NASASAKTAN PA RIN AKO

windrider's picture

 

 

Nakita kita.

Masaya. 

Puno ng sigla ang yung mga mata.

May kasama...maganda.

Magkahawak kamay...

Halos ayaw maghiwalay.

 

Nakita mo ako...

Tinawag mo pangalan ko...  

         Alexis!!!!

Lumapit ka....

Ipinakilala ang kasama mo.

     ....si Lanie, gf ko.

Inabot ko kamay ko...

Nakipagkamay sa gf mo.

    ....nice meeting you...

    ....nice meeting you too...

    ....kaw pala si alexis, sabi ni Mark ang bait mo...

Ngumiti ako.

Mayat maya nagpaalam na kayo..

Bakit ganun?

Nasasaktan pa rin ako...

Kahit wala na tayo?

Bakit ganun?

Bakit mahal pa rin kita?

 

 

 


manhater.xxiv's picture

Ganun talaga te. Hindi lahat

Ganun talaga te.

Hindi lahat ng gusto natin makukuha natin agad. Sabi time heals all wounds and maybe time can also deepen the wounds. But I believe, this, too, shall pass.

Maraming taong naglukuksa dahil sa pagkawala ng isang minamahal. Pero ang maganda, malalaman natin sa dulo na ang lahat ng ito ay mapapawi rin. Ng ano, ng kung sino, Siya lang ang may alam.

 

Ang maipapayo ko lang e magdasal ka, na sana tulungan ka Niyang makalimot at nang mawala na ang sakit na iyong nararamdaman.

http://forcedengineer.wordpress.com

Tama si Ate. Napakadali lang

Tama si Ate.

Napakadali lang magmahal. Madaling mahulog, pero alam mo yung... forever bago ka makalimot? Minsan dyan, nakakaurat pa kasi nakita mong yung dating kabiyak mo eh nakalakad na, samantalang ikaw, inaagnas pa sa mismong pwesto kung san kayo naghiwalay.

Hayaan mo nalang na magluksa ang puso mo ngayon, pero wag mo ding hayaang magtagal ka sa ganyang estado. Ano ba, pahabain ang hair, at madaming isda sa karagatang ito. 

Kaya yan. :D

 

http://orewatensai.wordpress.com

manhater.xxiv's picture

Very well said! Bongga ka

Very well said! Bongga ka jan Teh! Panalo!

http://forcedengineer.wordpress.com