Naniniwala ba kayo sa Aswang?

jonsdmur's picture
|

Maraming bagay dito sa mundo ang hindi kapanipaniwala. Maraming bagay ang hindi natin inaasahan.

Mga kababalaghang hindi natin matukoy kung totoo ba o bunga lamang ng ating himahinasyon.

Naniniwala ka ba sa Aswang? Paano kung totoo? Paano kung malaman mong ang taong iniibig mo ay nakatago sa dilim? Ano ang gagawin mo?

 

Wala lang po natanong lang... para maiba naman ang topic hehehe..

Jonsdmur


jonsdmur's picture

Para sa akin...

Hindi ko rin masasabi kung naniniwala ako o hindi. Ang alam ko may mga bagay dito sa mundo na puno ng kababalaghan.. mga bagay na mahirap paniwalaan. 

Kapag ang isang tao ba ay may kakayahang gawin ang isang bagay na hindi kayang gawin ng isang normal na tao ay matatawag na kakaibang nilalang? Matatawag na isang Aswang?

Hindi pa ako nakakakita ng asawang kahit pa maraming nagsasabi na totoo ito? Ang alam ko isang Tik-tik lamang ang naririnig ko.. Ang sabi naman ng mga matatanda sa Iloilo kapag may Tik-tik may Aswang sa paligid.

Aswang- minsan nang nabalita sa Iloilo. Nabalita sa radio ang kwento ng isang kaibigan. Ang kaibigan niya ay sinapian ng lola niya para ipabatid sa kanyang apo na hindi siya matatahimik sa kabilang buhay kung hindi mapapasa sa apo ang bertud ng pagka aswang. Nasaan ang bertud dahil namatay na ang lola? Ang bertud ay iniwan o binigay sa isang unggoy.. kailangan nang ipasa ang bertud sa apo bago pa sumapit ang kaarawan nito... Ayon sa balita ay ayaw tangapin ng apo ang bertud ng pagka-aswang kaya sumapi ang kaluluwa ng lola sa matalik nitong kaibigan.

Mahirap paniwalan..paano kung totoo? Paano kung ang mahal mo sa buhay ay isang Aswang?

Paano kung hindi lahat ng Aswang ay masama? tatanggapin mo pa kaya?

 

 

 

 

 jonsdmur

Aswang

Hindi ko kinugugustohan na maniwala sa mga usapan sa dilim. Dahil lalo lang akong matatakot sa mga bagay na hindi ko alam.

Hindi ba ganun 'yon? Dahil hindi mo maipaliwanag ang isang bagay, magkakaroon ka ng takot sa bagay na 'yon.

Masmaigi pa kung tangap mo na na ganon talaga ang bagay, at hinarap mo ito, kesa na ipikit mo ang iyong mga mata.

Ito ang tinuro sa aking ng akin Ina. Noong siya pa ay sampung taon, matagal na sinasabi sa kanya ng mga matatanda tungkol sa Kapre sa puno ng manga.

"Tuwing dumadaan kami ng tito mo sa may puno ng manga, palagi kami tumatakbo pa-uwi nakapikit ang mata." Sabi ni Ina. "Ngunit isang gabi, sumosobra na ang takot ko na hindi ko na maipilit. Kailangan kong tignan ng husto kung meron ngang Kapre. Nung umano patakbo ang tito mo, tumingin ako sa puno ng manga at pinilit kong makita ang katotohanan. Wala. Walang Kapre. Nagalit ako sa tito mo dahil wala naman eh. Nagmumukha kaming tanga. Palay takbo. Baka madapa pa kami sa dilim. Kaya mula noon, hindi na ako natatakot."

Kung walang Kapre, walang aswang.

"They are a figment of your imagination, fermented by your fear of the unknown."

Yun lang 'yon.

jonsdmur's picture

Asawang

Tama ka! kahit ako mismo ay hindi ko masasabi kung totoo man ito.. sabi nila ang tao mismo ang gumagawa ng multo o asawang para katakutan niya..

Naalala ko pa na ang pananakot ay nagsimula sa mga matatanda... "Anak matulog na baka kunin ka ng asawang." "Hoy, mag-ingat ka may multo diyan."

Hanggang sa kumalat na ang kwento sa TV, sa Radio at sa mga usap usapan..

Maraming salamat sa reply mo....

jonsdmur

Ailem23's picture

to see or to experience is to believe

 si kuya tbd...(nakalimutan ko ung code name niya..heheh).. may naishare siya kwento about aswang dito nitong mga nakaraang linggo... ako? to see and to experience is to believe. half-half.. marami na akong kwentong-aswang na narinig... mga mismong kamag-anak ko pa nga galing ang kwento... ang pinagtatayuan ng bahay namin ngayon ay daanan nga daw ng aswang... pero sa 22 years kong pamumuhay sa planetang ito, wala pa akong nakikita... kaya not so believe ako...

kung multo kapatid... naniniwala ako dahil nakakita na ako...

best regards,

melay

jonsdmur's picture

talaga

Talaga! nakakita ka na ghost. Alam mo pangarap ko mag ghost hunting.. nag invite nga me sa friendster kaso walang pang sumasama. Gusto ko talagang makakita ng multo.. lalo na yung mararamdaman ko... jonsdmur

Ailem23's picture

naku naman!

ano namanng naisipan mo at gusto mo makakita ng multo? alam mo, payong kapatid lang kuya, wag mong gustuhin kasi once na nakakita ka na, hindi mo na matatakasan ang chance na makakita ulit...nang paulit-ulit... o makaramdam. half-opened ang third eye ko... kamalas-malasan.... masama sa pakiramdam ung makakita ka ng image na ikaw lang ang nakakakita...

si eloi nga, nahawa na sa akin kasi lagi kong kadikit... half-opened na rin ung third eye niya... pero malaki ang chance na makakita ka kasi, artist ka. malapit sa artist ang chance na mabuksan ang aura at sixth sense dahil mataas ang emotional level ng artist.

kahit yayain mo ako, hindi ako sasama dahil dehado ako... ahehehe. tsaka ang multo hindi magpapakita kung gusto mong makita...lilitaw sila kapag give-up ka na...

best regards,

melay

rose's picture

Para Sa akin!

Naku mga kapatid noong isang araw ko pa sana gusto magbigay ng komento sa tungkol sa aswang! May mga kanya kanya tayong paniniwala kung merong aswang ba o wala, totoo ba o hindi....

Alam ninyo po nung bata pa ako ay hindi ako naniniwala sa aswang, pero sa mundong ating ginagalawan maraming mga pangyayari na hindi natin maipaliwanag, Maraming mga bagay na nangyayari na kahit sino ay walang makapagbigay liwanag. hayaan ninyo po na i share ko sa inyo ang aking mga karanasan tungkol sa kung may aswang ba talaga.

Isa pong Quack doctor ang aking ama or ang tinatawag na manggagamot sa provinsya sa dinami dami ng ginagamot niya dito ko nakita na totoo pala ang mga ENGKANTO, ASWANG, DUWENDE, KAPRE, MGA MANGKUKULAM, MANANANGGAL, WHITE LADY. Engkanto mga Nilalang na namumuhay sa kabilang daigdig na may kakayahan silang sumapi sa katawan ng isang tao na kung ika'y may kakayanan na makausap sila ay sasabihin nila sa iyo kung anong klaseng nilalang sila at kung saan sila nanggaling.

ASWANG - na may kapit bahay kaming buntis hating gabi na iyun ng may maramdaman akong parang malaking ibon lumilipad at ng silipin ko sa aming bintana ay isang parang napakalaking ibon na lumilipad na parang tao.. at nang kinaumagahan nagkakagulo ang mga kapit bahay namin dahil ang buntis na kapit bahay namin, namatay ang sanggol sa kanyang sinapupunan na sabi ng kanyang asawa ay inaswang. 

DUWENDE - Na sa kwento ng aking ama na may mga alaga siyang duwende sa aming punong santol na nung nahulog ako sa napakataas ng punong santol na iyun, ni wala man alang akong pilay or galos at nung nahulog ako at parang binuhat ako na nahulog akong papaupo.

MANGKUKULAM - Mga taong gumagamit ng mga itim na kapangyarihan, na sa pamamagitan ng mga litrato or manika ay may kakayahan silang bigyan ng matinding karamdaman ang sino mang kanilang gustong kulamin. Na may nagamot din ang aking ama na isang kinukulam na bakit nung ipatingin sa doctor ang sanhi ng paglaki ng tiyan noong tao ay walang makitang findings ang doctor na sinabi ng doctor na walang sakit ang tao.

White Lady - na mismong ako ang nakakita isang gabi kabilugan ng buwan sa puno ng aming santol, na parang nakalutang lang siya sa hangin na nakaputi at mahaba ang buhok na hindi ko nakita ang mukha dahil nung nakita ko na nakalutang ay nagtatakbo ako paakyat sa bahay namin noong panahon na iyun ay kabilugan ng buwan, medyo mahangin na may ambon ambon.

At ito pa maniwala kayo sa hindi ako po ay may kaibigang engkanto, ito po ay sumasapi sa isa kong kaibigan na kapag siya'y aking nakakausap kung anong buhay meron sila kinukwento niya na ang parang pamumuhay daw ng isang tao ang kanilang buhay hindi natin sila nakikita pero sila'y nakikihalubilo sa ating mundo.

Opo mahirap paniwalaan ang mga bagay na iyan, pero dapat nating isipin na hindi lang tayong tao ang nilikha ng diyos, marami din naninirahan sa ibang mundo na hindi natin nakikita na dapat nating nirerespeto totoo man sila o hindi.

Kaya para sa akin Totoo na may aswang, engkanto, maligno, duwendo or kahit ano pa yan totoo na nandito sila sa ating mundong ginagalawan na kung may kapangyarihan at kakayahan lang ang lahat ng tao upang sila'y makita at paniwalaan ay makikita sila.

Kung ano man meron sa ating mundo dapat po nating i respeto..

InnocentKiss

jonsdmur's picture

komento

Sabagay tama ka... hindi lang tao ang nilikha ng diyos.

Ang mga kakaibang nilkha ay pinaniniwalaan lamang kung ito ay nakita na ng normal na tao...

 Naniniwala ako sa abularyo dahil sa lugar namin ay maraming abularyo ang nakakatulong sa lahat ng may sakit. Mga sakit na minsan ay hindi kayang gamutin ng medisina.

Sa isang lugar ng Iloilo ay may nakilalang abularyo, hindi siya tao. Isa siyang TIMAWA, isang nilalang na hindi mo nakikita pero nararamdaman mo at naririnig ang boses. Ang tinig nito ay parang boses ng isang duwende.

Mahusay ang TIMAWA sa kanyang pag gagamot. Marami ang gumaling kaya marami ang naniniwala.

Ako ay naging saksi na totoo ang TIMAWA. Mararamdaman mo na hinahawakan ka niya at naririnig mo ang boses nito.

Sa una ay hindi ka maniniwala. Paano kung ikaw mismo ang nakasaksi? hindi ka pa ba maniniwala?

Kahit sa pag gagamot nito ay talagang mabisa. Lahat ay naniniwala sa kakayahan nito bilang isang magaling na abularyo.

 

jonsdmur

rose's picture

Totoo Po!

Totoo po yan, Na minsan kung gagamitin lang nila na pang hanap buhay ang kanilang kakayanan na magpagaling ay baka walang mahirap na albularyo dahil sa nakakaya nilang magpagaling ng mga sakit na hindi kayang pagalingin ng mga doctor. Pero kung iisipin natin kailangan may malakas ang paniniwala natin sa Diyos dahil Diyos ang nakakaalam ng lahat at nakakagawa ng mga imposibleng bagay na hindi kayang gawin ng sino mang tao.

May kaibigan din ang aking ama na isang ermitanyo na makikita mo siya sa bundok banahaw, doon siya naninirahan na kung siya'y iyong makakausap masasabi niya ang mangyayari palang sa ating mundo. Minsan parang imposibleng paniwalaan pero katulad ng iyong nasabi na kung ika'y mismo ang nakasaksi dadayain mo lang ang iyong sarili kung sasabihin mo na ito'y hindi totoo. Kaya para sa akin kahit ano pa yan yan po ay may katotohanan sa panahon ngayun ay walang ng imposible, kaya manalig lamang tayo sa panginoon at irespeto nalang natin ang mga bagay na hindi natin nakikita.

Innocent   

Naniniwala ba kayo sa Aswang?

marami talagang mga bagay bagay sa mundong ito na mahirap paniwalaan at mabigyan ng eksplanasyon. pero sa tingin ko, nasa tao yan kung bibigyan niya nang pansin at pang-unawa ang kanyang mga nakikita, naririnig at nararamdaman sa kanyang paligid.

kung ako naman ang tatanungin mo,
oo naniniwala ako sa kanila. para sa akin, nabubuhay sila kasama natin sa mundong ito. yun nga lang, magkaiba ang dimensyon ng mundo natin sa mundo nila.

bakit ko nasabi ang mga ito? hay naku, isang mahabang kwento yan :)

jonsdmur's picture

Handa akong makinig

Handa akong makinig sa mga kwento mo. Tama ka nasa ibang dimension nga sila.. nasa tao din kung ito ay kanilang paniniwalan.. maraming salamat sa reply mo.. gOd bless  jonsdmur

Ailem23's picture

ate rose at sa lahat

ate rose.... ang lolo ko rin sa father side albularyo... lam mo, bilib ako sa albularyo kasi kung hindi ako nagpagamot sa albularyo noon, patay na ako ngayon... hindi na ako nagsusulat dito. tsaka faith healer din ang nagpagaling sa nanay ko noon kaya naniniwala ako sa "mahiwagang" kakayahan nila... actually, sa "only pure hearts can break the spell" may character kami na binatang albularyo...

aswang, engkanto, dimensional nga daw...

pero ang rason kung bakit hindi ito lubusang mapatunayan kasi wala pang konkretong makakapagpatotoo na nakarating na ang tao sa kabilang dimension...(dapat kasi na-video-han! hehehe cool!)  Di ba ganon iyong pinapalabas sa tv? like Pedro Penduko!!! ahahaha.  May narinig na rin akong kwento dati na nakarating na daw siya sa dimension ng mga engkanto. kaso naman, sinto-sinto ung nagkwento kaya di ko alam kung totoo...

isa sa mga project namin ni eloi ang magsulat tungkol sa aswang... buti na lang at naisipan ni kuya jons ang magpost ng discussion tulad nito.

 

best regards,

melay

 

jonsdmur's picture

sana gawan ng kwento

Sana ituloy mo ang pagsusulat tungkol sa aswang... mas exciting kasi... lalo na yung taga pagmana ng bertud... totoo kaya na namamana ang pagka aswang?

May aswang kayang mabait tulad ng taong lobo na may puti at itim?

Paano kaya kapag isang araw malaman mo na ikaw ay tagapag mana ng bertud?

Nakakatakot isipin....

Ang gusto kong kwentong isulat ang tungkol sa isang timawa, hindi naman sila pwedeng ihanay sa isang aswang. Isa lamang silang kakaibang nilalang.... sila rin ba ang tinatawag na engkanto?

maraming salamat sa inyong lahat...

jonsdmur

Leipink's picture

Siguro??? depende

Maaaring totoo, maaari din namang hindi. Samakatuwid karaniwan kwento-kwento lamang ang mga ito ng mga taong mga nakaranas ng pang-aaswang. Siguro nakikihalubilo narin sila sa tao upang di sila matukoy at sumasabay narin sa daloy ng buhay na may technolohiya at kapasidad, karaniwan din nilang kinakain ang mga hayop, halimbawa ay baboy, upang maiwasan ang pagkain sa tao sa ngayon ay kinakasma narin nila. Ito ay haka-haka ko lamang sapagkat minsan ay may nababalitaan ako na ipapasa ng isang lola ang kanyang anting-anting or yung pagiging aswang sa isang kapamilya( dahil hindi ako kapuso) na may koneksyon, hindi naman ibig sabihin na lahat sa isang pamilya ay aswang, meron lang daw napapasahan ng kapangyarihan. Ayan ang mga karaniwang nababasa ko sa mga true horror story dito sa pilipinas.

jonsdmur's picture

Maraming salamat sa komento

Maraming salamat sa komento mo... sa tingin ko may point ka... ang mga aswang ngayon ay nakikihalubilo na sa mga normal na tao... siguro nakokontrol na nila ang kanilang sarili... sabi nga ng iba di lahat ng aswang ay masama... kaya ung iba dugo ng hayop ang kinakain para maiwasan ang pagkatakam sa dugo ng tao...jonsdmur

basahin mo sa bibliya

nasa bibliya ang mga aswang at iba pang mga nilalang sa mundo kung babasahin mo ito nang bukas ang isip.tingnan mo at unawain ang mga nangyaring 'fallen angels'. pagkatapos ay limiin mo na ang audience o readership ng genesis ay hindi mga intelektuwal na tao kundi mga 'karaniwan' lamang at walang internet noon. tapos pansinin mo ang bahaging sinasabi na 'at ng makita ng mga diyos na magaganda ang mga taga-lupa ay bumaba sila sa lupa at...(censored)'. kaya nagkaroon ng mga anak ang mga diyos (daw) na hindi naman totoong diyos nguni't hindi naman totoong tao pero me katangian ng pagiging diyos at gayundin ng tao. so ano yun?

kung tinatanggap mo ang mga anghel sa itaas, ay tatanggapin mo rin ang mga demonyo sa ibaba.kung tatanggapin mo ang mga tao, tanggap mo rin ang mga di-tao sa mundo. 

ngayon, totoo ba ang aswang? ganting tanong: bakit may tawag o terminong aswang kung wala noon?di naman siya si santa claus....

o di ba?

jonsdmur's picture

Sabagay lahat ng bagay ay

Sabagay lahat ng bagay ay may pinanggagalingan... kung ito ay tinawag na aswang malamang ito ay may dahilan... maaring sila ay kakaibang nilalang kaya sila ay tinawag na aswang..

Matakot ka sa aswang heheheheh

maraming salamat sa komento mo.... jonsdmur

eloisa marie hernandez's picture

hindi pa talaga ako lubos na naniniwala

Hindi pa talaga ako lubos na naniniwala. Siguro kapag dumating na ang panahong makakita ako, maniniwala talaga ako ng tuluyan. May mga nababasa akong tungkol sa mga gano'n, pero hindi pa rin gaanong naniniwala kasi wala pa akong sapat na ebidensiya. Siguro kung makakakilala ako ng aswang. Eh ang kaso hindi pa.

Pero naniniwala ako kuya na hindi lang tao ang nilikha ng Diyos at nirerespeto ko ang mga nilalang na iyon.

Minsan kaming nagpunta sa isang abandonadong school ni Ate melay para mag-research at para makapag-conceptualized kami para sa ginagawa naming nobela. Uneasy 'yong pakiramdam ko sa lugar. Siguro nag-trigger din 'yon sa pagiging half-open ng pangatlong mata ko. Ewan pero hanggang ngayon idini-deny ko pa rin sa sarili ko na medyo nakakakita ako.

 <(='.'=)>

 

jonsdmur's picture

'wag kang mag alala baka

'wag kang mag alala baka makakita ka na heheh... ngayon ko lang nabas reply mo.. nagbabasa kasi me ng mga na post ko na... 

Ang dami nyong naging karanasan sa mga kababalaghan lalo na si labs mo... 

tama ka marami ngang nilalang dito sa mundo.... jonsdmur

ate eloisa

kung gusto mo makakita ng multo may tips ako sayo..

pumunta ka sa iang lugar na tahimik...at walang ano mang ingay..

magdala ka lang ng kandila at flash light... make sure na di ka matatakot...

at ganito gawin mo huwag kang magsalita..pakinggan mo ang yung paligid.. at diyan na magsisimula ang kababalaghan...makakarinig ka ng mga maliliit na boses na tumatawa at para bang may umuungo... pag ganyan na make sure na di ka matatakot sa makikita mo o mararamdaman mo...dahil di yan basta-basta...mas madali kasing makaramdam pag tahimik ang lugar at mas masaya kung hunted ito. 

opinyon lang

Sa aking opinyon merong mga iba pang nilalang dito sa mundo maliban sa tao. Kahit hindi ka maniwala or makakita, I think it the law of nature. Aswang, dwende, kapre, white lady, etc. I think they are the forces we really don't understand (or we do not want to understand).

Karagdagan lang pong tanong? Saan ba talaga napupunta ang kaluluwa ng tao after mamatay? hindi ba sila ang nagiging 'other forces' na nagiging aswang, maligno, etc? just curious lang talaga. Sabi nila sa heaven or hell, what if there is only heaven and the hell is in here with us? (Those who were denied the union with the Creator would stay here forever in a different dimension? - analogy: di ba ang Air na nilalangahap natin eh hindi lahat oxygen? but we need only the oxygen so we don't even bother if we inhales some other we are unaware of)

I think we are a mixture of different entity here leaving at same plane but on a different purpose. After we served our human purpose, we will go eventually to another step thinly separated and not co-mingled.

I am a Catholic but some part of me believes in those Aswang, maligno, etc, as well as reincarnation. I believe we will continue to live a life of a cyle (death and re-birth) until ma served natin ang purpose natin. If you don't change then you will continue to live like hell - i.e.without ending cycle of life.

jonsdmur's picture

thanks for sharing your

thanks for sharing your opinions....

Para sa akin naniniwala ako na kapag namatay tayo ang ating kaluluwa ay mapupunta sa isang dimension... parang purgatoryo... yun bang hindi mo matukoy kung langit ba o impierno ang kinalalagyan mo... pagala-gala lang... walang direksyon ang pupuntahan... kapag hindi payapa ang isang kaluluwa nagpaparamdam sila dahil nasa paligid lamang sila at hindi natin sila nakikita....

Ako naniniwala ako sa nuno sa punso... naniniwala ako na may nakatira dito... kaya kapag nadadaanan ko ang isang nuno sa punso nag tabi-tabi po ako sa kanila..... jonsdmur

jonsdmur's picture

 salamat sa lahat ng

 salamat sa lahat ng komento at stories na ibinahagi nyo sa first blog ko.... salamat

Si jonsdmur ay simpleng tao lamang...

Ako ay nag propromote ng aking nobelang Doon lang, La traidora, Ako si Cocoy a virgin boy at My life story

Hatid ko ay aliw sa inyong laha

darkjovirt's picture

anung pinag kaiba ng white lady at black lady??

kuya jons, gus2 ko kc malaman kng ano ang pinag kaiba ng white lady at black lady.. kc sabi ng mga matatanda.. na mas malupit pa daw black lady... totoo ba un?

kuya dark

sasagot na lang rin po ako sa tanong mo... hmmm... mas katakot daw ang black lady kaysa white lady.. kasi ang white lady di ka daw gagalawin..pero ang black lady gagalawin ka i mean para bang umaatake siya...

pero no need na katakutan yan.. mas matakot ka kung ang nakita mong white lady ay ganito( kung tatayo tayo naka flat ang paa natin like this __ pero pag nagbigti tayo ay ganito \ ) pagganito raw ang paa__ ok lang pag ganito naman \ huwag ka na lang tumingin kung ayaw mong mamatay sa takot o mabaliw sa takot kasi raw if ganun ang paa niya...sinasabing nagpakamatay daw ito, nagbigti kung baga, at naghahanap daw ito ng revenge...

yun lang.. 

jonsdmur's picture

Salamat sa iyong pagsagot.

Salamat sa iyong pagsagot. Naniniwala din ako na lubusang masama ang black lady kausa sa puti. Alam ko rin na hindi lahat ng white lady ay mabuti. Dito ko napatunayan na hindi lahat ng puti ay mabuting nilalang. Para sa akin depende kung paano sila namatay. Kung sila ay namatay sa dahilang ayaw nila at gusto nila ng paghihiganti malamang sila ay dapat na katakutan. Sila yong tipong hindi matahimik ang kaluluwa.

Sabi naman ng mga matatanda kapag nakakita ng white lady ay huwag na lamang pansinin dahil hindi naman sila nananakit.

Salamat

Jonsdmur

 

Hmmm.

kung ako po tatanungin opo naniniwala ako..sa aswang pati na rin sa multo..

this last year lang nagkaroon kami ng enkwentro sa multo ( di away ha nakakita lang ) pati na rin noong august 11 yung nagkarron ng rover vigil sa isang school.. lahat ng scout na taga roon ay takot sa likuran ng school nila kasi maraming puno ng mangga...then ng nag patrol kaming mga guardians..

may nakita kami sa damuhan di kami sure kung ano yun... kaya nilapitan namin..katakot ang nangyari kasi bigla itong tumayo at tumalon sa may bakod ng school kung iisipin ang taas nun...

at kung sa multo naman marami na ako naranasan dito... since i was 3 years old lapitin kasi ako ng mga di tulad natin kung nakita niyo lang pic ko noong bata ako..masasabi niyo talaga na lapitin ako..

hanggang nag graduate na ako ng highschool nakakakita pa rin ako... di man lang ako pati na ibang klasmeyt ko.... di ako sure if gawa-gawa lang ng isip natin ang mga multo but to think nga eh kahit si einstine sa isang scientist naniniwala sa ibang mundo... at meron pa siyang sariling mathematical na paraan para mapatunayan ito...

Oo, nga to see is to believe pero hihintayin mo pa ba na makakita ka para lang maniwala? paano kung sa pagkakita mo nito ay di ka na niya lalayuan ano magagawa mo.... kaya sabi nila pagdi ka naniwala sa kanila mas lalo ka nilang lalapitan.. 

jonsdmur's picture

Salamat sa iyong pagbahagi

Salamat sa iyong pagbahagi ng iyong karanasan. Ako gusto ko talagang makakita ng multo. Plan ko nga buksan ang third eye ko. Minsan na rin ako nangarap na mag-ghost hunting o di kaya mag-spirit of the glass. Kaso wala akong makitang grupo.. mas marami kasing takot sa MUMO heheheheh...

Salamat sa kwento mo...

Jonsdmur

tashyrowie26's picture

Aswang??

I belive in ASWANG and GHOSTS... I haven't seen one, but I believe that there are a lot of things that i not seen by the naked eye... Am just thinking out loud...=)

jonsdmur's picture

Salamat din sayo

Salamat din sayo tashyrowie... Ako rin ay naniniwala na marami pang ibang nilalang na hindi nakikita...

Jonsdmur

crischelle's picture

di sure.

di ko tlaga alam f true yang mga aswang.... pero sa dami ng naglalabasang kwento at balita malamang jejeje gulo ko noh!! di ko pa ksi na experience eh, pero kung 22o man sila hope di kami mag kasalubong jejeje!!! siguro kasama cla sa nilikha ng dyos to spice up our world, db?!

jonsdmur's picture

nakakatuwa naman ang

nakakatuwa naman ang avatar/pic mo. Sa panahon ngayon marami rin ang hindi naniniwala sa aswang. Sabagay sa paniniwala rin naman yan... Salamat sa iyo... God bless!

Jonsdmur

darkjovirt's picture

Salamat Kuya Mark at Kuya Jons

salamat poh... pasensya pala sa abala kasi.. proyekto namin to sa Filipino.. na mag interview sa mga kababalaghan.. keep moving forward!!..

jonsdmur's picture

walang anuman.. sana kahit

walang anuman.. sana kahit papaano ay nakatulong ang blog ko na ito.. marami pang stories na kababalaghan sa site na ito... akda ng ilang writer sana mabasa mo rin... Good luck sa study..

Jonsdmur I'm busy

tashyrowie26's picture

Sa Multo nainiwala ako

alam mo honestly, naniniwala ako sa multo... and takot ako sobra... nakakita nako maraming beses nakakita pero mutlo ng daddy and tito ko... takot na takot ako sobra... hehehe

marahil hindi marahil oo

kuya alam mo parehas tayo gusto ko rin makakita ng multo dahil hindi ako pa rin ako nakakakita.alam mo sabi ng tito ko, sa kanila daw ay marami na daw syang nakita na multo lalo na daw yung white lady sabi pa niya hibol daw sya.sa palagay mo kuya totoo iyon.??

jonsdmur's picture

Kung ikaw ay may third eye

Kung ikaw ay may third eye makakakita ka ng multo... Ang alam ko pwedeng buksan ang third eye....

Salamat sa pagbisita sa blog ko

Jonsdmur

multo

kuya pano ba buksan ang third eye?tanong kulang kuya ha nakakakita ka bha o nakakaramdam ng mga multo??gustong gusto ko talagang mag ghost hunting.

jonsdmur's picture

Sorry sa late reply... busy

Sorry sa late reply... busy kasi eh...

Alam ko may mga taong biniyayaan ng third eye... at alam kong marunong din silang magbukas nito at magsara....

Hindi pa ako nakakakita o sarado pa ang third eye ko.... pero minsan gusto kong pabuksan din para sa kakaibang karanasan...

Alam mo dati dream ko mag ghost hunting... kaso wala aksi akong mahanap na makakasama...

jonsdmur