NAWALANG PARANG BULA! "ANG LALAKE NGA NAMAN"

rose's picture

NAWALANG PARANG BULA!

ANG LALAKE NGA NAMAN 

 Matagal tagal na ring panahon na ako'y nag-iisaMay simpleng buhay, may maayos na trabaho, at kumikitaNaman ng sapat, meron akong tahimik na buhay na nag-iisaKapag tapos ng trabaho, diretso sa bahay , magluluto, kakain, manonood ng dvd's at maglilinis ng kwarto diyan umiikot ang mundo ko, wala akong ibang iniisip kung hindi ang trabaho ko lang.

kapag katapusan magpapadala para sa aking pamilya. nasanay na ako mag-isa na malayo sa aking pamilya. Diba napakasimple ng buhay ko, napakatahimik.

Tapos bigla bigla nalang dumating ka sa buhay ko, hindi kita kilala, masyado kang malayo sa akin, pero ginawa mo lahat para mapaamo ako, nag aaksaya ka ng oras mo, ng pera mo para sa load kakatawag sa akin na kahit alam mong mahal ang tawag para mapaniwala mo lang ako na totoo ka. Diyan na nag umpisa na magulo ang isip ko, ang dati kong tahimik na buhay at dati kong napakahimbing na tulog ngayun ay nahaluaan ng pag-aalala, pag-iisip na kung totoo ka sakin.

Pero nagwagi ka dahil tao lang ako na naging marupok napaniwala mo ako sa lahat ng mga sinasabi mo, at akala ko totoo na ang mga ginagawa mo para sa akin. Binigyan ko ng pagkakataon ang sarili ko na magmahal ulit? At ikaw ang napili ko, sinanay mo ako na nandiyan ka lagi lalong lalo na kapag kailangan ko ng taong makakausap.

 Alam ko na minahal na kita at naging totoo ako sayo. Pero bakit ganun, mukhang nagkamali ako ng pagpili , kung kailan nahulog ako sayo bigla ka na lang nawalang parang bula, na hindi ko man lang nalalaman kung ano ang dahilan. Parang kang isang pain sa bangin na kinahulugan ko, mahirap at  masakit ang magtiwala sa hindi mo talaga kilala.

Siguro isa lang ako sa napakaraming babaeng pinaglalaruan mo. Pero huwag kang mag-alala LALAKI KA LANG at hindi mo deserving para iyakan ko. sana lang huwag ka makatagpo ng babaeng sasaktan ka, babaeng mamahalin mo tapos tatalikuran ka lang. dinagdagan mo lang ang sakit na nararamdaman ko parang pinatunayan mo lang na kayong mga lalake ay pare pareho na sa una gagawin ang lahat mapa OO lang ang babae. Pero hindi ko naman nilalahat ang lalake. Bato bato nalang sa langit ang tamaan huwag po magagalit.

Well isa lang ako sa nabiktima mo, ang tanga tanga ko sa tinagal tagal sayo lang ako nagtiwala pero okey lang puso ko lang nakuha mo .

babalik na ulit ako sa dati kong buhay ang DATI RATING NAPAKATAHIMIK KONG BUHAY. Na walang ibang iniisip kung hindi ang trabaho, walang sakit at walang worried.


ang lalake nga naman..

Wink ang lalake nga naman..

dyeppri's picture

"there are so many fishes in

"there are so many fishes in the ocean..."

Maraming uri ng isda sa dagat ika nga may bangus na matinik (sa chiks), may sardinas na malansa (bading), may tilapya na makaliskis (kaliskisan mong mabuti at baka may tinatago), may flying fish (na lumilipad sa kandungan ng iba), may electric eel (na ikakakoryente mo), may tambakol na matigas at malaking ulo (pasaway), may piranha (na kakainin kahit buo mong pagkatao), may mali-liit na dilis (na kasing liit ang paniniwala sa sarili), may pating (na handang sakmalin ka), at may roon din namang Lapu-lapu na siya mong magiging super hero...

Wait ka lang at patuloy na magfishing....

GudLuck!!!Cool 

 

...........................................................

mananalaytay ang pulang tinta sa itim na pluma...

rose's picture

Marami pong salamat !

 

Totoo po ang mga sinabi ninyo! maraming salamat sa pag-bibigay liwanag!

Hayaan ninyo po i will keep on fishing, baka sakali mahuli ko si lapu lapu or makahuli ako ng isang matabang balyenang isda!

Cheers!

Kiss 

 

 

Wow!

Galing ng analogy! (analogy nga ba?)

 

 

 

 

 

I used to be undesisive, now I'm not sure...

dyeppri's picture

magfishig tayo...

may kilala ko nangingisda din bka gusto mo kaliskisan este kilatisin pala...

kung gusto mo lang nman po at bka mka2long me.

mabait, masipag at may work plus responsible po. 

 :)

...........................................................

mananalaytay ang pulang tinta sa itim na pluma...

rose's picture

It's a good idea Kuya dyeppri!

WEll oks yang idea mo bro! sege nga pakitanong kung saang dagat siya, ng sa gayun eh mabingwit ko siya! kasi ang hirap mamingwit na hindi ka sigurado kung ano mahuhuli mo.

 mas maganda yung may isang tao na mag gaguide sayo kung papano at kung ano ang pwede mo mabingwit! 

thanks for the help ha!

Kiss GOD BLESS YOU & YOUR FAMILY!

dyeppri's picture

4 u Rose

D2 kmi Dubai... accountant namin siya... 24 y/o at sure me single, no string attached. Ako bahala bugbugin ko sya kapag niloko k nya... Mamaya itatanong ko YM nya. Cool

Orvil Ortiz pala name nya at taga panggasinan...

...........................................................

mananalaytay ang pulang tinta sa itim na pluma...

Ailem23's picture

hay...

Sabihin nating may mga lalaki talagang ipinanganak na di alam kung ano ang purpose nila sa planet earth kaya kung ano na lang maisipan ay ginagawa.. iyong mga lalaking ganyan ay di pinag-aaksayahan ng panahon. and maybe baka hindi naman talaga siya ang para sa 'yo... Dame pa dyan... Darating din ang araw na ang mga damuhong lalaking katulad niya ay haharap din sa napakasaklap na salitang KARMA!!!!

rose's picture

HA HA HA!

Hello po. maraming salamat sa mga oras ninyo sa pagsagot at pagbibigay ng comento! para sayo kuya dyeppri! maraming salamat, naku yung isda pala na ipapabingwit mo eh dilis pa! sobrang bata baka naman mademanda ako ng child abuse niyan. 29 years old na po ako! but anyway salamat sa tulong ninyo po!

At para kay melanie! salamat eneng sa pagbibigay ng oras sa comento, okey lang yun, i should be thankful pa nga kasi naging part sila ng life ko and they taught me how to become more strong and they taught me rin na huwag ako agad maniniwala sa mga manloloko at mapaglarong lalake! basta sa ngayun masaya ako sa pag-babasa ng mga sinusulat ninyo. just keep on posting lang mga bro's and sistah okey!

SHOKRAN

Kiss  

okey lang yan (^_*)

Hi Miss Rose! Hmmm I hope you remember me. tnx sa mga responce sa YM.. dont worry if ever may mga lalakeng bigla na lang mawawala sa buhay mo hinde ikaw ang nawalan kundi sila.. mas mabuti na nga ung nawawala sila ng mas maaga.. hehehe baka hinde lang sila maging worthy and deserving sa isang tulad mo.

Tama ka just be thankful na rin na may nagpapagulo ng buhay mo. kasi minsan ang buhay pag hinde magulo hinde masyadong makulay..Cool Di ba ng dahil sa kanya nagmahal ka.. hmmm minsan lang sa buhay natin ang magmahal. there are some nga na they stay forever but you cannot experience naman the real meaning of love from them. I hope you will not afraid to trust and love again. Stay happy kahit na sinasaktan ka o ginagamit man ng iba upang sumaya.. as long as masaya ka rin. The greatest love of all is our love for our selves, and to be inlove ay minsan lang kaya always be inlove as long as you can hehehe.. that will be the greatest gift na maibibigay natin sa ating sarili.. the experience of being inlove. Compare mo pa yan sa lahat ng yaman na mayron ka. yan lang ang magpapangiti sayo kahit nag iisa ka lang. maglalaho ang lahat ng yaman but our experiences will be forever. masakit man o masaya.

I hope tama ako... kung ano-ano na lang pinagsasabi ko.. (^_*)

but trust me mangyayari lang yan pag nagmahal ka ng walang kapalit.

 

 

Dream as you will live forever; Live as you will die today.

Ouch!

aray...

toink..

 

hehehe

 

 

 

 

I used to be indesive, now I'm not sure