay Naku Mahirap Umibig Sa Binibining Taga Albay
Noong taong otsenta dekada
Ako'y may nakilala dito sa America
Babaeng mestisa, nakakabighani
Kaakit-akit, napakagandang binibini
Ang mata ko'y lumuwa
Tulo laway pati ng aking kaluluwa
Sa suot nyang "short " na napaiksi
Mala porselanang kutis ng binti
Sa mapulapulang labi
At mala rosang pisngi
Ang kaluluwa ko'y natangay
Sa kagandahan nyang taglay
Napakasarap nyang kausap
Masasabi kong kalasaplasap
Isang binibining matalino
Sabi nya Tatay daw nya ay Americano
Nanay raw nya ay taga Albay, Bicol
Sabi ko sa sarili " she might be cool "
Laki raw siya sa Albay hangang kinse anyos
Nakakaintindi ng Tagalog, sabi ko di ayos
Nagkaramdaman sa madaling sabi
Tinugunan ang aking mungkahi
Kaya naman puso ko'y nagalak
Kaluluwa ko'y sa tuwa pumalakpak
Sa aming unang "date "
Kaagad, sa akin s'ya nakadikit
Napasyal kami sa shopping mall
Unang tindahan, "first call "
" Can you buy me this ? " magarang damit
Binili ko, maganda kasi siyang mag damit
May nagustuhan ulit, siyang pumili, sige bili
Gastos, di ko iindahin, sabi ko sa aking sarili
Lumipas ang isang linggo
Nag date ulit kami - bagong ligo
Amoy na amoy ang bango n'ya
Di ako nakatiis, hinalikan ko siya
Di umimik, tingin lang sa aking mga mata
At nag-usap na lang kami sa mata sa mata
Sumunod, " imagine " na lang, di ayos
Maski pasaring lang, tinikman ang luto ng Diyos
Tuloy tuloy ang "date "
Napasyal, shopping mall ulit
Gintong kwentas, kursunada " Can you buy me that ? "
Nakita ko, presyo medyo mabigat -bigat
Pero binili ko dahil "love " ko siya
Maski na mabigat sa aking bulsa
Limipas ang panahon
Kada "date " ay laging ganoon
Kada pasyal, palaging may ipinabibili
Magagandang gamit, mamahalin palagi
Kagandahan nya nga, ay kagusto gusto
Sabi ko sa sarili ko, kung palagi nalang ganito
"Buy me this and buy me that "
Sa bulsa ko naman ay napakabigat
" I'll buy you that and I'll buy you this "
Ay naku di ko na ata matitiis
Mahirap palang umibig ng binibining taga Albay
Kailangan umatras, " and say goodbye "
Mahal mo nga siya
Pero butas naman ang bulsa
Ency Bearis
copyright2009
Ency Bearis, is not a Professional Writer. Just had the hobby of composing poetry. All his composition are mostly fiction in nature. All his works is a sole owner by him and has legal copyright to those composition. If anyone wants his works you can contact him with this e mail address fbearis@yahoo.com.
Salamat
Salamat sa iyo kababayang wickedmouth. at nagustuhan mo and aking mga komposisyon in the art of poetry. Happy New Year na lang sa iyo at sa Family circle. Kumusta na lang ang Pinas. Medyo malamig dito sa Las Vegas, sa ngayon at ginaw na ginaw kami.
Best regards,
Ency Bearis


aray
Akala ko may koneksyon sa pagputok ng bulkan hehehe
Ang sarap nito basahin nang malakas...
Bwisit yang mga ganyang Bilmoko... speaking from experience hahaha