Namatay Sa Gutom Si Senor Pepito

anakngfaraon's picture
| |

 

Huwag matutulog nang gutom.  Iyan ang naging bilin sa akin palagi ng aking lola.  Hanggang sa kanyang huling sandali, iyan ang ibinulong niya sa akin.  Eh paano 'yung mga taong walang pambili ng pagkain? Di ba itinutulog na lang nila ang gutom?, tinanong ko sa kanya minsan.  Ibang kaso iyon, sagot niya.  Basta huwag kang matutulog nang gutom kung ayaw mong magaya sa Lolo Pepito mo.

 

Si Lolo Pepito ay tiyuhin ng lola ko.  Hindi na namin siya inabutan ng mga kapatid ko pero parang kilalang-kilala namin siya.  Kilala din ang pangalan niya sa buong probinsya namin, hindi lang dahil sa yaman at lawak ng lupain niya, kundi dahil din sa kanyang misteryosong pagkamatay. 

 

Paano nga ba namatay si Lolo Pepito?  Paanong namatay sa gutom ang isang napakayamang tao? Ito ang naging kuwento sa akin ni Nanang Juana, ang kasalukuyang katiwala sa iniwang mansyon ni Lolo Pepito:

 

Kakaiba ang gabi nang mamatay si Senor Pepito.  Bata pa ako noon, subalit naaalala ko pa rin ang lamig ng ihip ng hangin at ang pinta ng langit.  Dalawa ang buwan ng gabing iyon.  Mataas ang tubig at malakas ang alon sa dagat.  Maagang umuwi at nagsarado ng mga tahanan ang mga tao.  Lalong nabalot sa mangha ang buong bayan nang basagin ang katahimikan ng gabi ng tilaok ng mga manok. 

 

Kami din dito sa mansyon ay nagsarado agad ng mga pintuan at mga bintana.  Dumiretso ang iyong lolo sa kanyang silid pagdating ng bahay matapos umikot sa kanyang lupain.  Wala ang ibang miyembro ng pamilya - bumisita sila sa kabilang bayan.  Kinatok siya ng nanay ko upang maghapunan, subalit nalaman niya na may ibang hiwaga ang gabing iyon kaya ipinasya na lang niyang matulog na. Pagsikat ng araw kinabukasan, kinatok muli siya ng nanay upang mag-almusal.  Hindi siya sumagot.  Kinabahan ang nanay kaya ipinakuha sa akin ang susi upang mabuksan ang silid ni Senor Pepito.  Nang makapasok kami ay natagpuan namin siyang wala nang buhay.

 

Nahiwagaan kami sa naging pagkamatay ni Senor Pepito.  Wala siya ni minsan mang inindang sakit at di rin siya katandaan.  Nagpasya ang pamilya na kumunsulta kay Apo Cito.  Sinundo namin si Apo Cito at dinala siya sa mansyon.  Pagdating sa mansyon, hiniling niyang dalhin siya sa lugar kung saan natagpuan ang katawan ni Senor Pepito.  Paghatid namin sa kanya sa silid, pinakiramdaman niya ang paligid at naglakad dahan-dahan na tila may sinusundang bakas sa sahig mula sa silid hanggang sa kusina.  Pagdating sa kusina, hinipo ni Apo Cito ang isang kaldero, nagbuntung-hininga at ipinaliwanag kung paano namatay si Senor Pepito:

 Nang dahil sa takot, natulog nang gutom si Pepito.  Bagaman hindi gumising at bumangon ang kanyang katawan upang makakain ay bumangon naman ang kanyang diwa upang maghanap ng makakain.  Pagbaba niya sa kusina ay binuksan niya ang takip ng kalderong ito upang silipin kung ano ang makakain.  Dahil sa hiwaga ng gabing iyon, ang diwa ni Pepito ay hinigop ng kaldero at nakulong sa loob nang bumagsak pabalik sa ibabaw ng kaldero ang takip nito.  Sinundo ang kanyang diwa ng hangin ng gabi at ihinatid sa mga buwan.  Binawi ng gabi ang kanyang hininga. 

Iyon ang naging dahilan ng kamatayan ng iyong Lolo Pepito.

 

Nang malaman ko ito, naintindihan ko na kung bakit mariin ang naging bilin sa akin ni lola na huwag matutulog nang gutom.

 

Matutulog ka na ba? Siguraduhing hindi ka gutom.

  

****Wakas***** 

        

 

anakngfaraon

Rom's picture

.

parang naaalala ko ang kwentong ito nung bata ako. kinukwento rin ng nanay ko sa akin na wag daw matutulog ng gutom kasi nga baabngon ang kaluluwa mo at maghahanap ng makakain--mata trap daw sa kaldero ito at hindi ka na magigising. akala ko kami lang ang nakakaalam ng ganitong kwento, nakakatuwa ang myth na ito kalat pala sa kabataang pilipino noon.

 

 

logo button 1

anakngfaraon's picture

  ha ha! kala mo kuya kayo

 

ha ha! kala mo kuya kayo lang nakakaalam nito ha.

 

naalala ko ito nung isang gabi, naisip kong gawan ng kwento.  di ko kasi alam kung saan nanggaling yung panakot na pagnatulog nang gutom, maglalakbay 'yung kaluluwa tapos mata-trap sa kaldero.

 

 

http://katya14.multiply.com/journal

windrider's picture

iba nman ng version ng

iba nman ng version ng pananakot ng nanay ko noong bata ako.

kailangan daw kumain bago matulog kc pag empty ang tyan habang natutulog, makikita at maaamoy ng mga aswang ang mga lamang loob mo at dudukutin nila ito sa papagitan ng mahahaba nilang dila na nakalaylay mula sa bubong ng bahay.  Ang pagkain daw ang magsisilbing panakip sa mga lamang loob mo para di ito makita ng mga aswang.

takot na takot naman ako sa kwentong ito ng nanay ko.

 

Hi!

 

haha! eto yata yung panakot sa amin noon eh!  sbi nila, pag nanaginip ka raw ng kaldero, wag na wag mo daw tatakpan yon dahil mamatay raw ang nananaginip.  hehee, i think nagkaroon ako ng dream na ganon nun, pero it just so happened na lucid dreaming yung nangyari sa akin, kaya hindi ko nga tinakpan yung kaldero.  eto, buhay pa naman.   

 

Ruthie

Junimun norul saranghe... ^ . ^*

 

anakngfaraon's picture

  ruthie, iba yata yung

 

ruthie, iba yata yung version ng panakot sa inyo.  ito namang kwento ko dapat huwag matulog nang gutom kasi maglalakbay yung kaluluwa mo, maghahanap ng pagkain. he he.

 

http://katya14.multiply.com/journal

  hehee, oo nga no...

 

hehee, oo nga no... pasensiya na ha.  basta, tungkol sa kaldero, heehee.  sabi pa naman nila, dapat daw wag ka nang kakain after six pm, narinig mo ba yung 'after six diet' na yun?  e pano yan pag matutulog ka ng eleven, e di gutom ka na diba? hmmm.  

pag walang laman ang tiyan, masama.  pag masyadong maraming nakain, masama rin.  tama, wag na lang matulog, gaya ni Edward Cullen. :) 

Ruthie

Junimun norul saranghe... ^ . ^*

 

dyeppri's picture

somnabolism..

ako kelangan mag-jingle muna bago matulog kasi madalas ay nagigising ako nasa banyo na ako o kaya pabalik na muli ako sa bed (minsan naman ay hindi na nakakaalis sa kama at akala ko ay nasa CR na ako kaya ayun wet na ang shorts ko.ahihihi ) May ganyan ngang kwento mula sa matatanda.

............................................................................................................

"I wouldn't mind if you were nice to me once in a blue moon."

anakngfaraon's picture

  ang nagsabi sa akin ng

 

ang nagsabi sa akin ng panakot na ito eh classmate ko sa elementary.  actually pagkakasabi pa nga sa akin mata-trap sa rice cooker eh.  inisipan kung gawan ng kwento para kunwari ito yung explanation sa pananakot na iyon.

 

http://katya14.multiply.com/journal

jonsdmur's picture

A Collection of Short

A Collection of Short Stories-Jonsdmur

Una nagustuhan ko ang kwento

at minsan hindi na nakakabalik ang kaluluwa.. kaya mahirap matulog ng gutom.....

pero naniniwala rin ako na bawal matulog ng busog kasi maninikip ang dibdib at babangungutin din... kaya ako katamtaman lang ang laman ng tiyan kapag natulog...

pero mas okay sa akin ang mamatay ng busog kaysa sa gutom ihihihhihihi

Kaya wag na wag matutulog ng gutom kung ayaw mong mamatay na dilat ang mata mo.

Nakakatakot ang kwento.... kaya dapat tama lang laman ng tiyan

keep on posting!

dyeppri's picture

Kakatakot ka naman jonds...

abay wala na kaming paglagyan sa sinabi mo. Papano ba susukatin ang katamtaman sa taong gutom o taong masiba.ahihihi.

mabuti pa 'ata ay huwag na lang matulog-- magcompose na lang ng mga kwento. Laughing

............................................................................................................

"I wouldn't mind if you were nice to me once in a blue moon."

anakngfaraon's picture

  he he. oo nga.  siguro

 

he he. oo nga.  siguro para safe, two hours after a meal pwede nang matulog.  'yan ang sinabi sa akin ng isang doktor dati.

 

http://katya14.multiply.com/journal

jonsdmur's picture

korek!

A Collection of Short Stories-Jonsdmur

At kung napapansin nyo kadalasan lalaki ang binabangungot kasi ang iba malakas sila kumain sa gabi.... diet kasi ang mga babae minsan.. yon nga lamang sa sobrang diet natutulog ng gutom.... kaya sila ang nabibiktima ng namatay sa gutom... at mga kaluluwang naghahanap ng pagkain.

Kaya tama lang na 2 hrs after meal dapat matulog....

ito ay paalala mula kay jonsdmur hihihihihihi!

hehehe

buti naman di ako binabangongot ehehehe.. kasi madalas pagkatapos kung kumain natutulog agad ako.. sabi nila nakakataba daw yun di naman ako tumataba.. at minsan din natutulog ako kah8 gutom.. but im still here still alive.. jejeeeje

Adlesirc's picture

hala..

may ganito pa lang kwento.. ang alam ko lang kasi ay masamang matulog ng masyadong busog. ngayon, may bago na akong maalala kapag tinatamad akong kumain bago matulog.. hahahaha

 

thanks for sharing this 'te.

 

(tip lang po) 

ñ= Alt + 164  

Ñ= Alt + 165

 

good day!

anakngfaraon's picture

    he he. sori 'di ko na

 

 

he he. sori 'di ko na nagawang "ñ" yung "senor" kasi "Don" yung original kong sinulat.  tapos inisip ko, medyo o-a naman yung "Don", kaya last minute pinalitan ko ng senor tapos post.  he he.  salamat. 

 

 

http://katya14.multiply.com/journal

windrider's picture

ako di ako makatulog pag

ako di ako makatulog pag gutom...kahit anong gawin ko..babangon at babangon pa rin ako para kumain...

 

haha

natatandaan k din ang kwentong ito nung bata pa ako.. hehehe :D

pero ang pagkakaaalam ko.. hindi hihigupin ng kaldero.. pag naulingan daw yung  kaluluwa... di daw makakabalik sa katawang tao kasi di na niya makikilala ang sarli... nyahahah!

gayunpaman, parehas naman ng moral lesson.. wag kakain ng gutom... hehehe

anakngfaraon's picture

  siguro nagkaroon na ng

 

siguro nagkaroon na ng iba't ibang version kaya medyo iba-iba din 'yung alam nating kwento.  pinaikutan ko na lang ng kwento 'yung alam ko - na huwag matutulog nang gutom kasi maglalakbay 'yung kaluluwa mo tapos mata-trap ito sa kaldero. he he.

 

 

http://katya14.multiply.com/journal

Patrickman's picture

the ultimate panakot sa mga kids!

hinihiritan din ako ng nanay ko dati ng ganito. langya...

very nice story! isali mo to sa children story competitions, patok to! :D  

 

I'd love to turn you on...

 

http://patrickman.blogdrive.com

http://walruscreativeworks.blogdrive.com

anakngfaraon's picture

  talaga? sa tingin mo

 

talaga? sa tingin mo maganda itong children's story?

salamat patrickman! 

 

http://katya14.multiply.com/journal

huh?

kakatakot pala ma2log ng gutom ako madalas ako natutulog ng di kumakain... ehehee inaantok na kasi ako eh..

new palang ako dito... jejejeje pero na enjoy ako sa pagbabasa ng mga kwento nyo. ^_^

anakngfaraon's picture

  salamat sa

 

salamat sa pagbasa!

 

http://katya14.multiply.com/journal