Nang Salakayin Mo Ang Aking Pananahimik
Noong gabing salakayin mo ang aking pananahimik
ay ni hindi ka nagbigay ng babala.
Marahas at sibat at animo'y lawin sa hangin,
pumapagaspas ang iyong kasuotan sa abuhing gabi
na kidlat na gumapi sa aking pagkabigla.
Nagpatulala ang ilandang ng binti mong kulay putik
na sorpresang kumubabaw sa aking pagkubling walang-imik.
Dinaig nang planado mong pagtutop
sa magkabila kong balikat ang tangka kong pagbalikwas.
Pagbaba ng matutulis mong kuko sa aking dibdib
ay tinupok ng hapdi ng galos
ang unti-unting sumusuko kong hulagpos.
Sinikap mong dukutin ang aking puso
habang delubyo ang sangga't daluhong
ng iyong nangingintab na kalasag
sa di-napigila't bumugso kong galit;
subalit nagawa kong umus-os at magpatihulog.
Sumalipsip sa aking balat ang singhaya ng iyong pagkahayok
na lupigin ang aking galit, lagutin yaring hininga. Amoy-hayop.
Ramdam ko ito sa patak ng sumusulak mong pawis,
kilabot ang hatid ng iyong paglalaway
at kislap ng matatalas mong ngipin.
Pulang kahel ang diklap ng iyong mata sa dilim.
Isinalya ko ang lumuwa mong dibdib
na umaalon sa paswit ng iyong pagmamadali,
ngunit paglao'y mariin na akong napadakot sa lupa
tanda ng pagsuko at pagpapaubaya.
Tagumpay ka na sa huling bigwas ng iyong kalasag;
mapagpasyang igpaw sa aking mukhang nakaharap sa langit.
Bago ang naigang puslit ng aking ngalit
at pinakamalalim na buntong-hininga
ay nasamyo ko pa ang tingkad ng aroma ng bakal;
natikman ko pa ang alat at tamis ng pawis
mula sa iyong kalasag na paulit-ulit mong inihampas
nang inihampas nang inihampas na tila kumpas
sa aking mukhang tinanggap na ang kamatayan.
Pumanaw akong magiting ang iyong pagkakaluhod
sa ibabaw ng payapa kong bangkay.
Hinaplos ng buwan ang lumaylay mong ngiti
sa kulay-dugo mong labi
Excelsa addict.
my name says it all
salamat, pepe at pumapasa sa panlasa mo ang mga akda ko. :-)
iyang pangalan ko ay siya na mismong ako. maaari mong i-google o tingnan sa anumang search engine para sa dagdag na impormasyon.
o kaya'y sa multiply account na ito:
may libro ka na pala!nabasa
may libro ka na pala!nabasa ko lang ngayon sa yahoo search. sige, magreresearch pa ko sa yo. sana magkita tayo ng personal minsan. bibili rin ako ng libro mo at pag nagkita na tayo sana wag mong tanggihan kung magpapaautograph ako.teka, saan ka ba makikita?kung sa up diliman, maganda sana kasi doon ako nagtatrabaho.
Kuya... grabe... kung
Kuya... grabe... kung anu-anong nakikita ko sa isip ko habang binabasa ko 'to. Ang galing! Pakikanta na lang ulit 'yong "Why Can't I Be You". :D
* * *
bok ingat ka dyan kay
bok ingat ka dyan kay pepe pinasasakay ka lang niyan pakibasa ito: http://filipinowriter.com/si-pepe-benitez-at-si-jon-royeca-ay-iisa#comment-15100
sketchy. life. stories. on http://karikatuura.blogspot.com/





nakakainggit talaga ang mga
nakakainggit talaga ang mga tula mo! sino ka ba?last november pa ako nagmember pero ngayon lang ako nagtatambay dito. wala akong masyadong nalalaman sa yo. sana magpakilala ka. matutuwa ako kung malalaman ko kung sino ka ba talaga. sa totoo lang, hindi ko kaya ang mga pinagsusulat mo. napakalayo mo!hanggang pangarap at inggit na lang ako , inggit ng tuwa, hahahaha!