Miss ko Siya...

aireen's picture
|
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
Namimiss ko Siya--
Ang lamig sa tuwing sasapit ang takip-silim.
Ang lamig na humahaplos sa aking balat.
At ang ngiki sa gabi na nanunuot sa aking buto.

Namimiss ko Siya--
Ang ligaya na dulot ng sinag ng araw
Liwanag na humahalik sa aking mga pisngi
At tamis ng hangin-
Na sumasamyo sa aking labi.

Namimiss ko Siya--
Ang walang hanggang tawanan at biruan-
Sa tuwing sasapit ang karimlan
At ang mahigpit Niyang mga yakap-
Sa lambong ng gabi...

Di naman Siya ang Mundo ko.
Di naman Siya espesyal noon sa akin.
Subalit ngayo'y nililingon ko na ang angkin niyang kariktan.
Ang mga alaala sa kanlungan Niya,
Na wari'y mga multo sa aking isipan.

Sana'y muli kong madama ang sarap sa piling Niya..
Maging pahingahan sa pagod kong pagkatao
Maging sumbungan sa pait nitong mundo
Upang muling madama na mayroon pang pag-asa..

Namimiss ko Siya
Namimiss ko ang Baguio..
Namimiss ko Siya.
Miss ko ang Baguio.

Copyright2009 Aireen - All Rights
Reserved

aireen

AttachmentSize
DSC02899.jpg42.17 KB
jonsdmur's picture

Makata ka na talaga!

A Collection of Short Stories-Jonsdmur

Baka ang ngiki ay ngiti?

Okay to ah! MIss na miss mo na talaga....

Pang-entry mo na ba to? Maganda....

Jons

aireen's picture

ngiki jon.. chill ang ibig

ngiki jon.. chill ang ibig kong sabihin... hehehehe

 

maganda ba..??

salamat..

di ko alam eh.. puede ko bang maging entry ito..?

 

cheers!

aireen

jonsdmur's picture

Oo naman!

A Collection of Short Stories-Jonsdmur

Ngayon ko lang nalaman yan ihihhihi salamat at may natutunan ako...

Gusto ko rin ngang gumawa ng tula... sana makagawa ako kahit isa...

Nahihirapan kasi ako sa tula...

Inspired ka yatang magsulat ngayon ah!

jons

aireen's picture

salamat din jon sa walang

salamat din jon sa walang sawa mong pagbasa ng mga gawa ko..Laughing

oo nga eh.. marami akong nagagawa ngayon.. yung iba nga lang di ko pa pino-post! Smile

 

Kaya mo yan.. nakagawa ka na di ba dati...? nabasa ko yun at nagustuhan ko.. :)

 

cheers!

aireen

 

jonsdmur's picture

At dapat ipadala mo na yan sa Sibol

A Collection of Short Stories-Jonsdmur

Subok lang nang subok... At habang tumatagal matututo rin....

Sana ma-post mo na rin ang iba.... wait ko yan.... kapag natapos ko na mga editing ko.... subukan kong gumuwa ng tula ihihhihihi

Sana lagi kang inspired magsulat...

Cool

jons

Keep on posting!

aireen's picture

oo naman try ng try...

oo naman try ng try... :D

sana nga po inspired parati...

salamat ulit jons....Laughing

 

cheers!

aireen

jonsdmur's picture

Ako try nang try

A Collection of Short Stories-Jonsdmur

kaya gagawa ako ng tula... ihhihihihi

Sana nga.... sana lagi kang inspired....

Godbless! Gards sa iyong son

jons

Patrickman's picture

ngiki = chill?

kala ko typo, hehe...

naweirduhan ako sa ending... pero ang keyword pala ng buong akda ay ang salitang "ngiki" kasi yun yung clue kung bakit may Baguio sa dulo.

maganda ang pagkakasulat. astig! :D 

 

I'd love to turn you on...

 

http://patrickman.blogdrive.com

http://walruscreativeworks.blogdrive.com

aireen's picture

hahahaha si jon din akala

hahahaha

si jon din akala typo error lng.. :D

biruin mo yun.. napansin mo ang key word mahusay ka talaga.. hehehe

nung pinabasa ko nga sa friend ko itong poem sabi nya.. sure ka baguio ba tagala??? hehehe

muli salamat patrick sa pagbasa.. 

appreciate it!!! :D

cheers!

aireen

Patrickman's picture

walang anuman

speaking of baguio, punta ako dun this weekend, yey! :D

 

may mga bago pala akong akda, nawa'y mabisita mo rin. ewan ko lang kung may makita kang keywords... wala yata, hehehe... Ü

 

I'd love to turn you on...

 

http://patrickman.blogdrive.com

http://walruscreativeworks.blogdrive.com

aireen's picture

talaga..pupunta ka ng

talaga..pupunta ka ng baguio.. sana maranasan mo rin ang sarap na naranasan ko sa piling Nya.. haaayyy... Laughing

try mo  kontakin si kislap.. para naman magkakilala kau sa personal... hehehe

ingats na lng bro! :)

sige po bisitahin ko ang akda mo..

cheers!

aireen

namimiss ko na rin siya...

 

gusto ko nang umuwi dahil sa sinulat mo, aireen, at habang hinihintay ko ang bawat sandali bago mag-weekend, iisip-isipin ko uli siya at mangungulila, hehehe.

salamat sa iyong tula... :) 

 

Ruthie

Junimun norul saranghe... ^ . ^*

 

aireen's picture

Uwi ka na ate ruth! medyo

Uwi ka na ate ruth! medyo mainit na dito sa manila eh..Laughing

Sarap tumambay at magmuni-muni sa john hay... haaaayyy... 

salamat po sa pagbasa ng aking tula...  Laughing

cheers!

aireen

 

  Oo nga, Aireen, ang init

 

Oo nga, Aireen, ang init na...  at sa john hay, of course, haaaaayyy.  Heehee, mukhang marami kang memories sa Baguio ah, heehee.  Miss ka na rin Niya, kailan ka ba magpapayakap muli sa hamog Niya?  Gusto kong umuwi at sumulat ng maraming tula habang nakadungaw sa bintana kong kitang-kita ang buong Baguio, maliban na lamang sa mga lugar na ipinagdadamot ng hamog.  :)

 

Ruthie

Junimun norul saranghe... ^ . ^*

 

blackwidow's picture

:')

Laughing

 

 pagtapos kong basahin yung tula bigla kong na miss ang mga dapat ma miss. lalo na ang baguio.

thanks sa pag she-share mo ng iyong pagka miss dahil kami rin ay nakakadama ng pagkamiss.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Stronger than the boogeyman hiding in your closet

aireen's picture

Salamat po blackwidow at

Salamat po blackwidow at nadama mo rin ang pagka-miss na nadama ko...

Laughing

cheers!

aireen

Dap-ay Sapata's picture

parang...

 ...may ibang tama ang tula na ito?

pero kung ganun talaga at baguio ang paksa nito...

masasabik nga ang mga makakabasa nito.

sayang 'di ako nakadalo sa Powerbooks Poetry Night!

next time.

 

 

"Write in White Heat, Edit in Cold Blood."

www.tintamakata.multiply.com

 

 

aireen's picture

tama?

salamat sa pagdaan Dap..

anong tama ba ang sa tingin mong mayroon ang tula...??? ibang kahulugan...

hehehhe

cheers!

aireen