Nawawalang Kaputol ng Isang Pagkatao

dyeppri's picture

Nakagawian ko na nabago ko simulang gamutin ang pasyente ay sa unang sesyon ay nilalaan ko sa pakikipagkilala sa kanya. Dito ko nalalaman kung anong nararapat na pamamaraan ang dapat gawin, sabi nga sa Gestalt Theory ang kabuuan ay mas mahalaga sa bawat pirasong bumubuo rito, kaya`t nararapat na alamin ko muna ang kabuuan ng pagkatao ng isang indibidwal kaysa sa bawat isang problemang hinaharap nito.

Pinapasok ako ni Esteve sa bahay nila at nagtuloy-tuloy kami tungo sa maluwang na biranda nila. Nakatanghod sa amin ang nagtataasang Pines at Acasia na halos hindi na makalusot ang papataas na sinag ng araw na tumatama sa luntiang damuhan at malawak na fish pond at hitik na hitik sa bulaklak na mga halamang tubig. Nagmamasid din sa amin ang tila nanlalamig na malalaking sementadong rebulto na para bang nagtatanong kung anong pakay ko sa anak ng may-ari ng bahay at waring siya ang sumasaksi sa lahat ng kaganapan sa lahat ng taong nakatira dito.

At ito ang kwentong buhay ni Esteve o sa tawag ng karamihan na Esteban:

Hindi ko na matandaan pa kung kelan ko naramdaman ang salitang buo ako. Hindi sa pisikal na katawan dahil alam ko kailanman ay hindi ito nangyari. Ipinanganak na akong may deperensya, putol ang kaliwa kong binti na wari’y hindi na umusbong pa simula tuhod. Maliit pa lamang ako ay sinisiyasat ko na kung bakit hindi ito nakompleto.

Abnormal.

Inggit.

(Patlang.)

 

Hindi ko naranasang makipaglaro ng habulan, tumbang preso o pikong-baro sa mga kaklase ko noon. Hindi ko din matandaan na inakay ako upang matutong lumakad ni Papa o ni Mama at bagkus ay parating pasan,na halos ika-kuba na nga ni yaya. Kurot sa singit pa dahil matakaw daw ako kaya’t lalong nadaragdagan ang aking timbang. Bigat na pasakit sa kanya. Pasakit na dala-dala din niya. Dadalin niya hanggang di ko pa kaya. ‘Di ko pa kayang maglakad ng mag-isa sa tulong ng saklay o bakal na paa.

Hindi ko naranasang makisali sa flag seremony sa tagubilin ni Papa sa paaralan na hayaan na lamang akong maghintay sa silid paaralan, habang ang lahat ay sabay-sabay na umaawit ng Lupang Hinirang at Panatang Makabayan at ako umaawit din kasabay ng alingaw-ngaw sa maluwag na pasilyo at makakapal na sementong pader. Hindi ko naranasang magmartsa sa CAT o ROTC. Hindi ko naranasang makisama sa paglalakwatsa upang mapanood ang mga bagong palabas sa sinehan. Hindi ko naranasang makipagtaguan sa guro ko upang makatakas sa parusa niya na papatayuin ng may isang oras kung walang takdang aralin o ‘di makasagot sa kanyang katanungan.

Hindi ko naranasang tumawa o makipag hagikhikan kanino man. Papano ako matutuwa kung kasama ko si Mama at sinusukatan ako ng sapatos ng saleslady. Iisang sapatos lamang ang kukunin namin at kakalat lamang daw sa bahay ang kaliwang pares nito. Sa kanya na lamang daw at ipamigay sa kung merong kagaya ko at kanan naman ang wala.

Sarit-saring pasakit na mga salita ang humihiwa sa pagkatao ko, merong sinasadya o merong hindi sinasadya at wala lang talagang pasintabi ang kanilang mga dila. Nagsawa na ako sa tanong na: Ano bang nangyari? Kelan pa? Asan na ang kaputol? Papano ito? Mga katanungang hindi ko rin naman alam ang tamang kasagutan at hinuhulaan ko na lang.Iisa lang naman ang aking kasagutan. Hindi ko alam! Sabay alis.

Matagal ko na rin naman iyang itinatanong sa Kanya. Asan ang kaputol nito? Bakit ako? Papano ako? Papano na? Kapag ba nasa langit na ako ay mabubuo na ako o putol pa rin?

Minsan akala ko mabubuo na ang pagkatao ko nang makilala ko siya. Tanggap daw niya ako kahit bakal ang aking isang paa, kahit hindi ako makatakbo. Mabuti daw iyon dahil hindi ko siya iiwan sapagkat kayang-kaya niya akong maabutan.Isang linggo at isang buwan lamang ang aming tinagal. Ayaw ng mga magulang niya sapagkat hindi daw nila matatanggap na ang magiging apo nila ay maging kulang-kulang din. Kung noon ay hindi ko na matanggap ang ako ay maslalo na ngayon.Masmahirap.Masmasakit.

Pilat sa braso ang tanda ng muntik ko ng pagputol sa aking buhay.Pagputol sa paghihirap na patuloy na nararamdaman. Ano ba ang kasalanan ko bakit putol ang pagkatao ko? Sa kabila ba ay makikita ko na ang nawawalang parte nito?

 

ooOoo

 

Hindi ko alam kung papano ko dudugtungan ang nawawalang bahagi ng pagkatao ni Esteban. Hindi naman tinuro sa amin sa paaralan kung papano ang sumagot sa ganitong mga katanungan. Sapat na raw ang makinig ako. Sapat na raw iyon.

Minsan nagtanong din ako na sa apat na taong pagsusunog ko ng kilay sa Unibersidad sa kursong Psychology ay bakit ang makinig lang pala ang sagot sa maraming katanungan. Makinig at makiramdam lang. Bilang tao ay dadagdagan ko na rin ito ng konting pakikiramay.

 

 

 ooOoo

 

End.


Reading your blog is an

Reading your blog is an emotional experience for me I'M AN AMPUTEE I lost my left leg due to a recurrent malignant tumor but I don't consider myself incomplete  like the protagonist in your story. I don't consider myself disabled because I believe that I am more able now more than ever. I am living a highly productive life, raising a family, raising kids who are honor students, well-rounded pre-teens, I am working, earning a living and contributing whatever extra time I have to help out in socio-civic and religious organizations. I don't see any point in portraying people like me in the light you have presented your Esteban I'm sorry but I am deeply offended!  

And I majored in Psychology too Mr. Dyeppri I'm sorry but I simply couldn't relate to the Victim you have there in your story. 

Another thing, Classical Conditioning is predominantly applied in behavior modification therapy in the older days  but there are more modern and less emotionally invasive therapies nowadays and some may even consider Pavlov's theories as obsolete you don't perform Pavlov's Classical Conditioning  to a clinically depressed and  obviously suffering from an emotional breakdown  like your Esteban. 

dyeppri's picture

salamat po Ms. pau.

Salamat po ms. pauline sa panahong inukol sa pagbasa nito.

Isa lamang kwento po ito. Pagsasalarawan sa isang buhay na hindi pangkaraniwan sa iba. May kanya-kanya po naman marahil sa pagtanggap ng kalagayan ang ibat-ibang tao sa kanilang nararamdaman, at may roon paring hindi makatanggap dito.

Ang kwento po na iyong nabasa ay patungkol sa hindi magandang pagtingin ng lipunan o hindi patas na pagtanggap sa mga may kapansanan/ kakulangan. Kailangan po ng pagpapahalaga din sa kanila at pagbibigay ng kalayaan o maayos na komunidad na katanggap-tanggap sa kanilang kalagayan. Ang aangkop na lipunan.

Pagpasensyahan po(kung medyo marahas sa pakiwari ninyo). Hindi naman po ito patungkol sa iisang tao lamang bagkus pagmulat sa kalagayan ng bawat isa na may kapansanan man o wala.

Isa po akong Pisikal Terapist na tumutulong sa bawat isa sa kanila, kasamaa na dito ang pamilya at komunidad nila upang ipatanggap ang kanilang kalagayan sa ikakaayos sa pinakambisang pamumuhay na normal nila.

(ayusin ko na lamang po ulit. tinanggal ko na lamang po ang lumang pamamaraan na tinutukoy ninyo.tySmile)

Salamat Ms. Pau.--->ako'y humahanga sa inyo.

............................................................................................................

"I wouldn't mind if you were nice to me once in a blue moon."

You don't have to change

You don't have to change anything if you don't want to mr. Dyeppri. My frustration is not really focused on your story alone but to the insensitive communities in our society who'd rather see a Physically challenged individual based on what he can't or what he's limited to do... we don't need anybody's pity and consideration, we simply needed to be seen as any other able-bodied individual capable of achieving anything we put our minds to... don't treat us any different, yun pa ang nakakademean sa aming pagkatao.

I'm sorry for my outburst it's not personal sa kwento ako nainis because it doesn't provide answers and options to people like Esteban...  maybe you don't have to change your story rather do some research and provide options and answers paano pwede malampasan ni Esteban ang sitwasyon nya. Yunlang po at salamat din pasensya na din. 

dyeppri's picture

salamat.

salamat po.

May mga batas na naman po (accessibilty law) para sa karapatang pantao ng mga may kapansanan, andyan din po ang RA 9442 or the Magna Carta for the person with Disabilty at naitaas sa RA 7277 upang mapagtibay at mas mapalawak pa ang nasasakupang karapatan ng mga ito.

Sa bagong batas kung noong una po ay puro istrakturang pagbabago lamang ang sinasakop ay nadagdagan po ito ng ilang bagay tulad ng mga diskwento sa ilang establismento, kainan at botika (sa pagbili ng gamot). Tumaas din po ang kaparusahan sa mga mangaabuso sa karapatang nabanggit mula sa isang buwan ay naging anim na buwang pagkakakulong. Kasama na ang pagtaas sa multang P2000 patungong P20 to P50,ooo.

Ang problema po natin ay sa pagpapatupad ng batas. Tulad ng ang isang nakawheelchair po ba ay makakasakay sa pampublikong bus? Hindi 'di po ba. Isa po si Mr. Manuel Batac (chair of the Accessibility Task Force Building Inspection of the Caloocan Development Committee for Persons with Disability) ang nagsampa ng kaso sa korte upang patibayin ang batas laban sa malalaking kumpanya at establisimento. Halimbawa ang Kentucky FC na hindi maayos ang ramp at hindi magkasya ang W/C sa pintuan ng kanilang restawran.

Kukulangin po ang blog na ito kung iisa-isahin ko ang pagkilos ng bawat samahan para masaayos ang ugat ng problema ni Esteban. TY.

............................................................................................................

"I wouldn't mind if you were nice to me once in a blue moon."

dyeppri's picture

dagdag pa po...

sa katanungan at kahilingan po ninyo na : " do some research and provide options and answers paano pwede malampasan ni Esteban ang sitwasyon nya. "

marami po na kaming nagawang pag-aaral ngunit nananatiling hanggang duon pa rin lamang po ang nararating nito sapagkal wala pa rin pong maibigay na sagot ang ating pamahalaan/bayan: walang budget.

sa nabanggit ko pong kasong isinampa ni Mr. Manuel Batac ay nadesisyunan na ito ng DOJ. Pumanig ang hustisya sa malalaking kumpanya at sinasabi ng DOJ na boluntaryo lamang naman daw ang hinihingi ng batas sa kanila kaya't kung hindi sila tumalima ay walang karapatang ipakulong o ipasara man lamang ang negosyo ng mga ito. Department itself is"Ignorant of the law",

the wording of the Accessibility Law explicitly contradicts the Prosecutors' conclusion. Section 4 of the Law states, "the person in charge of the construction, repair or renovation of the building, space or utilities shall be criminally responsible for any violation" of the act.

Pagtatakip butas lamang po iyan sa napakalaking suliranin sa pagpapatupad ng batas. Sinubukan po  ng nakawheelchair kung makakapasok siya sa CR ng DOJ o maabot man lamang nito ang pagpatay ng ilaw ay hindi nito nagawa. Nararapat po ba daw na ipapakulong din sila. Umiling-ilang na lamang si Mr. Batac. Mabigat 'di po ba? Sa ngayon ay pag-aantay lamang ang kayang maibigay namin.

............................................................................................................

"I wouldn't mind if you were nice to me once in a blue moon."

spike_west's picture

Ma'am Pauline

I think medyo natamaan lang po kayo ni Dyeppri, siguro po halos pareho lang kayo ng kwento ni Esteban pero not necessary mean na kayo yun (pwera na lang kung magkakilala kayo  ni Dyeppri ng personal). Nagkataon lang po yun. At ito po ay isang salamin ng ating buhay, hindi rin naman po lahat ng mga may kapansanan ay may positibong pananaw, kaya maaring itong bahagi ng kwento ni Dyeppri ay sumasalamin sa mga may negatibong pananaw sa kanilang nararanasan. Ma'am dont get offended po kasi alam ko po na hindi iyon ang intensyon ng may akda. Siguro po ay nagkataon lang po talaga. Siguro po may nasaling lang po si Dyeppri sa inyo.

Pero totoo po, humahanga po ako sa inyo. Ang nasabi ko po ay batay po sa paghuhusga po sa kwneto.

Dyepp, isang tanong lang, alam kong hindi namamana ang pagiging putol o walang binti ang isang tao, hindi po ito hereditary, pero ang polio alam kong namamana, kaya bakit natatakot si esteban sa magiging anak nya, o kahit yung magulang nung asawa nya. Maaaring inborn yun dahil sa kulang ang development ng bata sa tyan pero talagang di namamana yun. Medyo parang mali ata.

Maigsi ang kwento at may konting kulang.

Salamat uli.

Spike 

dyeppri's picture

        

http://www.thefetus.net/images/images2007/Syndromes/Diaphr_hern_possible_Corn_de_Lange_sy_Cuillier/5C.jpg         apodia=missing foot./congenital

hindi pa rin maiugnay ito spikew o  hayagang masabing hereditary ngunit marami ang nagpapatunay na kapatid at magulang ay gayundin.

pasensya na kung nakulangan ka. Sa palagay ko sa tulad kong na sa kursong agham ay sapat na ito---> ang polio ay galing sa poliovirus na nalalanghap mo sa taong meron na nito. Hindi lahat ay kinakikitaan ng simptomas ng panghihina ng kalamnan sa polio, bagkus ay yung may mahinang resistensya lamang. Tulad din iyan ng TV na ayon sa pag-aaral ay may 65% filipino ang may TV ngunit 15% lamang ang may sakit. Tagadala lamang ang karamihan ng virus ngunit kung hihina ang resistensya ay magmamanipesto ito.

Marami din sa ating mga kababayan ang maraming maling paniniwala(lalo yung hindi nasa Science edu.). Kasama na dito ang naging GF ni Esteban.

Halimbawa ang AIDS ay nakakahawa DAW sa pakikipaghalikan o pakikipaghipo o sa kubyertos lamang. Mali diba? ngunit syempre ingat din kaya kahit aako ayaw ko makipaghalikan sa 'di ko kilala masyado pa.ahihihi!

salamat spikew.

............................................................................................................

"I wouldn't mind if you were nice to me once in a blue moon."

spike_west's picture

Ganun???

Parang hindi naman ah! Yung nanay at tatay ko, di naman nakatapos ng pag-aaral yun pero alam nilang di namamana yun. Subukan mong magtanong sa mga nakakatanda alam nilang di namamana yun. Ewan ko rin, pero sige na nga. baka kabilang sila sa iilang taong may saradong isipan ukol sa ganun.

At talaga namang pinaliwanagan mo pa ako tungkol sa polio. Hahaha!!

Bro medyo siguro kung naglagay ka ng konting payo o medyo binigyan mo pa kami ng major update kay Esteban, medyo magiging epektibo. Parang kasing sinigang ni Aling Thelma sa karinderya nya, masarap yung sinigang pero parang may kulang sa lasa.

Sige bro ingat na lang

Spike

dyeppri's picture

okiy!

pero minsan kelangang bitin...masepektib para naman magresearch din sila/tayo. pahiram ng "nyahahaha" mo. wahahahahhhh...ahihihi. penge sinigang ni aling thelma.dagdagan ko na lang ng pang-asim.ty 

............................................................................................................

"I wouldn't mind if you were nice to me once in a blue moon."

Sweet Pauline, I miss you dearie...

Hi ate pauline! Wait, you're an amputee? Oh wow, I didn't know until now!  I am deeply, deeply happy, no, joyful because I've known a person who chose to praise God for it by living a productive life.  I don't see it as a deterrent of any sort because just the same, you are God's child and like everyone else, you are special in His sight... I always looked up to people with unwavering convictions and have chosen to be proactive ---self-actualized people such as you, and I am moved by admiration and not its opposite when I am given extraordinary opportunities to know one such as now.  Thank you so much... 

I consider myself truly blessed to learn so much from you and from the very start of our correspondence have always been an inspiration to me  I hope things are going great with the family, the business, and your advocacies.  I hope to see you soon when God permits.  December?  i can't wait.  :)

your sister,
Ruthie 

 

Goodbye, Pavlov

Righto.  Classical conditioning is antiquated psychology, and though some techniques are still helpful in behavior modification, it may really, actually be obsolete for the clinically depressed.  Way back college, we used it to train rats to hurdle obstacle courses and go around mazes in Experimental Psych. 

I truly believe there are other less intrusive measures in dealing with clinically depressed patients and of course, before any measure is used, some form of standardized test must be administered to ascertain the psychological make-up of the client.  The result shall be interpreted to determine and classify the case under the DSM table.  Psychology is a science and it grows every minute.  People in health care who have constant access to such individuals should be more careful and circumspect. 

Ruthie

Similar entries