?
Hindi ako...
namumuhi
mapaghiganti
mapagmahal
maalaga
makasarili
mapagbigay
kulang
nangangailangan
naghahanap
madamdamin
matapang
matalino
takot
hangal
buhay
patay
huwad
O
totoo.
Hindi ako sino, na...
kilala mo
akala mo kilala mo
gustong kilalanin
kailangang makilala
mahalagang makilala
dapat makilala
pwedeng makilala
O
talagang
importanteng
makilala
dahil
hindi ako...
ang lahat ng bagay
ang bagay na ‘to
ang bagay na ‘yan
ang ibang bagay
kahit anong bagay
buong bagay
O
walang anumang bagay
at
wala akong
pangangailangan
sa ‘yo
sa lalaki
sa babae
sa kanya
sa kanila
dito
d’yan
tayo
O
kami.
Ayokong...
mabuhay
mamatay
pumatay
malunasan
makadama
kumalinga
mag alala
malaman
magkaroon
kumapit
mawalan
magtago
maligtas
O
magparaya.
Dati
gusto ko
kailangan ko
dahil nakalaan
dahil pinagkatiwalaan
dahil sinubukan.
Pero ngayon
ayoko
ayaw
hindi
at
hindi na,
kaya...
alis!
takbo!
tago!
akyat!
gapang!
lipad!
O
mamili
na manatili
dahil
ako
ay ako
at kung sino ako
ay ako
ay
ako.
At
minsan
paminsan-minsan
walang minsan
halos minsan
itong minsan
O
iba pang minsan
ako ay...
hindi kahit
sino
na kilala ang
kahit sino
sino man
lahat-lahat
at hindi
mo kilala
n’ya kilala
nila kilala
O
kahit ako
di ko kilala
‘yan.
Sino
ako?
sino
ka ba?
sino
tayo?
sino ba talaga
ang may pakialam
o may pangangailangan
na malaman
kung
anong
putang ina
tayo?
Sino.
?
=)
you said it all, Adlesirc.
thanks for reading.
galing mo sir!!!! marami po
galing mo sir!!!! marami po sanang ganito...tagabasa lang din po...di po kayang magsulat...
Tiny...
salamat sa pagbasa at sa pagbuhay ng post na to. at salamat at nagustuhan mo ang mga gawa ko na wala naman akong tiwala :) kc sumusubok lang din naman ako magsulat. tulad mo rin ako dati, nagbabasa lang.
try mo rin sumulat. umpisahan mong isulat ung mga salitang malapit sa yong puso.
salamat po!
matagal tagal po akong di nakadalaw sa site nato dahil abala po sa trabaho...(sangkatutak po cla!) 2 am napo ako natulog kagabi sa pagpipilit na basahin lahat mga sinulat mo ksi ang sabi ko...pag diko nabasa ang mga iyon di rin naman ako makakatulog...stress siguro ang tawag sa nararamdaman ko kagabi kaya naisipan kong pumasok sa site...may kaunting budbud ng spirito ni emo na tila ba trip mag senti....ang totoo matagal tagal konang di ginawang tumawa! muntik ko na ngang malimutan kung kailan yung huli...buti nalang pinaalala mo..."kagabi" oo kagabi huling tumawa si teena pagkatapos basahin ang mga gawa ni closest writer...sulit ang pagpupuyat!...sulit na sulit!!!hehe..about po sa pagsulat milyong milyong sakong bigas pa ata ang dapat kong kainin bago mangahas makapagsulat...ni mangahas di ko po ata magagawa... (pantasya po ata iyon para sa akin..engrandeng ambisyon!!!)kailangan ko munang magsipag at matututong magbasa,na pilit kong ginagawa sa ngayon gaano man kaabala.. ang haba na ata ng comment ko baka di kona maisumete sa haba pero salamat po ulit...best wishes po sa inyo ni luca...kainspire po kayong dalawa!. naks!.may ganon pa!feeling close?!!! Godspeed po!at hangang sa muli...




?
i like this part -
"hindi importanteng makilala dahil hindi ako ang lahat ng bagay"
emo, self pity, down to earth, low profile, no confidence, loner.