nasubukan mo na ba ito?
nasubukan mo na bang maligo sa ulan? tumakbo at tumingala sa langit habang bumabagsak ang malamig tubig sa iyong mukha?
nasubukan mo na bang makipagtakbuhan sa mga bata na naglalaro sa tapat ng bahay nyo? maghabulan hanggang magkadapa-dapa ang mga kalaro mo?
nasubukan mo na bang kumanta sa videoke? kahit walang choice ang mga kapit-bahay mo kundi ang pakinggan ang hopeless case na singing voice mo?
nasubukan mo na bang tumawa? bumungisngis, humalakhak hanggang maubusan ka na ng hininga at mapaluha sa sakit ng tiyan mo?
nasubukan mo na bang maglakad sa tulay ng guadalupe? magmukhang tanga o walang perang pamasahe sa jeep dahil ikaw lang ang naglalakad sa kalsadang puro pampasaherong sasakyan lang ang dumadaan?
nasubukan mo na bang magsuot ng damit na never sa hinagap mo ay isusuot mo dahil sa sobrang kabaduyan? maiba lang?
nasubukan mo na bang mahabol ng aso? umakyat sa pader, lumambitin sa gate, mawalan ng tsinelas wag lang makagat?
nasubukan mo na bang mahulog sa kanal? mandiri at masuka sa bantot ng sapatos mo?
nasubukan mo na bang sumabit sa jeep, magback-ride sa motor o tricycle? damhin ang hangin at panganib na mahulog o tumilapon?
nasubukan mo na bang kumain ng isaw, betamax, ulo ng manok, balot, fishball o tukneneng? kumain ng mga pagkaing mayaman sa germs, magsawsaw sa sauce na pinagpiyestahan ng laway at pawis?
nasubukan mo na bang mangatwiran sa teacher mo? makipagdebate hanggang sa sumakit ang ulo niya?
nasubukan mo na bang sumigaw? humiyaw hanggang mangalit ang litid mo sa leeg?
nasubukan mo na bang lumangoy? sumisid at dumilat sa ilalim ng tubig, makita kung ano ang nasa ilalim?
nasubukan mo na bang sumayaw?
nasubukan mo na bang maglakad sa gabi? tumingala sa langit at pagmasdan ang mga bituin?
kung oo binabati kita dahil buhay ka.
maraming tao ang hindi na alam kung paano ang mabuhay.
pera nalang ang mahalaga.
magkaiba ang humihinga nalang sa talagang buhay.
hindi naman kailangan ng pera para maramdamang buhay ka.
o para makita mo kung gaano kaganda ang buwan at mga bituin sa langit.
hindi kailangan ng pera para kumanta, sumigaw, sumayaw o magtatakbo.
lalong hindi kailangan ng pera para umulan.
hindi ba napakaswerte natin dahil walang bayad lahat ng ginawa ng diyos, kaya bakit hindi natin samantalahin.
wala namang masama kung paminsan-minsan mag-isip bata tayo,
magwala, tumawa,
makalimot at magmukhang tanga,
kung sa ganitong paraan naman natin mararamdaman
na buhay pa pala tayo...
pretty cutiez21
thank you...
nasubukan ko na...
- nasubukan mo na bang mahulog sa kanal? mandiri at masuka sa bantot ng sapatos mo?
Nasubukan ko na 'to.. nakakahiya as in. Papunta pa naman ako sa bahay nung gf ko non. Dahil sa sobrang pagmamadali ko, mali ang iskinitang napasukan ko. Ginabi kasi ako, kaya yun.. hehe
Dyahe kay nanay at tatay.. deretso banyo agad pagdating ko sa kanila..
nakakahiya talaga..
hahahaha
ako din nahulog na sa kanal dahil sa ka-cute-an akala ko tambak lang ng basura kaya yun pag tapak ko lumubog ang isang paa ko. kadiri kagagaling ko pa naman sa simbahan. yuck!!!
my soulmate is worth the wait...
Hi ate cute
Maganda ang gawa mo, ramdam ko lahat ng naranasan mo!!
Gawa ka pa ate...
Kaso parang wala tungkol sa love hmmm??? wala lang
'its ok to grow up, just as long as you don grow old'
hahaha
tungkol sa love? naku wala kasi akong love life eh ahehehe...
my soulmate is worth the wait...





Maganda ang iyong essay.....
Hi,,,,, nasubukan ko nag maligo sa ulan...na parang bata...masarap sa pakiramdam...
subukan nyo rin....ganda,,,,,