Nauna Pa Ang Pasko Na Dumating Sa'yo

aldrin t garcia's picture
| |
Nauna Pa Ang Pasko Na Dumating Sa’yo

Ni Aldrin Garcia

Sabi mo sa akin ako ay maghintay

Ngunit hanggang ngayon pag-ibig mo ay matamlay

Wala ni isang bakas na ikaw ay parating na

Wala ni isang patunay na tayo’y magkakasama na

Sa tagal ng panahon na aking inialay

Puso ko’y pinatatag upang manatili itong buhay

Ngunit hindi maiwasang ako ay malumbay

Sapagkat dumating na naman ang Pasko, paghihintay ay wala pa ring saysay

Ilang taon na ang lumipas nang ikaw ay magpaalam

At nang sabihin mong ako’y maghintay lang

Wika mo, “Babalik ako. Babalikan kita!”

Umaasa ang puso na pangako mo ay matupad na

At sa iyong pagbalik (kung babalik ka pa)

Wag sanang ang pusong nangulila ay pagod na

Dahil sa araw ng Pasko, ako naman ang liligaya

Hindi dapat malungkot kahit ikaw ay wala na!

Aldrin T. Garcia

I live in Valenzuela but i lived more than half of my life in Pangasinan.

I am a 3rd year BSA student - University of the East, Caloocan - and fortunately i am a scholar.

I am currently enrolled in Lit 101 - Literature of the Philippines.

Well, I am 19 years old and single =)


wan_angel's picture

If a love is not shown she's

If a love is not shown

she's not worth it "you waiting for her"

If she loves you and not calling you

"then she doesn't really love you"

Sa kasabihan nga "kung talagang gusto mo, maraming paraan. Ngunit, kung ayaw mo maraming dahilan"

It's time for you to move on, don't waste your time in waiting for somebody that is not even spending time to think of you.

anyway, it's just my opinion for your writing here (if this is not based from other lives"

Take care and have a merry christmas!

WAN

aldrin t garcia's picture

thank you for that...

 

 thank you for that wan angel...

aldrintgarcia