Ngayong Walang Maisulat Na Tula

Yuco's picture
| |
 
Kailangan kong sisirin
ang kailaliman
nitong aking isipan.
Hanapin ang mga katagang
matagal ng nakahimlay
sa aking katauhan.
Pakinggan-
Ang mga tanong sa kawalan
na hanggang sa ngayon
wala paring kasagutan.
Ito’y aking isusulat,
sa pag-asang hihilom
ang iniwang mga sugat;
at unti-unti...
Paliliguan ng luha
ang bawat linyang
iniukit sa gunita.
Hahayaan kong tunawin
at lisanin muli
ng aking tula.
YUCO
Naisulat sa panahong wala akong maisulat at walang mapiga na katha sa aking utak at sa di sinasadya nakagawa ng tula sa WALA.
Nasa ibabang link ang iba ko pang tula.
 
 
 Salamat sa lahat ng bumasa.

Similar entries