nang ipagtanggol ko si harry potter... ( o "ang pagtatanggol ng isang gusto nang maging ama")

dvi1400's picture
nakakatuwa ang mga fantasy novels. andiyan ang the lord of the rings trilogy, harry potter saga, the chronicles of narnia, atbp. pinapalaya nila ang mga imahinasyon natin. minsan sa sobrang ganda ng pagkakalathala sa mga ito, binibigyang buhay ang mga imahinasyong nasusulat sa pamamagitan ng pagsasapelikula nito. kadalasan, sa sobrang sagrado sa mga tagahanga sa nailimbag na aklat ay hindi nila matanggap na may mga binago; na may mga eksena sa libro na hindi isinama sa pelikula; na hindi angkop ang mga artistang gumanap bilang kanilang paboritong tauhan sa kwento.
      
kung hindi nyo naitatanong, babanggitin ko pa rin... ako'y namumuhay sa pakikipagdaldalan. hindi ako tsismoso (maliban na lamang sa impormasyong nalilikom). hindi naman ako sinungaling, 'wag lang tatanungin. dati, madalas ninyo ko makikitang naglalakad sa lansangan gabi-gabi at pauwi na lamang pagsikat na ng araw para kumita lamang ng pera. hindi ako bugaw. pero kung iniisip ninyo na isa akong "callboy," hindi kayo nagkakamali. medyo nabawasan na lamang ang kinikita ko nang malipat ako sa pang-umaga. oo. may oras ng pagpasok din kaming mga "callboy."
         
"callboy" o "callgirl" ang bansag ng iba sa mga taong nagtatrabaho sa mga call center. mas maiksi nga nman pakinggan kaysa "C.S.R." (customer sales representative) o "T.S.R." (technical support representative). maglilimang taon na akong T.S.R. sa kompanyang pinapasukan ko.
     
kanina pagdating ko sa opisina, nadatnan ko silang nanonood ng "Harry Potter and the Order of the Phoenix." iyong isang bisor dito parang ayaw niya sa mga bida sa pelikula. sa mga nakapanood na ng pelikulang ito, marahil pamilyar kayo sa eksenang babangitin ko. pasintabi na lamang po sa mga hindi pa nakakapanood.
        
spoiler alert!
        
naglalaban na si voldemort at si dumbledore. 
        
pagmamalaking sasabihin ng bisor, "kung tutuusin mas malakas naman talaga 'yang si voldemort kaysa kay dumbledore."
        
sasapian na ang bisor at aarangkada na sa geek mode ang pag-iisip. ipapaliwanag kung paano nangyari na mas malakas ang kalaban kaysa sa mga bida at pawang wala namang kwenta si dumbledore kumpara kay voldemort. at pagkatapos n'un, ibabato niya na sa 'yo na hindi daw si harry potter ang bida.
     
oo. sambitin niya ba naman ng buong kayabangan, "kung tutuusin hindi naman talaga si harry potter ang bida diyan e."
        
hindi ko na natiis ang mga huling katagang pumasok sa mga tenga ko. narindi na ako sa trash talk niya at bigla na lamang lumabas sa mga bibig ko, "e 'di ba 'harry potter and the order of the phoenix' yan? hindi naman 'pedro penduko and the sorcerer's stone' o 'voldemort and the order of the phoenix.' si harry bida diyan. kaya nga ganun title e."
        
ayun. nanahimik na din siya at natapos namin nang masaya ang pelikula. paumanhin na lamang sa bisor kung nababasa niya ito ngaun. wala po akong intensiyon na maisangalang-alang ang kanyang pagkatao sa naisulat ko. alam ko naman na mabait siyang tao. pasensya na lamang kung kinailangan ko pang ipaalam sa kanya na si harry potter at hindi si voldemort, o si pedro penduko, o sino pa man ang bida sa harry potter.
          
naisanguni ko 'to sa mahal ko sa pamamagitan ng text. at ito ang kinalabasan. paumanhin sa mga mambabasa pero medyo papalayo na ito sa harry potter experience na nabasa ninyo kanina.
       
(take note: ako po si 'dear' at siya si 'luv').
         
luv: Ahaha! adik 'to. bakit mo naman tinabla? ..mamaya pinaginitan ka nyan e.. wahaha!
       
dear: ok lang magmarunong siya. pero ang katotohanan ay katotohanan. 'yon ang title e. hehe.. di ko siya bisor para paginitan niya ko. haha!
       
luv: haha! kaya pala e.. mana ka sa akin a.. wahahaha!!!
         
dear: mana? haha! gan'un na talaga ako dati pa. siguro hindi ko lang napapractice recently. pero kapag may pagkakataon, lumalabas ang ugali. hehe..
        
luv: kung sakali kapag nagkaanak tayo, ang anak natin sarcastic at prangka.. haha! nakakainit ng ulo.
        
dear: haha! madami pa siyang dapat matutunan bago niya maabot ang level natin. yahaha!! siguro mapipikon teacher n'un sa kanya. haha!
        
luv: naalala ko tuloy 'yung teacher ko dati.. pati 'yong kakilala ko na medyo binara ko. haha. may ugali ako na buo ang araw ko kapag may naiinis ako at binara. haha!
        
dear: hahaha!!! kailangan ba mang-asar para mabuo ang araw? hehe..
         
luv: ou.. may ugali kaya akong gan'un.. ahaha!! hindi ko tuturuan maging gan'un 'yon..
         
dear: buti naman hindi mo tuturuan. kaya lang likas na sa kanya'yon. kasi nga anak natin. haha. lalabas at lalabas ang ugali na 'yon. makita niya ba naman sa 'tin e. hehe.
         
luv: kung likas sa kanya 'yon, tuturuan ko siya kung paano lalambingin 'yung pinaiyak niya o napikon sa kanya.. haha
    
dear: pwede. pero syempre depende kung sino 'yon. halimbawa, kung ikaw ininis niya (sabay ngisi) papanoorin ko muna siya umiyak bago ko sabihin kung paano ka suyuin. hehe..
    
luv: haha! uunahan ko na siya, na kapag ininis niya ako, isang taon bawal lumabas ng bahay. haha!
    
dear: haha! kapag ganoon, sa 'kin magsusumbong 'yon. haha. doon na papasok 'yong sinasabi ko. hehe.
    
luv: anong sinabi mo?
    
dear: kung paano ka suyuin. pangunahan mo ba naman na hindi lalabas ng isang taon e matatakot 'yon at iiyak. hehe..
    
luv: sabi ko kapag ininis niya 'ko.. kaya 'wag niya akong iinisin.. ahaha!!!
    
dear: e kung ganoon siya maglambing gaya mo-- nang-aasar? hehe. tsaka, paano mo mapapangunahan e hindi pa nga ginagawa e?
    
luv: para hindi niya gawin.. ahehe
    
dear: kids are curious. kapag pinagbawalan mo, lalo nila gagawin. gets? but if you explain it from the heart, they will understand.
    
luv: haha.. iba't ibang klase 'yon.
    
dear: iba't ibang klase ng ano?
     
luv: pang-aasar
     
dear: hehe. tama na 'to. tanghali na. kumain ka na po. baka umabot na tayo ng baclaran nito. dalawa na tayo. malakas kita natin n'un. haha!!!
      
hindi naman halata na masaya kami sa pakikipag-usap sa isa't isa sa pamamagitan ng text 'di ba? salamat sa <insert name of network provider here> sa <insert name of promo here> nila. kung nagtataka kayo kung ano ang ibig kong sabihin nang banggitin ko ang baclaran sa huli kong mensahe sa text... patawad po. pero,  'yon ay isang kwentong nakalaan para sa iba pang panahon. ^_^