Night Swimming
Night Swimming
HUMAHANGOS sa pagtakbo ang babae. Actually, lakad-takbo. Sa nakakabulag na dilim ito ng gabi. Namamaybay siya sa panabihan ng may sampung-piyeng bakod ng isang mala-kastilyong mansyong bakasyunan ng kung sinumang nagmamay-ari nito. Papuntang aplaya ang direksyon ng kanyang mga paa. Pero hindi bagay ang kanyang kasuotan sa kanyang papuntahan. Ito ay mahabang puting bestida. Maaaring kung sa may liwanag niya ito suot ay mababanaag ang kanyang underwear, kung meron man. Hakab ang bestida sa balingkinitan pero siksik sa laman niyang katawan. Parang idinrowing sa dilim ang contrast ng kanyang hugis. Umaalagwa sa hangin ang lampas sa balikat niyang buhok.
Iispin mong isang party ang kanyang pupuntahan. Dahil kung magna-night swimming siya, disin sana'y naka-swimsuit ang babae na maaring tinapian lamang ng tie-dyed sarong ang kanyang bikini. Pero hindi nga ganoon.
Maingat niyang binabalanse ang de-takong na sandals sa pagkakasalagwit ng back strap nito sa kanyang hintuturo at hinlalato.
Sa dulo ng mataas na bakod ay ang kapantay nito at malabay na puno ng Talisay. Sandaling titigil rito ang babae. Sa ilalim ng mga dahon nito. Ngunit walang saysay ang tila malaking payong na labay ng punong ito. Hindi ito kailangan ng babae. Walang saysay ang lilim na nilikha ng liwanag ng buwan sa payapang gabi.
Bumuntong-hininga ang babae.
Marahan na ang kanyang hakbang tungo sa huling tagpuan ng agos ng dagat at buhangin. Hindi naganap ang mga inaasahan. Ang maaring pagdating ng kanyang katipan o ang paghuhubad niya ng bestida para maintindihang naka-two-piece bikini nga siya at magna-night swimming. Lalong wala ang posibleng madaratnan niyang beach party na magpapa-amoy barbecue sa hangin o dagundong ng reggae music na babasag sa pag-kaumid ng gabi.
Nauna ang kaliwang talampakan ng babae na nalibing sa basa ng buhangin. Halinhinan na ang hakbang niya. Tiyak ang paglusong sa tubig ng estrangherong dagat. Noong una ay bahagyang nakadipa ang babae na animo ay magpapapako sa krus. Nang umabot na sa dibdib ang tubig, humapay na ang kanyang mga bisig pailalim sa tubig. Kasama ang kanyang sandalyas na binili sa Rustan's.
Payapa pa rin ang dagat. Singpayapa ng Inang tubig na naghihintay sa pagdating ng mga naglimayon niyang ilog, talon, sapa, ilat, kanal, imburnal, poso negro.
Walang pahiwatig ang dagat ng anumang hiwaga nito. Pero nagmumukha itong mapanganib dahil pinagdamutan na yata ang dagat ng anumang liwanag. Wala kahit anong bagay sa kanyang laot. Wala ang hugis ng bundok sa dakong malayo. Walang bangka. Walang mala-Christmas light na kutitap sa banayad nyang alon. Walang kahit ano. Para lamang ito isang napakalapad na black art paper na inilatag kung saan.
Tanging ang lumulusong sa kanya ang makakabatid at makakapagkuwento kung anong mayroon sa dilim nito.
Si Jude ang makakapagsabi
Naroon din si Jude kahilera ngayon ng babaeng nakabestidang puti.
Nagpang-abot pa sila ng babae noong hanggang leeg na nito ang tubig.
Maraming nakalutang na katawan, may ilang metro ang layo sa pwesto ni Jude at ng babae. Tumighim si Jude saka nagtangkang bumoses.
"Ikaw rin?"
Malayo ang tanaw ng target ng boses lampas pa sa kayang abutin ng walang emosyong mga mata ng babae. Maliban sa walang pahiwatig na layunin ng paglusong ng babae, iyon lamang ang mababakas. Naisip ni Jude na talent ng psychic ang kailangan kapag ganoon. Gayundin tiyak ang bitbit ng mga nangaglutang na katawan.
Gayundin naman si Jude. Kanina. Bago niya naisipang bumalik.
Hindi rin nagna-night swimming si Jude. Hindi rin siya naka-trunks o iyong usong surfing shorts na imitation ng Billabong. Nagusot na nga lamang ang nalusak niyang plantsadong long sleeves na nakalupi hanggang sa makaahon ng siko. Hindi na rin nakatuck-in. Halos mahubo na nga ang flat-front khaking salawal niya sa malaong pagkakalubog sa dagat. Alin sa dalawa - may physical reaction ang katad na sinturon para lumuwag kapag nababad sa alat o humuhuho na sa kanyang baywang ang bumigat na tela ng pantalon. Naka-kwintas sa kanya ang sintas ng kanyang sapatos.
Wala nang mababakas na kanina'y galing sa pampang si Jude. Basa na rin ang humulagpos niyang di-kahabaang buhok sa pagkakapuyod nito.
"Huy! ‘Wag ka nang tumuloy!" gulat ni Jude sa babae na lumampas nang kaunti sa kanya. Sinisiklot na ng dagat ang babae. Nakalutang na ang kanyang buhok bagama't lutang pa ang ulo nito ay tiyak na natitikman na niya ang alat ng tubig. Tinupi na ng banayad na alon paitaas ang kanyang bestida. Nagmukhang pugot-na-ulong nakapatong sa basang basahan ang babae. Kaiba sa mga katawang nakalutang sa bahaging iyon na kung hindi nakataob ay nakatihaya.
Ang iba ay namamaga na sanhi nang tagal ng pagkakababad. Ang iba ay maaari pang mapagkamalang naglalangoy lamang sa lalim ng gabi. Pero hindi nga sila maaring mapagkamalang nagna-night swimming. Maayos lahat ang bihis nila at walang sinuman ang naka-swimming attire sa nakalutang na katawan. Tila pawang nang-agaw lamang sila ng eksena sa normal na kairalan ng dagat at gabi.###
| Attachment | Size |
|---|---|
| AGAW EKSENA.doc | 29.5 KB |
inaabangan
inaabangan ko po ang mga gawa niyo.
panaginip nga po...surreal parang si dali.
akala ko ala awakening po ni kate chopin ang mangyayari di pala. ang galing ng shifting sa narration.
gising po ba o tulog yung narrator?
sumasaludo,
vima
Lucid dreaming
nung nakakulong ako may nag-suggest sa akin na mag-practice raw ako ng lucid dreaming. Di ko naman maseryoso dahil puno ng tensyon habang nasa bilangguan.
sub-conscious ang gumagana sa narrator. parang gusto niyang lumahok sa kuwento o maging taga-panuod na lang sa mga eksena. Very thin line sa pagitan niyan.
sayang at di ako pamilyar sa mga foreign titles/authors para magkumentaryo sa kumentaryo mo. make me familiar with kate chopin, pls:-)
wag kang mag-alala, may mga kasunod pa yang ganan din ang tema. pagkakagising ko kasi sa panaginip, sketches/drawing/graphs ang ginagawa ko...tas ilang mga phrases. dini-decipher ko pa yung mga nagawa ko sa loob ng bilangguan para maging kuwento:-) inaagaw ng maraming gawain ang pornographic memory ko minsan e.
hanggang sa muli:-)
.
sabi ni Ricky Lee pagkagising na pagkagising sa umaga kahit di pa nagmumumog, humarap agad sa lapis at papel/makinilya/keyboard at monitor at magsulat dito ng may 15 minuto tuloy tuloy ng kahit na anong pumasok sa isip. ito raw ang pinakamabisang praktis sa pagsusulat ng kwento.
siguro dahil na rin sa pagkagising natin sariwa pa ang napapanaginipan. maganda ang ganitong kwento at exercise ng pagsusulat axel, maraming subconcious plot ang nakukuha sa pagsusulat ng panaginip--kasi nga naman kalahati ng buhay natin naka dedicate sa pagtulog at pananaginip kaya anumang pangitain ang lumitaw dun ay may saysay at di pwedeng sabihing basta panaginip lang.
salamat sa pagbabahagi
lucid
lucid dreaming ang galing naman.
pacenciahan nio na rin po ang faultygraphic memory ko. si kate chopin ay isang american writer at nabibilang sa maraming feminist writers. yung kwento kasi niya sa "the awakening" yung bidang babae lumusong din sa dagat parang magpapakamatay ba. kala ko nung una parang ganun po ang takbo ng kwento tapos di pala.
basahin ko po ulit tong kwento nio tapos kung may mashashare ako sana welcome pa rin po sa inyo.
galing!
vima
all the time
oo, mas mainam kung makakapagbahagi ka ng mga insight mo:-)
sa loob ng bilangguan, lahat na halos ay maiiisip mo para lumipas ang oras. kaya pati iyang lucid dreaming na tinatawanan ko noong una ay pumukaw sa interes ko. kapag naperfect mo raw ang lucid dreaming, maari kang pumasok sa panaginip ng may panaginip at doon kayo mag-usap, sabay na kumain, tumakbo, mag-sex, mag-videoke <-- ang lahat n'yan ay w/consent ng bawat isa. Interesting, noong mahaba pa ang oras na pwede kong ilaan sa tulog. Hindi na ngayon:-)
Trivia: 150+ books ang nabasa ko. 143 ang tula na nasulat. 6 na short stories. santambak na drafts ng essay. 48 Mongol pencil ang napudpod ko. 3 regular notebook ang naubos. <-- ganyan ang puwede mong gugulin sa LOOB NG 859-DAYS SA LIBINGAN NG MGA BUHAY
Hindi Feminist
Hindi Feminist si Kate Chopin, unaware siya sa feminist movement or sa femisnist reading/body politics dahil wala pa ang suffragette movement sa states nung buhay siya, tapos sila emma goldman ay nasa labor pa ang focus nung time na yun at wala sa US ang movement nila.
Naging feminist lang ang reading kay chopin ng mga peeps nung '60s nung nauso ang sexual liberation, dahil sa mga femisnist profs sa states..
---------------------------------------------------------------
http://www.dagangkanal.blogspot.com changes lives!
oo
FAULTYGRAPHIC MEMORY:
kasi dati di pa naman talga solid yung ganung concept baga, pero usually kasi ganun siya basahin...pero pwede naman marxist hehehe di ba?
usually yung iba di naman aware sa una kung anong movement sila nabibilang nadedefine na lang sa tagal ng panahon kung pwede ba idefine yun.ewan...di ko rin alam eh.
vima
Tama yan
salamat J.luna sa information.
tama yung philosophy mo Amaranta (magkaanu-ano kayoni J.?), laging nauuna ang praktika sa teorya... well, Marksistang pananaw yan:-)
magkeskwela
magkaeskwela po...wisik wisik lang ang alam ko sa mga teorya tapos minsan nakakalimutan ko pa. ok dito kasi narerefresh baga yung mga dating napag-aralan.
vima
Lucid dreaming
Try mo yung automatism o automatic writing ng mga surrealist.
Yun ang ginagamit ko pag nagsusulat ako.
Yung magsusulat ka pero, kung ano ang pumapasok sa utak mo yun ang isusulat mo at babasahin mo lang ito pagtapos na, tapos wala kang ie-edit.
Dun mo malalaman ang takbo ng utak mo o kung ano ang psychological state.
---------------------------------------------------------------
http://www.dagangkanal.blogspot.com changes lives!
ok
ok nga yung experiemnt na ganun kasi ang pagkukuwento minsan di naman organisado...siguro kasi ganun ako magkipagtkwntuhan o tsismisan sa totoong buhay.
sige dami ko na aaralin lucid dreaming tapos automatic writing.
vima
Hi, po!
Medyo na konfuse po ako bandang huli, pero kung sa bagay ang mga panapanaginip ay hindi palaging tunog sa pagpahayag ng istorya. Tinitiyak ko na itong si Jude ay nahulug sa barko at siyang tanging tauhun na na-survive dito at yung iba ay patay na. Kung mali po ang aking pagiintindi, pasensya na po. Maliban sa mga paraan o istilyo ng inyong pagsusulat, marami po akong natututunang salitang Tagalog sa pagbabasa at dito po ako nagpapasalamat.
Hindi ko pa po natatapos ang unang pinost ninyo dito pero balak ko po itong tapusin sapagkat sinisikap ko po talagang matutu ng husto. Ang naaalala ko lamang ay natawa po ako sa dialogue doon sa sinulat ninyong, "Kumpisal ng Lalakeng Kinidnap at Ninakawan ng mga Bandido at saka Itinago ng Tatlong Gabi't Dalawang Araw sa Lumang Impyerno."May pagkacomedy pala siya. ha ha ha. Ipinirint ko po para masmadali basahin at sa ngayon, nasa 3rd page palang po ako. 7 pages po siya sa papel. ^^;
ako rin, nalito
hey Pmel:-) hindi ko naisip yung lumubog na barko kung di mo pa naungkat. hehehe sa panaginip kasi ang interpretation ko ay "mass suicide" ang pinuntahan nung babae na siya ring pinanggalingan ni Jude na sa hindi malamang dahilan ay nagback-out sya.
bukod sa attempt kong isulat ang laman ng panaginip ko, pinapraktis ko rin sa kwento na mag-drowing ng mga larawan sa pamamagitan ng salita.
Mass suicide!
Naiintindihan ko na po. Salamat po, Sir Axel! Ako rin ay nagpapraktis din pero kulang pa rin sa pagsanay.
Salamat po sa inyong pagpaliwanag. :)
hehe
ang interpretasyon ko naman... di pa alam ni jude na patay narin siya kaya nag eeffort siya kausapin yung babae hehe
ikaw nalang ba naglagay ng pangalan..? o dinikta din yan sa panaginip mo..?
ako, mas madalas makapanaginip ng mga namatay nang tao... haha! wala lang.. nai-share lang.. :D
Hanep
Galeng nung ideya na yun Prettyfhe:-)
Ang Jude ay kathang-isip ko na lamang. walang pangalan yung lalake sa panaginip. Yung Hey Jude na kanta ang nagtulak sa akin na gamitin yang pangalan na yan.
ngayon ko lang nabasa ito ng lubusan...
nasimulan ko na ito dati, pero ngayon ko lang natapos. astig yung twist sa dulo, lufet! i'll read more of your works in the coming days. Ü
I'd love to turn you on...









Marunong din akong managinip.
Hindi porke aktibista, hindi porke rebolusyunaryo ay hindi na ako capable sa mga kathang-isip. Nananaginip din ako! :-)
At 'yang nasa itaas ay isa sa mga produkto ng mababaw-na-tulog sa loob ng bilangguan.
www.skandalus.multiply.com