Nang mag MMK si Ilyana (part 7)
Monologue: (naduling na ako...)
Minsan mahirap magsalita ng patapos, iyan ang natutunan ko sa buhay, hanggat hindi pa nang yayari sa inyo ang isang bagay, wag kayong bumitiw ng salita, dahil pag nandun na kayo sa sitwasyon nayun, lahat ng pinlano niyo sa buhay nyo, maglalaho, mag-iiba ang direksyon ng buhay, mag iiba ang script. Lahat ng pinlano niyo noong bata kayo, mag-iiba lahat. Hindi natin kayang kontrolin ang lahat ng bagay.
Ang buhay ay hindi fiction lamang, na kung ano ang ikinatutuwa at patok sa mambabasa yun nayun. Mahirap gawan ng ending, dahil hindi mo alam kung ano pang darating sa inyo in the future. Matatag akong tao, pero minsan nakakaramdam rin ng panghihina. Dahil na realise ko, hindi ako nag papanty sa labas ng tights ko. (meaning di ako si Darna)
Iniisip ko nalang na maswerte parin ako, dahil healthy ang mga anak ko, at kahit pano me trabaho naman ako, at me pagka cute din naman ng konti (hehe) maraming naaawa sa sitwasyon ko, ang sabi ko sa kanila, bat sila maaawa sa akin, hindi naman ako baldado? Akoy me dalawang paa, dalawang tenga at ilong na maganda. At higit sa lahat, buhay pa naman ako...
I am surrounded with good friends, and supportive in-laws, that’s a bonus. Sabi ni Pmel , friends are costly, well.... not mine. Ang mga kaibigan ko, hindi mo na kailangan maglabas ng pera pag kumakain kayo sa labas, unahan sila sa pagbabayad, ewan siguro naaawa sa akin, hehehe, pero ayoko rin namang manamantala kahit lagi akong nililibre, ang mga friends ko, nag e effort pa silang pasyalan ako dito, kahit nasa malayo sila, para damayan lang ako. Panay ang overseas call nila sa akin, para libangin lang ako.
Magaling akong makisama sa mga tao, kahit anong pagod ko, pag me nagpapa baby sit sa akin sa mga kaibigan ko, hindi ako tumatanggi. Pag me nag a ask ng favour , like magluto sa handaan sa akin, basta kaya ko, okay lang, pero reciprocated sila, hindi lang sila kabig ng kabig.
Hindi ko siguro kakayanin ang mga problema ko, kung wala akong kaibigan dito sa mundo, importante sila sa buhay ko, mapili ako sa mga kaibigan, kaya yung iba, mahigit 30 yrs na ang samahan namin, pero continues parin ang komunikasyon namin. Proven and tested na, minsan naiisip ko, sa lesbian nalang kaya ako pumatol? (joke lang)
Wala pa akong nakaka away na kaibigan, dahil prangka akong tao, sinasabi ko na ng harap harapan kung me ayaw ako sa kanila. Masaya akong kasama, kaya walang nakakahalata kahit problemado na ako, hindi ako ang tipo na kaibigan na iiyak at mag mo moan nalang lagi sayo araw araw (Once in a blue moon lang) laging masaya lang ako pag kasama ko sila. Palabiro at kenkoy, Kaya dito sa FW lang ako nakakapag emote.
Mahirap maging makasarili- pag wala kang kaibigan, parang ang sama sama na ng ugali mo at walang nag tya tyaga sayo. Ayoko naring manisi ng iba, gusto ko nalang i archive ang mga good memories naming mag asawa, siguro by the time we’re old and gray, baka tatawanan nalang naming ang mga nagdaan na pagsubok sa amin.
Kaya advice kolang sa mga misis? .....wala akong masasabi sa inyo, kanya kanya tayo ng feelings at takbo ng utak. Iba iba ang pananaw natin sa buhay, pero lahat tayo we have something in common, ke mayaman ka, mahirap, seksi, maganda, pangit, lahat tayo, iisa lang ang buhay. Kaya pag husayang mabuti kung pano niyo gagawan ng script ang buhay niyo, sabi nga ni Luca, tayo ang director, tayo ang prodyuser at main star, so dapat wag nating gawing super tragedy ang ending.
Wala mang happy ending ang sarili nating buhay, dapat yung mga nakapaligid sa atin na minamahal natin, mapasaya natin sila. Kung ang ibang tao, ayaw kang bigyan ng unconditional Love, ikaw nalang ang magbigay nun. Pasasaan ba at mamatay lahat tayo. Kaya wag niyo nang planuhing patayin si mister or si misis kung lokohin man kayo, naisip konarin yan one time, pero di kinaya ng konsensya ko. Kaya ang ginawa ko nalang bumili ako ng isang kilong vetchin, at dinadamihan ko ng vetchin ang pag-kain nya, para slight murder nalang, hehehhe (joke)
Kailangan natin ng love dito sa mundo, wag mong sabihin na mabubuhay ka ng walang pag-ibig, hindi ko pinagsisisihan ang mga nangyari sa buhay ko, nag papasalamat ako at kinaya ko ang lahat. Marami akong natutunan sa buhay at nagbago din ang pananaw ko. Alam ko, hindi pa ito ang ending ng buhay ko, akorin di ko alam kung anong mangyayari kinabukasan, naghihintay lang ako ng bagyo at tsunami.
Kailangan kong magpakatatag alang alang man lang sa mga anak ko. Pinipilit kong kalimutan ang nakaraan, pero sariwa pa ang mga sugat.
Salamat sa inyong pag-basa mga FW friends ko... Pasensya na at nagdrama si Ilyana...
Pero nahimasmasan ako ng konti..Salamat ulit sa mga comments niyo..
awwwww
Bless u Pinx...sweet naman
xoxo
…★.......★........★.......★.........★.......★.......★
"There are two eternities that can really break you down. Yesterday and Tomorrow. One is gone and the other doesn't exist... So live today."
---------------♥ILyAna♥-----------------
Hehhee Tagacomment mo talaga ako Ilyana
Kung sana pwede nating isulat ang magiging takbo ng buhay natin, lahat siguro gusto puro may happy ending ang buhay natin. Pero nakalulungkot na hindi nating kayang maniobrahin ito.
You are blessed with a very supportive friends ,inlaws and wonderful kids. And you have so many reasons to celebrate life.
Totoo ang sabi mo na hanggat wala ka sa sitwasyon na yun mahirap magbigay ng payo o magbitaw ng salita. Pero sa totoo lang sila kasi ang mga taong mas nakikita ang tama kaysa sa mali at may maliwanag na pag-iisip kaysa sa atin. At kung minsan hindi natin nakikita ang tama sapagkat nadadala tayo ng kasalukuyang emosyong nararamdaman. Sa huli wala sa kanila yun, nasa atin pa rin kung susundin natin. Ang tama ba sa nakakarami o ang tama ba para sa atin.
Nabubuhay tayo ayon sa mga desisyon natin sa buhay. At nabubuhay tayo sa ating mga desisyon. Hindi totoong wala tayong mga "choices", kasi lagi tayong may pamimilian, ang laging tanong dyan eh kung ano ba ang pipiliin natin.
Ilyanah, matalino at matatag kang babae, alam kong hindi mo naman talaga kailangan ng payo kasi alam mo na ang gagawin mo. Ang nais mo lang ay ihinga ang nasasaloob mo para gumaan ang nararamdaman mo. At sana kahit papaano ay nakatulong ang paglalahad mo dito sa FW.
Ingat lagi at salamat sa pagbabahagi
Spike
My Personal Blogs:
Mga kahanginan ng utak ko:
http://utaknidrake.blogspot.com/
Kwentong nagbibigay inspirasyon:
Spikey-spikey...
Korek ka sa lahat ng sinabi mo
Minsan, nakakapag react tayo sa mga bagay bagay na hindi pa nangyayari satin, kaya minsan nasasabi natin na "pag sakin nangyari yan ganito ang gagawin mo, kasi matino pa kaisipan mo nun.
Pero pag nasa actual scene kana, ang hirap pala, dahil nga nananaig ang emotion at tinatalo ang utak, kaya nga me mga anak na pasaway kahit na durugista na ang mga siyota nila, mas pinipili parin nilang makisama sa kanila.
Pinag iisipan kopang mabuti kung ano nga ba ang dapat kong gawin, I dont want to be selfish and find my own happiness, kailangan korin isipin mga future ng kids ko, dahil nakapag inquire na ako na kung sakaling hihiwalay ako sa asawa ko, hindi sapat ang alimony para pambayad ng mortgage at schooling nila.
Ayoko rin namang maapektuhan pag-aaral nila, I have seen lots of kids na nagsipag rebelde dahil sa naging sitwasyon ng family nila, I am working with children, minsan nakikita ko ang epekto sa kanila, gaya nang isang alaga ko na apat na taon, masungit sya at laging umiiyak, kinausap ko ng masinsinan, sabi ko, "Why do you have to cry all the time, if you dont want something, you just have to let me know...kasi masyado syang sensitive, ang sagot nya...."I dont like my mum's new friend" . (me bagong bf kasi ang mum nya)
Mahirap kasing mag explain sa mga bata...kaya inaantay konalang ang tamang pagkakataon...
salamat sa lahat ng comments mo...
(fingers crossed)
…★.......★........★.......★.........★.......★.......★ "There are two eternities that can really break you down. Yesterday and Tomorrow. One is gone and the other doesn't exist... So live today." ---------------♥ILyAna♥-----------------
.
whew! 7 chapters nabasa ko lahat hehe...
lahat tayo may kanya-kanyang MMK sa buhay ako nga 12 years ng marriage ko nauwi sa wala e at hindi lang yun ganun maraming masalimuot na grim tales sa loob nun hindi ko na ikwento kasi moment mo ito e. hindi ako nahihiyang sabihing dati akong battered husband kasi nalampasan ko na yun e at naisalba ko ang mga anak ko sa pisikal ay emosyonal na dillema na kung hindi ko ginawa malamang may patay na sa amin.
salamat sa pagbabahagi mo bukod sa makakagaan sa nararamdaman mo ito kapupulutan din ng aral.
normal lang ang sisihin mo ang nakapalgid sa iyo maging kwestyunin ang diyos, ganyan ang nahihirapang tao kahit ako ginawa ko yun.
pero isang bagay ba nagpatagal ng agony naming ma-aama ay ang parehong prinsipyo sa iyo: "for the kid's sake" mali ang ganitong pananaw sa palagay ko.
isipin mo na lang 10 years from now lahat ng ito ang magpapatatag sa iyo sa paghanap ng isang tunay na sitwasyong ikaliligaya mo hindi lang sa loob ng marriage natatagpuan ang kaligayahan, pwede din sa labas.
wag kang matakot dami pang nakakaintindi sa iyo.
salamat sa pagbabahagi.
Kuya Rom
Alam mo, para kasing tayong mga pinoy, na analize ko na ang unang takot natin, lalo na mga babae, yung sasabihin ng mga tao, kasi nga parang pag broken family ka, outcast ka na...
Pangalawa yung takot na mapag -isa,yung bang feeling mo, there's no more love after, kasi traumatized kana, yung dalawa kong kapitbahay na hiwalay, me pareho nang boyfriend at happy naman sila.
Ayoko namang maghanap ng bagong love, gusto kolang ng peace of mind...
Sana mahanap ko yun...
Happy Anniversary pala sa inyong mag-asawa.
…★.......★........★.......★.........★.......★.......★
"There are two eternities that can really break you down. Yesterday and Tomorrow. One is gone and the other doesn't exist... So live today."
---------------♥ILyAna♥-----------------
.
ganito na lang isipin mo Ilayana, 10 years from now kung magpapatuloy ganyan ang ugali ng asawa mo ano kaya ang kalagayan mo? wala pa dito ang kalagayan ng mga anak mo.
isipin mo: 10 years from now ang mga anak mo malalaki na may kanya-kanyang buhay na sila aminin natin na sa ayaw at gusto mo aalis yang mga yan sa poder mo. maiiwan ka at ang asawa mong nangangaliwa sa bahay. at ang asawa mo naman kung patuloy pa siyang nangangaliwa iiwan ka na nya din at ipagpapalit sa babaeng half your age. e paano ka? paano na yung for kid's sake?
sa huli mag-isa ka na lang lost and lonely in a strange land. masaya ka kaya nun? you're getting old and lonely still hurting.
hangga't maaga gawin mo sana ang tamang gawin na sa tingin mo at magpapanumbalik ng dignity mo bilang tao. hindi bilang ina o asawa kundi bilang tao.
hindi mo kailangang maghanap ng bagong love. hanapin mo lang ang sarili mo alam ko mahirap yun pero mas mahirap ang tiisin ang ganyang dillema.
ang mga anak ko nag ka trauma nang makipag hiwalay ako sa nanay nila, sinalo ko lahat yun at hanggang ngayon ay healaing process pa rin kami. minsan may mga flashback na painful pa rin pero mas painful kung nagpatuloy ako sa isang mapang-aping relasyon na di lang ako ang nasasaktan kundi pati mga anak ko.
mas masakit sa mga bata ang makitang nanloloko ang ama nila. mas magandang malaman nila na lumagay ka sa tamang desisyon at isinagawa mo yun, nasa tamang pagpapaliwanang lang yan.
resilient ang mga bata kakayanin nilang tanggapin ang desisyon mo pero syempre may side effects yan, tanggapin na lang natin at mag cope up.
ten yrs?
Naku kuya, wag kang mag alala, me time line ako, dino drawing kong mabuti ang magiging pyuture naming lahat, at alam ko one day iiwan talaga ako ng mga anak ko...
Kaya natuto akong mahalin din ang sarili ko muna bago ang lahat, di na ako mag aantay ng 10 yrs, baka hanggang bewang na ang mge dede ko nun, hahahahha, at hitsurang rice terraces na mga wrinkles ko sa mukha..
Pero sinesepra ko munang mabuti, kung ano nga ba ang dapat gawin, nag ko concentrate muna ako ng husto sa work ko. (Off lang ako today kaya nakakapag babad ako dito, hehe)
Salamat sa pagbasa kuya. Sana maging ghost writer kita at gawan mo ako ng aklat, at ibenta natin dito, kasi yung pinay dito na si Gina French, battered wife sya, kinwento ang buong life, pinatay ang Briton na asawa, ayun laki ng binayad sa kanya, me book pa sya.. (For a house made of Stone) ang title. Na enlightened ako sa kwento nya, walang sinabi ang kwento ko.. heheh
Hinahanap ko nga sya sa Facebook, para maki friendship ako nang makilala ko kung sino yung ghost writer nya....Lols :-)
…★.......★........★.......★.........★.......★.......★
"There are two eternities that can really break you down. Yesterday and Tomorrow. One is gone and the other doesn't exist... So live today." ---------------♥ILyAna♥-----------------
dont worry...
suportado ka namin ilyana...and the most important thing of all...dont forget to pray to God always...He was the one who gave me strength when I was really down before, as in DOWN talaga....and now i am very happy and so much in love with you know who....hehe
ingat ka lagi and focus sa anak ang kelangan right now...
Teena
Business articles and financial views
Thank U.
Hi Teena,
Salamat na marami din...Kahit pano sumasaya ako dito sa FW. Dahil kahit di ko pa kayo na mi meet sa personal, parang ramdam ko ang mga concerns niyong lahat sa akin... Big thanks. …
I am happy too na nakatagpo ng true happines si Kuya Rom sa Piling mo. Ganun din sayo siempre, mukhang napaka totpul naman talaga ni Kuya Rom. Kaya pareho kayong maswerte sa bawat isa.
..............................★.......★........★.......★.........★.......★.......★......................
"There are two eternities that can really break you down. Yesterday and Tomorrow. One is gone and the other doesn't exist... So live today."
---------------♥ILyAna♥-----------------
May natutunan ako
May natutunan ako sayo...
"Midlife Crisis"...
Ire-reasearch ko din yun baka sakaling maliwanagan ako...
ang ganda ng pagkaka-kwento mo mare, parang kahapon lang nanyari ang lahat... bilib ako sa details... at sa tapang mo to face this situation lalo na...
para sa mga bata... di imposible ang lahat. napatunayan ko na rin na... if you get stuck in a situation, mga kids lagi ang choice, and they are the only choice, wala nang iba!
chikka tayo minsan? kape?
http://wattuduyanie.blogspot.com/
To Yiennarda
Salamat din sa pag basa...OO mga bata ang unang dahilan kung bakit siguro ako nag tagal sa marriage na to, kasi kada banggitin ko sa mga anak ko ang salitang hiwalay, umiiyak kagad sila...Lalo na ang panganay ko, humahagulgol sya sa iyak. Kasi one time nilayasan ko na sila, recently lang, tawag sya ng tawag sa phone ko, iyak ng iyak. …
Siguro kailangan lang talaga turuan ng leksion ang asawa ko, pag alam nyang andito lang ako, nag-aantay sa kanya, babale walain nya ako.
Sabi nga nung kanta....ng Counting Crows.
"dont it always seem to go, that you dont know what you got till it's gone"
-----------★.......★........★.......★.........★.......★.......★
"There are two eternities that can really break you down. Yesterday and Tomorrow. One is gone and the other doesn't exist... So live today."
---------------♥ILyAna♥-----------------
Now I know...
Kainis ka! Ang plano ko basahin kahit isa lang sa MMK mo, natapos ko pa tuloy! I hate you for making me read all those things.
Pero ngayon alam ko na ang isa sa mga dahilan why you losed faith. I understand na mahirap talaga ang pinagdaanan mo, hindi mahirap actually - NAPAKAHIRAP!.
Sana wag mong masamain o ng iba ang post kong ito. I am about to say something na sa iba ay walang saysay.
Kaya ang laging sabi sa amin, na di ka binibigyan ng Diyos ng di mo kayang kayanin - isa ka sa patunay na kinaya mo ang lahat ng ito. Kaya I always pray na wag ako bigyan ng problema na maaaring maging kawalan ko ng paniniwala sa Diyos. Di ko sinasabing maniwala ka sa Diyos, ang gusto ko lang sabihin ay pasalamat ako at kahit di naging maganda ang resulta ng iyong kahirapan ay napag-tagumpayan mo ang mga problema mong ito.
Wow! friend ibang-iba ka mag-kwento, feel na feel namin ang felt mo. Kumusta ka na ngayon? Hope okay ka na.
====
Mga Patok sa Takilya
bespren Noel.
Alam mo Noe, one day pasasalamatan mo ako at nabasa mo ang true to life story ko, heheh, para pag dumating ka sa puntong ganyan atleast me idea ka na...gawin mong kodigo (kodiko?)
Mahigit te 13 yrs na kaming kasal ni mister, (15 yrs nang magkakilala) after 10 yrs doon kolang sya halos parang nakikilalang tunay.…
Minsan akala natin, kilalang kilala na natin ang mga asawa natin, hindi pala...marami pang surprises...
Nung nasa 5 yrs palang kami, very sweet parin kami, akala ko nalampasan na namin lahat, minor problems lang pala yung mga awayan namin noon, kumpara dito.
Sensya na, naka part 7 ako, tinalo ko ang Bestfriend episode mo, hahahahaha
Okay na ako ng konti ngayon, nakakakin na ako ng kanin at sabaw...at umidlip narin.
Salamat sa pag basa atlis napa login din kita? heheheh
-------------------★.......★........★.......★.........★.......★.......★
"There are two eternities that can really break you down. Yesterday and Tomorrow. One is gone and the other doesn't exist... So live today." ---------------♥ILyAna♥-----------------
nakupow!
Para namang sa sinasabi mo eh mangyayari din sa akin ito, wag naman po. Kasi kapag nangyari sa akin yun kahit may kodigo ako I am sure hindi ko masusunod yung kodigo ko coz ang buhay ay talagang ganyan full of surprises, kung saan ka hindi handa ay doon ka susubukan - di ba totoo yan?
Parang doon sa isang kapitbahay namin, handa na siyang mamatay sa kanyang sakit at todo-todo na ang kanyang pag-aayos ng kanyang mga last will testament. Panay pa ang bilin sa kanyang mga anak ng mga dapat gawin. Unexpected thing happen, yung panganay niya ay namatay by accident, nauna pa sa kanya.
Kaya tama si spike na kung kaya nga natin maniobrahin ang ating ending di sana masaya lahat. Pero hindi eh, yun ang nakakalungkot.
====
Mga Patok sa Takilya
bespren Noe
Ganda ng picture mo, hapi family, hahaha, ano natakot kaba na baka me Ma inlab sa yo dito sa FW? bless u always, …
mwahhhhhhhhh, (halik yun para sa baby mo ha? hindi sayo, hahaha)
★.......★........★.......★.........★.......★.......★
"There are two eternities that can really break you down. Yesterday and Tomorrow. One is gone and the other doesn't exist... So live today."
---------------♥ILyAna♥-----------------
hug na lang kita...
di kase ako kasing galing ni Ate Charo Santos magbigay ng payo kaya im sending u my hugs na lang para maparating sau na naibahagi mo sa akin kahit kakarampot ng bigat na nararamdaman mo. eto nga oh, nadepress ako for a while. i feel your sadness. sana nakabigay ng gaan ang pakikinig namin sau kahit papano.
kaya gusto ko ang site na to kase bukod sa naging outlet sya ng mga kabaliwan natin parang naging support group na rin sya.
be strong.
agree ako
Kahit me mga ups and downs tong site na to, me makikilala karin palang mga tunay na tao, na mababait. Wag kang mag alala, kahit di mo kasing galing mag advice si Ate Charo, wala naman syang panama sa galing mong sumayaw ng break dance...
PS
basta masaya kayo ni Luca, masaya na rin ako para sa inyo...
salamat sa hug.
…★.......★........★.......★.........★.......★.......★
"There are two eternities that can really break you down. Yesterday and Tomorrow. One is gone and the other doesn't exist... So live today."
---------------♥ILyAna♥-----------------
Salamat sa lahat
Na nagtyagang nagbasa....
talagang in effort ano? touched ako.
Hindi kopa binasa tong 7 chapters na MMK ni Ilyana..pag me time ako babasahin ko ulit... heheheeh
hi Mam Ilayana
padaan po...
hindi ko po napigilan na hindi tapusin ang mala MMK na kwento ng buhay mo... ganda po ng pagkakasulat ninyo...
BILIB PO AKO INYO....
god blesss po.... para sa family ninyo....
ngat...
Salamat
Hi Jealousy, Salamat at tyinaga moring basahin ang kwento ko... Thanks a lot... xx …
★.......★........★.......★.........★.......★.......★
"There are two eternities that can really break you down. Yesterday and Tomorrow. One is gone and the other doesn't exist... So live today." ---------------♥ILyAna♥-----------------
tinapos ko muna
tinapos ko muna yung nobela mo ilyana (actually hinde pa rin naman tapos kasi wala pang ending) bago ako mag-comment...
habang binabasa ko ito eh parang binubuhusan ako ng malamig na tubig... parang istorya ng buhay naming mag-asawa din ito.. yun nga lang.. andun pa lang kami sa first stage...
minsan akong naakit sa isang childhood sweetheart ko kaya nagkaroon kami ng relasyon thru cyberspace... ang maganda nga lang nun eh di ko kinayang gawin nang personal nung niyaya nya akong mag-meet nung last vacation ko sa pinas... inindyan ko sya at di sinipot sa aming tagpuan...
ang worst na nangyari eh nung dinala ko dito sa korea ang mag-iina ko to take a summer break eh saka naman nabisto ng wife ko yung mga e-mail nung chix sa akin... kagaya mo sya ilyana, super trust din sya sa akin at laging ipinagbibida sa lahat nyang kakilala na perfect husband & father daw ako...
at lahat ng iyon ay nawala at muntik ko nang di sila abutan sa bahay kc papunta na silang airport para umuwi sa pinas at makipaghiwalay sa akin... ganun pala yun pag sobrang mahal ka ng asawa mo at super trust sya sa iyo... kapag nalagot yung pisi ng pagtitiwala eh hindi na kayang maidugtong pa.
salamat na lamang at may kaibigan kaming mag-asawang lecturer sa isang christian group dito sa korea at sila ang magkatulong na nagpaliwanag sa asawa ko ng mga circumstances na maaaring mangyari if ever na magkahiwalay kami... kasi lahat na yata ng pagmamakaawa ay ginawa ko just to win her back but all were fall on a deaf ear.... i thought na wala nang pag-asa since na napakatigas ng mga desisyon nya...
sa ngayon ay nasa 11th year na ang marriage namin & nasa adjustment period pa rin since na sariwa pa yung mga pangyayari (last april lang nangyari ito).
sa totoo lang naman eh talagang faithful naman ako sa kanya & never akong tumikim ng kahit sinong babae simula nung naging mag-asawa kami... naging flirty lang ako sa cyberspace & it cost me lot... kaya sa ngayon eh sya lahat ang nagbubukas ng e-mail, FS, FB etc account ko... hope na maibalik ko uli yung trust nya sa akin.
okay na kami ngayon at inuumpisahang muli ang pagbuo sa mga lamat ng nakaraan... katulong ang PANGINOON.
salamat sa pagbabahagi ng iyong buhay ilyana...
...ang PILYONG MAKATA...
Hi Diwata
Lahat naman tayo me nakatagong kwento, pare pareho lang misan ang nagiging karanasan natin sa buhay, iba iba lang ang Cast.
Mukhang sincere naman ang paghingi mo ng tawad sa asawa mo. OO lahat tayo minsan dumarating ang tukso, alam ko rin Lalo pa sa mga lalake, na hindi maaalis sa kanila ang pag fi flirt. Kasi dagdag Pa Pogi epek narin yun sa kanila.
Kung sakaling patawarin ka ng asawa mo, wag kanang uulit, wag mong iisipin na pinatawad ka nya at mappatawad ka parin nya, baka sa susunod na magkamali ka ulit, magising ka nalang na huli na ang lahat.
Wish ko na sana maging masaya ulit kayo, me mga times siguro na laging ibabalik at isusumbat ni Misis sayo ang mga kasalanang ginawa mo, pagpasensyahan monalang, dahil hindi ganon kadaling makalimot, it's a lot easier to forgive, but not to forget...
Pero pano natin masasabing nakapagpatawad tayo, kundi natin kayang tanggapin ang nakaraan. Yun ang naging problema ko, pabalik balik ang nakaraan sa akin, Nung mag propose ulit si mister sa akin nung 10th yr anniv namin to renew our vows, tinanggihan ko, dahil hindi pa talaga ako 100% na nakapag patawad sa kanya. Hangga ngayon di ko suot suot ang wedding ring ko..
Hingi pa nga tapos ang kwento ko...dahil me sequel pa ito...kaya abangan nalang kung ano ba talaga ang ending
Salamat sa pagdaan..
Goodluck sa inyong mag asawa.
xx
…★.......★........★.......★.........★.......★.......★ "There are two eternities that can really break you down. Yesterday and Tomorrow. One is gone and the other doesn't exist... So live today." ---------------♥ILyAna♥-----------------
girl...
pagpasensiyahan mo na kung ngayon ko lang nabasa ang drama mo. binasa ko ng one sitting. makabagbag damdamin, realistic, ang galing ng pagkakalahad... (hehehe, insensitive daw ako at clueless. joke lang) hmm... una sa lahat, gusto kong i-congratulate ka dahil hindi ka pa krungkrung. hindi ako magkukunwaring marami akong alam tungkol sa marriage kasi hindi ko naman maeexperience yun kahit kailan. pero marami akong alam tungkol sa self-worth. gaya mo, nagdaan din ako sa isang period ng obscurity at insecurity. mahirap na makaalis sa kumunoy na yan. naloloka ako at kahit pala mga Briton ay nagsasawa din sa adobo. pwes, punyeta sila. magaling ang naging desisyon mong pagbutihin ang sarili mong buhay dahil at the end of the day, kahit hindi pa nangyari itong buong kalbaryong pinagdaanan mo, sa isang tao ka lang naman sasagot... sa sarili mo. at walang sinumang tao ang pwedeng magbigay sayo ng kung ano talaga ang deserving ka. sa totoo, hindi ako naniniwala sa unconditional love. at hindi ako naniniwala sa kasabihang forgive and forget. naniniwala ako na dapat nating maintindihan na kahit may katabi tayong matulog, pagpikit natin mag-isa na naman tayo ulit. (hiniram ko to kay Haruki Murakami) maging matatag ka. para sa sarili mo. dahil makikita ng mga bagets mo yan, at magiging malakas din sila by osmosis. sabi nga, bigyan mo ang sarili mo ng hangganan. okay maging martyr, pero wag OA. ang dami mo nang pinagdaanan, pagaralan mo na ngayon kung paano siya iwanan, para pag kailangan mo na, e di maganda ka pa rin sa ending. winiwish ko na sana hindi mo na kailanganing i-apply ang matututunan mong pag-iwan technique sa kanya. maging hopeful, pero maging realistic. pag ginago ka pa rin niyan, nako, ako uupak. hahahahaha!!! wag kang pipikit...
wag kang pipikit...
Luca who lives on the second floor.
Salamat sa pagdaan mo, akala ko inisnab mo ang MMK ko, :-) Tama ka, no such thing as forgive and forget, unless na mababagok ang ulo mo at magkaka amnesia ka.
ISa rin natutunan ko, na wag magbigay ng 100% na love kahit kanino, kahit sa mga anak pa, kasi pag naka meet din sila ng mga labiduds nila, etsapwera din ang mga madera diba?
Kaya napag aralan kong mahalin ng lubusan ang sarili ko muna bago ang lahat, ang sabi ko nga sa friend ko, atleast kilala ko ang sarili ko, hindi ako i bi betray ng sarili ko, at di rin ako iiwan ng sarili ko, kaya dapat sarili ko muna isipin ko.
Nakapag enquire na ako about divorce and legal separation noon, magastos ang proseso ng divorce, mapupunta lang lahat sa lawyers fee ang mga nakatago niyong kayamanan...kaya crossed out yun sa mga plans ko..…
Legal separation, papayag ako, depende sa alimony ng mga anak ko, pero at the moment, ayoko munang isipin yung mga bagay na yun, nag open ako ng sarili kong bank account, di ko pinaalam sa asawa ko, abaaaaa, 14yrs din akong nag sakripisyo, kung sakaling iiwan ko ang asawa ko, dapat nakahanda ako ng todong todo pati na ang bank account ko diba?
Ano, sinuswerte ang mga pokpok na sasalo sa asawa ko? Kundi rin lang mapupunta sa akin ang last will and testament, dapat secured ang future naming mag-ina, so i decided to play his game, kung lolokohin man nya ako, i will play his game nalang. para di ako mahalata...mag ipon ako ng patago. Kesa maubos lang sa pag ba barfine nya.
Sabi nga nila, dalawang klase ang tao sa mundo, mga manloloko at mga nagpapaloko, so ayoko na yung sa huli. dapat quits nalang...para deuce lagi, and in the end dapat lagi ako ang me advantage.
★.......★........★.......★.........★.......★.......★
"There are two eternities that can really break you down. Yesterday and Tomorrow. One is gone and the other doesn't exist... So live today.
" ---------------♥ILyAna♥-----------------
hey
gaga ka bakit ko naman iisnabin ang dramathon mo sa hapon?
hemmingway, naisip kong akmang-akma talaga yang quote mo sa pinagdadaanan mo ngayon... wag mo munang alalahanin masyado ang nangyari na at ang iniisip mong mangyayari pa lang. gawin mo ang magagawa mo ngayon at magugulat ka na lang, bukas makalawa, and dami mo nang nagawa. (huh, labo)
kung nagpipray pa ko, pagpipray kita. :)
wag kang pipikit...
tnx mare
Hindi na rin ako nag a ask na ipag pray ng mge friends ko. Kasi ako tumigil naring mag MC Hammer at mag Take That (Pray)
Kasi noong pala dasal ako, at laging tragedy naman ang sagot ni bossing, na de depress ako lalo, ayoko nang sisihin si PApa Jisas, mas sinisisi ko nalang ang science and modern teknology ngayon, diba? kung walang internet, makakapag chat ba ang mister ko kung kani kaninong pokers?
So hindi yun kasalanan ng nasa Taas. kundi yung raging hormones ng asawa ko...
wag kang mag alala mare, dededmahan ko muna ang pag-ibig. Mag pa byuti muna ako ano? dumami wrinkles ko sa kakaisip eh...…
★.......★........★.......★.........★.......★.......★
"There are two eternities that can really break you down. Yesterday and Tomorrow. One is gone and the other doesn't exist... So live today."
---------------♥ILyAna♥-----------------
tenk u sa...
chocolate mint body wrap .. (dikopa na ta try yun ah?)
OO gusto ko ako naman ang habulin one day...Sila ang mag ma ka awa- at sana darating ang panahon, babangon ako at dudurugin sya...hehehehhehe
(Sori showbiz ako-- idol ko kc si ate Shawie)
…★.......★........★.......★.........★.......★.......★
"There are two eternities that can really break you down. Yesterday and Tomorrow. One is gone and the other doesn't exist... So live today." -
--------------♥ILyAna♥-----------------
gustong gusto ko
A Collection of Short Stories-Jonsdmur
ang pagkakalahad sa una at pangalawang talata... at sumasang ayon ako sa mga nasabi mo doon...
kailangan mong magpakatatag.. at alam kong kaya mo yan.. gaya ng nasabi mo... mapalad ka pa rin....
grabe! nakaka emote naman! saludo ako sayo.. tapang mong maglahad ng kwento... Godbless you...
jons
Jons
Salamat sa pagbasa, at pagtapos ng MMK ko, naku nakasama na naman ako sa headline mo sa SWN ha? hahaha, tenk u..
…★.......★........★.......★.........★.......★.......★
"There are two eternities that can really break you down. Yesterday and Tomorrow. One is gone and the other doesn't exist... So live today."
---------------♥ILyAna♥-----------------















.......
OK's lang yan ate.
Lahat naman tayo may pinag dadaanang ganyan, ilabas n'yo lang i-iri, handa kaming sumalo sa ta-.... sa inyo. Hehehe
Kung sakaling feel n'yong medyo tired na kayo ng kaunti at medyo di n'yo na kaya at feel n'yong babagsak kayo, marami kami ritong aagapay, sasalo, para tulungan kayong makatayo uli ng matatag.
Aja!!! Aja!!! Idol!!!