Nang Mangabog Ang Halimaw Sa Baul

robleza's picture
|

   

 

 

  Mahirap mag sulat

              kapag walang kumakabog kabog

sa iyong pusong marupok

hindi ka makapagsusulat,

kasi walang kumakatok katok

sa puso mong laman ay usok

hindi mo mahanap

mga salitang ilalapat

mula sa kaisipang hindi mo masukat

nagtatanong sa isip

papalag pa ba ang mga letra?

magiinit pa ba ang pisara?

kung ang puso mo’y

wala nang pag asa

tumingin ka sa kabila

meron ka bang nakikita?

Binuksan mo ang baul

Bumungad ang mga usok sa loob nito

Isang halimaw ang lumitaw

Hawak hawak ang tumitibok tibok na puso

Isang puso na mula sa isang dalaga

Nakaukit dito ang pangalan mo

Ito ang puso ng iyong iniirog

hindi makapaniwala sa nakita

ngayong alam mo na ang katotohanang

ikaw lang ang nasa puso nya

may magagawa ka pa ba?

Gayung puso na lang ang itinira

Isang dipa mula sa gutom at galit na halimaw

Isusunod ka na nya