NASA ATIN ITO (Ang "irony" ng buhay Pilipino)

spike_west's picture

Marami akong naririnig na mga reklamo at hinaing ng ating mga kababayang maralita pero nakakalungkot isipin na puro sisi na lang ang ginagawa nila sa gobyerno. Inaasa  ang buhay natin sa isang gobyernong alam naman natin walang maitutulong ng malaki. Gusto lang natin may masisisi, kasi takot tayong aminin na tayo pala ang may pagkukulang at ayaw nating tanggapin na tayo ang may pagkakamali.

Tandang tanda ko pa yung panayam ng isang reporter sa isang lalaking tiga Payatas

Lalaki: Bwisit na gobyerno yan, hindi kami tinutulungan. Puro sila pangako, mga kurakot silang lahat. Tuloy nagugutom kami at pinababayaan 

Reporter: Ganun po ba? Ilang po ba ang anak nyo tatay?

Lalaki: Sampu

Reporter: May trabaho po kayo?

Lalaki: Wala, dahil bwisit yang mga nakaupo sa atin mga kurakot!! (sabay may sumigaw sa likod”hoy tagay mo na lang yan”)

Kung iisipin, sino ba ang nagpapahirap sa kanila, ang gobyerno ba o ang kanilang mga sarili? Pakiramdam yata nila ay sila si Juan Tamad na babagsakan na lang ng bayabas sa kanilang mga bibig. Tayo ang may kakayahang baguhin ang buhay natin, nasa mga kamay natin ang paraan para maiahon natin ang ating sarili sa kahirapan.

Marami ang nagsasabi na dapat ang gobyerno ang magbigay ng trabaho sa mga mahihirap nating kababayan. Obligasyon ng pamahalaan ang bigyan ng disenteng hanap buhay ang kanyang mamamayan. Subalit kung ating iisipin malaking porsyento ng mga kumpanya dito ay pribado. Kaya paanong makapagbibigay ang Gobyerno? Hindi nila pwedeng hawakan ang leeg ng mga pribadong kumpanya para bigyan sila ng trabaho.

Ang dapat natin gawin ay pagsumikapan natin makakita ng pagkakakitaan. Kung tutuusin madidiskarte naman tayong mga Pilipino at kaya nating kumita ng pera na sasapat sa mga pangangailangan natin. Pero kung minsan kasi mas inuuna ang hilig ng katawan kaysa sa kalam ng sikmura. Mas makikita mo pang naglalakihan ang mga TV nila, walang habas kung mag text at magkumpol kumpol para magbingo at uminom ng alak. Ngayon kasalanan pa ba ito ng gobyerno?

Noong napadaan naman ako sa Tondo, nagkakagulo dahil may demolisyon dun ng mga squatter

Squatter: Mga walanghiya sila, demonyo sila!!Gginiba nila ang bahay namin, mga hayop sila. San kami titira ngayon?

MMDA: Matagal na po kayong binigyan ng notice pero di po pa rin kayo umalis. Ngayon may binigay na Relocation Site sa Rizal para sa inyo ang Gobyerno .

Squatter: Bundok yun at nandito ang pinagkakakitaan namin!!Ayaw naming doon, dito kami titira magkamatayan man.

Kung iisipin mo, unang una palang mali na ang magtayo ka ng bahay sa hindi mo lupa. Ngayon kung pinapaalis ka, karapatan ito ng may-ari. Kung sakaling lupa ng gobyerno ito, ito naman ay para sa nakakararami. Huwag nating angkinin ang pag-aari ng iba at gawing pansangkalan ang kahirapan para kunin ang karapatan ng totoong may-ari nito.

Kung tuutusin karamihan sa mga tiga-squatter ay galing probinsya. Nakikipagsapalaran sa Maynila para guminhawa ang buhay. Iniwan ang simpleng pamumuhay para sa buhay sa siyudad. Kahit na sabihin natin mahirap ang buhay sa Maynila, mas pinipili nila ang kumplikadong buhay sa syudad sapagkat kumportable na sila sa mabilis na takbo ng buhay. Mas pipiliin pa nilang makipagsiksikan sa syudad kaysa magbungkal ng lupa sa probinsya. Kaya ganun na lang ang pagtanggi ng mga napaalis na squatter para lumipat sa ibang lugar. Kung trabaho ang problema, pwede silang magtanim sa malawak na lupa o di kaya humanap ng ibang pagkakakitaan. Pero mas pinili nilang magsumiksik sa syudad kaysa mabuhay ng payak sa probinsya.

Kasalanan pa rin ba ito ng Gobyerno o tayo ang gumagawa ng mga problemang isisisi sa gobyeno?

Ang gutom at malnutrisyon ay isinisisi na rin sa ating pamahalaan, subalit kung ating iisipin reponsibilidad ng magulang ng bigyan ng masustansyang pagkain ang kanilang mga anak.  Nasa magulang ito hindi sa gobyerno. Ang tanging kayang magawa ng gobyerno ay bigyan sila ng edukasyon sa mga tama at masustansyang pagkain. Hindi pwedeng bigyan na lang sila ng pagkain sapagkat aasa na lang sila dito. Sabi nga sa kasabihan “Huwag mo silang bigyan ng isda, turuan mo silang mangisda”.

Ngayon, marami rin ang magsasabi:” Wala na nga kaming makain, hahanap pa kami ng masusustansya?”

Hindi ba karaniwan sa mga masusutansyang pagkain ay hindi naman kamahalan at pwedeng din itanim. Kung tutuusin ay sa sarap lamang ito nagkakaiba. Maaring hindi masarap pero ang mahalaga masustansya. Kung minsan mas gusto natin ang masarap kaysa mas masustansya, mas una natin binibigyan ng bigat ang dila kaysa sa kalusugan. Marami kasi sa atin na mas inuuna pang tumaya sa lotto kaysa bumili ng gulay sa palengke. Mas inuuna pang bumili ng shabu, rugby, marijuana kaysa bumili ng mga pagkain para sa ating kalusugan

Ayon sa pag-aaral wala pang namamatay sa gutom dito sa Pilipinas. Hindi ba natin napansin na  malawak at puno ng likas na yaman ang Pilipinas. Kaya paanong nagkakaroon ng kagutuman sa ating bansa, hindi naman tayo katulad ng bansang Africa na maladisyerto at kulang sa likas na yaman. Kaya bakit nangyayari sa atin ito? Mas maigi sigurong  imbes na makipagsisiksakan tayo sa syudad, umuwi na lang sa probinsya at magtanim ng masusustansyang pagkain para sa ating pamilya.

Alam kong malaki talaga ang pagkukulang ng gobyerno sa atin pero huwag naman nating isisi lahat sa kanila. Kung alam natin palubog na ang bangka, aasa ka pa ba sa bangkang ito! Pwede naman tayo umalis at subukan sagipin ang mga buhay natin.

Sabi  nila hindi tamad ang mga Pilipino, pero kung ikaw ay isang taong umaasa sa gobyerno palagay ko katamaran yun. Kasi gusto mong isinisubo na lang sa iyo ang lahat at niintay ang oportunidad ang lumapit sa iyo isang malinaw na katamaran yun. At kung sakaling nasa desperadong sitwasyon tayo, doon natin ituturo ang sisi sa gobyerno, hindi ba isang palatandaan ito ng KATAMARAN.

Minsan mapapakamot ka na lang sa ulo, na halos sila sila din ang makikita mong mukha sa TV na gustong patalsikin ang Presidente. Gusto nilang pataksikin ang lahat ng presidenteng umuupo, pero hindi ba sila din naman ang nagluklok dito. Naalala ko pa noon, gustong gusto nilang patalsikin si Presidente Erap at tuwang tuwa ng maupo si Presidente Gloria. Ngayon gustong gusto nilang patalsikin si Presidente Gloria at gawing Presidente si Erap. Ano ba talaga ang gusto natin, sala sa init sala sa lamig tayo eh!.

Tayo ang gumawa ng sakit sa gobyerno, at ang gobyerno ay parang isang halimaw na sumasanib lamang sa mga uupong Presidente.  Mahirap mawala ang sakit na ito, itoy naipamana na sa mga nakaupo at uupo pa. Kaya wag na nating iasa pa ang mga buhay natin sa maysakit na gobyerno. Matagal na gamutan ito, at marahil tumulong na lang tayong gumamot kaysa magdagdag sa sakit na ito.

Kung akin itong ihahambing sa isang taong may sakit sa lalamunan ganito ang sitwasyon: Kung minsan ang hirap lunukin ang pagkain lalo na kung masakit habang itoy nilulunok subalit kung hindi natin ito lulunukin at iluluwa lamang sabay dakdak ng dakdak, mamatay na lang tayo sa gutom at mamatay din tayo sa galit. Kaya maiging lunukin muna kahit masakit para mabuhay tayo, at umisip na lang ng paraan para gumaling ang sakit ng ating lalamunan.

Tandaan na kahit sino pa ang umupo sa gobyerno, walang mababago sa buhay natin. Tayo ang may hawak ng manibela ng buhay natin at hindi ang gobyerno. Tayo ang may desisyon at hindi sila. Huwag natin iaasa lahat ang gobyerno dahil wala rin namang mangyayari sa atin. Nakakalungkot ang katotohanan, at  nakakapagod na rin ang magkaroon ang maling pag-asa. Kaya bakit pa tayo aasa sa iba, sa sarili nating kakayahan at lakas tayo umasa. Marahil kung sakaling mababago natin ang ating mga kaisipan sa isyung pulitikal baka sakaling magamot pa ang malalang sakit na ito.

Ngayon, malapit na ang eleksyon at malapit na rin palitan ang nakaupong presidente. Nakakalungkot din isipin na minsan kung sino pa ang mga nagrereklamo at nagsasabing kurakot ang gobyerno, hindi kaya makapagbigay ng trabaho, nagugutom at galit na galit sa pamahalaan ay sila pa ang unang nabibili ang boto. Sila pa ang madaling implewensyahan at madaling kikilan. At pagkatapos ng eleskyon sila rin ang unang galit na galit sa gobyerno. Kaya paano  gagaling ang sakit sa Gobyerno kung tayo rin ang lumikha at nagpapabaya para lumala pa ang sakit na ito.

Minsan reklamo tayo ng reklamo, pero tayo rin naman ang sumasaway sa batas. Gusto natin mabago ang gobyerno, pero sarili natin ayaw nating baguhin. Gusto nating magsalita ng magsalita pero ayaw nating makinig. Magaling tayong magturo at manisi pero ayaw naman nating tanggapin ang mga pagkukulang natin bilang isang mamamyan at bilang isang Filipino . Madaling pumuna at sabihin kung ano ang tama, pero tayo pa minsan ang unang gumagawa ng mali. Gusto nating mapaganda ang bansa natin pero tayo rin naman ang sumisira nito.

 Tandaan,hindi dahilan ang kahirapan para iaasa ang lahat sa gobyerno. Hindi rason ang kahirapan para wala na lang tayong gawin at mag-iintay ng tutulong sa atin. At hindi rin masosolusyunan ang kahirapan kung patuloy tayong umaasa na isang araw kayang pagandahin ng gobyerno ang mga buhay natin. Nasa kamay natin ang pagbabago, nasa atin ang pag-asa. Wala sa gobyerno ito at wala sa presidente ito. NASA ATIN ITO!!!


ilyana's picture

Applause!!!

Pumapalakpak pati tenga ko!! tama ka jan kabayan, I watched this documentary about the Filipinos on BBC few months back, napapahiya ako minsan sa pinapakita nila sa Pinas...

Me nakatira sa sementeryo, pero sampo ang anak, nung tanungin bat sila nagpapakarami,kung ganong naghihirap naman pala sila, dahil daw bawal sa katoliko ang kontrasepsyon...

Our country is in big financial Crisis, kung sino mang ibinoto niyong Pangulo, give them a chance, hindi yung pagkaupo palang ang dami niyo nang nirerekwes ng kung ano ano!

MAGTULUNGAN sa pag asa ng Bayan...Kung ang lahat ng tao sa mundo matutong magwalis sa kanilang bakuran, edi sana malinis ang buong kapaligiran...
Ganun din yun sa buhay, tayo ang gumagawa ng kapalaran natin, wag iasa sa padasal-dasal, o sa gobyerno, kailangan ang sakripisyo at kayod marino..

♥♥-ILyaNah-♥♥

spike_west's picture

Nakuha mo rin ang point ko!!

Salamat at naunawaan mo ang gusto kong iparating!! Medyo nakakasama na ang mga reklamo ng taong bayan sa gobyerno, pero tanungin mo kung ano ang naitulong nya sa bansa, eh wala naman

Naalala ko tuloy yung sikat na linya ni JFK:

"Ask not what your country can do for you, ask what you can do for your country" 

My Personal Blogs:

Mga kahanginan ng utak ko:

http://utaknidrake.blogspot.com/

Kwentong nagbibigay inspirasyon:

http://akingkwarto.blogspo

journeyman's picture

Me pag-asa pa ba?

Ito na seguro ang mga sakit ng mga Pinoy "gusto pakinabang lang syndrome" at "can't do mentality"... alam lang mag-reklamo at dumaing pero wala rin namang ginagawa na siya ring sinasamantala ng nasa mataas na posisyon sa gobyerno na pansariling interes lang ang iniisip. Kung hindi rin lang sana tayo nagbubuwis ok lang na wag mag-reklamo sa gobyerno pero kada kilos mo me buwis at kulang na lang na pati hanging hinihinga natin eh buwisan.

Kung sana sisimulan natin ang pagkilos sa ating mga sarili, sa isang indibidwal na mamamayan, seguro susunod ng mababago ang pagpapatakbo sa ating pamahalaan... magkakaroon ng chain reaction. Pero sa ngayon? Ewan ko lang... hanga't namamayani ang mga sakit ng karamihan sa ating mga Pinoy eh mananatiling nakasadlak tayo sa ganitong kalagayan...

"Ako ay maglalakbay, isang malungkot ngunit kinakailangang paglalakbay, tungo sa aking sarili, sa paghahanap nang isang bagay na maaaring mahalaga lang para sa akin..."

ilyana's picture

helo journey man, di kita

helo journey man, di kita nakilala, naging tantalizing bigla yang mata mo, sawa kanabang naka-upo?

Pano ba mg palit ng avatar? bat yung old pic ko ang pumipilit lumabas?

♥♥-ILyaNah-♥♥

spike_west's picture

Sakit na nga ng lipunan

Medyo mahirap ngang malaman kung paano sisimulan. Dapat maging bigilante at mapanuri tayo. Imbes na magreklamo humanap ng solusyon. Imbes na dumagdag pa sa alalahanin ng bansa eh tumulong na lang sa ikakagaan  nito.

Tayo ang lumikha ng halimaw sa gobyerno. Tayo ang nanunuhol, tayo ang nagtataguri sa kanilang corrupt, tayo ang pumapatol sa mga fixer at huli tayo ang nagluklok sa kanila. Ngayon sino ang nagpasimula ng lahat ng ito, tayo rin.

My Personal Blogs:

Mga kahanginan ng utak ko:

http://utaknidrake.blogspot.com/

Kwentong nagbibigay inspirasyon:

http://akingkwarto.blogspo

Amos Tarana's picture

ganitong-ganito rin ako dati

ganitong-ganito rin ako dati mag-isip, katulad ng pag-iisip sa ngayon ni spike west. 

pero nag-iba ang pag-iisip ko nang sinubukan kong makipamuhay sa mga taong binabanggit niya.  sa aking paglubog, pagbabad at pakikipamuhay ay mas naunawaan ko ang kanilang kalagayan -- kung bakit sa gobyerno sila umaasa, kung bakit sila nagrereklamo at kung bakit sila maraming anak.

sa pakikipamuhay ko rin sa kanila - mga mahirap at pinahihirapan - marami akong natutunan na nagpabago sa aking buhay at pag-iisip...akala ko kasi noon, marami na akong alam at sa akin sila may matututunan --ganito raw talaga kasi ang atitud ng peti burgis.

ngunit hindi pala ganun, sapagkat iba ang teorya sa praktikamas nagkakaroon lang ng kabuluhan ang teorya kapag kaya itong ilapat sa praktika.

minsan, ang ilan sa atin, ay mga macho..machorya (ma-teorya).  mga pag-iisip at paghuhusgang walang sapat na batayan at ibinukal lang ng sariling paghuhusga.  mga teoryang may bahid ng kanya-kanyang wika nga'y 'prejudice'.  mga bagay na nakita lang o napanood...naalala ko nga tuloy ang 'munting prinsipe' wika niya: ang mahalaga ay hindi nakikita ng mata.

kung magkagayun, ito ang hamon ko

bago kaya tayo maghusga sa mga abang mahihirap at pinahihirapan, ano kaya kung makipamuhay muna tayo sa kanila at alamin ang mga tunay na kadahilanan kung bakit ganito ang kanilang kalagayan -- maging bukas sa pakikinig sa panig ng mga aba bago sila husgahan.

may isa akong natutunan sa kanila (mga aba) na nais kong ibahagi sa inyo.  isang proseso ng pagkilos para sa pagbabago. ulitin ko, sa kanila ko ito natutuhan ha at sila ang nagsabi nito sa akin.  hindi po ito kathang isip lamang.

1.  magsuri sa lipunan (malalimang pag-aaral sa mga suliraning panlipunan) sa pamamagitan ng pakikipamuhay at pakikipagtalakayan sa mga mahihirap at pinahihirapan.

2.  magpasya at manindigan sa pagpapasya.  tukuyin o pangalanan ng kung sino ang nagpapahirap at kung sino ang pinahihirapan.

3.  kumilos sa pamamagitan ng pag-ambag ng lakas o puwersa sa nais paglingkuran.  at ang bawat pagkilos ay nararapat na nakaayon sa kung ano ang hinahangad ng nakararami...  

hindi maaari na mag no.2 agad tayo o no.3 na hindi dumaraan sa no.1.  o kaya'y manatili na lang sa no.1 o kaya'y no.2.

hanggang dito na lang muna ang pagbabahagi ko sa post na ito ni spike west. 

matanong ko lang muna pala, bakit pala tayo may gobyerno?  ano ba ang layunin nito at naririyan? ano ba ang kanyang mga gawain at pananagutan sa sambayanan?  mayroon ba?

para sa kasagutan...huwag niyo nang basahin ang plato's republic.  mahaba kasi iyon hehehe  balikan na lang po natin ang ating political science 101.

para po sa ating ikagiginhawa,

- amos Cool

----------------  http://amostarana.blogspot.com/  ----------------

“Never doubt that a small group of thoughtful committed citizens can change the world.

Indeed it is the only

spike_west's picture

Amos Tarana

Makipamuhay?? Eh nabuhay nga kami sa hirap! Kami ang maralitang magbubukid na naninirahan sa probinsya.

Maraming anak?? Sampu kaming magkakapatid at 8 kaming buhay sa ngayon.

Walang trabaho ang nanay ko at ang tatay ko ay nakikisaka lang sa bukid ng may bukid.

Ngayon, sino mas nakakaalam ng kalagayan nila? Sino ang may karapatang maghusga.

Nabuhay kami sa hirap na halos gumapang na kami sa kaabahan. Ngayon nagsumikap kami para sa amin at hindi kami umasa sa gobyerno?

Nagbabayad pa rin kami ng buwis, pero hindi kami katulad ng iba na umaasa na lang sa itutulong sa kanila ng Gobyerno at reklamo ng reklamo.

Sabi mo nakipamuhay ka lang sa kanila, ibig sabihin nun iilang araw o buwan ka lang tumira sa hirap. Pero kaming namuhay sa hirap simula ng bata, mas dama ko ang daing at hinanakit nila. Ang kaibahan lang siguro namin ay gumawa kami ng paraan para maiba ang buhay namin at hindi umaasa sa tulong mula sa gobyerno.

Ngayon tanungin uli kita "Handa ka bang umasa sa gobyerno?" Maipapayo mo bang umasa na lang sila sa gobyerno? Sana maisip natin ang umasa sa gobyerno at parang umaasa sa wala. Kaya bakit mo sila bibigyan ng maling pag-asa.

Ngayon sagutin mo ang tanong mo kanina, bakit umaasa ang mga mahihirap sa gobyerno? Baka mapa-isip ka na baka nagiging desperado na lang sila. Pero sa huli nasa kamay pa rin nila ang ikababago ng buhay nila at wal sa gobyerno. 

Hindi mo nakita yung Irony sa sanaysay?Akala mo pinagtatanggol ko ang gobyerno pero kung aalaming mabuti sinasabi dun na nasa lugmok at pangit na kalagayan ang gobyerno natin.

Yun lang pre

Ingat

Spike

My Personal Blogs:

Mga kahanginan ng utak ko:

http://utaknidrake.blogspot.com/

Kwentong nagbibigay inspirasyon:

http://akingkwarto.blogspo

Amos Tarana's picture

kapatid, malinaw sa blog mo

kapatid,

malinaw sa blog mo na hindi mo naman pinagtatanggol ang gobyerno at wala akong sinasabi na ipinagtatanggol mo ang gobyerno.

malinaw din sa blog mo na hindi mo rin ipinagtatanggol ang mga mahihirap.  bagkos ay tinutukoy na sila ay palaasa sa gobyerno.

malinaw rin na iminumungkahi mo na ang mga mahihirap ay hindi dapat na umaasa sa gobyerno bagkus ay kailangang magsumikap para makaahon sa kahirapan.  katulad na lang sa ginawa mo.

malinaw din na ang mungkahi mong ito ay walang pinagkaiba sa mungkahing ipinamamandila ng gobyerno.

ang akin lang naman ay mukhang hindi yata magandang duruin ang mga mahihirap sa kanilang kalagayan.  hindi rin makatarungan na unawain sila bilang mga palaasa sa gobyerno...sapagkat noon pa man ay hindi naman sila umaasa sa gobyerno sapagkat wala naman talaga tayo ritong naasahan.

ang mga binanggit mong paghahalimbawa na binukambibig ng mga nagrereklamo ay mga "pastoral statement"  kung tawagin (ayon sa pag-aaral ng mga sociologist) na ang nais iparating sa mga nakapakinig ay...

"huwag n'yo kaming husgahan, sa halip ay pakinggan".

naniniwala ako na ang nakararami ay kailangang kumilos nang sama-sama upang panibaguhin ang lipunan at itayo ang pamahalaang tunay na naglilingkod sa sambayanan.

ang binabanggit kong pagkilos ay ang sama-samang pagkilos na naglalayong pagindapatin ang isang maginhawang bukas.  halimbawa na lang dito ay ang pagpapaloob sa mga organisasyong nagsusulong ng pagbabago sa lipunan (kung nanaiisin mo ay maaari akong magbanggit ng mga organisasyon na maaaring samahan).

...hindi ako naniniwala sa kanya-kanyang pagkilos.  sapagkat ito ay pag-iisip na minana sa mga taga-kanluran.  sapagkat ang dulot lang nito ay pansarili at pangmadaliang kaginhawaan.  na kapag nakamit na ang ginhawa ay lilingon sa pinanggalingan upang mangmata ng kapwa.

...hindi ako naniniwala na makatarungan para sa isang tao na magbayad ng buwis samantalang hindi naman niya ito pinakikinabangan.

lola gets ba?

panghuli, dahil sa nasa site tayo ng mga makata ay nais ko kayong alayan ng isang tula na isinulat ni jose f. lacaba:

 

MGA TULANG KALYE

 

1

 

Ang laki sa layaw,

karaniwa'y hubad --

mabuti pa si Tarzan,

me konting bahag.

 

Si Donya Rosaryo,

mas lalong mabuti --

ang lahat ng terno,

tadtad ng brilyante.

 

2

 

Konting bato,

konting semento --

monumento!

 

Pero walang umento,

walang memento

si Karyong Kantero.

 

3

 

John and Marsha 

sa Amerika --

kaya ikaw, John,

magsumikapa ka!

 

Juan at Maria

diyan sa pabrika --

magsumikap man,

aasenso ba?

 

4

 

Ako'y tutula,

makatang-makata.

Ako'y sisinghot,

benteng kulangot.

 

Ito'y babala

ng dalitang-dalita --

ang wala kahit kusing,

kakapit sa patalim.

 

5

 

One two

one two three

one two three four

let's go!

 

Yelo

malamig --

pag natunaw,

tubig!

 

Tingting

manipis --

pag binigkis,

walis!

 

Piyon,

patapon --

pag nagtipon,

unyon!

 

Mangmang

ay bulag --

pag namaulat,

kidlat!

 

Dukha'y

tahimik --

pag nagalit,

lintik!

 

Bayang

busabos --

pag kumilos

unos! 

 

salamat sa post mo na ito. interesting pag-usapan.

 

para sa ating lubos na ikagiginhawa,

- amos Cool

 

----------------  http://amostarana.blogspot.com/  ----------------

“Never doubt that a small group of thoughtful committed citizens can change the world.

Indeed it is the only

spike_west's picture

Amos

Una hindi nakaaddress ang sanaysay sa mahihirap kundi sa lahat ng Pilipino (kaya di ko sila naduduro), kung nababanggit ang mahihirap nating kababayan ito ay halimbawa lamang para mapaisip ka rin na sila rin naman ay may pagkukulang at pagkakamali din.

Tandaan walang tutulong sa iyo kundi ang sarili mo rin. Ang layon ng sanaysay ko ay hindi para idapa pang lalo ang mga kababayan natin kundi para gisingin sila sa katotohanan na walang magagawa ang gobyerno sa atin. Wag tayong umasa sa bangkang papalubog, kasi dadalhin lang tayo pababa.Subukan sagipin ang sarili baka sakaling guminhawa ang mga buhay natin.

Ang nais ko ay mabago ang buhay natin bilang Filipino at hindi ang gobyerno sapagkat tayo ay nasa pinakamalalang sitwasyon sa ngayon. Baka sakaling  kung mababago natin ang ating sarili, pananaw sa buhay ay magagamot natin ang sakit sa gobyerno.Pero inuulit kong matagal na gamutan ito kaya imbes makihawa sa sakit umiisip na lang ng paraan sa ikagagaling nito.

Mapait talaga ang katotohanan na nagbabayad tayo ng buwis kahit wala tayong pakinabang, pero imbes na kwentahin natin ang mag naibigay natin sa gobyerno at ispin kung kaninong bulsa napunta ito, mas maiging humanap ng paraan para guminhawa ang buhay natin. Kung sakaling ninakawan ka ang tangi mo lang bang gagawin ay mag-iiyak, hanapin kung san lupalop ang magnanakaw at umaasang ibabalik pa sa iyo ang ninakaw sa iyo. O mas pipiliin mo pang isuplong na lng sa awtoridad at pagsumikapan na lang ulit ibalik sa iyo ang mga ninakaw.

Ganun din sa pagbibigay ng buwis, kung sakaling ninanakawan tayo dalhin natin sa “proper channel” na tinatawag kasi wala naman tayong magagawa na para maibalik sa atin ang mga naibigay natin sa buwis. Aantayin mo na lang ba itong bumalik o gagawa ka ng paraan para sa ikagiginhawa mo.

Ikaw ano ang pwede mong gawin sa ngayon para mabago ang gobyerno? 

Yun lang pre

My Personal Blogs:

Mga kahanginan ng utak ko:

http://utaknidrake.blogspot.com/

Kwentong nagbibigay inspirasyon:

http://akingkwarto.blogspo

Amos Tarana's picture

tugon ni amos

itinatanong mo kung ano ang puede kong gawin kapatid?

noon pa man ay kabahagi na ako ng ilang organisasyong nagsusulong ng pagbabago sa lipunan.  organisasyong ang interes ay ang interes ng kanyang pinaglilingkuran.

ang bawat laban ay dinadala sa lahat ng larangan, sa parliamentaryo hanggang sa radikal na pagkilos.  may mga naabot na rin ang grupo ko kahit paunti unti...kahit dahan dahan ngunit maingat, tumpak, militante at disiplinado.  alinsunod ito sa kundukta ni chairman mao na protracted people's war at ganun din sa siklo ng organisadong pagkilos na una ko nang binanggit: pagsusuri, pagpapasya at pagkilos.

sinagot ko lang ang tanong mo para maging klaro sa iyo na mayroon akong kongkretong ginagawa at hindi ako nagbabahagi sa iyo ng kahanginan.

balikan ko lang ang komento mo sa komento ko.

Una hindi nakaaddress ang sanaysay sa mahihirap kundi sa lahat ng Pilipino (kaya di ko sila naduduro), kung nababanggit ang mahihirap nating kababayan ito ay halimbawa lamang para mapaisip ka rin na sila rin naman ay may pagkukulang at pagkakamali din.

ang tawag sa ganitong pag-iisip (batay na rin sa iyong pagtatalakay) kung gagamitan ng logical fallacy ay matatawag na: a dicto simpliciter ad dictum secundum quid.

Subukan sagipin ang sarili baka sakaling guminhawa ang mga buhay natin.

katulad ng nabanggit ko na, ito ay pansariling pamamaraan lamang at hindi maglilingkod sa interes ng karamihan.  isang hindi maka-kristiyanong pag-iisip.  hindi kasi ganito ang itinuturo ni jesus sa atin.  ang sa kanya ay mag-alay ng buhay upang masagip o guminhawa ang kapwa.  kaya ang tawag sa latin sa ganitong balakin na nagnanais na paginhawain o sagipin lamang ang sarili ay: fuga mundi.

Ang nais ko ay mabago ang buhay natin bilang Filipino at hindi ang gobyerno sapagkat tayo ay nasa pinakamalalang sitwasyon sa ngayon. Baka sakaling  kung mababago natin ang ating sarili, pananaw sa buhay ay magagamot natin ang sakit sa gobyerno

tandaan natin na tayo, bilang tao ay mga relational being.  nakikibahagi sa ating kapwa.  nakikibahagi tayo at naapektuhan ng mga nangyayari sa ating kapaligiran.  ayon din nga kay charles darwin, ang tao ay nakikibagay sa kanyang kapaligiran...ang kapaligiran ang nagtatakda ng kanyang pagkatao -- ganito rin ang paliwanag ni sigmund freud.  ibig sabihin, pinatunayan na ng kasaysayan na hindi posible na baguhin ang sariling buhay o buhay ng mga filipino kung nanatiling buhay at aktibo ang mga balangkas na nagpapahirap sa kanya -- ang pagbabago ng mamamayang filipino ay nangyayari kaalinsabay sa pagbabago ng kanyang lipunan.  ibig sabihin, walang mangyayaring "tunay" na pagbabago sa ating lipunan kung mananatiling bulok ang ating sistema.

tayo na nga ba ay nasa pinakamalalang sitwasyon na ngayon? opinyon mo lang ito kapatid...at ang opinyon ay pinapakinggan lamang at hindi pinaniniwalaan.

Mapait talaga ang katotohanan na nagbabayad tayo ng buwis kahit wala tayong pakinabang, pero imbes na kwentahin natin ang mag naibigay natin sa gobyerno at ispin kung kaninong bulsa napunta ito, mas maiging humanap ng paraan para guminhawa ang buhay natin. (at mga susunod pang linya....)

ang mapait ay iniluluwa!  sigurado ko kapatid, sa pananalita mo na ganito ay kailangan pa talaga nating aralin ang dinamiko ng ating lipunan.

hindi makatarungan para sa atin na patuloy na ninanakawan.  ang mga magnanakaw ay kailangang usigin at panagutin.  ang mga pasibong mamamayan naman na ang nais lamang ay personal o pansariling kaginhawaan ay kailangang tulungang mamulat at ipaunawa ang tunay na suliranin ng bayan. 

kung sakali mang bulag ang ating hustisya sa tunay na kalagayan, at kumakampi lang ito sa mayayaman.  kailangan na rin itong talikuran at maaaring makiisa na lamang sa mga organisasyong nagsusulong ng 'hustisyang bayan'.

masaya ako at napag-uusapan natin ang ganitong bagay spike west.  sana sa ating talakayan ay matukoy natin kung alin ang tamang pag-iisip patungkol sa pagpapaginhawa ng bayan.  mas gusto ko ang ganitong paksa...educational ang dating.  hindi kasi ito itnuturo sa mga paaralan kaya nagkakaleche-leche ang ating pag-iisip at kumakapit na lamang sa pag-iisip ng kanluran.

ang mungkahi ko, talikuran ang pagnanais sa pansariling kaginhawaan at kanluraning kaisipan...

sa halip ay magpaloob tayo sa mga organisasyong nagsusulong ng pambansang pagbabago.

walang personalan po ito, nakikipagtalakayan lang.

mabuhay po kayo!

- amos Cool

 

----------------  http://amostarana.blogspot.com/  ----------------

“Never doubt that a small group of thoughtful committed citizens can change the world.

Indeed it is the only

spike_west's picture

Well,Opinyon mo yan

May sarili kang opinyon. May sarili din akong opinyon. 

Well tungkol dun sa grupo mo eh hanga ako sa inyo kaso may nabago na ba sa gobyerno?Parang wala nman. Gusto nyo ng parliamentaryo, eh form o anyo lang yun ng gobterno. Eh di ganun din sila sila din ang uupo.So kurakutan din. Eh di ko naramdaman yung pagbabago na yun.

Tungkol naman sa sinabimong a dicto simpliciter ad dictum secundum quid, eh di naman siguro mura yan!hehehhe!! Buti nandyan si Pareng Wiki, pero parang di nman ako ganun eh.

Grabe naman pati ang pagkakristyano ko ay natawaran. Bro, paano tutulong ang isang tao kung sarili nya di nya kayang tulungan. ANg pagpapabuti sa kalalagayan ng isang tao ay hindi pagiging makasarili. Kung nangaapak ka ng ibang tao para sa sarili katagupayan yan ang pagiging makasarili. Ngayon tanungin kita bakit ka ba nag-abroad para ba sa mahihirap o para sa iyo at sa pamilya mo. Bakit ka umalis ng bansa gayun gusto mo palang gumawa ng pagbabago? 

Inuulit ko mas maiging mapabuti muna ang buhay ng isang tao bago ang lipunan nito. paano lilinisin ang bahay mo kung sarili mo di mo malinis.

Mapait talaga ang katotohanan at masarap iluwa. Bat di mo subukang iluwa baka sa kulungan ka mapulot. Eh may magagawa ba yung reklamo mo wala din magbabayad at magbabayad ka pa rin ng buwis.

Sa huli may "proper channel" na tinatawag a dun dapat ang lahat ng hinaing at reklamo mo. Pero sa tono ng opinyon mo parang gusto mong makuha sa sapilitan at parang karahasan o kaguluhan mauuwi ito kasi "hustisyang bayan na yan"

Bro batid ko ang sentimyento mo at ang kagustuhan mong mabago ang gobyerno. Ako rin naman gusto ko yun. Pero tulad ko, gumawa ka rin ng paraan para mabago ang buhay mo kaya ka nandyan sa UAE. Ngayon kung umasa ka sa grasya sa gobyerno sa Pilipinas, mararanasan mo kaya ang buhay na meron ka ngayon.

Alam mo dapat magkainuman tayo nina pareng Dyepp, hahahha!!

Ingat

Spike

 

My Personal Blogs:

Mga kahanginan ng utak ko:

http://utaknidrake.blogspot.com/

Kwentong nagbibigay inspirasyon:

http://akingkwarto.blogspo

love's picture

Tungkol naman sa sinabimong

Tungkol naman sa sinabimong a dicto simpliciter ad dictum secundum quid, eh di naman siguro mura yan!hehehhe!

hanep ka talaga ka spike, kahit gaano kaseryoso ang usapan nakukuha mo pang magpatawa ahaha!!!

pareho naman kayong may punto ni amos eh..medyo may pagkakaiba nga lang ng atake. ganunpaman, iisa ang layunin ninyo.

buti pa nga magtagayan na lang kayo hehe..

spike_west's picture

Hehehe

Eh syempre jha para cool lang ang isat isa. Alam kong magkikita din kami ni Amos sa FINALS. 

Ang cute cute talaga ng flowers mo!!hahahha

 

My Personal Blogs:

Mga kahanginan ng utak ko:

http://utaknidrake.blogspot.com/

Kwentong nagbibigay inspirasyon:

http://akingkwarto.blogspo

love's picture

finals?

 

ano ito? dance contests haha!

spike ano ba pwedeng avatar? unggoy ka na ngayon, balak ko sana hayop din ipalit ko eh. ano bang bagay sa akin? hihi..

Amos Tarana's picture

mukhang mahaba-habang inuman

mukhang mahaba-habang inuman ito hehehe

sana'y mabasa rin ng iba ang ating talakayan.  unawa ko naman ang iyong pagbabahagi, ako man ay personal na nakaranas ng kalupitan ng ating pamahalaan...nabomba na ng bombero, napalo na sa rally, natutukan na ng m16, hinabol na ng pulis at napagbantaan na ang aking buhay dahil lamang sa pakikipagkaisa sa hangarin ng sambayanan. 

ang binabanggit kong parliamentaryo ay hindi ang 'parliamentary form of government' kundi ay ang mga gawain o pakikibakang legal o naaayon sa batas. halimbawa, pagsampa ng demanda, pagsusulong ng adbokasiyang pampulitika, panawagan sa lansangan, hearing sa kongreso at iba pa.

sa aking karanasan sa pakikibaka kasama ng sambayanan, marami na ring nakamit na pagbabago, marami nang unyon ang nagkamit CBA, may mga probinsya na na kung saan ang mga tao ay natuto nang makibahagi sa lipunan...halimbawa na lamang diyan ang pampangga at ang maipagmamalaki kong naga city.  maliban dito ay marami na ring pamayanan sa kanayunan ang sama-sama nang kumikilos at kasalukuyan nang namumuhay sa pagkakapantay-pantay. 

dagdag pa, may mga kinatawan na rin ngayon sa kongreso na palaban at progresibo katulad na lang ng party list na nagsusulong ng GARB.

ilan lamang ito sa mga liwanag sa gitna ng kadiliman.  may pag-asa sa pagkakaisa at tamang pag-aanalisa.

tungkol din sa tanong kung bakit ako nag-aabroad, maraming dahilan kapatid, mga dahilang walang kinalaman sa aking pamilya, mga dahilang hindi ko maaaring banggitin sa iyo ngayon. pero para huwag ka namang mabitin, ang pag-alis ko sa bansa ay hindi ko kagustuhan--maalwan ang aking pamumuhay kung tutuusin at may maayos na trabaho--ito ay kailangan at itinakda ng aking mga kasamahan para sa ikapagpapatuloy ng gawaing paglilingkod sa bayan.

ipaalala ko lang, marami na kasing nabiktima ng ganitong pag-iisip: "Inuulit ko mas maiging mapabuti muna ang buhay ng isang tao bago ang lipunan nito. paano lilinisin ang bahay mo kung sarili mo di mo malinis."

sa aking pag-aaral sa loob at sa labas ng akademya ay napatotohanan na ng mga pantas at kasaysayan na ang ganitong pagmumungkahi ay suntok sa buwan...ang debate sa binabanggit mo ay nagsimula na noon pang hindi pa tayo ipinapanganak, debateng umikot sa katanungang -- ano ba dapat ang unang baguhin, sarili ba o bayan?

sa hinaba ng mga diskurso sa larangan ng sikolohiya at sosyolohiya, napatotohanan na wala palang dapat na unahin sa dalawa...sapagkat hindi ito maaari...

sapagkat kailangang silang (pagbabago sa sarili at bayan) isulong na magkasabay...sapagkat sakop ng bayan ang ating sarili at kabahagi ang ating ng sarili ng ating bayan.

napatotohanan din ng kasaysayan, na ang bawat pagbabago ay nagsisimula sa isang reklamo. (may alam ba kayong pagbabago na hindi muna inireklamo?)

...at ang tunay na pagbabago ay katulad ng sa panganganak.  kailangang mag-alay ng dugo ang isang ina upang makapagluwal ng bagong buhay.

ang ibinabahagi ko sa iyo ay hindi opinyon, sapagkat ito ay may batayan -- ang karanasan ng bayan, ang kasaysayan at ang pag-aaral sa loob at labas ng akademya.

bilang dagdag na pagbabahagi, kung magkakaroon ka ng pagkakataon, maaari mong saliksikin ang mga social and cultural analysis models na subok na at maaaring gawing tuntungan upang maunawaan ang kalagayan at balangkas ng ating lipunan.  subukan mong tingnan, pag-aralan at pagpilian ang fishbowl model, pyramid model, epc model (epce model na ang tawag sa ngayon), web chart model at iba pa...

tandaan na ang tamang pag-aanalisa ay nagbubunga ng tamang paghuhusga, at ang tamang paghuhusga ay nagbubunga ng progresibong pagkilos...at ang progresibong pakilos aay nagdudulot ng makatarungan at pangmatagalang ginhawa (kapayapaan ang sabi ng iba).

hanggang sa muli...kahit na hanggang finals hehehe

para sa ating lubos na ikagiginhawa,

- amosCool

----------------  http://amostarana.blogspot.com/  ----------------

“Never doubt that a small group of thoughtful committed citizens can change the world.

Indeed it is the only

spike_west's picture

May paniniwala ka at may paniniwala din ako

Eh di tayo matatapos sapagkat ito pa rin ang paninindigan ko, at ikaw yan ang paniniwala mo. Maaring base sa mga paliwanag mo ay may malalim kang pag-aaral tungkol dito pero naniniwala pa rin ako na ang pagpapatakbo ng sarili mong buhay ay wala sa mga aklat at pinag-aralan mo. Nasa iyo pa rin yun.

Isa pa hindi ako nanghuhusga at base sa sanaysay ko wala akong hinuhusgahan. Hindi ako biktima ng maling pag-iisip kasi kung mali ang pag-iisip ko hindi giginhawa ang kalalagayan namin sa buhay. 

Batid ko ang sintemyento mo pero parang tumatahol ka sa maling puno.Pareho tayo ang gustong mangyari sa bansang Pilipinas, pero magkaiba ang pananaw natin kung paano ito makakamit. Makabayan ka at ako praktikal na tao lamang.

Gusto mo ng pagbabago gusto ko rin ng pagbabago. Di ko na kailangan pumasok muli sa eskwelahan para malaman pa yan. Sapat na ang karanasan ko sa buhay para sa ikauunlad kasunod ang ikakaunlad ng bayan ko.

Sabi mo matagal na debatehan ito at naniniwala din ako dun. May sarili kang opinyon at kuro kuro, at ako rin. Kumain man ako ng bubog sa harap mo para maniwala ka sa akin tyak waepek lang din. Kaya maiging iwanang bukas ang usaping ito at bahala ang mambabasa ang balansehin ang mga bagay na ito

Salamat sa time, saya nun ah

Spike

My Personal Blogs:

Mga kahanginan ng utak ko:

http://utaknidrake.blogspot.com/

Kwentong nagbibigay inspirasyon:

http://akingkwarto.blogspo

Amos Tarana's picture

kapatid, hindi ako kailanman

kapatid,

hindi ako kailanman mapapagod magbigay ng paliwanag sa mga nais makinig at sa mga taong bukas ang pag-iisip sa mga makabago at komunal na pamaraan ng pagpapaunlad sa lipunan.

mahirap talagang makipagtalakayan lalo na kung walang pinanghahawakang kaisipan na subok na at lapat sa kasaysayan.

salamat din sa iyo...pasensya na, nagkataon lang na ang temang tinalakay mo ay ang siyang larangan na aking kinikilusan.  handa akong makipagtalakayan basta't tungkol dito, basta't may layuning nais puntahan at may batayan ang mga salitang binibitawan.

mabuhay ka kapatid!

- amos Cool 

----------------  http://amostarana.blogspot.com/  ----------------

“Never doubt that a small group of thoughtful committed citizens can change the world. Indeed it is the only thing

love's picture

hi ulit!

ako sang-ayon sa'yo na may dapat ding gawin ang bawat isa sa atin para mabago ang kapalaran natin sa buhay. sipag at tiyaga lang naman ang sikreto eh.

pero minsan hindi mo rin masisi ang ilan kung maghinagpis sa takbo ng pulitika sa bansa natin partikular sa ilang namumuno dito. sino ba ang matutuwa kung makikita mong napakaraming ari-arian ng ilang opisyal ng gobyerno at halos magpakalunod sa karangyaan at salapi gayung hindi naman nila ito lubos na pinaghirapan?

para sa akin ang mga taong hirap sa buhay, medyo sensitive eh saka hopeless na din kung minsan. kaya nagiging sisi ay sa gobyerno. mali din na iasa sa gobyerno ang buhay natin, pero mas mali kong ang gobyerno natin ay wala na talagang gagawin para sa bayan. at responsibilad naman  ng presidente, senador, mayor, at iba pa --ay makatulong sa pangkahalatan.. sa kapakanan ng mas nakararami at hindi ang magpakayaman.

parehong ang gobyerno at ang karaniwang mamamayan ang may dapat gawin dito. kung may trabaho nga , tamad naman pumasok ang empleyado, wala din. kung masipag ka naman kaso wala kang mapasukang magandang trabaho, eh di wala din. pero kung may magandang trabahong naghihintay sa'yo at may sipag at tiyaga ang taong papasok dito , yun! may mangyayari tiyak dun.

nice post.

God bless spike.

 

spike_west's picture

Oo nga

Ang tanong eh meron na bang yumaman dahil umasa sa gobyerno? Yung mga nakaupo sa gobyerno lang ang yumayaman, hindi tayo. Ngayon sa huli ang tanong dyan, sino ba ang nagluklok sa kanila? Eh di ba tayo rin. Kung alam mo ng mangungurakot at mangungurakot lang eh bat mo pa sya iluklok.

Ngayon itanong mo kung sino ang iboboto nila "sasabihin nilang si ERAP". Patay tayo dyan!

salamat jha,

Spike

My Personal Blogs:

Mga kahanginan ng utak ko:

http://utaknidrake.blogspot.com/

Kwentong nagbibigay inspirasyon:

http://akingkwarto.blogspo

love's picture

meron din namang nagagawa

meron din namang nagagawa ang ibang nasa gobyerno. siguro hindi man lahat pero meron pa ring ibang matitino. Kaya lang sa kalagayan natin ngayon, halos lamang ang tiwali eh. saklap!

dito sa amin , uso yan. alam na mangungurakot ibinoboto pa rin. kasi may mga lagay o sobreng ipinamimigay. hindi nila alam na kapag nanalo yung ibinoto nila ay triple ang babawiin sa kanila. namuhunan eh, syempre kailangan may return on investment. nakakalungkot man, hindi mo rin masisi ang iba, hirap sa buhay eh, sayang ang isang libong piso..kaso nawala na ang paninindigan. sa huli, taong bayan pa rin ang kawawa sa kamay ng mapagsamantalang gobyerno. hirap na nga pinahihirapan pa.

hay! sakit sa ulo talaga ng ganitong mga topic hehe..

 

dyeppri's picture

Kamustaza Bro?

Ayos ang blog mo na ito ah. Medyo seryoso yata ito bro. Malalim ang laman at medyo may kurot. Ngunit wala namang problema dito kasi opinyon mo 'yan. Iba ka, iba ako at iba sila. Magkakaiba ang ating pananaw sa buhay.

May punto ka rin naman eh. Tulad natin na OFW. Sa tingin natin walang pag-asa na magtrabaho sa ating bayan para umunlad ang buhay natin kaya tayo nag-abroad. nagsumikap tayo na hindi umaasa sa gobyerno. Ngunit sa kabilang banda, papano yung walang pinag-aralan o walang pera pang placement agency. Malamang huling kakapitan nila ay ang gobyerno para mabigyan ng maayos na hanap-buhay.

Eh papano yung OFW naman na nasa ibang bansa na, namaltrato doon. Walang makakatulong pa rin sa kanya kundi gobyerno. Eh kung umunlad na nga siya sa abroad, pwe-pwede kaya niya isama lahat ng kanyang kakilala sa abroad. Papano yung naiwang kapatid na naghihirap, yung pinsan, yung kaibigan. Wala silang makain. Nakikita niya at panay nababalita ang pangungurakot at pagpapayaman ng mga taong nasa gobyerno. Nagtrabaho ka rin bro diba sa gobyerno. Alam mo na ang kalakaran duon.

Mahirap kasi ipagkibit balikat ang mga bagay-bagay hanggang marami kang taong nakikitang namimilipit at hindi makatulog dahil sa gutom.

Papano kaya yung batang namamalimos sa kalye. Hindi daw pwedeng kunin ng DSWD kasi wala silang pondo. Pero yung si congressman kasama ang mga alipores at pamilya nito ay nanood ng laban ni pakyaw sa LA. Suporta daw niya iyon. Papano mo sasabihin sa paslit o sa payatot nitong ama na tumindig kayo sa sarili ninyong mga paa at huwag umasa sa gobyerno.

Papano ang mga batang papasok sa eskwelahan na walang libro, walang uniporme, walang silid aralan...papano yung walang pambayad sa private school. Sino kaya ang tutulong sa kanila. E di gobyerno din diba.

Ang TAX ng taong bayan ay hawak ng gobyerno at dapat lamang siguro itong ibalik sa tao. Nasa presidente ito kung papano niya aayusin ang gobyerno para maging katanggap-tanggap ito sa tao ngunit syempre kasama ng punto mo nadapat tulungan mo din ang iyong sarili. Magsumikap tayo para umunlad ngunit manatiling mapgmatyag, mapanuri, matanglawin. Salamat.Laughing

                           http://dyeppri.wordpress.com/

                       

Amos Tarana's picture

tumpak! mas mahusay at

tumpak!

mas mahusay at makatotohanan ang ganitong pagsusuri ganun din ang mga inihalimbawang kalagayan. 

kailangangang ibalik sa mamamayan ang para sa mamamayan!

- amos Cool

----------------  http://amostarana.blogspot.com/  ----------------

“Never doubt that a small group of thoughtful committed citizens can change the world.

Indeed it is the only

spike_west's picture

Eh ganun naman pala

Eh alam mo naman pala ang kakulangan ng Gobyerno, umaasa ka pa rin na tutulungan ka nila. Batid mo na pala kung ano ang problema eh bakit parang nanaginip ka pa rin na may sasagip sa iyo.

Yun ang punto ko maraming problema sa gobyerno, maraming kurakot sa gobyerno, maraming pagkukulang ang gobyerno at marami ring reklamo sa gobyerno. Pero aasa ka pa rin ba sa knila?

Hindi naman ako bulag para di ko makita yan, pero di rin naman ako tanga para umasa na lang sa gobyerno.Kasi sa huli ako rin ang talo.

Hindi ko nais maging manhid tayo sa kalagayan natin pero di ko naman nais na wala na lang tayong gawin para sa sarili natin. Di na ako naniniwala sa "BAYAN MUNA BAGO ANG SARILI", kasi mas dapat "SARILI MUNA BAGO ANG BAYAN".

INgat bro, at napacomment din kita

My Personal Blogs:

Mga kahanginan ng utak ko:

http://utaknidrake.blogspot.com/

Kwentong nagbibigay inspirasyon:

http://akingkwarto.blogspo

Rom's picture

..

 

 

 hehe... usapang ND at SD ito

 

ang masa, ang masa lamang... 

 

logo button 1

Amos Tarana's picture

mas maigi sana kung usapang

mas maigi sana kung usapang nd at sd. 

pero mukhang hindi kapatid.  pragmatic o pragmatiko(s) kasi ang linya ng pagdadahilan...isang pag-iisip na ngayo'y itinuturing na bilang suliranin sa lipunan.

pero mahusay na rin, tamang propa lang. alang-alang na rin sa mga makakabasa.  maraming puedeng mapulot na aral.  malaki nga ang pasasalamat ko at napag-usapan ang ganitong bagay.  

ang masa, ang masa lamang...ang tunay na bayani. mas maganda sana kung ganito ang usapan 'di ba?: mula sa masa, para sa masa, tungo sa masa hehehe

- amos Cool

 

----------------  http://amostarana.blogspot.com/  ----------------

“Never doubt that a small group of thoughtful committed citizens can change the world. Indeed it is the only thing

Rom's picture

bahagi ko lang

 

oks pa rin naman may napupulot na aral at nakakapag panariwa sa katulad kong kinalawang sa pagkilos. ang akin lang opinyon (at opinyon ko lamang) ay sana maiwasan ang ideal na pagtingin sa mahihirap. although di naman talaga kinababakasan itong usapan ng matinding ideyalismo sa punto nang kung paano tintrato ang mga mahihirap--nasa magkabilang panig ang pananaw ninyo. 

ang matinding nagpapahirap sa mga mahihirap ay hindi lamang ang pang ekonomiyang kalagayan nila, isang parte lamang iyon. ang mas matindi pa ay ang pagpapanatili ng estado sa "utak mahirap" nila.  nangyayari ito sa paggamit ng lisyang edukasyon, sa bombardment ng media, sa tradisyong kinagisnan, sa relihiyon at sa stereotypical na pagturing. 

alam man natin sa hindi kahit ang mga mayayaman sa lipunan natin ay itinali at nakatali pa rin sa pagkakaroon ng "utak mahirap"--isang kasisipan na kung saan tinuturing niya ang kapwa bilang gamit at lakas paggawa lamang sa kanyang puhunan.

hangga't hindi tayo "nagpapayaman" ng kaisipan malamang habampanahon tayong nakasadlak sa "kahirapan" ng ating kalagayan,

 

tungkol naman sa hindi pag asa sa gobyerno-- lahat ng reklamo natin sa gobyerno ay bunga ng ilan daang taon nang nananatiling kalagayan, kumbaga kinatandaan na ang ganyang kalakaran sa gobyerno at kailanman, magunaw man ang Pilipinas hinding-hindi nila isusuko ang isang sistemang nagpapayaman sa kanila at pinagkukunan nila ng balon ng kapangyarihan. ipaglalaban nila ng patayan ito kaya't wag tayong aasa na magbabago sila balang araw, na kapag may ibinoto kang medyo matino ay magbabago na ang sistema. lalamunin lamang ng sistema ang sinomang pumaloob dito. pero kung nakadepende sa mga masang inaapi ang lakas mo at motivation, ang lahat ng kilos mo ay nasa direksyong maglingkod at magpalaya. hindi "teoryang pangarap" ito kasi nakasaksi ako ng mga kasamang handang magbuwis ng buhay at nagbuwis na nga ng buhay maisakatuparan lamang ang mithiing lumaya ang kaisipan at pisikal na kalagayan ng mga mahihirap. isang bagay na malayung-malayo sa prinsipyong taglay ng mga taong gobyerno noon at ngayon.

konting pagbabahagi lang

salamat 

 

logo button 1

Amos Tarana's picture

kapatid na rom, batid ko

kapatid na rom, 

batid ko ang pangangailangang imulat ang mga mahihirap at ang mamulat din [tayo] sa kanilang kalagayan -- dialogo ng pagmumulat kumbaga.  kaya iminungkahi ko ang patuloy na pagbabad sa uri na nais paglingkuran.

higit pa sa tumpak ang tinuran mong  "hangga't hindi tayo "nagpapayaman" ng kaisipan malamang habampanahon tayong nakasadlak sa "kahirapan" ng ating kalagayan," kaya nga't ang laging panawagan ay pag-aralan ang lipunan at pandayin ang IPO.  ang hindi pagpapayaman ng kaisipan ay ang kusang pagbulid ng sarili sa kabulukan ng kasalukuyang sistema

isa pang dapat masuri ng mga mambabasa ay ang sinasabi mong "ang mas matindi pa ay ang pagpapanatili ng estado sa "utak mahirap" nila." hanggang sa ngayon kasi ay kumikilos pa rin ang mga galamay ng estado upang manatili tayong utak mahirap, ignorante at pasibo -- ito ay upang malaya nilang gawin anuman ang kanilang naisin na walang nagrereklamo (ayaw kasi ng estado ng reklamador).  ayon nga sa critical sociology, tinukoy na na ang paaralan, simbahan, pamilya, dilawang unyon, ay ilan lamang sa mga makinarya ng estado na ginagamit upang panatilihin ang sambayanan sa pagiging pasibo at walang pakiaalam sa mga nangyayari sa kanyang kapaligiran.

sana'y maunawaan din ng madlang pipol ang sinabi mo na "magunaw man ang Pilipinas hinding-hindi nila isusuko ang isang sistemang nagpapayaman sa kanila at pinagkukunan nila ng balon ng kapangyarihan." totoo kasi ito kahit na suriing muli ang kasaysayan ng mundo, makikitang ang kapangyarihan ng mamamayan at kalayaan ay hindi ibinibigay na libre sa taong bayan.  kayat ang kalayaan at kapangyarihan ng mamamayang hinahangad ay kailangang ipinaglalaban -- sa lansangan pati sa kanayunan.

whew!

salamat sa kaunti ngunit malaman na pagbabahagi mo rom.  ikuyom natin ang ating kamao at isulong ang pagbabalikwas! (katulad ng iyong avatar)  sapagkat patuloy tayong ginagago ng ating pamahalaan...

maghanda na sa mga pagkilos, andiyan na ang isa na namang panggagago ni gma, pumasa na sa kongreso ang HR 1109.

para sa ating lubos na ikagiginhawa,

- amos tarana Cool

----------------  http://amostarana.blogspot.com/  ----------------

“Never doubt that a small group of thoughtful committed citizens can change the world. Indeed it is the only thing

Rom's picture

dagdag ulit...

 dagdag ko lang:

tayo (nilalahat ko na tayong mga narito sa FW) kung tutuusin ay tayong mga middle class people ang may katungkulang magmulat--tayo kasi ang nakapag-aral ng mga teorya at humarap sa libro at nagsunog ng kilay at naturalesa natin na maging mapanuri sa kapaligiran yun ang tungkulin natin. ang masa naman, sila ang mangunguna sa pagkilos bilang nakararaming uri sa ating lipunan. tandaan na 85% ng Pilipinas ay masa, mahihirap o living below the poverty line. sila yung walang ari-ariang maaaring lingunin at panghinayangan kung sakaling pumutok ang pag aalsa. sabi nga walang mawawala sa iyo kundi ang iyong tanikala kung ikaw ay mag-aalsa.

ngayon, ang pag aalsa ay maraming aspeto at bahagi hindi siya natatali lang sa pagsunong ng armas (although ito ang isa sa pinaka tampok) maaaring simulan ang tinatawag na rebolusyon sa kaisipan--kung paanong painugin natin ang kaisipang galit sa pagsasamantala at kalaban ng mapang abuso ay isa na ring matatawag na rebolusyon.

Masyado lamang kasing tinakot tayo ng salitang "rebolusyon" mula pa nung red scare sa Russia at cold war sa pagitan nila ng America.

siguro ang pagsusunong ng "radical" na aktitud ang isa  sa mga pwedeng pagsimulan ng minimithing pagbabago. Know thy enemy--kapag kilala mo na kung sino ang totoong kaaway, ang totoong nagpapahirap sa atin, ang totoong halimaw sa likod ng maskara at ang totoong kalagayan ng mahihirap at bakit sila naghihirap marahil matutukoy mo na rin kung sino ang tunay na may kagagawan nito.

ang isipin natin ganito--sa likas na yaman ng Pilipinas, kaya nitong pakainin ang samabayanan ng may sampung taon na walang nagtatrabaho kahit isa. pero ang tanong: bakit merong kalagayan na Pilipinong namamatay sa gutom? kanino naka sentro ang yaman ng Pilipinas? bakit may bundat at bakit may humpak ang tiyan?

Kanino naipamana ng mga mananakop na kastila ang nakulimbat nilang yaman noon? nandyan ang ayala, roxas, zobel, cojuangco at ilan pang tig tatatlong letrang apelyido.

kailangan mag-isip ng malalim at balikan ang kasaysayan... 

 

 

logo button 1

Amos Tarana's picture

kapatid na rom, sumali ka

kapatid na rom,

sumali ka na rin, hehehe matanong na rin kita...para na rin sa kabatiran ng lahat.

sa sinasabi mong:  "ang pagsusunong ng "radical" na aktitud ang isa  sa mga pwedeng pagsimulan ng minimithing pagbabago"

masasabi mo bang ang pagiging PRAGMATIKO ng isang tao ay isang "radikal" na aktitud na maaaring pagsimulan ng minimithing pagbabago?

- amosCool

----------------  http://amostarana.blogspot.com/  ----------------

“Never doubt that a small group of thoughtful committed citizens can change the world. Indeed it is the only thing

Rom's picture

sali na ako...

 hmmm...ang pagiging pragmatic ay pagiging praktikal hindi radical.

 ganito ang tingin ko.. Si Jose Rizal sa tingin ko ay may paniniwalang pragmatiko sa kadahilanang ninanis nya lang maging probinsya ng españa ang pilipinas at hindi mismo lumaya dito--parang gusto nya lang mag-iba ng konti ang relasyon, pero relasyong nakatali sa pang-aalipin pa rin. ayaw niyang makihalo o makiisa sa karamihang masang pilipino sa tunay na dumaranas ng matinding kaapihan sa kamay ng mga prayle. nung matamaan ng interes niya bilang peti-burgis nagsulat siya ng nobela. iwinaksi niya ang rebolusyon bagay na isang malaking kamalian.

eto pa isang halimbawa ko: ang mga Born again na naniniwalang ang kaligtasan daw ay personal na kalagayan at personal na relasyon kay Jisas.

maliwanag naman sa bibliya kung nagbabasa sila ng bibliya na ang kaligtasan at pagsasapamuhay ng turo ni Jisas ay pakikipamuhay na rin kasama ang kapwa. communal kumbaga kaya nga tinawag na mga kristiyano e hindi para maging indibiduwalista.

Tampok ngayon ang battle cry sa TV na AKO MISMO! kung saan mga kilalang artista at personahe ang endorser---yan maliwanag na halimbawa ng isang kaisipang pragmatiko.

Amos at Spike sana di ako nakakagulo hehehe...

I love Jisas! 

 

 

logo button 1

Amos Tarana's picture

 "...ang pagiging pragmatic

 "...ang pagiging pragmatic ay pagiging praktikal hindi radical"

napakaliwanag rom, napakalaki nga ng pagkakaiba ng pagiging radikal sa pagiging pragmatic.

itinanong ko lang sa iyo upang malinawan si kapatid na spike na ang tinatalakay mo at ang tinatalakay niya ay hindi magkapareho.

katulad ng sinabi ko na, ang pagiging pragmatiko ay isang suliranin ngayon sa ating lipunan na kailangang bakahin at igpawan.  subok na sa kasaysayan na ito ay walang katuturan.

salamat sa pagbibigay linaw...

 

- amos Cool

----------------  http://amostarana.blogspot.com/  ----------------

“Never doubt that a small group of thoughtful committed citizens can change the world. Indeed it is the only thing

spike_west's picture

Nakuha mo Rom ang point ko!hehehe

Halos nakuha mo ang gusto kong sabihin. Tama yung sinsabi mong estadong "UTAK MAHIRAP", at naipaliwanag mo rin ng mahusay. Halos pareho tayo tungkol sa "hinding hindi nila isusuko ang isang sistemang nagpapayaman sa kanila"

Lahat ng sinabi mo ay tama at swak.

Marahil sa pananaw ni Amos o ng iba pang tao may masidhing damdamin tungkol sa isyung pulitikal ng ating bansa, ako ay isa pang bagito. O di kaya ako ay walang muwang o alam tungkol sa isyung pultikal. Masasabi kong hindi man ako nag-aaral ng tungkol dito at wala naman akong karanasan tungkol sa pakikibaka subalit mayroon din naman akong pagnanais na mabago ang buhay natin bilang Pilipino.

Magmukha man akong isang maliit na kulisap na gustong makipag-usap sa higante, pero minsan mas naririnig ang bulong kaysa sa sigaw.

Basta ang sa akin lang, wala sa ibang tao ang ikakaangat ng buhay mo, nasa mga kamay natin ito. Alisin mo ang isyung pulitikal, ilabas mo sa usapan ang gobyerno. Baka sakaling makuha mo ang nais kong ipahatid.

Salamat, at ROM isang tagay sa iyo, salamat sa pagkakaintindi

Ingat

Spike

 

My Personal Blogs:

Mga kahanginan ng utak ko:

http://utaknidrake.blogspot.com/

Kwentong nagbibigay inspirasyon:

http://akingkwarto.blogspo

Amos Tarana's picture

kapatid na

kapatid na spike, 

pinapatawa mo naman ako.

naalala ko lang kasi ang isang dati nang sinabi ni KM, "kung wala kang sapat na batayan, wala kang karapatang magsalita"

sa muli kong pagbabasa sa post na ito ay lalo kong napatotohanan na hindi mo alam ang iyong sinasabi.  pero hindi pa naman huli ang lahat, may paraan pa para maghubog ng sarili at maging bukas sa mga bagong ideya.

pinatulan ko lang kasi ang post mo sapagkat, hindi ko kayang tiisin ang 'walang malay' mong pagdidiin sa iyong sarili sa KAISIPANG PRAGMATIKO -- pragmatic sa ingles (baka sakali lang na hindi mo talaga alam ang linya ng pag-iisip na iyong sinusundan).

pragmatiko ka man mag-iisip ay hindi kita sinisisi.  ang kaisipan kasing ito ang siyang bumabalot ngayon sa utak ng hindi naman karamihan sa atin dulot na rin ng kawalang tiwala sa pagbabago at sinisismo.

nitong 2006, kinilala na na ang pagiging pragmatiko ng hindi naman karamihang sa mga pinoy ay isa nang SULIRANING PANLIPUNAN na dapat bakahin o igpawan.  hindi kasi ito nakakatulong upang panibaguhin ang pilipinas bilang isang bansa na may mamamayang nagkakaisa. 

ayon sa sikolohiya, ang pragmatic thinking ay isang pansariling pagkilos na nagpapalala lang ng pagiging makasarili ng isang tao.  tinatalikdan kasi ng pagkilos na ito ang komunal na pagkilos. 

ayon nga sa philo of man, tayo ay relational being, ibig sabihin, pinapaunlad natin ang ating sarili kasabay ng pagpapaunlad din natin sa ating kapwa o lipunan. 

kaya kapatid, ang ikagiginhawa natin ay may malaking kinalaman sa pakikibahagi natin sa ating kapwa, ng ating kapwa sa atin, at ng ating pamahalaan sa atin at sa ating kapwa...kung idodrawing ko ito ay hitsurang tatsulok.

linawin ko ulit, ang ating ikagiginhawa (napakapangit kasi ng salitang ikaaangat) ay nakabatay sa mga sumusunod: 

1. pamahalaan

2. kapwa/pamayanan

3. sarili

hindi po maaaring nagsasarili ka lang lagi hehehe

kapag ang isa sa tatlong binaggit ko ay hindi kumilos ng tapat, hindi natin (bilang sambayanan) mararanasan ang tunay na ginhawa (hindi ito opinyon ha)

at isa pa kapatid, kapag pinuna ko ang iyong pagiging pragmatiko, hindi po iyon pulitikal, ito po ay kultural.

mabasa mo sana ulit ang iyong post at mas maunawaan...saka mo ulit basahin ang mga komento ko.

- amos Cool

 

 

----------------  http://amostarana.blogspot.com/  ----------------

“Never doubt that a small group of thoughtful committed citizens can change the world. Indeed it is the only thing

spike_west's picture

GANUN PO BA SIR AMOS

Hays, eh baka masyado ka lang matalino?? Kuya eh di ko alam kung san ka dadalhin ng mga natutunan mo na yan, eh hayaan mo kung sakaling maging presidente ka, iboboto kita kasi mukhang ubod dami ng alam mo!hehehe!malay mo makaya mong baguhin ang pilinas.

Huwag mong sabihin na "wala akong malay" o di kaya iparamdam sa akin na "wala akong sapat na batayan at kaya wala akong karapatang magsalita" kasi baka masyado ka lang nagpapakalalim at masyado kang ideyalistiko.

Ngayon sabihin mo yan sa gobyerno natin at lecturan mo sila. Karapatan kong magpahayag ng pananaw at saloobin. Ngayon kung di mo matanggap na may hindi sumasang-ayon sa paniniwala mo at pinaglalaban, eh wala akong magagawa dyan. Paninindigan ko yun at ipaglalaban ko.

Wag nating pilitin gawing puti ang itim na uwak.

Ngayon may nagbago sa buhay ko dahil sa paniniwala ko na yun. Hindi ako makasarili kasi wala naman akong inaapakang tao at nakakatulong ako sa pamilya at bayan ko.

Kuya kahit magdagdag ka pa ng mga sikat na sikolohista, magsalita ka pa ng latin, maglagay ka pa ng mga kakaibang mga salita dyan hindi pa rin tayo matatapos. Paniniwala ko yun at paniniwala mo yan. At wag mong sasabihin mali o kalawang ang paniniwala ko kasi nagbago ang buhay namin dahil dito. Ngayon mali ba yun?Kinakalawang ba yun?

Hindi sarado ang utak ko, alam ko lang kung ano ang makakabuti para sa akin. Malay mo makabuti rin yun sa iba.

Hehehe pero di naman ako galit nyan, nagpapaliwanag lang!hahaha! Sa huli pareho lang tayo iiling at sasabihin sa isat isa "HAYS HINDI SYA MAKAINTIDI". Kaya magcocomment na lang uli at hahaba ang thread na ito.

Cycle yan kumbaga

Salamat pa rin

Spike

My Personal Blogs:

Mga kahanginan ng utak ko:

http://utaknidrake.blogspot.com/

Kwentong nagbibigay inspirasyon:

http://akingkwarto.blogspo

Amos Tarana's picture

"Ngayon kung di mo matanggap

"Ngayon kung di mo matanggap na may hindi sumasang-ayon sa paniniwala mo at pinaglalaban, eh wala akong magagawa dyan."

sandali lang kapatid, ikaw po ang nagpost, at ako ang hindi sumang-ayon sa iyo.

at tanggap ko naman po kung walang sumang-ayon sa akin. nagtatalakayan lang tayo. pinatunayan ko lang gamit ang teorya at praktika na ang sinasabi mo ay hindi makakatulong para sa pagpapaginhawa ng sambayanan.  malamang sa iyong sarili at pamilya ay makatulong -- ngunit hindi para sa pangkalahatan.

kaya nga't sinasabi ko na mukha yatang hindi mo alam (walang malay) na ang pinapanindigan mong pag-iisip ay pragmatik -- isang kaisipang hindi nakakatulong sa panlipunang pagbabago...isang kaisipan na dapat baguhin at itakwil. sapagkat ito ay makasarili at hindi nagdudulot ng pangmatagalang kaginhawaan. ito pa po ang sabi mo:

"Hindi sarado ang utak ko, alam ko lang kung ano ang makakabuti para sa akin. Malay mo makabuti rin yun sa iba"

ngayon hindi ba talaga sarado ang utak mo?

alalahanin, walang lasing na umaamin hehehe ngunit sa bibig nahuhuli ang isda.

hindi rin po ako galit, nagpapaliwanag lang...

ayaw ko mang makipagtalakayan sa iyo, ngunit hindi maaari.  sapagkat nakasalalay dito ang kagalingan ng ating mga mambabasa.

nagpapasalamat ako sa iyo at binigyan mo ako ng pagkakataong makapagbahagi.

post ka pa ulit.

para ulit sa kabatiran ng lahat,

- amos tarana Cool

 

----------------  http://amostarana.blogspot.com/  ----------------

“Never doubt that a small group of thoughtful committed citizens can change the world. Indeed it is the only thing

Rom's picture

...

 

sige sasawsaw nko ng lubos hehe... may hindi lang malinaw na punto at di makuha-kuha sa panig ni Spike (sa tingin ko lang ito) nakikita ito sa na quote kong sinabi ni spike sa ibaba: 

 

 

spike_west wrote:

 

Ngayon may nagbago sa buhay ko dahil sa paniniwala ko na yun. Hindi ako makasarili kasi wala naman akong inaapakang tao at nakakatulong ako sa pamilya at bayan ko.

 

 

oks lang na baguhin natin ang sarili natin tungo sa ikakaginhawa ng buhay natin at ng ating pamilya. pero sabi nga ni dyepp mag-abroad ka man at yumaman meron pa ring Pilipino na maghihirap at mamamatay sa gutom. di natin pwedeng sabihing "anong pakialam ko e kasi di sila nagsisikap katulad ko e" di pwede yang linyang yan kasi nga walang sinuman ang nabubuhay para sa sarili lamang at walang sinuman ang namamatay para sa sarili lamang.

ang puntong nakikita ko na gustong linawin ni Amos ay ang kaisipang pakikisangkot sa kalagayan ng mas nakakaraming api sa panahon natin. tama yung sinabi ni Amos na kailangang 3 sangay ang magkaagapay na baguhin PAMAHALAAN, KAPWA, AT SARILI di pwede ang isa lang o dalawa lang.

palitan natin ng radical na pag-iisip ang praktikal na pag-iisip. radical na ang ibig sabihin ay "inuugat" fron the word radicand which means "root" (naaalala ko yung hate na hate kong mathematics, yung square root at radicand sign)

kapag inuugat kasi natin ang dahilan ng suliranin malamang sa hindi tama ang solusyon natin. kung uugatin natin ang kahirapan na isa sa mga pangunahing problema ng pilipinas malamang malalaman natin ang tamang sagot at hindi lamang "band-aid" ang solusyon sa sakit na kanser kundi isang rebolusyunaryong operasyon.

sana nakatulong...

tandaan ang salitang radical--pag ugat sa tunay na sanhi ng problema at doon sisilang ang tunay na solusyon. kaya kahit yumaman ka sa abroad at guminhawa ka, ikaw lang yan o iilan lang kayo e paano na ang 85% ng populasyong pilipino?

 

 

logo button 1

Rom's picture

at dahil akoy busy na...

 

 huling hirit ko na muna ito sa thread na ito kaya payagan nyo akong maghuling salita muna, hehe...

ang kaisipang pragmatiko ang isa sa mga pinaka delikadong kaisipan na pwede nating makita at maranasan--bakit?

sampung taon mula ngayon ang taong nag-iisip na "magsisikap akong maka-angat at yumaman kahit mahirap lamang ako at balang araw makikita nyo"

sampung taon ang makalipas mayaman na siya...may sarili nang pabrika at opisina nag eeksport ng mga produkto sa amerika sa sariling sikap at pagpupunyagi niya. sa unang tingin parang walang problema di ba? success story pa nga e.

Mali---kasi kung taglay taglay pa rin niya ang kaisipang pragmatiko, malamang sa hindi isa siyang kapitalistang nang-aapi sa mga manggagawa. bakit kamo? kasi dahil sa prisipyo niyang "magsikap nga kayo, ako nga nagsikap sa sarili ko at di umasa kahit na kanino kaya ko narating itong tugatog ng tagumpay ko" at sasabihin pang "huwag nga kayong reklamo ng reklamo tanggapin nyo kung ano ang ibinigay sa inyo"

ipapaputol ko ang leeg ko tama ako at pattern yang ganyang uri ng negosyante sa Pilipinas.  nanggaling sa hirap at yumaman ngayon siya na ang nagpapahirap kasi nga di siya natutotng makisangkot ng tuluyan sa hinaing ng mga naghihirap. naghirap lang siya once upon a time pero never siyang nakiisa sa mahirap.

ang mga uri ng ganitong tao ang kasalukuyang nakikita natin sa paligid sa katauhan ni Manny Villar, ni Lucio Tan at ni Gokongwei. Galing sa mahirap--nagsikap--yumaman--sila na ngayon ang sumisipsip sa lakas ng mahihirap. at wala na silang pakialam sa ipinaglalaban ng mahihirap.

tama ako o mali? 

 

logo button 1

spike_west's picture

Eh paano naman yung...

Mali---kasi kung taglay taglay pa rin niya ang kaisipang pragmatiko, malamang sa hindi isa siyang kapitalistang nang-aapi sa mga manggagawa. bakit kamo? kasi dahil sa prisipyo niyang "magsikap nga kayo, ako nga nagsikap sa sarili ko at di umasa kahit na kanino kaya ko narating itong tugatog ng tagumpay ko" at sasabihin pang "huwag nga kayong reklamo ng reklamo tanggapin nyo kung ano ang ibinigay sa inyo"

 Hindi ko alam kung bakit na-eequate na ang mga nagtatagumpay na nagsikap at nagtyaga bilang mga kapitalistang nang-aapi sa mga manggagawa. Marahil sila ang mga nakikita ng ating mga mata, pero paano naman ang mga taong nagtagumpay at tumulong sa kapwa nya. Yung kapitbahay namin nagtagumpay at ngayon ay tumutulong sa mga street children, yung tyuhin ko yumaman sa pagiging seaman ngayon ay may feeding program tuwing linggo sa Quiapo. Bakit kailangan lahatin bakit kailangan maging ganun ang paniniwala natin sa mga nagtatagumpay. Hindi ko talaga maunawaan?

Ngayon yung mga sinabi mong kapitalistang, hindi ba mga dikit din sila sa gobyerno? Baka nahawahaan na sila ng sakit ng gobyerno?

Pero paano naman yung mga nagsumikap at tumutulong sa iba?

Sabagay kanya kanya yan.

Ingat kuya

Spike

My Personal Blogs:

Mga kahanginan ng utak ko:

http://utaknidrake.blogspot.com/

Kwentong nagbibigay inspirasyon:

http://akingkwarto.blogspo

Rom's picture

spikey...

 eksakli spike kuhang kuha mo. tamang tama ang tanong mo. yung mga may kaya na tumutulong sa kapwa oks naman yun wala naman akong minamasama dun. kaso nga wala silang tutulungang mahihirap kung noon pa ay naugat na at nasolusyunan ang paghihirap. kung baga skin deep lang ang tulong nila (sad to say) na kahit ubusin pa nila ang kayamanan nila ay di mawawala ang mahihirap sa Pilipinas hanggat may mga nagpapahirap pa at nagnanakaw ng yaman na dapat sana ay well distributed sa mahihirap o sa buong pilipinas. ok ang intensyon nilang tumulong kaya lang hindi talaga DOLE OUT ang solusyon e.

Ayan din isa pang tamang obserbasyon mo, nahahawa ang malalaking negosyante sa gobyerno kasi nga bulok ang gobyerno. kapwa sila (negosyante at gobyerno) magkatulad ng interes. ang gobyerno ay pinatatakbong parang negosyo ngayon (tingnan mo si first gentleman at mga kamag-anak niya)

ano ngayon ang dapat gawin para hindi mahawa ang mga negosyante sa gobyerno sa kabulukan nito? may mga malalaking negosyo dito sa atin na ginigipit ng gobyerno kasi nga hindi kumokomporme sa "lagay system" niya. marami rin tayong makabayang negosyante na sa kasamaang palad ay nagsara na. 

ang tanging solusyon sa mga negosyante para mag survive at yumaman ay makipag kuntsabahan sa gobyerno. magbigay ng lagay at magbigay ng pabor. mutual ito, tutulungan nilang manalo sa eleksyon ang pulitiko, bibigyan ng pondo at kapalit ang pabor na wag papayagan ng gobyerno ang mga batas na makakasakit sa negosyo nila gaya ng magpadala agad ng pulis na babatuta sa magwewelgang manggagawa, wag aprubahan ang taas ng sweldo, wag ipatupad ang tunay na repormang agraryo, alisin ang regularization sa mga empleyado, bawasan ang benepisyo. syempre papayag ang pamahalaan, popondohan ba naman siya sa eleksyon e.

hay, napakahabang cycle ng katiwaliian at kuntsabahan ng negosyante at gobyerno...yan lang muna... 

 

 

logo button 1

spike_west's picture

Hehehe!!

Mahaba talaga ang usapin yan. eh pabalik palik lang naman ang tanong at puro sisihin ang nangyayari. Sa huli ang masang Pilipino lang ang nagdurusa at ang nasa gobyerno naman ang nakikinabang.

Sabi ko nga hindi ako nagbibingi-bingihan at nagbubulag-bulagan sa mga isyu sa ating gobyerno, pero di rin ako tanga para umasa pa sa gobyerno.

Kayo ba kuya Rom at Kuya AMos, umaasa ba kayo sa gobyerno?Palagay ko hindi, pero kumikilos kayo mabago kahit konti ang Gobyerno.

Ganun lang ang gusto ko, ang maging katulad nila kayo, hindi umaasa sa gobyerno pero kumikilos para sa pagbabago nito.

Sana naintindihan nyo ang nais kong ipabatid, pero kung di man. Nakakatuwa kasi pwede ko ng gawing aklat itong thread  na ito, hahahah

Ingat

Spike

  

My Personal Blogs:

Mga kahanginan ng utak ko:

http://utaknidrake.blogspot.com/

Kwentong nagbibigay inspirasyon:

http://akingkwarto.blogspo

Rom's picture

bakit social realism?

 

ganito na lang spike.

ako bilang manunulat (oy manunulat daw o!) ay nagsusulat ng mga kwentong hinabi hindi lang sa imahinasyon ko kundi sa buhay-buhay ng karaniwang tao. kaya nga social realism ang napili kong genre ng aking mga akda kasi nga mas malapit ito sa puso ko. hindi ako nagsusulat ng puro love story, horror o fantasy lalo lang kasi nitong pinaiigting ang pagtakas sa realidad ng mga tao. ang kailangan kasi harapin ng head-on ang kalaban, ang problema at ang sitwasyon kaya (sana) sa pamamagitan ng kwento ay maibahagi ko ang karanasan ng karaniwang tao at may mapulot na aral, maintindihan ang tunay nilang kalagayan, mithiin, aspirasyon sa buhay na binabalewala ng mga kapitalista at gobyerno.

yan ang dahilan kaya nagsusulat ako ng social realism - tanging kontribusyon ko sa naghihirap na kalagayan ng mga kababayan ko maliit man,--maliit pa rin hehe...

isa ito sa mga pwedeng gawin para maiangat ang bastardong kultura na minana pa natin noong unang pananakop pa lang sa atin ng mga conquistadores.

yan ang sinasabi kong "radical" o pag-uugat sa totoong problema. kung nakikita mong baluktot ang ugali ng mga pilipino yan ay dahil sa kulturang baluktot din na ipinamana pa noong unang panahon. at para mabago ang kulturang bulok, gumawa tayo ng mga akdang pwedeng pamalit sa kulturang bulok, at hindi mga akdang lalong nagpapabulok sa isip ng pinoy.

ngayon alam mo na kung bakit GALIT NA GALIT  ako sa mga nagpopost dito sa FW ng halos puro kalokohan lang at hate campaign? nagpapadagdag lang kasi sila sa kabulukan ng isipang pinoy.

sus kung magsalita ako akala mo napaka galing ko tama na nga...hehehe... 

 

logo button 1

spike_west's picture

Yun eh

Kaw pa kuya Rom, eh multi talented ka! Naks naman!! Alam ko ang pinaglalaban mo kaya suportahan taka! 

Salamat sa time kuya,

Ingat

Spike

 My Personal Blogs:

Mga kahanginan ng utak ko:

http://utaknidrake.blogspot.com/

Kwentong nagbibigay inspirasyon:

http://akingkwarto.blogspo

Amos Tarana's picture

hindi ko makitang 'puro

hindi ko makitang 'puro sisihan" kapatid. 

ang ginagawa natin ay tinutukoy kung bakit naghihirap ang sambayanan.  nakita mo sana na naghihirap ang sambayanan sapagkat may hindi makatarungang sistema na umiiral sa ating bansa.  at ang hindi makatarungang sistema na ito (hal. ang ugnayan sa pagitan ng panginoong may lupa at magsasaka at ang ugnayan sa pagitan ng kapitalista at manggagawa, atbp.) ay pinapanatili ng mga maykapangyarihan sa ating lipunan -- ito iyong binabanggit kong ideological apparatus: ang militar, estado, simbahan, paaralan pati na ang pamilya. 

sa madaling salita, ang kalaban na nais harapin ay ang hindi makatarungang sistema ng lipunan at ang mga tao na nagpapanatili sa sistemang ito.

at hindi po ang mga mahihirap na patuloy na napagsasamantalahan.

ngayon, kung ganito kalakas ang makakabangga, charity work ba ang solusyon? syempre po, hindi.

ganun pa man, hindi naman ganun kasama ang charity work.  kailangan din ito para sa pantawid gutom.  ngunit gawin man ito araw-araw ng mga mayayamang mababait na kakilala mo ay hindi pa rin mababago ang sistema at nandiriyan pa rin ang mga taong nagpapanatili sa sistema. pinapanatili lang ng charity work ang kaisipang palaasa.  pakibasa mo na lang ulit ang pagbabanggit ni rom tungkol sa "dole out".

wika nga ng pilosopong intsik, kung gusto mong kumain ang tao, huwag mo siyang bigyan ng isda.  bagkus ay turuang mangisda

tama ito noon...pero ngayon ay hindi na...

sapagkat paano mo tuturuan mangisda ang mga tao kung wala ng isda sa dagat (o wala nang dagat sapagkat natabunan na ito ng lupa -- katulad sa ccp complex).

ngayon, ano ba ang magandang gawin?

balikan mo ulit ang pagtatalakay ko tungkol sa pagsusuri (syanga pala, may mga framework po tayong sinusundan sa pagsusuri, nariyan na ang binanggit ni rom na ND at SD.  bilang baguhan, maari mo munang pagtiyagaaan ang mga minugkahi kong social analysis models -- pakibalikan na lang ang mga naunang komento ko), pagpapasya at pagkilos.

maliban sa charity work, maaari tayong makiisa sa mga organisasyong nagsusulong ng radikal na pagbabago.  nandiyan ang mga organisasyong nasa ilalim ng BAYAN. 

kung type mo, puwede rin sa gabriela, pero ang mungkahi ko, sa migrante ka na lang kasi ofw ka. maaari kitang bigyan ng ugnay sa migrante kung handa ka na.

ang mga organisasyong nabanggit ko ay nagtataguyod ng parliamentaryong pakikibaka (isa iyon sa kanilang itinataguyod).  nagsusulong sila ng iba't ibang adbokasiya na nagmumungkahi ng pagbabago sa mga polisiya ng bansa. nagbabantay din at unang umaalma sa tuwing naaagrabyado ang mga mamamayan.

katuwang ng mga grupong ito ay mga progresibo sa iba't ibang larangan -- sa pulitika, sa simbahan, sa paaralan at iba pang pangunahing sektor ng lipunan hal. ay ang mga magsasaka at manggagawa.

tinatandaan na sa gawaing pagpapanibago ng lipunan ay napakahalaga ng boses at pakikibahagi ng bawat isa -- ang tawag dito sa ingles ay participatory approach.  may mga iba pang katawagang ginagamit katulad ng liberative approach at people empowerment...kung medyo handa ka na talaga na mag-alay ng iyong buhay para sa sambayanan ay maaari mo ring tahakin ang landas tungo sa arm struggle.

sa mga paraan na binabanggit ko, isa lang ang tanging layunin, baguhin ang sistema at panagutin ang mga nagpapanatili sa sistemaat palitan ito ng isang sistema na siyang ninanais ng nakararami.

kung interesado kang malaman ang kahulugan at proseso ng mga sinasabi ko, maaari nating palalimin sa patuloy na talakayan gamit ang email o kaya'y magsaliksik ka na rin sa web.

sa paraang ganito, hindi mo lang binabago ang iyong sarili kundi ay binabago mo rin ang buhay/pag-iisip ng iyong kapwa at pagpapanibago na rin ng lipunan.

linawin ko lang, iba ang pagpapanibago ng sarili kumpara sa pagpapayaman (baka kasi akalain ng iba ay pagpapayaman ang pinag-uusapan)

pansamantala, katulad ng ginagawa ni rom, ay maaari rin tayong magsulat ng mga makabuluhang sulatin na maglalantad ng realidad ng buhay at makapagpapabago sa pag-iisip ng ating kapwa. para sa mga halimbawa, kung maaaring ihalimbawa, subukan mong silipin ang aking mga akda dito sa fw hehehe

ngayon sa tanong mo kung umaasa pa ba ako sa gobyerno.  sa tingin ko, alam mo na ang sagot kapatid.  wala naman kasing aasahan sa gobyernong pinamumuguran ng mga magnanakaw at mamamatay tao.

pero hindi po dapat na hanggang dito na lang tayo at hayaan na lang nating maging ganyan habambuhay ang ating gobyerno.

ang sa akin, ako ay umaasa at naniniwala na darating ang panahon ay mamumulat din ang bawat isa at makikiisa sa gawaing pagpapanibago ng lipunan...at maitatayo rin ang isang gobyerno ng mamamayan (hindi ng mayayaman). 

alam ko na hindi ito madaling gawin ang sinasabi ko, ngunit ang mahalaga ay mayroon tayong "kongkretong" ginagawa na pinapatnubayan ng tamang pag-iisip at tamang pagsusuri sa lipunan.

hindi po sapat na ibandila lang na walang maasahan sa gobyerno at magsariling sikap na lang tayo para umunlad...sapagkat may pakialam po tayo sa ating kapwa at kinabukasan ng ating lipunan.

may katanungan ka pa ba kapatid?

bilang pagtatapos, may hamon si hesus sa atin:  kung gusto mo raw guminhawa ang iyong buhay ay ipamahagi mo ang iyong mga kayamanan at sumunod ka sa kanya.

eh sandali, paano kung may inaasikaso ka pa sa iyong bahay, halimbawa ay may patay...

wika ni hesus:  kung may patay ka sa inyong bahay, hayaan mo na, ililibing ng bangkay ang kanyang sarili.

napakamahiwaga naman hehehe

ikaw, payag ka ba?

para sa ating lubos na ikagiginhawa,

amos tarana Cool

syanga pala, habang nagtatalakayan tayo ay minadali ng mga alipores ni gma ang pagpapasa ng cha-cha.

ngayon, may magagawa ba tayo? mayroon po...ipakita po natin sa pamahalaan na hindi na nila maaaring gaguhin ang mga pinoy.  maaari po nating ipakita sa pamahalaan na hindi ito ang ating kagustuhan..sapagkat ang pagpapanibago ng saligang batas ay dapat munang ikinukonsulta sa mga sektor ng ating bansa -- ito ay upang masiguro na ang naisin ng mga mamamayan ang masusunod sa pagbabago at hindi ang pansariling interes ng mga gahaman.

ipakita natin ang ating pagtutol, maaaring sa pagsusulat, pagmumulat sa kapwa upang maunawaan ang usapin at lumabas sa lansangan upang makiisa sa sambayanang sumisigaw ng...

kapag marami tayong nagsasama-sama ay mas lalakas ang ating sigaw, mas maririnig ito ng nasa malakanyang at malalaman nila na hindi tayo nagtutulog-tulugan o nagbubulag-bulagan.

----------------  http://amostarana.blogspot.com/  ----------------

“Never doubt that a small group of thoughtful committed citizens can change the world. Indeed it is the only thing

spike_west's picture

Eh Kuya ROm,

Ang sa akin lang nasa ating mga kamay ang ikababago ng buhay natin. Naging halimbawa ko lang ang aking sarili (batid ko rin na wala pa akong napapatunayan).

Pero hindi kasi maganda na sabihan kang makasarili kung ninanais mong mapaganda ang buhay mo. Hindi rin ako sang-ayon na mababawasan ang pagiging makapilipino kung nais lang ko lang maisaayos ang buhay ko. 

Ang layunin ng sanaysay ay para tingnan ang ating mga sarili  at kumilos para sa ikagaganda ng buhay natin pare pareho.

Nais ko rin mabago ang bansa natin, pero hanggang ngayon hindi natin alam kung paano natin sisimulan ang pagbabago. Sabi nyo sabay sabay, paano sasabay ang pamahalaan kung sila mismo ang ayaw makisabay. At habang nag-iintay tayo dito kailangan din ba tayong mag-intay sa ikagaganda ng buhay natin.

Malalim na usapin ang kagutuman at kawalan ng trabaho, pero wala ka bang gagawin para ibsan muna ito. Matagal na gamutan yan pero kailangan ng First Aid para mapigilan o mapahaba pa ang buhay.

Inuulit ko hindi ako makasarili, sapagkat ninais ko lang ang ikagaganda ng buhay ng kapwa ko Pilipino. Paghihikayat na kumilos para sa kanyang sarili at para sa bayan din.

Mahirap pang solusyunan ang isyu ng bayan, pero makakaya pa naman solusyon kahit paano ang mga isyu natin sa buhay.

I hope nakuha mo Kuya ROm

Spike

My Personal Blogs:

Mga kahanginan ng utak ko:

http://utaknidrake.blogspot.com/

Kwentong nagbibigay inspirasyon:

http://akingkwarto.blogspo

Rom's picture

...

 di rin naman ako sang-ayon sa salitang "makasarili" 

pero eto lang kasi: sa lipunang tulad ng sa atin (3rd world country) ang pagpapayaman ay synonymous sa pag-apak sa karapatan ng iba. hindi ka talagang yayaman (ng talagang mayaman) sa bansang ito kung di ka makakaapak ng kapwa concious ka man o hindi.

ngayon kung meron kang kaisipang makamahirap o dama mo ang tunay nilang kalagayan malamang mawawala sa iyo ang kaisipang "kailangan kong yumaman" syndrome--kasi nga alam mo na ang pagpapayaman sa kasalukuyang dispensasyon ay lisyang kaisipan, ang pagpapyaman sa gitna ng milyon milyong inaapi ay matatawag na kasalanan.

sasabihin mong eksaherado ako, pero wag na tayong tumingin sa prinsipyo kundi sa bibliya na lang. sabi ni kristo ay makipamuhay sa mahirap di ba? talikuran ang yaman at sumunod sa kanya==sa esensya ganun din yun. sa kasalukuyan nating kalagayan di naman tayo mayaman bagamat gusto nating guminhawa--walang masama dun sa tingin ko, pero ang magpayaman ng hindi nang-aapi? imposible ata unless tumama ka sa lotto.

ang maging mayaman sa kasalukuyang dagat-dagatan ng mahihirap ay isang kahihiyan para sa akin. bibliya man o politika ang pag basehan. 

pwedeng magsimula sa sarili, suriin ang sarili at baguhin pero wag iaalis ang kaisipang makisangkot at makipamuhay sa mga inaapi gaya ng ginawa ni kristo na kahit kailanman ay hindi nakipamuhay sa mayayaman at matatalinong tao. 

 

 

logo button 1

spike_west's picture

Wala akong sinabing YAMAN O YUMAMAN KUYA

Lagi kong sinasabi na para mapaganda at maisayos ang buhay, at kahit kailan hindi ko sinabi ang yaman. Pag sinabing mapaganda at maisayos ay nangangahulugan na sapat at kuntento ka. Ang salitang MAYAMAN lalo na sa materyal ay may negatibong pakahulugan sa akin. Kuya marahil ang iniisip mong pagbabago sa buhay ay magiging marangya at mayaman. Pero hindi iyon ang ibig kong sabihin.

Kuya kung bibliya ang pagbabatayan, binigyan tayo ng Dyos ng kapangyarihang  maging tagapangalaga ng kanyang biyaya. Hindi masama ang maghangad ng ikagaganda ng buhay kung kasunod noon ay pagbabahagi sa iba. Paano ka mamahagi ng biyaya ng Dyos kung biyayang binigay sa iyo di mo kayang pangalagaan. Palaguin ang biyaya nya para mas marami kang matulungang iba.

Ngayon ang labis na paghahangad yun ang masama sapagkat naging alipin ka na ng materyal na bagay, pero ang paghahangad ba para sa ikagaganda ng buhay mo kalabisan ba yun??

Kuya inuulit ko ang nais ko ay mapaganda ang buhay hindi yumaman ang buhay. 

My Personal Blogs:

Mga kahanginan ng utak ko:

http://utaknidrake.blogspot.com/

Kwentong nagbibigay inspirasyon:

http://akingkwarto.blogspo

ilyana's picture

amos at spike

Pareho kayong me good point...magka iba nga lang ang opinyon...

Dumaan din ako sa kahirapan, ni hindi ako nakapagtapos dala ng sobrang kahirapan, pero dahil sa alam kong wala akong asenso sa Pinas, mas minabuti kong hanapin ang kapalaran ko sa ibang bansa. Hindi ako pumasang mag japayuki, dahil kahawig ko daw si Ugly Betty noon, kaya tumuloy ako sa gitnang silangan.

OO maraming corruption sa Pinas, ang sabi nga ni Spike sino ba ang bumoto sa kanila?

Ang mga remittance ng mga OFW malaking tulong narin yun sa ating bansa, Maraming kababayan natin ang gustong makipag sapalaran sa ibang bansa, dahil anomang hardwork ang gawin nila, nahihirapan silang umasenso sa Pinas.

Ang ibang mahihirap na wala sa bokabolaryo ang birth control, masisisi ba natin sila? Minsan OO-minsan hindi, because some of them are Catholics and as a Catholic faith, contraceptives are forbidden.(Abysmal I know)

Asians particularly we "Filipinos" have raging hormones, we're like rampant bunnies...If we don't use contraceptives, dadami talaga ang populasyon naten.

Go and multiply )nakasulat sa Biblia- people interpret that literaly. Kaya nagmumultiply sila gabi-gabi. Anong gusto mong gawin namin , mag pa abort?

HINDI po! Just come to think of it, if u cannot guarantee your kids a better future, I consider that as child abuse...galing ako sa malaking pamilya, hindi ko sinisisi ang magulang ko kung bakit silay bumuo ng pamilyang kasinglaki ng football team. Pero hindi rin umasa ang nanay at tatay ko sa gobyerno. Nabuhay kami sa patapik-tapik na suka at kanin. Kung me tuyo, that's a bonus.

Ako ay tumutulong sa mga pamangkin ko sa Pinas, pero minsan naiinis din sa mga kapatid ko, pag anak sila ng anak, hindi habang buhay me lakas akong tumulong, naaawa ako sa iba kong mga pamangkin kapag naaalala ko ang future nila.

Ayoko silang mag GRO sa may Fields ave. pag laki nila. Jollibee nanga lang naghahanap pa ng diploma...Kaya lagi kong sinasabi sa kanila, mag -aral ng mabuti at wag mag-asawa kaagad.

Maghanap muna ng trabaho at bumili ng bahay, bago mag-asawa...Pero kung di na ma afford mag aral, ang sabi ko, pag nag-asawa targetin nalang yung lalaking me sariling jeep, para wala ng boundary. Mahirap kasing targetin ang mga edukadang doktor, guro etc, dahil silay mga eye poor (matapobre) at di papatol sa mga walang pinag-aralan.

Napadaan lang po..nanite, pasado alas dos na pala..

(insomniac)

♥♥-ILyaNah-♥♥

spike_west's picture

Igiling mo Ilyanah

Tama ka sa lahat ng iyong sinabi. Nasa atin ang unang depensa, kung alam mo ng mahirap ang buhay, eh mag-aanak ka pa ba? (wag kasing gawing libangan ang kwan, kung gusto mong maglibang kumain ka ng butong pakwan)

Tapos kung hindi mo mapakain ang anak mo eh isisisi sa gobyerno.

hehehe, di ba sa Dammam ka Ilyanah?

My Personal Blogs:

Mga kahanginan ng utak ko:

http://utaknidrake.blogspot.com/

Kwentong nagbibigay inspirasyon:

http://akingkwarto.blogspo

ilyana's picture

Hindi po..

Hindi ako taga Dammam kabayan, sa Dhahran ako sa may Khobar, nagtrabaho sa B.I.S.A.K. tumira sa Oasis Compound.

Sige na, tagay na lang kayo jan, ako magluluto ng pulutan niyong "sisig ng Pampanga"

Cheese!! (or Kiso)

♥♥-ILyaNah-♥♥

diwa's picture

...

para sa komento ko, narito ang link:  Mito ng Kahirapan.

 

 

 

 (MatangPobre: Masdan ang mundo sa mata ng isang Anakpawis)