NI-REJECT AKO NI JOLLIBEE

spike_west's picture
Naranasan nyo na bang mareject?Well hindi naman ito tungkol sa pambabasted kaya hindi yun ang ikukuwento ko sa inyo.

Kung di nyo naitatanong,eh alam nyo bang nagtrabaho ako sa Jollibee?(eh ano naman ngayon??). Okay ganito yan! Dati bibihira ang nakakapasok bilang Service Crew sa Jollibee. Marami silang qualifications at masyado silang mapili.

Ganito, kagagraduate ko lang ng Port Dyir Hayskul noon. At dahil pangarap kong makapasok sa Jollibee noon, kaya nagkukumarat akong nag-apply nang nagkaroon sila ng HIRING para sa mga estudyante. Kaya naman binibitbit ko na ang BIO DATA ko.Kailangan daw ng 1X1 piktyur kaya ginupit ko lang yung piktyur ko noong nagfield trip kami sa Manila Zoo. Kaya naman may umekstra pang unggoy sa background. At dinikit ko sya sa pamamagitan ng …..tenen….…kanin.
.
So heto na nga, nag-apply na ako, binigay ko na yung BIO-DATA kay Manong Guard. Iisa isahin daw nya kaming tatawagin.
.
Manong Guard: Okay nasan si Mr. Spike West.
.
AKo: Ako po yun (tuwang tuwa pa ako, kala mong nanalo sa raffle)
.
Manong Guard: Ikaw ba yun? naku bata! Mukha ka lang pinabili ng suka ng nanay mo ah! (Tumawa sya, saka ang ibang aplikante)
.
Ako: Eh hindi po! mag-aaplay po talaga ako, saka nabili ko na po yun suka ng nanay kaninang umaga! (Sineryoso??)
.
Manong Guard: Naku totoy!Umuwi ka na lang! Saka may height requirement oh, 5’5 dapat!
Ako: Hindi po! 5’5 po ako!(naiiyak na ako)
 
Kinuha nya ang ruler nya at sinukat ang height ko.
Manong Guard: Naku,totoy 5’3 ka lang! Bumalik ka na lang kapag TULE ka na!
.
Ako: Binata na po ako Manong, saka tule na po ako nung grade por pa!Please Manong!!!Please(Namula at namugto ang mata)!
 
Masyadong masama ang budhi ni Manong at hindi sya naantig sa akin. Binata na kaya ako noon at hindi Totoy! Dahil sabi nya mukha lang daw akong pinabili ng suka saka hindi pa daw ako tule,gustong gusto kong isumbong kay nanay si Manong Guard . Pero dahil "BIG BOY" na ako di ko na sya sinumbong kay nanay kasi hindi na nga ako bata , Pero ang masasabi ko sa kanya ay …….HINDI KO SYA BATE!!.
.
Makalipas ang 2 buwan, hiring uli sila. Kaya naman hindi na rin ako nagpatumpik tumpik pa. Nag-apply uli ako. Pero this time pinaghandaan ko na sya. Naglagay ako ng uling sa may bibig para magmukha akong may bigote tapos sinuot ko din yung sapatos ng kuya dahil may takong yun para umabot ako sa height requirement na 5’5. At higit sa lahat……… nagpatule na rin ako!LOLS! Joke lang…… inayos ko na rin yung BIODATA ko.
.
Awa ng Dyos ,nakalusot ako kay Manong Guard. At dito nagsimula ang interview ko, pero mukhang talagang ayaw nila sa akin.Nireject na naman nila ako kasi matapos akong interbyuhin narinig ko ang “magic word” na
.
Interviewer: Okay Mr. Spike, we will call you if you are qualified.
Ako: Ha?Ma’am wala naman po akong landline at cellphone ah paano nyo po ako matatawagan?
Interviewer: Ah ganun ba?eh ano ehhhhh
.
Alam ko sasabihin na nyang “Sorry di ka tanggap”, pero bago pa man nyang sabihin yun.Nagdrama na ako:
.
Ako: Ma’am parang awa nyo na! Kailangan ko po ng trabaho dahil di na po ako makakapag-aral! Yung ate ko po pumasok na lang pong katulong para lang makatulong. Wala na rin po kaming pagkain,nagdidildil lang po kami ng asin para makain. (sino ba namang di maantig sa mala MMK kong istorya)
.
Interviewer: Sige na nga (naiyak sya!) punta ka bukas sa Final Interview.
Okay payn, nagdrama lang ako!Dahil kaya pumasok ako ng Jollibee ay para makabili ng………. cellphone. At ang ate ko hindi katulong talaga! Heheh! Kailangang magdrama kasi desperado na ako.
Awa uli ng Dyos nakapasa ako sa Final Interview (ng walang drama-drama hehhee! )Kaya naman tuwang tuwa ako kasi at last makakapasok na rin ako sa Jollibee (Nyemas! taas ng pangarap ko).Okay na sana ang lahat pero bigla uli ako nireject. Bakit? kasi ganito:
 
Baklang Manager: Okay , Mr. Spike san mo gustong malagay?
.
Ako: Pwede po bang sa Dining Area na lang po ako? (waiter sa Jollibee)
.
Baklang Manager: Ganun, Mr. Spike, gwapo ang kailangan dun!Gwapo ka ba?(sabay tawa) Dun ka na lang sa KITCHEN!!Wag ng ambisosyo! (Tawa uli)
.
Ako:Opo! (hiyang hiya)
.
Tinanong pa ako, eh pang KITCHEN lang pala ang pagmumukha ko!Hay! Reject-reject at reject!Pero masasabi ko lang ang taong nirereject nila noon ay ang mismong taong din ginawaran nila ng “BEST CREW” at pinagkatiwalaan nila ng isang buong taon.Katibayan lang na kahit reject ako, hindi ako BASURA!
.
Sa totoong lang iba ang pakiramdam pag nirereject ka. Lalong masakit kapag nirereject ka dahil sa iyong mga kakulangan. Wala naman taong perpekto di ba? Ang rejection ay pagkabigo din, pero doble lang ang sakit nito nabibigo ka dahil hindi ka lang umabot sa “standards” ng ibang tao.Tinapon ka nila sa madaling salita!
.
Panuntunan ko sa buhay, ang “rejection” ay hindi dapat maging hadlang para magtagumpay. Kung na-reject ka nila,patunayan mo na hindi ka basura. Pero kung nireject ka nila at nagmukmok ka sa isang tabi, parang pinatunayan mo na rin sa kanila na basura ka nga! Gawin nating motivation ang rejection, Dahil sa pagsuko doon tayo nabibigo pero sa pagpupursige doon tayo nagtatagumpay!
Salamat po!
SPIKE

RJ Santos's picture

Galing mo talaga magpatawa

Galing mo talaga magpatawa Kuya Spike :D

Ako rin nagtrabaho sa Jollibee, kasi "pangarap" ko rin yun nung bata pa ko hehe. Dining ako hahaha!  

spike_west's picture

RJ

Kamusta ka na RJ, tagal mong nawala ah! Di ka rin nagpaparamdam tuwing EB!

Sana sa susunod saka ka na bro!heheh

 

Ingat 

My Personal Blogs:

Mga kahanginan ng utak ko:

http://utaknidrake.blogspot.com/

Kwentong nagbibigay inspirasyon:

http://akingkwarto.blogspo

RJ Santos's picture

Naging super busy e hehehe

Naging super busy e hehehe kinailangan ng pera :D Sana next EB makasama ulit ako hehe

Rom's picture

reject

hehe..naalala ko dito yung mga artworks kong ni-reject ng mga nagpapagawa sa akin dinisplay ko sa FB, natatawa ako kapag sinasabi nilang ang ganda daw ng mga gawa ko e mga reject na yun kung tutuusin kasi yung mga magaganda kinuha at binili na ng kliyente. 

ako naman may same experience na ganyan sa Pizza Hut nung nag-apply ako. at ilang beses na din akong nasabiihan ng magic word

 

KarikaTuura

xena's picture

ako din

ako naman po nag-uumpisa pa lang ako magpainting.. pero tinigil ko muna kasi wala masyado oras pero kaya kong hanapan ng panahon kung may pumapansin sa mga pinipinta ko kaso wala namn, hanggang isang araw nakita iyon ng isang kakilala na appreciate nya... nabuhayan ulit ako ng loob..... hehe

sana maging mag frend po tayo.. gusto ko po kasi makakilala ng mga taong kagayo ninyo salamat po... 

sa tabi ng bintana...

Rom's picture

oo naman mag friend request

oo naman mag friend request ka i accept ko. ay teka di pala FB ito, hmmm,

cge friend na tayo :) 

 

KarikaTuura

xena's picture

tenkyu

nakakatuwa yung araw na 'to kasi nakakilala ko ng artist na katulad nyo... tenkyu...

 

sa tabi ng bintana...

spike_west's picture

Kuya

Sabi nga nila ang kabiguan ang nagtuturo sa atin ng paraan para magtagumpay.

Maari hindi man tayo nakaabot sa standards at panuntunan ng ibang tao. hindi ibig sabihin nun bigo na tayo.  Iba-ibang tao iba iba lang talaga ng mga standards!hehhe

Pizza hut ka pala kuya!Di ko alam yun ah!

Ingat

Spike

My Personal Blogs:

Mga kahanginan ng utak ko:

http://utaknidrake.blogspot.com/

Kwentong nagbibigay inspirasyon:

http://akingkwarto.blogspo

aqueouscribe's picture

 nag-apply din ako dati sa

 nag-apply din ako dati sa jollibee at nadinig ko din ang mga magic words. tapos nun di na uli ako nag-apply sa iba.

 

pero ngayon, parang gusto ko uling subukan. kahit sa iba na lang at hindi na sa jollibee. feeling ko kasi mas deserving na matanggap sa jollibee ang mga working students.

--------------------------

www.lapisatkeyboard.blogspot.com 

spike_west's picture

aqueouscribe

Hirap naman ispell at sabihin ang username mo!hhehe

Medyo nagbaba na ng standards ang Jollibee ngayon, hindi tulad ng dati may screening pa talaga!Naks parang starstruck lang!hhehe

Ingat

Spike 

My Personal Blogs:

Mga kahanginan ng utak ko:

http://utaknidrake.blogspot.com/

Kwentong nagbibigay inspirasyon:

http://akingkwarto.blogspo

SSShh.. Secret lang natin

SSShh.. Secret lang natin toh

 

nareject din me nung mag aapply kami ng mga friends ko bago grumaduate ng highschool. reject din ako

 sabi "tatawagan" na lang pero parang "tatawanan" na lang.

pero after 2 months natanggap ako sa first work ko na hindi man lang ako nag aaply.

hehehe

spike_west's picture

Cassandra

Ganda mo naman dyan sa avatar mo, pwedeng makipagkilala!hehehhe

 

Alam ko na kung bakit ka natanggap sa Jolibee dahil sa iyong KAGANDAHAN! Ikaw na artista!hehhe

 

ingat

Spike 

My Personal Blogs:

Mga kahanginan ng utak ko:

http://utaknidrake.blogspot.com/

Kwentong nagbibigay inspirasyon:

http://akingkwarto.blogspo

SSShh.. Secret lang natin

SSShh.. Secret lang natin toh

 

ei spike, sa kasamaang loob hindi ako natanggap hanggang first level lang ako. Reject din ako sa food chain na yun. hanggang ngayon di ko pa din matanggap ahahha. natatawa nga ako dati habang nageexam ek ek kami sa jollibee, kasi kinopya ko pa sa katabi ko yung ibang sagot ahahhaha.

 

uh sure, pwede makipag kilala, nice avatar mo ah, napapagaya ako. hehehe

spike_west's picture

Hehhee!

Sumama ka sa EB next time cassanda para naman makilala kita ng personal!heheh

 

Oo may exam pa nga, dalawang beses pa nga yun eh. Wala lang naman yun para sabihin lang hindi ganun kadaling mag-apply sa Jollibee.

Hahha

Ingat

My Personal Blogs:

Mga kahanginan ng utak ko:

http://utaknidrake.blogspot.com/

Kwentong nagbibigay inspirasyon:

http://akingkwarto.blogspo

SSShh.. Secret lang natin

SSShh.. Secret lang natin toh

 

nakakafrustrate nga mag aaply doon e, ang haba pa nga ng pila noon, tapos yung guard parang asiwa sa porma ko. adik nga e, try ko makapunta ng EB, yung bf ko kasi hindi magtagpo ang schedule namin at ng EB.

 

hehehe

spike_west's picture

Hala

Nagsabi  na ng magic word "BF", wala na! Soplak na!Hahaha! Joke lang

 Isama mo nalang pati sya, mababait kamo kami di nangangagat!

Ingat

Spike

My Personal Blogs:

Mga kahanginan ng utak ko:

http://utaknidrake.blogspot.com/

Kwentong nagbibigay inspirasyon:

http://akingkwarto.blogspo

Jjerald69's picture

ako naman hindi pa nga

ako naman hindi pa nga ako nag-aaplay ay reject na ako kasi gusto nila ipaputol ang aking buhok....dahil bawal daw sa lalaki ang may mahaba ang buhok.. pero ayaw ko ehh.. kaya hindi na lang ako nag pass ng bio-data.

ejejeje... 

-this is what i am, no can ever dictate my personilty-

spike_west's picture

Naks

Eh sana sinabi mo nandun kasi ang lakas mo sa buhok mo! (hehhe parang si samson lang!)

 

Ingat parekoy!

Spike 

My Personal Blogs:

Mga kahanginan ng utak ko:

http://utaknidrake.blogspot.com/

Kwentong nagbibigay inspirasyon:

http://akingkwarto.blogspo

Jjerald69's picture

ayaw ko siyang ipaputol kasi

ayaw ko siyang ipaputol kasi nga bakla po ako.....bahala sila! at saka hindi lang naman sila ang kompanya sa Pilipinas.... pagkarami-rami kaya... mabuti nalang at may call center agency na tumatanggap ng mga katulad kong bakla na may mahaba ang buhok.....eto kahit nag-aaral sa kolehiyo ay pinagsasabay ko silang pareho work at study.... kahit inaantok sa klase minsan pero okey na rin.... at least nasusustentuhan ko ang aking pangangailangan... 

-this is what i am, no can ever dictate my personilty-

spike_west's picture

Ah ganun ba?heheh

Eh kasi nga food business kasi yun eh, hindi naman siguro dahil sa kasarian mo kaya di natanggap. Medyo food handling nga kasi yun kaya sensitibo sila sa ganyan bagay.

 Oo nga call center na lang malaki pa ang sahod!hehhee

Ingat

Spike 

My Personal Blogs:

Mga kahanginan ng utak ko:

http://utaknidrake.blogspot.com/

Kwentong nagbibigay inspirasyon:

http://akingkwarto.blogspo

Ailem23's picture

tirador ng rejection

 ako pagkadami ko ng rejection... sa work, rejected dahil sa height. e anong magagwa ko kung pang-grade six lang ang inabot ng height ko na kahit mag-heels e waley pa rin? rejected dahil mas maganda si applicant number 2 (naka-mini skirt pa at labas ang cleavage habang ako e naka-corpo attire) kesa sa akin... rejected ng napakaraming beses na ng publisher, ng tao, ng lahat... pero kung hindi dahil sa rejection na iyon, I will never be who I am today. 

 Pinapa-experience sa atin ni Lord ang ma-reject para turuan tayong maging mas matapang, turuan tayong magsikap pa, turuan tayong idevelop ang sarili natin for the better. Without rejection, you will never experience sweet success. masarap ang feeling na lumubog ka muna sa rejection at nagpumilit kang umahon bago mo nakuha ang inaasam mo.

 

hehe.. kuyaaaaaa... amisyu...

 

ang iyong pirated na kapatid,

melay 

*****

"Hindi por que magulo ay hindi na maayos. malay mo, ginugulo ka lang talaga para umayos ka." 

www.onlypurehearts.multiply.com

http://www.internetserye.com 

www.newdaybooks.multiply.com

spike_west's picture

Na miss din kita hehhee

Ganun naman talaga eh, siguro sa ngayon medyo mapait pa, pero dyan kasi natin mas matitikman ang tamis ng tagumpay.

Sa mga nabanggit mo na yan, naniniwala ako na hindi na kabawasan sa pagkatao natin ang ma-reject. 

Katulad ng nasabi ko kanina, maraming bagay ang hindi naituturo ng tagumpay kundi nasa kabiguan natin ito sa buhay.

Ingat Melay Mishu!

Kuya Spike 

My Personal Blogs:

Mga kahanginan ng utak ko:

http://utaknidrake.blogspot.com/

Kwentong nagbibigay inspirasyon:

http://akingkwarto.blogspo

hmmmm

Wondering why almost all the jollibee crews were working students? because working students were so easy to convince to work hard with minimum pay. When im still working for that bugsy fast food chain, ang sweldo ko eh 24 pesos per hour and for every fifteenth day of the month, lalagapak sa palad ko ang 800 na sweldo, pero atleast ATM naman. hehehehe. 
spike_west's picture

Yup

Working students, kasi di sila magtatayo ng unyon. Walang kotratang pinipirmahan kaya di ka pwedeng sabihang CONTRACTUAL, kaya kahit anong batas pwede kahit hindi napagkasunduan okay lang.

Isa pa, maliliksi ang mga kabataan.

Yan lang ang ilang sa mga dahilan.

Spike

My Personal Blogs:

Mga kahanginan ng utak ko:

http://utaknidrake.blogspot.com/

Kwentong nagbibigay inspirasyon:

http://akingkwarto.blogspo

Yiennarda's picture

Mahirap talaga...

agree ako jan...  Sobrang masakit ang ma reject... lalong lalo na kung may isang pangarap ka talagang gustong maabot, pero parang feeling mo hindi talaga para sayo ang isang bagay na yun...  kahit sobra ang pagpupursige mo, nakaka babang loob talaga kapag lagi ka na lang nare-reject...  kahit pa sabihin nilang be patient... wag susuko... dadating din yan...

kaya ako, di ako sumusukong mag-audition sa ms philippines... pangarap ko kasi talagang sumali dun... :D       

      http://wattuduyanie.blogspot.com/

       

sinta isaac's picture

...yen!

 

 kaya ako, di ako sumusukong mag-audition sa ms philippines... pangarap ko kasi talagang sumali dun... :D 

 

---- kabog ako diyan!!! Sealed kakaiba ka talaga.  

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

http://leserotika.i.ph/blogs/leserotika/                                                              


Rom's picture

 andeng...you mean Miss Gay

 andeng...you mean Miss Gay Philippines?

 

KarikaTuura

spike_west's picture

Kuya

Baka may height requirement din dun?Wala reject uli si Andeng!

Hahhaha! Joke lang!

Ingat 

My Personal Blogs:

Mga kahanginan ng utak ko:

http://utaknidrake.blogspot.com/

Kwentong nagbibigay inspirasyon:

http://akingkwarto.blogspo

spike_west's picture

Hehhe

May mga bagay na hindi pwedeng pilitin kaya wag ng ipilit. Hahhaha!

Alaminin muna ang limitasyon, ngayon kung alam mo na ang limitasyon mo wag kang tumigil doon pero dun ka magsisimula.

Sumisiryus!hahha

Ingat 

My Personal Blogs:

Mga kahanginan ng utak ko:

http://utaknidrake.blogspot.com/

Kwentong nagbibigay inspirasyon:

http://akingkwarto.blogspo

ang masasabi ko lang sa mga taong nang-reject sa 'kin noon.....

Someday.........and you'll be sorry. hmp....

 

hahahah...me ganun?

 

sumakit ang pisngi ko sa kakangisi.:+D

spike_west's picture

hehhe

Sige Reese balikan mo sila! Umbaging mo sa ngala-ngala!

Hehhee

 

Ingat

Spike 

My Personal Blogs:

Mga kahanginan ng utak ko:

http://utaknidrake.blogspot.com/

Kwentong nagbibigay inspirasyon:

http://akingkwarto.blogspo

Tama ka Spike...

Rejection is not like end of the world, mas magsilbing challenge ito sa atin. Bago marating ng isang tao ang pinakamimithing posisyon sa isang kumpanya, i believe, nakaranas rin naman sila ng rejections. Ito ay kung paano mo tanggapin ang rejections na dumarating sa buhay. Pero kung gusto magtagumpay, balewala ang rejections, try and try until you succeed ika nga.

 

Nice post, Spike.