Nananangis si Juan na Maging Hamog.

mcleri's picture
|

Nananangis ang hamog na maging luha,

mahagkan muli maamo mong mukha.

Nananangis ang luha na maging tala

At magbigay ningning sa’yong mga mata.

Nananangis ang tala na maging araw,

Magsilbing liwanag sa’yong daang tanaw.

Nanananangis ang araw na maging payong,

Sa bagyong hain ay magbigay silong.

Nananangis ang payong na maging ulan

Mahulog sa hanging ganap at lubusan

Nananangis ang ulan na maging hamog

Yakap na lamig sa iyong pagtulog.

Ang hamog, luha;

ang luha, tala;

ang tala, araw;

ang araw, payong;

ang payong, ulan;

at ang ulan,

muli’y maging hamog.


dyeppri's picture

nakakatuwa ang paglalaro ng

nakakatuwa ang paglalaro ng salita

masarap basahin ng taimtim

'di man ako mahilig sa kwentong labsung

ay npangite ako ng tulang ito...

magaling ang pagka areglo..

payak at simple...aprub!

keep up on posting kid! Wink

 

mananalaytay ang pulang tinta sa itim na pluma...

incubus's picture

hamog?

bakit nagnanais maging hamog ni Juan? dahil ba kapag nakikipagrelasyon sya eh sex lang ang habol nya?Laughing

ang hamog ba dito eh yung simbolo ng divine revelation?

o does it symbolize silence that can be found only during night time?

 

+ink_yhubos+

mcleri's picture

re:

Umiikot na ba ang pananaw ng mundo tungkol sa sex? pagmamahalan ng babae at lalaki na madalas maibenta sa pelikula, telebisyon at libro?? 

si juan na nanangis maging hamog ang sumisimbolo ng iilang pusong nalalayo sa pagmamahal ng Maykapal at nais magbalik loob. nkatago sa pagitan ng bawat linyang tila'y pang magsing-irog ang tunay na pagtangis sa iisa at iisa lamng, ang Diyos.

ang hamog ay nagmimistulang presensya na hindi nakikita sa pagitan ng bawat linya, hindi lamang gabi ang may hamog.

Ü

mcleri

incubus's picture

hamog

kaya nga. divine revelation hindi ba?

ang pagkakaalam ko kasi sa bible ang hamog ang simbolo ng divine revelation.

 

+ink_yhubos+

mcleri's picture

re:

haha you know your stuff.

pero the thing is devine revelation is God's revelation to man. on the otherhand this one is man towards God. pero good enough!Ü

Ailem23's picture

nice one

 Gusto ko ang way ng paglalaro mo sa mga salita. literary talaga...  ayan! na-miss ko tulo'y magsulat ng tula... dati kasi nagsusulat din ako ng tula pero nakalimutan ko saglit kasi novels na ginagawa ko ngayon... galing.... gusto ko iyong naging sequencing...

 

best regards,

melay